Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter25 : Secret

Sorry kung matagal akong di nagUD :( hinintay ko kasing maayos yung wattpad eh. Sana okay na ngayon.

___

Third Person's POV

"Chanyeol, pang-ilang araw na natin 'to? I lost track of the days eh," Baekhyun asked, doing his homework while talking to Chanyeol on the phone. "Parang 11 days na tayo. Magtu-two weeks na tayo," sagot ni Chanyeol at ngumiti sa kabilang linya. Patuloy parin ang paguusap ng dalawa. Tungkol sa kalungkutan at kasiyahahan pero, naputol ito bigla nang biglang pumasok ang nanay ni Baekhyun sa loob ng kwarto nya.

"Ibaba mo yang cellphone mo," sabi nito tapos nilapitan si Baekhyun. "Bakit naman po? Ginagawa ko naman yung-"

"Natuto ka nang sumagot nung naging kayo nyang lalaking yan! Akin na nga yan. Mag-aral ka ng maayos," sabi nito at naglakad palabas tapos inagaw kay Baekhyun yung cellphone. Lumabas ito sa kwarto habang dala-dala ang cellphone ni Baekhyun.

Hindi pa natapos ni Baekhyun ang tawagan nila ni Chanyeol kaya nandoon parin si Chanyeol sa kabilang linya. Balak na sana nyang tapusin ni Chanyeol yung tawag kaso, bigla nyang narinig ang paghikbi ni mrs. Byun.

Natahimik sya dahil dito. He wants to know the reason behind everything that's happening. Kung bakit ganito ang trato nito sakanya at kung bakit bigla syang nagbago.

"S-sana hindi na 'ko pumayag," mahinang sabi ni mrs. Byun at umupo. Narinig naman ito ni Chanyeol. "Kung hindi kita hinayaang umalis sa tabi namin ng mga anak mo, hindi ka naman maghahanap ng ibang babae. Sabi mo samin di ka makakauwi. Pero sa totoo dahil kasi yun sa lintek na yan!" Lalo pang lumakas ang pagiyak nito. "Edi sana masaya si Baekhyun kay Chanyeol."

Agad namang nagduda si Chanyeol kung bakit ganun ang sinasabi ng nanay ni Baekhyun. Parang connected sakanya yung problemang dinadama nito. What could it be?

"Bakit yung mama pa ni Chanyeol yung pakakasalan mo? Dahil ba mayaman sila? B-bakit kasi-"


Nakarinig si Chanyeol ng malakas na pagbagsak sa kabilang linya. Nanlaki ang mata nya dahil dito tapos sinigaw nya ang pangalan ng nanay ni Baekhyun pero hindi ito sumagot. Agad syang tumakbo papunta sa kotse nya tapos tumawag ng ambulansya paa papuntahin sa bahay nila Baekhyun.

Pagkarating nya doon ay hindi pa nakakarating ang mga ambulansya. Binuksan nya ang gate na hindi nakakandado tapos dumiretso sya sa terrace ng bahay. Doon, nakita nya si Mrs. Byun na nakahilata sa sahig na walang malay.

Nang marinig ni Baekhyun at Sehun ang tunog ng ambulansya, napatakbo narin sila papunta sa terrace. Both cried when they saw their lifeless mom.

___

"Sir Byun, may sakit po yung mom nyo 4 weeks ago. Lumala ito dahil sa stress at sa iba pang hindi maganda sa kalusugan. Siguro maraming beses din syang hindi kumain."

"How is she doing? Kailan sya pwedeng ilabas dit-"


"I'm very sorry for your loss."


Napaupo si Baekhyun sa sahig sa mga narinig nya. Hindi naging maganda ang huli nilang paguusap. May galit din syang itinanim dahil sa ayaw ng nanay nya kay Chanyeol. Ngayon, wala na syang pag-asang humingi ng tawad.


Chanyeol heard everything. Everything about his mom getting married to Baekhyun's dad. He can't tell Baekhyun yet. It will surely break him apart. He needs to tell it to Baekhyun soon, but in the right time.


___

Pina-cremate na ni Baekhyun at Sehun ang labi ng kanilang 'nay. Wala na talagang pagasa na mabubuhay pa sya pagkatapos ng oras na 'yon. Baekhyun felt really guilty dahil sa lahat ng ginawa nya. Pakiramdam nya rin ang tanga nya dahil hindi nya alam na nagkasakit na pala ang nanay nya.


"Baekhyun, get some rest. Kahapon ka pa hindi natutulog," sabi ni Chanyeol habang pinapanood si Baekhyun na nakatulala sa pader. Baekhyun shook his head slowly. Dahil dito, napilitan si Chanyeol na buhatin si Baekhyun papunta sa kwarto nito.


Nilagay nya ito sa kama tapos tumabi sya dito.



"Baekhyun, I-I'm sorry. Siguro kung hindi kita tinawagan nun buhay parin si mrs. Byun. It's my fault, I'm sorry," sabi nya habang nakahawak sa malambot na kamay ni Baekhyun. Baekhyun sighed while staring at the plain, white ceiling. "Pupuntahan ko si tay. I'm going to talk to him. Papauwiin ko sya."



"No. I mean bakit naman? Pwede mo namang itawag yun diba?" tanong ni Chanyeol. Tumingin pabalik si Baekhyun kay Chanyeol tapos ngumiti sya dito. "I can't loose him, too."


____

Chanyeol decided to sleep with Baekhyun that night to make Baekhyun feel better. Sya ang nagluto ng pagkain, gamit ang technique na tinuro sakanya ni Baekhyun noon. He didn't leave Baekhyun and Sehun. Even Luhan was there.


Hindi nawala sa isip ni Chanyeol ang mga nangyayari. Anong sasabihin nya kay Baekhyun? Pano kapag nalaman yun ni Baekhyun? Magagalit kaya ito sakanya? Sobrang ang dami ng mga tanong na lumilipad sa isip ni Chanyeol.

___

T B C

Sorry kung ang ikli tsaka ang ewan >< babawi ako next chapter promise! At malapit na tong matapos ^^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro