Chapter21 : Treehouse
salamat ^^ para sayo to
Guys, gusto ko lang sanang ipaalam sainyo na dapat iba talaga ang mangyayari sa kaisoo. Iniba ko yung sakanila kasi gusto kong bumawi sa mga nasaktan. Thanks for reading.
____
Third Person's POV
Ito na ang ikatlong araw nilang dalawa sa isla ng Lusciana. Sa tatlong araw na 'yon, walo palang ang natagpuan nilang seashells, at sa walong 'yon, walang nabibilang sa pinakamahalagang mga seashells. Umahon silang dalawa mula sa dagat dahil sa sobrang pagod. Nagkatinginan sila habang humihingal.
"Chanyeol, pagod na 'ko. Pwede bang magpahinga muna tayo?" tanong ni Baekhyun habang tinatanggal ang goggles na sinuot nya kanina sa paghahanap. "Sige, napagod nga din ako dun. Ay oo nga pala! Baekhyun, I found a cave over there! Doon sa tabi nung malaking bato. Do you want to go? Baka may seashells doon," nakangiting sinabi ni Chanyeol habang tinuturo ang kweba na hindi kalayuan.
Napalagok naman si Baekhyun ng laway nya. Mukhang kasing ayun yung kweba doon sa panaginip nya three days ago. Tsaka naniniwala sya sa sabi ng ibang tao na kapag nanaginip ka, kabaligtaran ang mangyayari sa totoong buhay. Ibig sabihin nun para sakanya walang shells sa kwebang 'yon. Baka rin kapag pumunta sila dun, tuluyan nang mawala ang perlas nya, at yun ang hindi kayang pagbaligtarin.
"Alam mo Chanyeol, wag na! Baka pala nandun lahat ng mga crabs tsaka lobster tas bigla pa tayong atakihin. Dito nalang tayo sa dagat," sagot ni Baekhyun sakanya kaya habang umiiling. Sumangayon nalang si Chanyeol dito.
"How's Kai and Kyungsoo?" Tanong ni Chanyeol habang pinapaandar ang bangka nila. Baekhyun remembered his talk with Kyungsoo that night. Nung nasa balcony sya tapos tumawag si Kyungsoo.
[Baekhyun, I-I stopped the case. H-hindi ko kayang makita sya ng ganito. Mahal k-ko parin sya.. Nagsorry na sya sakin kahapon a-at sobra akong naaawa sakanya. I'm so s-sorry sa ginawa ko. H-hindi ko kayang gawin yun sakanya.] Rinig na rinig ni Baekhyun ang malakas na paghikbi ni Kyungsoo sa kabilang linya. Inilapag nya ang pagkain nya sa maliit na lamesa doon at nakinig ng mabuti kay Kyungsoo.
"Kyungsoo, t-thank you! Wag ka ngang mag-sorry! Thank you talaga, Kyungsoo! I love you!" naiiyak na sinagot ni Baekhyun.
[But.. Nagalit ang mga magulang ko dahil sa ginawa ko. They kicked me out of the house kasi daw hindi ako marunong mamili ng taong mamahalin. I didn't get to explain it to them.. I don't know where to go. Nasa bus stop ako ngayon, magisa.]
"Wait, tatawag din ako kaagad! Hintayin mo ko ahh.. Wag na wag kang aalis dyan!" sigaw nito at pansamantalang hininto ang tawag. Dumiretso si Baekhyun sa kwarto at hiniram ang cellphone ni Chanyeol. Dinial nya ang number ni Kai at pagkatapos ng tatlong ring ay sumagot ito.
[Chanyeol, what do you want?] Naiirita nyang tinanong. Tuluyang naiyak si Baekhyun nang marinig nya ang boses ni Kai. Hindi mawala sya isip nya na malaya na 'to at pwede nang mabuhay ng normal kasama ang kapatid nyang si Kim.
[I can hear you cry.. Just please tell me bakit ka tumawag.]
"K-Kai.."
[Bye. Hindi kita kailangang kausapin-]
"Wait! Hindi naman 'to para saating dalawa. Para 'to sa taong sumuko dahil sayo. Makinig ka naman please," Baekhyun pleaded. Hindi sumagot si Kai ng ilang segudo pero maya-maya'y bumuntong hininga ito bago ituloy ang sasabihin.
[What about him?]
Kinwento ni Baekhyun kai Kai ang lahat. Na pinalayas at tinaboy si Kyungsoo. At pagkatapos ng paguusap na 'yon ay dali-daling pinuntahan ni Kai si Kyungsoo na nagiisa.
"Maayos na silang dalawa. Kyungsoo stopped the case. Temporary na nakatira si Kyungsoo sa bahay nila Kai," sagot nito sa tanong ni Chanyeol. Pinandar ni Chanyeol ang bangka. "Mabuti naman at ganun." Matagal pa silang nagusap tungkol dito hanggang sa makarating sila sa hotel room nila.
Naligo ang dalawa pagkatapos, tapos tinignan ni Baekhyun ang mga seashells na natagpuan nya. Linabel nya ito at ginawan ng description. Nakatingin lang si Chanyeol sa kanya habang nakacross-arms. Nilapitan nya ito tapos umupo sya sa harap nito.
"Should I call the school para dagdagan tayo ng tauhan? Mukha kasing nahihirapan ka na," sambit ni Chanyeol habang pinapanood ang magandang kamay ni Baekhyun na humawak ng seashells. "N-no I can handle this. Nakakahiya na sakanila," sagot nito.
Tutulong sana sakanya si Chanyeol sa pagaayos nito pero hindi namalayan ni Chanyeol na kamay pala ni Baekhyun ang nahawakan nya. Hindi nya 'yon sinadya pero nahawakan nya lang.
"Chanyeol."
"Baekhyun."
Natahimik sila at bumitaw. Namula si Baekhyun habang tinitignan si Chanyeol na nasisikatan ng araw sa bintana. Nagmukha tuloy syang anghel na hinulog galing langit.
"Sorry, hindi na kita iistorbohin. Uhmm.. Lalabas muna pala ako," excuse ni Chanyeol at naglakad papalabas ng kwarto nila.
Pumunta si Chanyeol may dagat at nagmasid-masid. Maya-maya'y naalala nya ang kweba na nakita nya kanina. At dahil gusto talagang tumulong ni Chanyeol kay Baekhyun, pumunta sya doon sa kweba kahit na sinabihan syang wag na.
Pagkapasok nya doon ay namangha sya sa ganda nito. Hindi na sya nagsuot ng pang-swimming kaya ang shorts nya ay basang basa na. Kumikintab ang itaas ng kweba dahil sa tubig, kagaya ng napanaginipan ni Baekhyun.
Naglakad pa sya ng naglakad hanggang sa natigil sa dahil sa natagpuan nya. Koleksyon ng mga seashell na nakadikit sa itaas at sa mga pader ng kweba. Tinry nya itong kunin pero mahirap dahil wala syang materyal. Bumalik muna sya sa hotel nila at nagdesisyong bukas nalang nyakukunin ang lahat ng iyon.
___
"Hyung, si Nay nahimatay nanaman. Nandito kami ulit sa ospital, hinihintay si Nay na matapos," sabi ni Chanyeol sa video call nila ni Baekhyun. "Pakisabi kay Nay mamaya na wag syang magpapastress. Pakisabi na rin na wag syang magaalala saakin," sagot nito Kay Sehun. Tumango naman ang nakababata nyang kapatid.
"Chanyeol, san ka nagpunta? Bakit ngayon ka palang nakabalik?" tanong ni Baekhyun sakanya habang pinapanuod itong kumuha ng twalya. "Hyung, may gagawin lang ako. Mamaya na tayo magusap."
Namaalam silang dalawa sa isa't isa.
"Chanyeol, answer me!" sigaw ni Baekhyun kay Chanyeol na nagpupunas. "Huminga lang ako ng hangin sa labas," mahinahong sagot nito. Ayaw pang sabihin sakanya ni Chanyeol ang nakita nga dahil gusto nyang surpresahin si Baekhyun.
"Pati naman ngayon humihinga ka ah.. Saan nga? Siguro nagpunta ka doon sa club doon tapos nakipagano sa mga babae ano?" Chanyeol just chuckled at Baekhyun. "Naghanap ako ng seashells ano ka ba! Wala nga akong alam na club dito," sagot ni Chanyeol at binuksan ang TV.
Gumaan naman ang pakiramdam ni Baekhyun sa narinig nya. Sa ngayon pakiramdam nya parang ayaw nyang may kausap si Chanyeol na iba. Parang gusto nya sya lang dapat ang kasama at kakilala ni Chanyeol dito.
Maya-maya ay dumating na si Jin at sabay na silang kumain sa loob ng kwarto nila. Hindi parin sila umiimik.
___
Si Kyungsoo hindi pa sanay sa bahay nila Kai kahit pangatlong araw nya na. Pakiramdam nya parang dapat wala sya dito at dapat hindi nya kasama sina Kai at Kim. Yung pakiramdam ba na parang naiilang ka? Ganun ang nararamdaman nya ngayon.
Nakaupo lang sya sa sofa habang tahimik na nanood ng balitang ayaw nya naman makita. Maya-maya lang ay nakita nya si Kim na lumapit sakanya.
"Hi po, kuya Kyungsoo," bati sakanya nito habang nakangiti. Ngumiti lang si Kyungsoo pabalik sakanya. Umusog din ito para mabigyan si Kim ng space na mauupuan.
"Kuya, alam mo bang ang sarap-sarap nung niluto mo kahapon at tsaka nung isang araw? Pwede bang ikaw nalang magluto mamayang gabi? Si kuya kasi ang ewan magluto," sabi nito at parang binulong nalang yung last sentence. "Ahh, oo naman! Walang problema," sagot ni Kyungsoo.
Nilapitan silang dalawa ni Kai na kakaligo palang at mukhang fresh na fresh. Nagpupunas pa 'to ng ulo gamit ang twalya. Napalingon naman sya kay Kyungsoo at binigyan nya ito ng magandang ngiti.
"May gusto ka ba?" tanong ni Kai kay Kyungsoo. 'Gusto kita Kai' ani ni Kyungsoo sa isip nya. "Uhm.. Wala naman.."
"Kuya, pwede nating ipakita kay Kuya Kyung yung tree house natin sa likod?" masayang sabi ni Kim. Kai replied back with a 'sure'.
Sabay silang lahat na pumunta sa may likod ng bahay, kung nasaan ang lumang tree house nila Kai. Umakyat sila doon at umupo sa mga upuan.
"Naglalaro kami dito dati ni kuya. Kuya, do you remember nung we used to watch your crush from up here? Doon kasi nakatira yung crush ni kuya sa kabilang bahay," sabi ni Kim at tinuro yung bahay. "Kaso lumipat na sya."
Tinignan naman ni Kyungsoo yung bahay na may lola kung saan nakaturo si Kim.
"I forgot! May homework pa pala akong ginagawa. Gagawin ko muna yun ahh.." Umalis si Kim sa tree house at pumasok sa bahay nila para gawin ang homework nya, leaving Kai and Kyungsoo alone. Tahimik lang silanh dalawa, pero lakas loob na nagsalita si Kai.
"Kyungsoo, I'm sorry. Kahit ulit-ulit sorry talaga. Hindi ko sinasadyang gawin yun sayo," Kai said in a low tune voice. Ngumiti lang si Kyungsoo at nagmouth ng 'okay lang'.
"Kyungsoo, sa sobrang pagkabulag ko kay Baekhyun nung mga panahong 'yon hindi ko napansin na ikaw lang yung nandoon para sakin. Ikaw lang yung nakakausap ko. Sinasabi ko 'to kasi gusto ko talagang malaman mo na.. Nagpapasalamat ako at."
"At.. mahal kita."
_____
T B C
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro