Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter24 : Let Her

Dedicated sayo~
comment kayo pag gusto nyo padedicate ^^


_____


Third Person's POV


"Psst."



"Gising na."



"Chanyeol, gumising ka na."



"Chanyeol."



"Aba, ayaw mo ah."



Kiniliti ni Baekhyun si Chanyeol na nakahiga parin sa kama hanggang sa nagising ito at natawa. Eto ang pinakaunang linggo nila bilang magkasintahan at sobrang saya ni Baekhyun dahil pinaramdam talaga sakanya ni Chanyeol kung gaano sya nito kamahal nung mga nakalipas na araw.


"Gigising ka naman pala eh!" nakangiting sabi ni Baekhyun kay Chanyeol na nakapikit habang nakangiti. "Goodmorning, Chan-" Natigil si Baekhyun dahil hinila at pinahiga sya ni Chanyeol sa tabi nya.


"One week," sabi ni Chanyeol, tunog bagong gising ang boses. Lumingon sya kay Baekhyun na nakangiti sa tabi nya. Piningot nya ang ilong nito tapos umupo mula sa pagkakahiga. "Yah! Akala ko ikikiss mo 'ko eh," nakapout na sabi ni Baekhyun.


Chanyeol laughed then kissed the tip of Baekhyun's nose. Baekhyun wrinkled his nose while Chanyeol was still kissing him. Tinulak nya si Chanyeol pagkatapos, tapos binato nya kay Chanyeol ang isang bear na stufftoy.


"Why?" tanong ni Chanyeol habang nakangiti ng maluwag. Pinulot nya yung bear na hinagis ni Baekhyun tapos lumapit sya dito. "Pag sinabi kong kiss, ganito po yun." Tumingkayad si Baekhyun para maabot ang labi ni Chanyeol tapos binigyan nya maikling halik.


Tumango naman si Chanyeol habang nasa tapat nya parin si Baekhyun.


"Aalis na pala tayo mamaya. Let's pack our things up," sabi ni Baekhyun tapos nagayos ng gamit. Ginawa naman ni Chanyeol ang sinabi sakanya ni Baekhyun.


Pagkatapos nun ay nagyadong sila sa banyo tapos nabuntis si Baekhyun. Pero syempre joke lang yun.


Pagkatapos nilang maghanda't magayos ng sarili nila, dumiretso sila sa airport. Gumanito't ganyan pa sila doon hanggang sa makasakay na sila ng eroplano nila. Hehe, mas masaya kasi kapag pinapaikli yung mga ganun.


___


"Omg, Sehunnie, andyan na sila! Mababalik mo na yung brip mo!" sigaw ni Luhan habang tinuturo si Chanyeol at Baekhyun na kakalabas palang ng airport. Agad syang tumakbo papunta sa dalawa tapos niyakap nya ng mahigpit ang best friend nya.


"I miss you! Kamusta pala yung honeymoon nyo?" tanong ni Luhan. Tinulak palayo ni Baekhyun ang mukha ni Luhan tapos umirap sya dito. "Honeymoon ka dyan! Birhen pa 'ko!" sigaw nito tapos hinagis kay Luhan ang bag na dala nya.



"Nasan pala si Nay? Bakit wala sya dito?" tanong ni Baekhyun kay Sehun na nagbubukas ng pinto ng sasakyan. "Ahh.. Sa bahay ka nalang daw nya hihintayin kasi may ginagawa sya," sabi ni Sehun.


Pumasok sila sa loob ng kotse at nagsimula namang magdrive si Sehun. Pinatong ni Baekhyun ang ulo nya sa balikat ni Chanyeol.


"Hmm.. Anong meron sainyong dalawa? Chanyeol, ano 'to?" tanong ni Luhan habang nakatingin sakanilang dalawa. Chanyeol kissed Baekhyun's forehead then smiled at Luhan. "Ohh, Sehun, sila na!" sigaw ni Luhan. "Hyung, ikaw naman pala yung nakuha ni Chanyeol eh. Hindi yung virginity mo," biro ni Sehun habang patuloy na nagmamaneho. "Tumahimik ka nga! Hindi ko ibalik brip mo nyan eh."


Nang makarating sila sa bahay, agad na tumakbo si Baekhyun papunta sa loob at hinanap ang nanay nya. Nakita nya ito sa kusina na naghuhugas ng pinggan. Agad nya itong nilapitan at niyakap.


"Baekhyun, nakabalik ka na pala," sabi nito at pinunasan ang kamay nya para mayakap si Baekhyun pabalik. "Namiss po kita," sinabi ni Baekhyun sa malambing na tunog. "Gusto ko po na malaman nyo na.." Hinila nya si mrs. Byun papuntang sala para ipakita si Chanyeol.


"Gusto ko po na malaman nyo na.. Kami na po ni Chanyeol," nakangiting sabi ni Baekhyun. Tumango naman si Chanyeol sakanya.



"H-ha? Kailan pa?" nagtatakang tanong ni mrs. Byun. "Last week pa po."


"Uhh.. ganun ba?" sabi nito at tumalikod sa dalawa. "Pasensya na sa inyong dalawa pero, hindi ako sangayos sa pagsasama ninyo bilang magkasintahan. Mga bata pa kayo at si Baekhyun gusto kong makapagtapos." Maglalakad na sana sya palayo pero hinila ni Baekhyun ang braso nya.


"What? Bata pero si Sehun na mas bunso pwede? Akala ko gusto mo si Chanyeol? Diba? Bago kami umalis dito gusto mo sya. Ano po bang nangyayari sayo? Bakit bigla-" hinila ni Chanyeol ang kamay ni Baekhyun tapos hinayaan nalang nilang dalawa na umalis si mrs. Byun.


___


"Hindi ko talaga maintindihan 'to. Siguro kailangan kong ipacheck-up si nay. Hindi naman sya ganyan bago tayo umalis. Bakit ba bigla nalang na ayaw nya sayo? Ginagawa nya pang excuse yung pagaaral ko," sabi ni Baekhyun habang nasa tapat sila ng gate ng bahay nya.


Bumuntong hininga si Chanyeol tapos kinuha nya sa bag nya yung kwintas na may letter C. Nilagay nya 'yon sa leeg ni Baekhyun. "Kahit naman na sinabi nya yun 'di mo naman ako iiwan, diba? Baekhyun, remember this. Kahit na maraming humarang sa pagitan natin. Maging pader man yan o bundok, ipromise mo sakin na hindi tayo susuko. Let her try and break us, but don't let it seperate us."


Ngumiti naman si Baekhyun kay Chanyeol tapos niyakap nya ito ng mahigpit. "Ako na mismo magsosorry sa sinabi nya. Sorry, Yeol. Promise, hindi ako lalayo sayo. I'm sorry." Chanyeol hugged him back then said, "It doesn't matter. It's okay."



___


"Thank you so much Baekhyun! Dahil sa ginawa mo, bibigyan ka namin ng full scholarship buong school year at, kapag may projects, ang school na ang bibili ng mga gastusin. Once again, thank you for your hardwork. Ikaw din, Chanyeol. Salamat."


Nagbow ang dalawang magkasintahan bago lumabas sa office ng principal nila. Sabay silang naglakad sa hallway para dumiretso sa mga classroom nila. Syempre, kapag naglalakad sila hindi natin maiiwasan yung nga nagbubulungan.


"Sila na daw? Grabe, si Park Chanyeol nahulog sakanya?"



"Narinig mo ba? Nag-make out daw sila doon. Dapat pala hindi nalang silang dalawa yung magkasama."



"Omg, ang cute nila! Sana si Baekhyun na yung tuluyang magbago kay Chanyeol. Sana tumagal silang dalawa."


Papasok na sana silang dalawa sa classroom nang biglang humarang si Yura sa pinto ng classroom ni Baekhyun.


"Remember what I told you?" walang emosyon nyang sinabi. "H-ha?"


"I told you dati na kapag hindi mo naabot standards ko lagot ka sakin?"



"A-ahh oo," nanginginig na sabi ni Baekhyun.


"Binabawi ko na yun! Malaya na kayong dalawa hahaha, tinatakot lang kita. Sa totoo lang Baekhyun gusto talaga kita eh. Alagaan mo si baby brother ko ah? Sige mauna na 'ko."


Naiwan lang si Baekhyun doon na may malaking question mark sa mukha. He shrugged then went in the classroom. Nang makapasok sya, naabutan nya si Kyungsoo na malawak ang ngiti sa sarili.


"Anong nangyari?" tanong ni Baekhyun tapos tumabi kay Kyungsoo. "Si Kai ang umayos sa problema ko. Kinausap nya yung dad ko hanggang sa pumayag ito. Ngayon bumalik na ang lahat sa dati. Thanks to him," sagot nito, malawak parin ang ngiti.


____


T B C


this chapter is -__- but yeah. Sa mga nakaabot sa dulo, thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro