Chapter19 : Can We?
Para sa babaeng pinakamamahal ko
:3
https://youtu.be/0hUAijK1XXY
___
Baekhyun's POV
"Chanyeol, sa tingin mo mahahanap ko 'tong mga 'to in three weeks? Tignan mo, ang dami! Akala ko nga sampu lang yung ipapahanap pero tignan mo, 45 nakalagay dito," sabi ko habang tinitignan ang listahan ng mga seashells na dapat kong hanapin. Nakahiga kaming dalawa ni Chanyeol sa loob ng hotel namin dito sa Lusciana. Kakarating palang namin pero ito na kaagad ang pinoproblema ko.
"Oo naman, hindi yan imposible. Ako ngang nawala ng matagal na panahon nahanap mo, babe," sabi nya na ang tunog ang parang nangaakit. "Babe ka dyan! Sabing wag akong tatawagi-- Oh! HAHAHA! TAMA NA!" sigaw ko nang sinimulan nya akong kilitiin. Napahiga ako sa ilalim nya at hindi nya napansin na nakapatong na pala sya sakin.
Kinuha nya yung kumot na nakatiklop tapos binalot nya yun saaming dalawa. He tickled me again and I was laughing so hard. Di ko na rin namalayan na binalot ko ang mga braso ko sa leeg nya dahil sa sobrang tawa. We both laughed then stopped nung narealize namin na yung pwesto namin ay kakaiba na.
Mukha kaming nagme-make love.
Kahit na parang gusto na naming umalis sa pusisyon namin ay para bang gusto pa naming lumapit sa isa't isa. Nakita ko nalang na palapit ng palapit ang mukha nya saakin kaya napapikit ako. Hinintay ko sya pero nung binuksan ko yung mata ko, malapit ang mukha nya sa tenga ko.
"Tuloy ko na gusto mo?" tanong nya may halong 'sexy' tone. Tinulak ko sya palayo tapos tinanggal ko yung kumot na nakabalot saamin. "Che! Wala pa nga tayo tapos gaganun na kaagad?" sabi ko at tumayo mula sa pwesto ko. Tumawa naman sya tapos binato sakin yung unan na nasa kama.
Kainis. Akala ko talaga maghahalikan kaming dalawa. Pero Baekhyun, halik? Eh ano nga.. Wala pa nga kayo diba?
Pumunta ako sa balcony tapos pinagmasdan ko ang mga ibon na lumilipad. Ang daming pumapasok sa isip ko habang nakatayo ako doon. Ang una ay, si Chanyeol pala yung batang palaging tinutukso noon? Samantalang ngayon lahat ng mga babae nakakandarapa sakanya. Yung isa pang pumasok sa isip ko ay si Kai. Ititigil kaya ni Kyungsoo yung kaso? Hindi nya na kaya ako papansinin kahit kailan? And lastly, si Nanay at si Tatay. I don't know what's going on with them pero kakaiba talaga silang kumilos at makiusap sa isa't isa.
Sininghap ko yung hangin na galing sa karagatan. Ang sarap sa pakiramdam. Dapat siguro magpahinga muna ako mula sa mga problema ko. Watching the waves calms me down. Ang sarap din pakinggan kapag tumatama na sya sa dalampasigan.
Then I felt Chanyeol's arms wrapped around me. Humarap ako sakanya tapos agad nyang binigyan ng halik yung noo ko. "Ano nanaman?" tanong ko sakanya. Humarap ako ulit sa dagat tapos pinatong nya yung baba nya sa ulo ko. Buti nalang at hindi kagaya ng baba nya yung kay Sehun. Baka kasi biglang mahati yung ulo ko sa dalawa.
"I can't stop thinking about us. Nung tinanong ko sayo sa eroplano kung pwede ba nating ituloy yung relasyon natin hindi ka sumagot. Now, I'm still waiting for your answer. Can we?" tanong nya ulit sakin. Humarap ako sakanya tapos nilagay ko ang dalawa kong kamay sa pisngi nya.
"Chanyeol, kaya mo bang maghintay? Pumunta tayo dito para sa gagawin ko at hindi para sa relasyon. But I'll think about it," sambit ko. Pumasok kaming dalawa sa loob ng kwarto tapos nanuod ng isang movie tungkol sa mga zombie.
Maya-maya lang ay may kumatok sa pintuan namin. Binuksan ko iyon tapos nakita ko ang isang lalaking may dalang cart na puro pagkain. Nagulat ako dahil dun kasi ang dami.
"Good evening po sir. Ako nga pala si Jin. Nakalimutan po pala naming sabihin na yung school nyo na po yung nagbabayad sa pagkain nyo kaya wala na po kayong poproblemahin sa pagkain. Thank you sir." Nagbow sya at mabilis na naglakad palayo. Gusto ko pa sana syang tawagin para sabihin Baekhyun nalanh yung itawag. Yung sir kasi hindi bagay sa isang magandang tulad ko.
Tinulak ko yung cart papasok sa kwarto tapos nilamon namin ni Chanyeol ang lahat ng pagkaing nandoon habang pinapanood ang movie tungkol sa mga zombie. Medyo naumay tuloy ako kasi naiimagine ko na tao yung kinakain ko pero inisip ko nalang rin na zombie ako para maenjoy ko yung pagkain.
Pagkatapos nun ay kinuha ni Jin yung cart tapos sinabihan ko na sya na wag akong tatawaging sir.
Naghilamos ako bago pumunta sa kama namin tapos tinawagan ko si Sehun gamit ang line app. Si Chanyeol naman ang dumiretso sa banyo.
"Hyung! Namiss na kita kaagad! Kamusta?" tanong nya. Katabi nya si Luhan sa video call tapos si Luhan naman ay nagwawave ng kamay sakin. "Sehun mainggit ka kasi nandito ako sa lugar na pinapangarap mo! Alam mo ba na ang puti puti nung sand? Tapos yung ulap ang ganda ganda kasi nagrereflect yung tubig ng dagat sa taas! Tapos-"
"Aish! Tama na! Edi ikaw na yung nandyan. Hyung, alam mo ba? Si Luhan nasira yung isa mong eyeliner kasi ginamit nya! Oh- aray! Totoo naman diba? Ay sorry na. Kiss nalang gusto mo? Sige." Naghalikan silang dalawa kasi nagalit si Luhan. Pano magsorry in Sehun's way? Ganyan. Kiss.
Gusto ko pa sana syang kausapin kaso halos dalawang minuto na silang nakaganun. In-end ko nalang yung video call. "Psst." Napalingon ako kay Chanyeol na kakalabas palang ng banyo. Nakapajama sya na may design na penguin. Tumawa sya mula doon tapos humiga sya sa tabi ko.
"Goodnight babe," bulong nya tapos nagwink. Hindi ko nalang pinansin yung babe tapos nag-goodnight din ako sakanya. Nakatalikod sana ako sakanya kaso inikot nya ko. Pinatay nya yung ilaw kaya madilim.
"Chanyeol, gusto ko sa kabila humarap! Dun ako sanay eh!" sigaw ko pero di nya ko pinansin. Nakapikit nya sya pero nakangiti. Iikot na sana ako kaso niyakap nya 'ko ng mahigpit. "Ano ba?!"
"Matulog ka na," bulong nya. "Hindi nga ako sanay ng ganito eh!" reklamo ko.
Nakatulog nalang ako ng ganun kasi ayaw nyang makinig tapos ayaw nya rin akong pakawalan.
Pagkagising ko nasa harap ko parin sya. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Lord, bakit ang perfect nya? Ni isang tulo-laway wala, samantalang ako amoy na amoy ko yung panis na laway.
Umupo ako tapos pinunasan ko yung bibig ko. Nakatitig parin ako sakanya. "Ano ba? Nakakasilaw," sabi nya tapos dumilat.
Nagulat nalang ako nung umupo sya. Binigyan nya ako ng peck sa lips.
_____
T B C
>< hindi ko na kaya. Huhu lagi akong kinikilig sa mga fanart ng chanbaek
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro