Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter08 : The Story

For you :)

Guys, rest day ko pala every saturday kaya don't expect updates on saturday. Thanks for reading!
_____

Baekhyun's POV

Nagtataka ako kung si Kai ba yung unknown number. Sasabihin ba nyang superhero sya kung wala syang ginawang maganda nung araw na 'yon? Syempre, hindi. But I'm not sure. The first thing that the unknown person told me is that he likes me. Kai can't like me. He's like Chanyeol, too.. but that was before.

I breathed hard before grabbing my phone from my desk. Gagawin ko sya. I'll ask Kai if he's that person. Kinuha ko na yung cellphone ko mula sa desk ko tapos inopen ko yung messages namin nung taong 'yon.

My fingers were shaking while I was typing and I'm starting to get sweaty. I shook my toes to feel better then exhaled air. "Isesend ko na ba kaya 'to?" I murmured to myself. "Yep, I definitely should."

Pinindot ko na yung send button. This is what I told him in the text message.

I'm just wondering. Are you Jongin aka Kai na kilala ko? Sana sagutin mo. Kahit yes or no lang.

I waited patiently for his reply. Bakit ang tagal? Usually kapag tinetext ko sya agad agad syang magrereply saakin. Siguro sya nga at nahihirapan lang syang umamin o kaya nagiisip pa sya ng palusot para dun. I waited for a few more minutes and then my phone rang. He didn't text back. He called me instead. I answered.

"H-hello? Sorry talaga kung natanong ko sayo yun. Kung hindi ka si Kai pasensya na," sambit ko. The guy on the other line chuckled and it sounds exactly like Kai.

[Baekhyun, you're right. It's me, Kai.]

"Kai! How'd you get my number?"

[Sehun, of course. Pinilit ko sya kaya nya binigay 'to saakin. So... let's talk about something different and not boring. Ask me something]

Kakapalan ko na ang mukha ko sa sasabihin ko. Bahala na kung mapahiya ako. I just want to know his answer para makuntento na ang damdamin ko.

"May gusto ko ba sakin? Sabi mo kasi 'yon nung una." Napakagat ako sa labi ko. Baekhyun, mamatay ka na. Ang kapal-kapal mo.

[Oo, Baekhyun. I like you simula pa noong araw na nakita kitang nagbabasa. Actually if it wasn't for me, hindi ka makikilala ni Chanyeol. Do you wanna to know the whole story?]

"Yeah sure! Tell me what really happened."

{this part is more like Kai's POV}

[Pagkatapos kong magayos nung araw na nagkakilala tayo, tumayo ako sa may poste na malapit sa kinalalagayan mo. I was staring at you and for that moment, I already know that I've fallen for you. Ang saya ko nung tinitignan kita pero maya-maya lang ay dumating si Chanyeol. Tinignan ka nya tapos tinanong nya 'ko kung sino ka. I answered, "I don't know. I just met him in the bus."

"Ganun ba? Look at his face. He looks so beautiful and fragile. Gusto ko syang subukan," sagot nya saakin. "Seryoso ka ba? Gago, pati ba naman yung lalaki papatulan mo? Chanyeol, ang daming babae dyan na pakalat-kalat. Mga magaganda tsaka madaling maloko, bakit sya pa?" I don't want to hurt you about what I said but I seriously want you for me kaya ko nasabi 'yan. I'm sorry, Baekhyun.

"Jongin, wag kang mag-alala. Syempre sawa na 'ko sa mga malalanding 'yan kaya kailangan ko naman ng bago. It will be quick. One day you'll just see him crying because of me. I just want to know how it feels to have a relationship with a guy," 'yon ang sinagot nya saakin.

Pero you know what, Baekhyun? You shouldn't be worrying because you changed him. Hindi kita ipagdadamot pero kailangan ka naming pagawayan.]

"Talagang sinabi nyang papaiyakin nya 'ko? Aba, gago pala sya nun ah. Kai, ayaw kong pagawayan nyo 'ko so please, wag," sabi ko sakanya.

[Sorry, Baek. You can't have two in your heart. Wag kang magalala. Our friendship will remain the same but one of us has to win that place in your heart. Baekhyun, I changed my lifestyle because of you. I didn't continue on being a player because I realized that I have to love someone, and that's you.]

"Kai, hindi ko alam ang sasabihin ko sayo. Hindi ko kayo pipigilan at hindi rin ako magiging madaya. I have to go, thanks for telling me. Thank you ulit sa ginawa mo," sabi ko sakanya. He said a few more words to me before saying goodbye and then I ended the call.

Pinalitan ko ang pangalan nya sa cellphone ko ng Hero.

____

It was already 8:30 at night and we're all busy in the house. Si nanay naglilinis ng kusina tapos si Sehun naman siguro kachat si Luhan. Tatlo lang kami sa hindi kalakihang bahay namin. Yung tatay kasi namin nasa ibang bansa nagtatrabaho. Ewan ko kung ba't kailangan nya pang lumipad pero sabi nya para daw 'yon sa ikabubuti ng pamilya namin.

Ako naman nandito sa sala, nanonood ng paborito kong drama habang umiinom ng gatas. Sa drama, nasa bridge silang dalawa. Nagkaaminan sila sa isa't isa tapos naghalikan sila. Teka parang pamilyar ang scene na 'to ah. Oo nga pala, yung nangyari saamin ni Chanyeol.

May kumatok sa pinto. Binuksan ko yung pinto tapos nakita ko si Chanyeol sa labas. In speaking of him nga naman.

Medyo nagdududa parin ako sakanya dahil sa sinabi ng mga babae kanina. Tomorrow I'll check if it's real. I'll go to the staircase and wait.

"Anong ginagawa mo dito?" nakayuko kong tanong sakanya. May pinakita syang box na may ribbon sakin. "Hihingi lang naman ako ng tawad mo, Baek. I brought a cake for you," sabi nya't inabot saakin ang box. Kinuha ko naman iyon tapos ngumiti sakanya.

He leaned closer to my ear. I can feel him smile when I felt his lips touch my ear. "I'm going to win that heart," he whispered. Bigla akong namula nang hinawakan nya ang bewang ko tapos hinalikan nya ang noo ko. Right before he was about to move, he froze.

"Chanyeol, tama na," sabi ko sabay tulak sakanya ng mahina. Umubo naman sya tapos lumayo saakin. Nagayos sya ng itsura nya tapos ngumiti sya sa taong nasa likod ko. "Good evening po, Mrs. Byun," bati nya sa nanay kong nanonood saamin kanina pa.

"Baekhyun, bakit hindi mo sinasabi saking may boyfriend ka na?"

____

T B C

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro