Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter22 : RIP Chanyeol

dedicated sayoo :*

___


Third Person


Pinagdududahan na ni Baekhyun si Chanyeol dahil palagi na itong nawawala. Minsan kapag tulog na sya, tsaka palang ito nakakabalik. Nagtataka sya kung saan ba talaga pumupunta si Chanyeol. Alam nya naman kasi na baka pala sa ibang kwarto na si Chanyeol tumutuloy.



Humiga si Baekhyun sa kama nila at pumikit habang hinihintay si Chanyeol. Maya-maya lang ay di na nya namalayan na natutulog na pala sya. Nang dumating ang alas dos, tsaka palang nya naramdaman si Chanyeol sa tabi nya. Hindi nya ito nagawang kausapin dahil sya din ay pagod na kakalangoy sa dagat.



___



Baekhyun woke up the next day. He was surprised to see Chanyeol who was still sleeping next to him. Usually kasi wala na si Chanyeol ng mga ganitong oras. Ang pumasok bigla sa isip ni Baekhyun ay baka napagod si Chanyeol kakamake-out sa ibang tao dyan. Ganun talaga sya magisip.





Chanyeol groaned before opening his eyes halfway. Nakita nya si Baekhyun na nakatitig sakanya kaya bumangon ito at ngumiti kay Baekhyun.



"Good morni-" naputol ang mga sasabihin nya dahil inunahan sya ni Baekhyun. "Walang good sa morning na 'to. Saan ka ba galing kagabi at nung isang gabi? Bakit palagi kang late bumabalik?" kalmadong tinanong ni Baekhyun pero sa katunayan galit sya. Si Chanyeol parang ayaw sumagot. Mukha talagang may tinatago sya mula kay Baekhyun.



"Saan ka ba talaga galing? Chanyeol, dalawang araw ka nang ganyan naiinis na 'ko! Minsan hindi ko alam kung nagrarape ka na dyan. Minsan iniisip ko na baka nakikipagano ka na sa mga babae dyan! Ano ba?!" sigaw nito at naglakad papuntang balcony, nagdadabog.



"Huy, Baek! Hindi ko na yun ginagawa!" sigaw nito at bumangon sa kama. Hinabol nya si Baekhyun na nasa balcony. Pero Bago pa man nya maabutan si Baekhyun, sinara kaagad ni Baekhyun ang pintuan na salamin at tumalikod.



"Baek!"



"Hmph."


Halos 15 minutes na silang nakaganun. Si Chanyeol kanina pa pinipilit si Baekhyun na buksan ang pinto pero galit talaga sya kay Chanyeol kaya hindi nya ito binubuksan. Sa tagal ng oras na lumipas, ngayon palang naiisip ni Chanyeol na kunin ang susi na kanina pa naghihintay sa lamesa. Ang tanga nya din eh ano.



Binuksan nya ang pinto papuntang balcony tapos pumunta sa gilid ni Baekhyun na ngayon ay pinapanood ang mga lumilipad na ibon.



"Baekhyun, maniwala ka, wala talaga akong ginagawa. Alam mo naman na ikaw lang ang laman nito diba?" sabi ni Chanyeol at tinuro ang part ng dibdib nya kung nasaan ang puso nya. "Pwe. Korni mo. Ang tagal mo nang ganyan! Piling mo kasi hindi ako nagaalala- ay hindi! Iniisip ko lang kung kumakain ka!"



"Pero nagaalala ka rin naman kapag ganun diba?" nakaderp-face na tanong ni Chanyeol. Sinuntok sya ni Baekhyun ng mahina sa tiyan tapos humarap sya ulit sa mga ibon. "Saan ka ba talaga kasi pumupunta?"


"Basta, wag kang magalala. Ipapakita ko rin sayo mamaya." Nang magkasundo ang dalawa, sabay silang pumasok sa loob ng hotel. "At, wag ka na palang maghanap ng seashells ngayon araw na 'to. Basta gawin mo lang, wag ka nang magtanong kung bakit," sambit nito at nagbihis. Lumabas nananaman si Chanyeol ng hotel at pumunta sa lugar na pinupuntahan nya.



Napakibit balikat nalang si Baekhyun. Tutal, pagod na rin sya kakahanap ng mga shells kaya magpapahinga nalang muna sya.



___



Lumipas na ang ilang oras at malapit nang lumubog ang araw. Nanunood lang si Baekhyun ng isang movie nang biglang may kumatok sa pintuan nya. Inisip nya na si Chanyeol yun kaya nagayos muna sya bago buksan ang pinto. Pero nang mabuksan nya ito, laking gulat nya nang makita si Jin na nakatayo na mukhang nagaalala.



"Sir-"


"Hindi sir please-"


"Makinig muna po kayo! Importante 'to! Yung kasama nyo nga po palang lalaki nalunod doon sa dagat. Pinagpagkaguluhan sya nung mga tao at-" Bago pa man ituloy ni Jin ang sasabihin nya ay mabilis na tumakbo si Baekhyun papunta sa baybay. Naghanap sya ng naghanap pero mukha namang walang mga tao.

Maya-maya'y nakakita sya ng isang matandang lalaki na naglalakad. Nilapitan nya ito. "Manong, may narinig po ba kayo tungkol sa isang lalaking nalunod? Kung meron po nasaan po sya?!"



"Ahh, oo ijo nakarinig ako kanina. Doon, doon sa may kwebang yun! Madaming tao doon kasi doon nila nilagay yung bangkay," sagot nito at tinuro ang kweba gamit ang tungkod nya. Nagbow si Baekhyun sa matanda tapos tumakbo at lumangoy ng mabilis papunta doon sa kwebang iyon.



Halos naiiyak na si Baekhyun. Kinakabahan sya kasi baka patay na si Chanyeol. Hindi nya alam kung ano ang maisasabi nya sa mga kamaganak nito.



Pumasok sya sa loob at naglakad hanggang sa nakarating sya sa medyo mababaw na parte. Nagtataka sya kasi wala syang naririnig na mga taong nagsisigawan. Tahimik lang doon. Akala nya pa naman may mga rescuers syang madadatnan. Naisip nya nalang na baka kinuha na si Chanyeol kanina pa.



Kagaya ng nasa panaginip nya nagrereflect ang tubig sa mga bato sa ibabaw. Ang ganda tignan pero nagfocus parin sya sa paghahanap kay Chanyeol.



"Chanyeol!" sigaw nya. Nag-echo ang boses nya sa buong kweba at walang sumagot. "Chanyeol, nasan ka ba?!" humikbi na sya sa pangalawa nyang sigaw. Nang walang sumagot, napaupo sya sa mababaw na tubig. "Nasan ka ba kasi?! Anong sasabihin ko sakanila nyan!"



Pagkalipas lang ng ilang minuto ay biglang may apoy na sumindi at binigyan nito ang kweba ng liwanag. Napatingin si Baekhyun sa taas at nakita nyang may string dito na kanina ay hindi nya makita dahil sa dilim.



Naglakad sya at sinundan ang string kung saan ito matatapos. Pumasok pa sya sa loob ng isa pang tunnel hanggang sa medyo nalayo na talaga sya sa dagat. Kukintab yung itaas at marami pang apoy na umiilaw. Saan kaya 'to papunta?


Nang mapunta na sya sa may pinakadulo ng string, biglang lumiwanag ang harap nya dala ng ilaw ng flashlight.



"Baekhyun," isang lalaking may malalim na boses ang tumawag. At sa mga panahong 'yon, alam nya na kung sino ito. Si Chanyeol, ang lalaking nalunod pala sa pagkaakit kay Baekhyun. Jk.





"Chanyeol?!" tumakbo ito papalapit kay Chanyeol tapos niyakap nya ito ng mahigpit. "Ano bang nasa isip mo?! Akala ko nalunod ka na talaga! Pinakaba mo 'ko bwiset ka!" sigaw nito habang nakayakap pa kay Chanyeol. Umiiyak parin sya kasi nagulat talaga sya. Ikaw kaya sabihan na nalunod yung mahal mo, hindi ka ba kakabahan?





"Shh.. Tahan na.. Sorry na.." sabi ni Chanyeol at hinaplos ang basang pisngi ni Baekhyun. "Sorry uli- aray! Masakit tama na!" sigaw nito matapos syang bugbugin ni Baekhyun. "Nakakainis ka talaga! Lunurin kaya kita ngayon, ha?!" Umiiyak parin si Baekhyun at tinuloy nya ang pagsuntok kay Chanyeol. Nang mapagod at tumigil.



"Nakakainis ka! Yung paboritong brip tuloy ni Sehun nabasa ng tubig dagat," sambit ni Baekhyun tapos sinilip ang shorts nya. Suot-suot nya yung superman na brip ni Sehun kung maaalala nyo. Dinala nya para daw maalala nya yung kapatid nya. Para naman kasing makakalimutan nya.



"Sorry na ulit."



"Ano ba kasi yun? Bakit ba tayo nandito? Mahalaga ba talaga yung ipapakita mo?" sunod-sunod na tanong ni Baekhyun.


Hinawakan ni Chanyeol ang kaliwang kamay nya tapos hinila sya nito papunta sa lugar kung nasaan yung surpresa nya.



Tinapat ni Chanyeol yung flashlight sa lupa, at doon, nakita ni Baekhyun ang mga koleksyon ng seashells na matagal nya nang hinahanap. Kasama din doon yung nawala nya nung isang araw.



"Ch-Chanyeol.." hindi makapaniwalang sabi ni Baekhyun. Tinakpan nya ang bibig nyang nakabukas dahil sa nakikita nya.



"Hahaha, nasan na yung mga crab mo tsaka lobster?" nakangiting tinanong ni Chanyeol. Lumapit sya kay Baekhyun na naglakad kanina habang sinusuri yung mga seashells. Inakbayan nya ito tapos niyakap nanaman sya nito.



"Chanyeol, salamat talaga! Thank you! Pakakasalan na kita!" sambit nito kay Chanyeol. "A-anong sabi mo? Papakasalan mo na 'ko?"


Teka, yung line na yun?



Biglang naalala ni Baekhyun yung nasa panaginip nya.



"Huy, hindi! HAHAHAHA NEVERRR! Tara na nga! Umuwi na tayo baka may mangyari pa eh," sabi nito at tumingkayad para guluhin ang buhok ni Chanyeol.



"Teka lang. Since nahanap ko na lahat ng seashells, may pagasa bang sasagutin mo 'ko kung tatanungin kita?"


"Oo naman. Sinabi ko yun sayo noon diba?"


"So pwede nang maging tayo?"


"Sabi ko rin pagiisipan ko hehe. Pero bwiset ka parin."


___

T B C

ang baduy neto gahd.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro