Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter23 : Stars

Uhh, guys medyo tinatamad na kong magupdate dito kasi hindi na kayo nagpaparamdam :( or baka lang sadyang ayaw nyo ng basahin kasi ang boring na tsaka super korni ko. Pero kahit ganun tatapusin ko to. Kahit na umabot nalang sa 0 votes sa dulo xD

mahal ko kayong lahat~ para sainyo 'to~

___

Chanyeol's POV

"Ano na ang gagawin natin ngayon at nahanap na natin lahat? Uuwi na ba tayo?" tanong sakin ni Baekhyun tapos itinabi ang koleksyon ng seashell na nahanap ko nung nakaraang linggo. This is our last week in this island.

"Hindi, sayang naman yung huling linggo. Bawal ba tayong mamasyal?" tanong ko sakanya. Napakibit balikat naman sya tapos umupo sa tabi ko sa kama. Kinuha nya yung cellphone nya na naka-charge tapos pumunta sa sa contacts. Pinanood ko sya habang nagiiscroll sa contact list nya. Pinindot nya yung pangalan nung teacher nya.

Inagaw ko sakanya yung cellphone tapos tumayo ako nang sinubukan nyang agawin pabalik. "Chanyeol, ano ba? May sasabihin ako sakanya!" sigaw nito at tumalon talon pero tumingkayad ako kaya hindi nya ulit naabot. "Magpapaalam ka ba? Baekhyun, you shouldn't tell her. Hindi naman nila alam na wala na tayong hinahanap ah," sabi ko sakanya. Tumigil sya sa paglundag tapos umupo sya ulit sa kama. "Oo nga."

"Tara, punta tayo sa malayo," sabi ko tapos hinila ang kabila nyang kamay. "Saang malayo? Tinatamad ako," sagot nito tapos hinila pabalik ang kamay nya. Binaba ko ang cellphone nya sa kama tapos binuhat ko sya mula sa kinauupuan nya. Alam nyo na kung anong klaseng pagbuhat yun diba? Hehe.

"Chanyeol, ano ba?!" Lumabas kami ng kwarto tapos sinara ko ang pinto gamit ang isang kamay ko. Bumaba ako ng hagdan hanggang sa makalabas kami ng hotel. Pagkarating namin sa baba binitawan ko sya tapos yung kamay naman nya yung hinatak ko.

Tumakbo kami ng tumakbo at habang tumatakbo kami hindi nya tinigilan ang pagrereklamo. Pero di ko sya pinansin. Dumiretso kami sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa lugar kung san hindi na sand ang tinatapakan.

"Chanyeol-" sabi nito at huminga ng malalim. "Pinagod mo 'ko! Nakakainis ka na talaga!" sabi nya tapos hinampas ang batok ko. Tumawa lang ako habang pinapanood syang humihingal.

"Nasaan ba tayo?! Ano bang gagawin natin?" Tinuro ko yung parte kung saan may mga bike na makikita. Lumapit kami dun tapos inakbayan ko sya. "Bike tayo," sabi ko tapos tumingin sakanya ng nakangiti. Hindi sya sumagot ng ilang segundo tapos naglakad ng kaunti papalayo sakin.

"H-hindi ako marunong magbike," sabi nito tapos yumuko. "Ha? Eh diba kung natatandaan mo nagbabike tayo nung bata tayo? Ako pa nga yung nagturo sayo, di ba?" tanong ko sakanya. Nilapitan ko sya sa pwesto nya tapos tumingala sya sakin.

"Kasi nung.. umalis ka medyo natutumba parin ako. Nung nagbabike ako magisa iniisip kita tapos hindi ko na napapansin kung san ako papunta kaya.. nahulog ako sa medyo.. medyo lang naman.. medyo mataas na hill tapos nabangga ako sa bakod ng bahay ng ibang tao tas nasira ko. Pagkatapos nun natakot na 'ko kaya hindi na ko nagbike," kwento nya.

Kahit na hindi na ko sumagot, pumunta ako sa isang lalaki doon at nagrenta ng isang Japanese Bike. Dinala ko ito sa tapat ni Baekhyun tapos pinalo ko yung upuan nung bike ng dalawang beses. "Sakay, tuturuan kita ulit." Agad naman syang umiling at sinabing, "Yah! Hindi na nga ako sanay diba? Baka mahulog nanaman ako!"

"Sasaluhin kita," sabi ko tapos ngumiti ng normal. Normal. Hindi yung ano. Yung ganun.

"Sigurado ka bang kaya mo 'kong saluhin?" tanong nya tapos tinignan ako ng may halong kakaibang meaning. Tumango ako sakanya tapos hinintay syang sumakay. Oo Baekhyun, sasaluhin kita.

Nang makaupo na sya sa bike, tinulungan ko syang balansihin ang sarili nya. He started pedaling and I was behind him, holding on the bike's seat.

"Sige Baekhyun, bibitawan na kita, ibalanse mo lang," sabi ko at hinanda ang sarili ko sa pagbitaw pero bigla nyang tinigil ang bike. "Hindi mo pa 'ko nasasalo, bibitaw ka na?" sabi nya, hindi nakatingin sakin.

Natawa ako ng mahina sa sinabi nya. "Ang ibig sabihin ko sa bike. Syempre kailangan kitang ilet go, pero tandaan mo na handa parin akong saluhin ka kapag mahuhulog ka," sambit ko sakanya. Hinawakan ko ulit ang upuan ng bike at hinintay syang sumakay.

Tumango sya habang nakangiti tapos sumakay ulit at pumedal. Pagkalipas ng ilang padyak pinalaya ko sya at deretso syang nagbike. Tumakbo nalang ako pasunod sakanya.

"Chanyeol, me-medyo kaya ko na!" sigaw nito. "Ang sarap sa pakiram-"

Ayun buti nasalo ko.

Akala kasi nya kaya nya nang magbike ng walang kamay. Ayan tuloy nahulog.

"Ayos ka lang ba?" sya ang nagtanong sakin. Tumango ako tapos tinayo ko kaming dalawa. Inayos nya yung bike. "Sorry.. akala ko kasi kaya ko ng bitawan eh," sabi nito sabay punas sa tunod nyang nadumihan. "Salamat pala."

"Sabi ko sayo sasaluhin kita."

____

Kinailangan naming magbayad ng extra sa bike kasi nasira namin yung manibela, pero okay lang. At least may natutunan si Baekhyun ngayon at sumaya sya. Masaya na rin ako dun.

Mag-gagabi na at lumubog na ang araw. Yung mga bituin paisa-isang dunadating.

Sabay kaming naglalakad ni Baekhyun ng nakapaa sa may baybayin ng dagat habang tumitingin sa mga bituin.

"Chanyeol, kung may sasabihin ka sabihin mo na. Parang kanina ka pa naiinip eh," sabi nya habang nakatingin sakin. "Upo muna tayo." Sabay kaming umupo sa buhangin, nakatingin parin sa mga bituin.

"Bilangin mo yung stars," sabi ko sakanya. Mahinhin syang tumawa. "I think alam ko na kung ano yung sasabihin mo. Sa tingin ko sasabihin mo 'Ganyan kadami ang pagmamahal ko sayo'," sabi nito.

"I will never say that. Masyadong nauulit."

"Psh. Edi ano pala?"

"Ang sasabihin ko ay.. Ganyan kadami magiging anak natin."

*bok*

"Gague, para namang mabubuntis ako. Ano nga ba kasing sasabihin mo?! Babalik na 'ko kapag hindi ka umayos!" sigaw nya tapos naghagis ng bato papuntang dagat.

"Bilangin mo yung bawat butil ng buhangin."

"Ganyan kadami magiging anak natin?"


"Hindi."


"Edi ano pala?"


"Wala lang. Bilangin mo lang."

Tumayo si Baekhyun sa pagkakaupo tapos naglakad papalayo sakin. Natawa ako bago sya habulin.

"Uy, Baekhyun babes ko!"

"Lumayo ka nga sakin! Laki ng tenga mo, shoo!"

Hinatak ko yung isa nyang kamay tapos hinarap ko sya sakin. Ngayon medyo malapit na kami sa hotel at may mga halaman na nakapalibot samin.

May music din na tumutugtog na galing sa mga violin na nasa loob.

"Baekhyun, listen," sabi ko at tinignan sya ng deretso sa mata. "Alam ko naman na alam mo kung gaano kita kamahal. I'd search for everything that you need like those seashells, pero hindi doon nasusukat ang pagmamahal. Hindi ito sa mga materyal na bagay na maibibigay ko pero sa kung paano kita tunguin at tiisin."


"Teka, ano ba 'tong pinagsasabi mo?"

"Listen, alam ko naman na hinintay mo na rin ang araw kung kailan ko 'to tatanungin sayo, diba? I know because I can see it in your eyes. Now, eto na. Pasensya ka na kung wala akong maganda o grandeng hinanda ngayon para sa araw na 'to, pero ako. Binibigay ko ang sarili ko sayo ngayon."

"Chanyeol hindi kita maintindihan, nagbibiro ka nanaman ba?"

"Ngayon ko na itatanong 'to at alam ko nang nakapagisip ka na ng mabuti. Baekhyun. Ang taong nagturo saking magmahal ng totoo at hindi loko. Baekhyun, sasagutin mo ba 'ko?"

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Baekhyun ngayon. Pero sa nakikita ko medyo naluluha sya at napapangiti rin sya. Hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko. Masyadong mabilis ang pagtibok ng puso ko. Sobrang bilis.

"Oo, Chanyeol. Payag na 'ko."

Binalot nya ang mga braso nya sa leeg ko at hinila ako sa isang yakap. Unexpected pero may fireworks na nagpaganda gabi habang nandito kami.

"So, sakin ka na? You're mine now? Wala ng iba?" tanong nya. "Yes, I'm all yours now."

Nang mapagdikit namin ang labi namin, mas lalong lumakas ang putok ng fireworks. We both laughed in our kiss pero sabay naming binalik ang halik hanggang sa naubusan kami ng hininga.

"Tungkol sa lahat ng pinabilang ko sayo kanina! Ang lahat ng yun, kahit paghaluhaluin! Ganun katagal kitang mamahalin!"

"Haa?!!" sigaw nya dahil hindi nya marinig sa lakas ng fireworks.

Natawa nalang ako tapos hinila ko sya ulit para sa isa pang halik.

_____

T B C

Alam ko mabilis :< pagpasensyahan nyo na kung ganun! Sana naenjoy nyo ^^ sorry pala sa mga typo. Nakaphone lang ako mehehe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro