Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12. Pinakamadilim na Sulok ng Aking Buhay


12. Pinakamadilim na Sulok ng Aking Buhay

Sa pinakamadilim na sulok ng aking buhay,
Naroon ang aking mga luha at isang madugong kutsilyo
Na sa tuwing nakikita ko ang mga bagay na iyon,
Lahat ng alaala ay bumalik sa aking isipan at puso.

Lahat ng mga alaala na gusto ko nang kalimutan,
Ngunit lahat ng mga iyon ay bumabalik kinalaunan
Lahat ng hamon, lahat ng sakit
Lahat ay nananatili pa rin sa aking katauhan.

Ang sakit ng nakaraan,
Lahat ng mga pagsubok at pagkakamali
Na ginawa ko sa aking buhay,
Gusto kong nang kalimutan 'yon lahat.

Ngunit hindi ko magawang makalimutan,
At hindi ko rin mapapatawad
Ang lahat ng maling mga bagay na aking nagawa,
At sa mga bagay na lalo ko pang napalala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro