Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter13 : It's Her

For you :)

___

Baekhyun's POV

"Really?" I heard Kai's voice behind me. "Ang bilis mo namang pumili," sabi nito na mukhang galit. Napatayo ako sa kinauupuan ko tapos tumitig muna ako sakanya. "I thought you agreed na mamimili ka? I thought you'll wait," sabi nya at halatang sobrang naiinis na sya,

"I did at nakapili na 'ko. I'm so sorry, Kai, but I choose Chanyeol," sagot ko sakanya. Lumapit ako sakanya para hawakan sya pero humakbang sya palayo saakin. "Sya? Sa tingin mo ba sasaya ka sakanya? Sa tingin mo ba hindi na sya mambababae? Baekhyun, niloloko ka lang nyan!" Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay agad syang nakatanggap ng malakas na suntok kay Chanyeol.

Ibabalik nya sana ito kay Chanyeol pero pinigilan ko sya. "Stop! Kai, why are you even here?" tanong ko. "Oh, wow. Sya pa ang kinakampihan mo? I followed you because I want to protect you! Can't you see? I'm always here for you."

"Shut the fuck up! Kung ayaw mong umalis ngayon ikaw ang iaalis ko! Fuck off!" sigaw sakanya ni Chanyeol. I tried to stop him, too, but he was slightly pushing me back. Kai just smirked. He wiped a tear away before leaving us there.

"Bakit mo ginawa 'yon?! Pwede naman nating daanin sa matinong paguusap 'di ba?" Medyo naluluha na 'ko dahil sa nangyari. Napalitan ang galit nya ng pagaalala nang makita nya kong umiyak. "Sir, nandito na po ang pagkain ninyo," sabi ng isang waitress habang hinihintay kaming umupo. "Sige po, salamat," sagot ni Chanyeol.

Sinamahan nya 'ko hanggang sa upuan ko tapos sya ang nagusog ng upuan para sakin. Umupo sya sa harapan ko tapos pinunasan nya ang luha ko gamit ang tissue. "Look, Baekhyun. I'm sorry. Nagalit lang ako dahil sa mga sinabi nyang tungkol saakin. Nagalit ako dahil gusto nyang lumayo ka sakin," sambit nya.

Tumango nalang ako sakanya. Pumunta sya sa kinalalagyan ko tapos niyakap nya ako doon. Hinalikan nya rin ang noo ko. Pero nang tumingin ako sa salamin ng restaurant, nakita ko si Kai sa kabilang banda na mukhang nagagalit parin kay Chanyeol. His fist was clenched and his eyes were staring sharply at Chanyeol.

Umalis na sya nang humiwalay saakin si Chanyeol. Habang kumakain kami noon, hindi nawala sa isip ko ang mga sinabi ni Kai. Tama ba ang naging desisyon ko?

_____

"Baekhyun! Why aren't you paying attention?" Bumalik ako sa sarili ko nang ipalo ng guro namin ang ruler nya sa lamesa ko. "Baekhyun, I can't believe this is happening. From top 1 naging top 3 ka nalang. Your marks dropped since the day you met this casanova," she uttered with her disappointed look.

Hindi ako sumagot. Binaba ko lang ang ulo ko. Lahat nanaman sila nakatingin sa direksyon ko. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanang ginawa ko. Bakit? Kasalanan bang mahalin si Park Chanyeol?

"Kung hindi ka aayos sa mga susunod na unit natin, I'm afraid na baka tanggalin na namin ang scholarship mo," sabi nya't umalis sa harap ko. Hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko kung hindi lumuha. Kanina ang saya-saya ng buhay ko pero naging ganito sya.

Magagalit saakin ang mga magulang ko, lalo na si daddy, kung mawawala ang scholarship ko. Yun lang kasi ang paraan para makapagtapos ako sa pagaaral at para magkaroon ako ng magandang trabaho. I can't loose it.

After last block pumunta na 'ko sa locker ko para kunin ang mga bagay na kailangan kong iuwi. Naglalad ako ng mabilis para hindi ko maabutan ang dalawang taong humahabol saakin. Hindi ko na tinitignan ang dinadaan ko dahil sa paglalakad ko. Kasabay pa ng pagtulo ng luha ko. Wala akong makita.

"Baekhyun alis!" narinig kong sumigaw si Luhan mula sa stop. Lumingon ako sa kanang banda at nakita ko ang isang sasakyang sobrang lapit na saakin. Wala na talaga akong magagawa kundi magpasagasa.

Pumikit ako para hindi ko makita ang mangyayari, pero nang naghintay ako walang tumama saakin. Huminto ang maganda't maputing kotse sa harap ko na halos isang dangkal ang layo sakin.

Isang babae ang lumabas mula sa kotse at nakasuot sya ng magandang damit na kulay berde. Nakashades pa sya't high heels. Maganda rin sya. Lumapit sya saakin at mukhang nagaalala sya. Inalis nya ang salamin nya tapos hinawakan nya ang magkabila kong balikat.

"Ayos ka lang ba? Natamaan ba kita? May masakit ba sayo? Kailangan ba kitang ipadala sa ospital?" tanong nya sakin. Pinunasan ko ang luha ko tapos ngumiti ako sakanya. She looks very familiar to me.

"Hindi na, ate. Salamat po pala at hindi nyo ko binangga," pagpapasalamat ko. Bumuntong hininga sya tapos tumawa sya ng mahinhin. "Akala ko nasaktan kita. Sorry ulit haa.. Kakarating ko lang kasi dito tsaka hindi ko pa alam kung saan ako kailangang bumagal sa pagtakbo."

"Ayos lang po. Baekhyun po pala ang pangalan ko," pagpapakilala ko. "Nice to meet you, Baekhyun. I'm Park Yura."

____

Pagkatapos nun sya na ang naghatid saakin pauwi. Park Yura? Kamaganak kaya sya ni Chanyeol? Siguro kaya mukha syang pamilyar sakin ay dahil sa magkamukha sila ni Chanyeol? Wait- oo nga pala! Nung isang araw sabi nya sakin dumating ang ate nya dito. Si Yura pala ang kapatid nya. Ang ganda nya.

"Baekhyun! Ang daya mo ah! Iniwan mo ko kanina sa bus stop matapos kong iligtas ang buhay mo! Sayang, hindi ako nakasakay dun sa magandang kotse kanina," reklamo ni Luhan. Umiling nalang ako habang nakangiti. He shrugged after then left my bedroom.

Tumunog ang cellphone ko maya-maya. Binuksan ko ito at binasa ang mensahe mula kay:

From: Hero

Baek, I'm sorry for what I did earlier. Pero hindi ko parin matanggap na hindi ka sakin. Pasensya na, pero itutuloy ko parin ang pagmamahal ko sayo.

___

Kyungsoo's POV

Kasalukuyan akong nasa loob ng bar na kung saan ako nagtatrabaho. Pinapanood ko lang ang mga taong uminom at maglasingan. Sanay naman ako eh. Kahit ang amoy nila kilala ko na.

Teka lang.. Hindi ba yun yung lalaking nasa school kanina? Si Kai, yung lalaking mahal ko! Pumasok sya sa loob! Jeske, baka sinabi ni Baek kung nasaan ako dahil mahal nya talaga ako.

Agad kong nilapitan si Kai na agad namang umupo sa isang bakanteng upuan. Hindi sya mukhang pumunta para sakin. Mukha syang sinaksak ng isang libong kutsilyo.

"Sir, may gusto po ba kayo?" nakangiti kong tanong sakanya. Tinignan nya naman ako. "Kyungsoo?" tanong nya. Tumango ako. Ngumiti sya tapos inakbayan nya 'ko. I'm blushing right now, am I?

"Bigyan mo 'ko ng maiinom ko na malalasing ako. Damihan mo, wala akong pake. Kung gusto mong makiinom kasama ko, ayos lang. Basta ikuha mo 'ko ng madaming baso ng alak," utos nya sakin. Tumango nalang ako sakanya tapos kinuha ko ang mga gusto nya.

Hindi na 'ko umalis sa tabi nya dahil gusto nyang tabihan ko sya. Ang baho nya na dahil sa amoy ng alak. Halata ring lasing na lasing na sya.

"Kai, tumigil ka na. You had enough," sabi ko't binaba ang basong hawak nya. "Finally, Baekhyun. May pakielam ka na sakin. Ayaw mo pala akong malasing eh," sabi nito. Anong bang pinagsasabi nya? Bakit Baekhyun? "Kai, si Kyungso-"

Kai just kissed me. He kissed me.

_____

T B C

kiligin na tayo sa kaisoo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro