Chapter10 : K vs C
for you ehehe :*
dapat talaga may update kahapon xD kaso nakatulog ako nung hawak ko yung cellphone ko hahahah
_____
Baekhyun's POV
"Saan galing yang K na 'yan? I never told you to put another letter in that necklace," iritang sabi ni Chanyeol habang tinitignan ang suot kong kwintas. "Yeah, but I can't wear two, okay? Bigay 'to sakin ni Kai at hindi ko 'to pwedeng walain kaya wag ka nang maarte," sagot ko sakanya.
Tumalikod ako kay Chanyeol tapos biglang ang mukha naman ni Kai ang kaharap ko. "Goodmorning," bati nya sakin kasama ang matamis nyang ngiti. "Sayo rin," bati ko pabalik tapos ngumiti rin sakanya. Hinawakan nya muna yung leeg ko bago kunin ang kwintas. "Ano tong C?" he asked me. I chuckled then looked at Chanyeol who was behind me. "Kay Chanyeol galing yan," sabi ko sakanya.
They both stared at each other. Grabe, parang naguusap sila sa isa't isa habang nagtititigan. Ang tutulis kasi eh. Parang kapag pumunta ka sa gitna mahihiwa yung mukha mo. Sabay ko silang tinulak palayo.
"Kai, may gusto ka ba kay Baekhyun?" patapang na tinanong ni Chanyeol. "Oo. Dahil sakanya nilayuan ko ang pambababae at inayos ko ang buhay ko," sagot nya naman na may halong ngisi. Chanyeol stepped closer to him. "Sorry, but I got his mom's permission first."
Hinila ako ni Chanyeol palayo kay Kai sa pamamagitan ng paghatak sa bewang ko. Habang naglalakad kami, hinalikan nya pa yung ulo ko para lang pagselosin si Kai. Dinala nya ako doon sa may fountain kung saan kami nagkakilala. We both sat down on the bench.
"Diba nilayuan ko na rin ang pambababae dahil sayo? Bakit mo sya pinayagan kung nandito na 'ko? Hindi pa ba ako sapat sayo?" tanong nya habang tinitignan ang mga ulap. "Yeol, hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman nya. Hindi ka nga rin sure kung ikaw ang pipiliin ko eh. Sabi nya sakin kailangan nyo daw akong pag-awayan. He told me that someone between the two of you should win this place in my heart," sagot ko sakanya tapos tumingin din sa ulap.
"So may mananalo ba?" tanong nya. Binalik ko ang tingin ko sakanya tapos.... di ko namalayan na malapit na pala yung mukha nya sakin kaya muntik na kaming magkahalikan. "H-hindi ko alam," sagot ko tapos agad na lumayo.
Narinig ko syang tumawa ng mahina. "Ano pa bang ginagawa natin dito? I have to go. Don't follow me," sabi ko at tumayo. Sumunod naman sya at hindi nya na 'ko sinundan nang makalakad na ko. Pumunta ako sa locker ko para kunin yung libro ko pero yung sticky note na nakadikit sa locker ko ang tumigil sakin. Nakasulat doon ay: Let's meet up later at the cafeteria. Same spot. -Kai
____
Gym class na namin ngayong second block. Dumiretso na ako doon sa change room para magpalit tapos naabutan ko naman doon si Chanyeol na nagsasapatos. This month makakasama namin ang klase ni Kai at 'di ko alam kung bakit.
Pagkatapos kong magbihis pumunta na 'ko sa gym. Naglaro kami ng isang laro na hindi ko gusto. I was very tired after tapos sobrang init ang nararamdaman ko. Umupo ako doon sa upuan tapos nagcheer ako sa mga naglalaro na team mates ko.
"Baekhyun, here."
"Baekhyun, para sayo."
Tumingala ako sa taas tapos nakita ko naman ang mukha ng dalawang lalaking pawis pero gwapo parin. Yung isa may hawak na boteng may malamig na tubig tapos yung isa naman may dalang dalawang face towel.
Inabot sakin ni Kai ang tubig samantalang si Chanyeol naman ay pinunasan ang pawis ko. Nararamdaman ko ang pagkadyosa ko ngayon. Ang ganda ko talaga hahahaha.
"Salamat sainyo," pagpapasalamat ko. "You're welcome, baby," Kai winked when he said those words. Tinulak naman sya ng mahina ni Chanyeol. "Baby? Fine then, Baekhyun is my babe," sabi nya sa tapat ng mukha ni Kai. Jusko, parang tumatalsik na nga yung laway nya sa mukha nung tao, kawawa naman.
"Wait, wait, wait lang!" Tumayo ako habang nakataaas ang mga kamay ko. "Sinong nagsabi sainyong tawagin ako ng ganyan? I'm Baekhyun. Call me by my name, okay?" Pinunasan ni Chanyeol ang leeg ko gamit ang twalya nya. "Babe."
"Gaya-gaya, ako nauna. Baby."
____
Kasalukuyan kong kasama si Kai sa isang table ngayong lunch. Binili nya 'ko ng mga pagkain kahit na sinabi kong wag na.
"Just wondering. Who's your first kiss?" tanong nya saakin. "First? Well, it happened a long time ago at saakin lang 'yon. It happened when I was younger," sabi ko tapos uminom ng softdrink. He moved his chair beside me then he placed his arm around my shoulder. "I'm okay with that but, nahalikan ka na ba ni Chanyeol?"
I slowly nodded. "That's unfair! If that so, can I also get a kiss?" tanong nya saakin. I shook my head. "But why not? It's going to be quick. Sige na," pagpupumilit nya.
"You're not kissing Baekhyun," Chanyeol just appeared from nowhere. "Because his lips are only mine, okay? You can have the other but not this," sabi nya tapos pinatakbo ang daliri nya sa labi ko.
___
"Chanyeol, I have to go home now. Hinahanap na siguro ako ng nanay ko."
"I texted your mom and she said yes. Pwedeng pwede ka daw sumama saakin kahit daw sa ibang planeta pa. Madali lang 'to, promise. Madami kang makikilala doon," sabi nya tapos pinagbuksan ako ng pinto sa kotse nya. Pumasok ako sa loob tapos pumasok rin sya. Nagmaneho na sya papunta sa isang lugar na hindi ko alam kung saan.
We stopped in front of a bar. Hindi lang sya normal na bar pero ang laki nito. Parang mayayaman lang ang pumapasok dito. "Chanyeol, ayaw ko dito. Let's go please," I pulled his hand. "Don't worry, I'm here. Nothing's going to happen to you. Madali lang naman tayo dito. Just give me the word then we're leaving." Sya naman ang humila sakin papasok doon sa bar.
I'm not used to this. May mga naghahalikan, sumamasay, nanghahawak, nagiinuman at kung ano ano pa. Baka dito lagi pumupunta si Chanyeol noong mahilig pa syang mambabae. Nagtataka nga ako kung may napasukan na sya eh, if you know what I mean.
"Oh, hi there, Chanyeol. Ang tagal mong nawala haa.. sino sya?" a girl that I don't know asked. "Sam, this is Baekhyun. BABE, her name is Sam, she's my friend."
____
T B C
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro