Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter18: Go Away

Dedicated sayo! Thank you talaga :) palagi ka kasing nasa notifs ko


____


Baekhyun's POV

*the next day*


"Baekhyun, I'm really sorry. Tulungan mo ko please, hindi ko sinasadya. Wala akong-- hindi ko-- ahh, shit!" sumigaw si Kai sa kabilang linya. Rinig na rinig ko ang paghikbi nya sabay ng ilang sigaw dahil sa galit at lungkot. Naaawa ako sakanya kahit na iniisip kong masama sya dahil sa kagaguhang ginawa nya.


"Kai, huminahon ka. I-I'll help you, okay? Alam ko naman na hindi mo talaga sakanya dapat ginawa yun kundi sakin. I'm really- Kai? Kai?!" Pagkatapos kong marinig ang malakas na bagsak sa kabilang linya ay static nalang yung napapakinggan ko . Agad akong nagalala kasi baka kung ano na ang nangyari sakanya.


Agad akong tumawag ng taxi at sumakay doon kahit na hindi pa 'ko nagaayos. Tanging wallet at cellphone lang ang dala ko. Nang makarating ako sa bahay nya'y agad akong bumaba sa taxi at pumasok. Hindi na 'ko kumatok pero hinanap ko sya sa loob. Pagkapasok ko sa dining area, nakita ko ang cellphone nyang nasa sahig. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko sya doong may hawak na iba't ibang uri ng mga gamot.


Agad kong itinabig ang mga gamot na nasa kamay nya tapos hinarap ko sya saakin. Tinignan ko sya at nakaaawa talaga syang tignan. Pulang-pula ang mga mata nya at maitim ang ilalim nito. Medyo pumayat na rin sya at wala sa ayos ang itsura nya.


"What are you doing here? G-go away!" sigaw nya at lumuha. Umupo sya sa sahig tapos sinuntok ang counter na nasa gilid nya. Sumigaw sya ulit tapos nilagay nya ang dalawa nyang kamay sa ulo nya. Sumasakit ang dibdib ko sa nakikita ko. "Kai, stand up. Tutulungan kitang iurong ang kaso nya sayo. Please, umayos ka," sabi ko at hinawakan ang braso nya pero inalis nya ito.


Umiling sya ng ilang segundo tapos kinagat nya ang labi nya. Hindi sya umimik ng ilang minuto pero maya-maya ay ngumiti sya. "K-Kim!" sigaw nya na para bang may tinatawag. Hindi ko alam kung may ibang tao pa sa bahay na 'to. Akala ko kasi magisa lang syang nabubuhay, pero ang kwento nya sakin nasa ibang bansa ang mga magulang nya dahil sa business.


Bumaba ang isang babaeng mukhang 13 years old mula sa second floor ng bahay nila tapos lumuhod sya sa tabi ng kuya nya. "Kuya, ano po?" magalang nyang tinanong. Ngumiti sakanya si Kai at ngumiti naman pabalik si Kim. Maya-maya lang ay nagyakapan sila kahit na hindi nila sinasabi sa isa't isa. Pinunasan ni Kim ang luha ni Kai gamit ang hinlalaki nya tapos kumuha sya ng tubig at pinainom nya ito sakanya. "Shhh," bulong ni Kim at napatango naman si Kai sakanya.


Ngumiti sya ulit bago magbow sa harap ko at umalis. Tumayo si Kai mula sa kinauupuan nya tapos naglakad papunta sa tapat ng bintana. "A-ang bait nya," sabi ko upang sirain ang nakakabinging katahimikan. Tumango naman sya at sinabing, "She's the only person in this world who makes me happy right now. She's my sister. Dati kasama ka doon sa mga taong 'yon, na nagpapasaya sakin, pero isa ka lang din pala sa mga taong madaling pumili ng hindi na nagiisip. Baekhyun, I-I don't need your help anymore. Kailangan ko nang magpahinga mula sayo. Ngayon habang nakatalikod ako, pwede ka na bang umalis? I don't care if I go to jail. Just go. I don't want to see you anymore," sambit nya.


"Kung mapupunta ka sa kulungan, paano na ang kapatid mo?" tanong ko sakanya. "My parents have money," 'yon lang ang isinagot nya at hindi sya tumingin sakin na kahit isang sulyap lang. "I'll go ahead," sabi ko at naglakad ng dahan dahan palabas ng bahay nila.


Pagkalabas ko, nakita ko kaagad ang kotse ni Chanyeol na nakapark sa kabilang kalsada. Binaba nya ang salamin nito tapos nakangiti syang lumitaw mula dito. "Sakay!" sigaw nya. Tumakbo naman ako papasok sa kotse nya tapos nagmaneho sya papunta sa bahay namin. Gusto ko sanang tanungin kung pano nya nalaman na nandoon ako pero parang hindi naman kailangan kasi madami akong iniisip ngayon.

"Are you ready for tomorrow?" tanong nya sakin. "Huh?" tanong ko pero maya-maya'y pumasok sa isip ko ang sagot. "Hindi pa! Maghahanda na 'ko! Thank you for reminding me!" sigaw ko at dumiretso sa kwarto ko. Hindi nya sya sumunod sakin pero alam kong kausap nya sya ngayon ni Nay.


___


Pagkatapos kong magayos ng gamit ko, napagdesisyonan kong tignan ang cellphone ko kung may mga messages. Pagkabukas ko ng messages app, agad na nakita ng mga mata ko ay ang 'Hero', which is number ni Kai. Clinick ko 'yon at binasa ito mula sa simula.


Oo nga pala, sya yung secret admirer ko noon na ngayon ay naging 'ang taong galit na galit sakin'. Naalala ko rin nung unang beses kaming magkakilala. Yung sa bus tapos nakatakip ng panyo yung mukha nya. Oo, hindi mawawala yun sa isip ko. Kahit na ayaw nya na akong makita, pipilitin ko parin na ibalik ang dating kami. Ang dating Kai na kilala ko.


____


"Anak, mag-ingat ka doon. Chanyeol, dahan dahan sa pagdrive papuntang airport, ha?" sabi ni Nay habang tinitignan kaming maglagay ng gamit sa sasakyan. "Opo," nakangiting sagot ni Chanyeol. Pinunasan ni Yura ang pawis ni Chanyeol pagkatapos nitong magbuhat ng sandamakmak na gamit. "Ilang araw ba kayo dun?" tanong nya habang tinitignan ang kapatid nyang isara ang likuran ng sasakyan.


"Sabi ni Baekhyun sakin mga tatlong linggo," sagot nya. Inakbayan ako ni Sehun tapos binulungan ng, "Baka pagbalik mo hindi ka na birhen." Siniko ko sya ng mahina tapos umirap. "Sehun, ano nanaman yang pinagsasabi mo sa kuya mo?" tanong ni Nay. "Wala. Sabi ko kay hyung wag sya magpapakain sa pating," sagot nito.


"Baekhyun, let's go." Sumakay ako sa tabi ni Chanyeol tapos kumaway ako sakanilang lahat. Kumaway din sila pabalik. Nagsimula nang magmaneho si Chanyeol papunta sa airport tapos nang makarating kami doon ay sabay kaming pumasok sa loob.

After naming mag-ganito-at-ganyan sa loob, pumasok na kami sa eroplano namin at umupo sa pwesto namin. Nanginginig ang kamay ko nung nasa loob kami. First time ko kasing sumakay ng eroplano. Hindi ako mapakali. Pati tuloy katawan ko nanginig na.


Tumingin sakin si Chanyeol na parang nagtataka. Medyo natawa sya nung una habang tinitignan ako. "First time mo ba?" tanong nya sakin. "Hindi ba obvious?" sagot ko at hinipan ang mga kamay ko. Pagkatapos kong hipan 'yon, kinuha nya ang isa tapos hinalikan nya ito ng medyo matagal. Nabawasan ng konti ang pagkakakaba ko. Sinampal ko naman sya ng mahina dahil sa ginawa nya. "Ang ganda ng kamay mo." I rolled my eyes. Kamay lang?


"You know what? Nung bata ako, ganyan din ako sayo. What my dad did para hindi ako matakot ay, we talked about our first times. Gawin natin ngayon, ikaw magsimula," sabi nya tapos inakbayan ako.


"First time? Sige. I'll tell you about my first kiss. Noong mga 10 pa 'ko. Alam kong sobrang bata ko pa nun pero eto kasing si hmm.. nalimutan ko na-"


"So, hindi ako first kiss mo?"


"Hindi nga! Ganito nangyari. Sabi kasi nya sakin mahal na mahal nya daw ako pero kailangan nyang umalis kasi pupuntahan nya daw yung mommy nya. Sabi nya hihingin nya daw yung first kiss ko para hindi ko sya makalimutan kaya ayun! Binigay ko yung first kiss ko sakanya. Yun ang first time kong humalik," kwento ko sakanya.


Hindi sya umimik. Lumipad na yung eroplano pero hindi namin napansin.


"First kiss ko rin nung 10 ako. Umalis din ako para puntahan yung mama ko noon. Baekhyun? Ako yung first kiss mo! Ikaw din yung first love ko! Kaya pala nung unang beses kitang makita, hindi ko maintindihan kung ano yung nararamdaman ko. Ikaw lang yung taong minahal ko ng seryoso," sabi nya, malawak ang ngiti.


"Wait.. Kung pumunta ka sa mommy mo noon, bakit ka nandito ngayon?" tanong ko sakanya. "Hindi naman ako nagtagal doon kasi may nagkamali sa papers ko kaya bumisita nalang ako. Naiwan si Daddy at si Yura tapos bumalik ako pero sa bahay ng mga grandparents ko. Nung magha-highschool na 'ko pumunta ako doon saatin kasi sabi ni Dad maganda daw kung doon ako magtatapos."


"And.. I became a player in the school kasi nainis ako sa mga magulang ko. Nagalit ako sakanila kasi nalaman kong may iba silang karelasyon," he added.


"Pero kahit na ganun ka dati, matino ka na ngayon," I told him, smiling. "Pero di nga? Ikaw yung boyfriend ko nung elementary ako?!"


"Ako nga! Kung aalalahanin mo, nakasalamin pa 'ko nun at tsaka medyo mataba ako pero minahal mo ko kasi mabait ako, sabi mo! Oh, naalala ko!"


"Ahh.. Oo nga.."


"Pwede ba nating ituloy yung naputol nating relasyon?"





____

T B C


bhe, nandito ka nanaman :3 ehehe sarreh

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro