Chapter12 : At First Sight
Para sayooo :)
______
Baekhyun's POV
Maaga akong pumunta sa school incase na maaga ring dumating si Kyungsoo. Kagaya ng sinabi ko sakanya, nandoon ako sa may fountain habang binabasa ang librong palagi kong binabasa.
Sa katunayan parang ten minutes na akong naghihintay dito. Gusto ko talagang matulungan si Kyungsoo kasi alam ko kung ano ang nararamdaman nya. Sana nga hindi muna dumating sina Chanyeol at Kai para kay Kyungsoo muna ang focus ko.
Pagkalipas ng ilang minuto may nakita akong lalaking nakatalikod na hindi naka-uniform. Sa hugis palang ng balikat nya alam ko nang si Kyungsoo 'yon. "Kyoongsoo," sigaw ko sakanya. Humarap naman sya kasama ang malaki nyang mata nang marinig nya ang pangalan nya. He waved his hand at me then went to my spot.
"Ready?" tanong ko. Huminga muna sya ng malalim bago sumagot ng malakas na 'oo'. Sabay kaming naglakad papunta doon sa reception ng school. Nagusap sila nung babae doon tapos binigyan sya nito ng tatlong papel. "Baekhyun, hindi mo naman sinabing ganito kahaba ang test," sabi nya habang tinitignan ang maliliit na letra doon sa mga papel. "Kaya mo 'yan! Basta half ng test maitama mo, papasa ka. Sige, I'll come back after first block. See you." He nodded at me and then I just waved my hand. I left the place then went to out classroom.
Pagkapasok ko, boses kaagad ni Chanyeol ang narinig ko. "Goodmorning," bati sabay kindat habang nakasandal doon sa gilid ng pintuan. Kinilig ako kaagad dahil doon. Binati ko rin sya pabalik tapos dumiretso na ako sa upuan ko kasama sya. Akala ko talaga hindi nya na ko papansinin matapos ko syang replayan ng 'K'. Ito na ba ang pangpatunay na mahal nya talaga ako? Ehehe.
Yung masungit naming teacher bumalik na. As usual, yung suot nya yung nakakasilaw na pink with matching high heels na color yellow at lipstick na light blue. Yung totoo, rainbow ba sya? Tinignan nya si Chanyeol ng masama. "Park, what are you doing in my classroom?" tanong nya kay Chanyeol tapos tinaas nya ang kanang kilay nya. Halatang nagagalit sya kay Chanyeol.
"Ma'am, nandito po ako para sa mahal ko," sagot nito tapos humarap sakin. Mrs. Sunget rolled her eyes then walked towards us with her long, thick ruler. Hinampas nya 'yon sa upuan ni Chanyeol. "You're not welcome in my class. Never kitang pinayagang pumasok dito because of your attitude! Go out and go back to your classroom!" sigaw nya dito.
Chanyeol sighed then stood up. Binalibag nya ang upuan na inuupuan nya bago tuluyang lumipat. "Baekhyun, I'm so disappointed. Yung lalaking nakikipag-ano sa kung sino-sino pa ang napili mo? Akala ko ba matalino ka?" Umiling sya habang tinitignan ako. Tinago ko nalang ang mukha ko sakanilang lahat kasi lahat sila nakatingin sakin. Ang mga tingin nila parang binababa ako. Ganun ba talaga kapag matalino ka tas bigla kang nagmukhang bobo?
Nagsimula na ang klase namin at sobrang boring ang nararamdaman ko ngayon dahil wala si Chanyeol sa tabi ko. Nasanay na talaga kasi akong nakikipagbiruan sya sakin. Ayaw ko rin namang tignan si Mrs. Sunget kasi nasisilaw talaga ako sa suot nya. Ang sakit sa mata.
____
Bumalik ako sa pwesto kung nasaan ni Kyungsoo. Pagkarating ko doon naabutan ko syang walang ginagawa at ibig sabihin nun tapos na sya. "Kyung, you're still gonna wait for the results, right?" I asked him. Muli nanaman syang tumango sa tanong ko. Mukha syang kinakabahan na naeexcite. Gusto nya talagang makapasa dito sa school na 'to.
Umupo ako sa tabi nya tapos hinawakan ko ang kamay nya. Nanginginig ito at pasmado. "Kyungsoo, bakit ba gusto mong magaral dito?" tanong ko sakanya sabay higpit sa paghawak ng kamay nya. "Kahit saan pwede akong magaral, Baekhyun, pero wala lang akong pera para doon. Ngayon, masaya ako kasi kapag naipasa ko 'to, wala na 'kong poproblemahin sa bayarin. Sasaya din ang nanay ko."
"Kyungsoo, sa sagot mo palang alam kong papasa ka. Pang pageant eh," I chuckled. Tumawa naman sya sa sinabi ko tapos tumango. "Sana nga."
Habang naghihintay patuloy parin kaming dalawa sa pag-uusap. Hindi kami naubusan ng topic dahil sa halos lahat ng pinagusapan namin nakakarelate kami sa isa't isa.
"Tumira din ako doon nung bata ako. Alam mo ba yung lugar na-" hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang lumabas bigla si Kai. "Hi, Bab-"
Tumitig sya kay Kyungsoo na nasa tabi ko. Si Kyungsoo naman ay tumitig pabalik gamit ang mga mata nyang malaki. Naging parang slow-motion ang mundo nilang dalawa. Their stare at each other is very sharp.
Sa palagay ko iniisip ni Kyungsoo na gwapo si Kai o kaya ang itim nya talaga. Humakbang papalapit sakanya si Kai na may halong magandang ngiti sa kanyang mga labi. Kyungsoo smiled back at Kai.
Gusto kong umalis dahil mukhang moment na nila ito. Nilagay ni Kai ang isang kamay nya sa pisngi ni Kyungsoo tapos pumikit naman si Kyungsoo nang ginawa 'yon ni Kai.
Maglalakad na sana ako paalis pero biglang..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"May ink yung pisngi mo, tanggalin ko gusto mo?"
Püta, akala ko ito na ang araw ng kalayaan ko sakanya. Akala ko wala nang kaagaw ang mahal ko pero hindi pala dahil sa ink na nasa pisngi ni Kyungsoo.
Dumilat naman si Kyungsoo tapos sumimangot sya. "Sige, patanggal," sabi nya. Ginawa naman ni Kai 'yon. Dahan dahan nyang kinusot ang pisngi ni Kyungsoo gamit ang thumb nya. Kahit na mali ang naiisip ko, ang sweet parin nilang tignan ngayon.
"Hi, I'm Kai," pagpapakilala nya. Nagshake-hands sila ni Kyungsoo. "I'm yours but you can call me Kyungsoo," sabi nito pero hininaan nya ang simula ng sentence. Kai gave him a confused look. "P-pakiulit? I'm what?" tanong nya. Kyungsoo just giggled then shook his head. "Ignore that. Again, my name is Kyungsoo."
"Kyungsoo, eto na ang results ng test mo. You almost got everything right. Welcome to KimPaye University. Don't worry about anything. Sagot na namin ang gamit at uniform mo. Eto oh," sabi ng babaeng nasa reception at inabot ang mga gamit. Kyungsoo squealed then hugged the girl. "Thank you!" naluluha nyang sinabi. The girl told him 'congratulations' before leaving.
Humarap si Kyungsoo sa direksyon namin pero hindi sya saakin nakatingin. Kai Kai sya nakatingin. "So, welcome to KimPaye University. See you around," he said then winked. He left us after that.
____
"Baaaeekk! Unang tingin ko palang sakanya mahal ko na sya! Pakiramdam ko kami talaga ang para sa isa't isa!" Tumili sya habang naglalakad kami papunta sa gate ng school. Hindi muna kasi sya papasok ngayon kundi bukas na. "Hehehehe."
"Tapos yung mga mata nya! Waaah~ ang ganda din ng kulay ng balat nya. He's perfect I can't," tumatalon nyang sambit. I rolled my eyes then laughed. "See you tomorrow, Baekhyun! Thank you ulit! I love you!" sigaw nya bago makapasok sa bus. I waved my hand at him.
Pagkabalik ko sa classroom tumunog na ang bell at ibig sabihin nun lunch na namin. Tumalikod ako at nandoon nanaman si Chanyeol. Bakit ba sa tuwing humaharap ako o kaya tumatalikod nandito ang kapre na 'to?
"Sa labas tayo kakain. My treat."
Hindi ko na tinanggihan pa ang sinabi nya. Mahal ko ang pagkain at hindi ko kayang tanggihan ang grasya. Pumasok kami sa isang mukhang mamahalin na restaurant tapos umupo kami sa isang magandang lamesa.
Nagorder kami ng makakain tapos sabay kaming naghintay. At syempre dahil ito ay isang restaurant, matatagalan pa ang pagkain namin. We have to talk while waiting.
"Baek. Baekhyun, if I will ask you to choose between me and Kai, who would you pick?" tanong nya saakin. Halatang nagseselos 'tong lalaking 'to eh. "Wala akong masasabi," sagot ko. Dumating ang drinks namin at uminom ako doon.
Hinawakan ni Chanyeol ang kamay kong nasa lamesa tapos hinila nya ako hanggang sa makatayo ako't mapalapit sakanya. Dahil doon nagkahalikan kaming dalawa. My eyes were wide open because I was shocked but his were closed. Muntik ko na ring masira ang lamesa dahil doon.
Nang binitawan nya ang kamay ko agad akong lumayo at umupo pabalik sa upuan ko. "Ch-Chanyeol naman, wala tayong pinagusapan tungkol doon sa kiss," sambit ko habang tinitignan sya na may halong panginginig. He smirked.
"You love me more than him, right? Answer me or I'll give you another one. In this time, I'll do a french kiss with you."
"No- I mean don't. Y-yes. I like you- I mean love you more than him."
"Really?" I heard Kai's voice behind me. "Ang bilis mo namang pumili."
___
T B C
KimPaye University ehehe.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro