Chapter07 : Hero
Para sayo :)
___
Baekhyun's POV
"Baekhyun, pwede mo bang hanapin yung naiwan kong gamit sa library? Pakidala na rin pagkatapos, salamat," utos sakin ng sub-teacher kong parang may crush kay Chanyeol. Parang naiihi nga sya kapag kasama namin dito si Chanyeol. "Sige po," sabi ko't tumayo mula sa kinauupuan ko. Dinala ko na rin ang libro ko kasi gusto ko ehehe.
Lumabas ako ng classroom at pagkatapos naglakad ako sa hallway. Medyo malayo din ang library kasi nasa kabilang building pa sya pero kadugtong sya ng building na 'to. Tahimik lang akong naglalakad habang kumakanta ng mahina. I climbed the stairs and then crossed the bridge that is connected to the other building.
"He's here." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang isang babaeng nasa loob ng isang abandonadong classroom sa harap ko. One by one silang lumabas mula sa classroom. Ano 'to? Beauty pageant sa harap ko? Hmph, ako naman yung pinakamaganda. Charot! Walo silang lumabas mula sa kwarto.
"Bring him to me," utos ng isang babaeng makapal ang labi. Lumapit saakin ang dalawa babae tapos hinila nila 'ko sa braso ko. "Ano bang ginagawa nyo?!" sabi ko at tinaboy ang braso ko. "Pwede ba umalis na kayo? May pinapakuha pa kasi sakin si- aray, ano ba?!" napasigaw ako nang sampalin ako nung babaeng makapal ang bibig.
"You stole our boyfriend. You took him away from us and you made him call all of us a bitch. Who are you, huh? Lalaki ka at hindi sya pwede sayo. Kadiri," sabi nya't hinawakan ang pisngi ko. Hahalikan nya sana ako kaso agad ko syang tinulak. "Ikaw ang kadiri! Wag mo nga akong hahalikhalikan gamit yang bibig mong makapal."
"Argh. Chanyeol is just playing with you! Naniniwala ka bang gusto ka nya? Hahaha, ang tanga mo. He's dating someone in this school and that's not you. I just saw them kiss behind the staircase earlier this morning. Poor you."
I slapped her face as hard as I could. Chanyeol promised and he would never do that. "Stop lying." The girl slapped me back. "Gawin nyo na." I have no idea what she's talking about. All the girls went closer to me with a smirk on their faces. "Layuan nyo nga ako!"
Maglalakad na sana ako kaso hinila ng isang babae yung polo ko. I want to fight against them but I can't because they're girls. Yung isang babae hinila yung buhok ko tapos yung iba naman pinagtutulak ako. I want to go but remembering what the girls said about Chanyeol makes me want to cry. I shook my head. Mamaya na ang drama.
"Stop! Ahh! Masakit! Tama na!" sigaw ko sakanilang lahat tapos sinubukan ko silang itulak. They're too many and I can't handle all of them.
"Sige, sabunutan nyo sya! Bubugin nyo sya! Do anything that would hurt him because he's stealing our boy. Byun Baekhyun, you're never going to see him again." They did what she said. I was crying. Ang sakit ng ginagawa nila. I fell on the floor but then they started kicking me. "Oh, is this book yours?" tanong ng isa tapos pinunit ang libro ko. And that made me really mad.
Tumayo ako tapos sinabunutan ko yung babaeng 'yon. Hinila naman ako palayo nung mga kasama nya tapos sinaktan nanaman nila ako.
Lumalabo na ang nakikita ko. Bago pa man ako mawalan ng malay nakarinig ako ng boses isang lalaki. "Baekhyun!" sigaw nya. Hinila nya yung mga babaeng nasa harap ko tapos tumakbo sila palayo. At doon na ako tuluyang nawalan ng malay.
____
Nagising ako sa liwanang ng ilaw na sumisilaw sa mga mata ko. Napapalibutan ng berdeng kurtina ang lugar kung nasaan ako, at doon palang ang alam kong nasa loob ako ng clinic ng school. I touched my face.. it hurts. I can't move my arms and even my scalp hurts. Right now I just wanna beat those girls up.
"Hyung?" I heard Sehun's voice. He peeked inside, checking if was there. Ngumiti sya nang makita nya 'ko tapos pumasok sya sa loob. "Alam ko naman na hindi ka okay kaya hindi ko na itatanong yun," he chuckled. I just smiled at him. "Sino pala ang nagdala sakin dito?" tanong ko.
"Si ano yung nagdala sayo. Si-"
"Where is he?! Baek!" narinig ko ang sigaw ni Chanyeol. Nagpakita sakanya si Sehun kaya naman agad syang pumasok. "Are you alright?" hinihingal nya akong tinanong. Tumango nalang ako sa tanong nya ng dahan dahan. The girl's words are still running in my head. "Gusto mo bang gawin ko yan sakanila? I want to see all of them, now!" sigaw nya. Hinawakan ko ang balikat nya. "No. I'm good."
"Hyung, yung sinasabi ko pala sayo kanina. Si Kai yung nagdala sayo dito. Sya yung pinakaunang nakakita sayo kanina," sambit ni Sehun. Si Kai? I thought it was Chanyeol. Akala ko si Chanyeol ang nagligtas saakin but I was wrong. Kai was my hero.
____
"Baekhyun bakit hindi mo 'ko masyadong kinakausap? Is there something wrong?" tanong ni Chanyeol saakin habang sabay kaming naglalakad palabas ng school. Tumungo kami sa bus stop. "Nothing's wrong. Wag mo na akong sasamahan pauwi kasi sasama na daw saakin si Sehun. Umalis ka na," sabi ko sakanya.
"Are you su-"
"Yes. Go."
Naglakad sya palayo saakin hanggang sa hindi ko na sya makita. I frowned while looking at the school gate. "Chanyeol, I love you but.. you don't have the same feelings for me," bulong ko. Lumabas na si Sehun sa school tapos sakto namang dumating yung bus. Sabay kaming sumakay.
___
"Anak, anong nangyari sayo? Sinong gumawa nito sayo?" naiiyak na tinanong saakin ni mama ko. Ngumiti lang ako sakanya tapos hinawakan ko ang mga kamay nya. "May mga bruhang sumalubong sakin kanina nay. Wag po kayong magalala, malayo 'to sa bituka."
"Hyung, nandito si Kai!"
Tumakbo ako papunta doon sa pintuan tapos nadatnan ko si Kai na nakatayo doon kasama si Sehun. I ran towards him then hugged him tight. "Thank you.. kung hindi ka siguro dumating patay na 'ko ngayon," sambit ko. Hinimas nya naman yung likod ko. "Ayos lang. Natatae kasi ako kanina tapos barado yung toilet ng cr sa building natin kaya pumunta ako sa kabila. Kaso nung pagkadating ko nakita kita kaya ayun.."
Gusto kong tanungin sakanya kung nakatae ba sya kaso nakakahiya. "Salamat ulit."
"Here." Binigyan nya ako ng isang kahon. I quickly opened it and then saw the same book that I'm reading. "K-Kai, masyado na."
"No, it's okay. Matagal na 'yan sa bahay namin tapos hindi ko naman binabasa. It's yours now."
____
From: Unknown Number
Alam mo bang superhero ako pero hindi ako nagsusuot ng kapa?
___
T B C
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro