Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter04: Good Night

Dedicated sayo :)
______

Chanyeol's POV

"Ch-Channyeol, h-hindi ako makatulog sa l-l-lamig." Isang Baekhyun ang pumasok sa kwarto ko habang nakabalot ng makapal na kumot. Nanginginig sya at tsaka mukhang antok na antok na sya. Sa totoo lang ang cute nyang tignan ngayon dahil sa itsura nya.

"B-Baekhyun, hating gabi na ahh.. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya as if parang hindi ko alam kung bakit sya nandito. "Ch-Chanyeol, pasensya na kung naistorbo ko y-yung tulog mo. Giniginaw na kasi ako doon," nanginginig nyang sagot.

Tumayo ako mula sa kama ko tapos pumunta ako sa kinaroroonan nya. Sinarado ko ang pintong nakabukas tapos pumunta ako sa likuran nya. "Ang tigas kasi ng ulo mo, Baekhyun. Ayaw mo pang makinig," mahina kong sinabi sakanya. "P-pasensya na."

Hinawakan ko ang balikat nya gamit ang dalawang kamay ko tapos nilakad ko sya papunta sa kama ko. Malapit na sana kami pero dahil pwinersa ko ang pagtulak sakanya, natapakan nya ang kumot nya at sabay kaming nahulog sa kama. Nakadapa sya habang ako naman ay nakapatong sa likod nya. Kung iisipin nyo lang ang nangyari, mukha kaming nagma-make out.

"A-ang bigat mo," nahihirapan nyang sinabi. Agad naman akong tumayo tapos tinulungan ko rin syang tumayo. "Sorry." Humiga ako sa kama ko tapos naglagay ako ng kumot. Hinintay ko syang humiga rin pero hindi nya ito ginawa. "Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko sakanya. "Sa sahig nalang ako, pwede ba?"

"Ayan ka nanaman. Malamig din yung sahig. Kung ayaw mong lamigin, makinig ka sakin. Tumabi ka dito," sabi ko tapos usog para bigyan sya ng space. Umiling sya. "O-okay n-na ako d-d-dito," he replied, shivering. He sat down on the floor then smiled. I rolled my eyes at him. Kunware pa syang hindi nilalamig.

Alam ko naman na kung hindi ako gagawa ng paraan, hindi parin sya tatabi saakin. Gumapang ako papalapit sakanya tapos nilapit ko ang mukha ko sa mukha. Pinagdikit ko ang ulo naming dalawa. "A-anong ginagawa mo?!" pasigaw nyang tinanong. "Wala na akong magagawa, Baekhyun. Kung hindi ko 'to gagawin hindi ka makininig sakin. Alam kong sinabi mong bawal ko na 'tong gawin pero pasensya na kasi itutuloy ko 'to kung hindi ka susunod. Tatabi ka sakin o hahalikan kita?"

Nilagay ko na ang mga kamay ko sa magkabila nyang pisngi. Naghintay ako para sa sagot nya pero wala syang sinabi. Nilapit ko ng nilapit ang ulo ko hanggang sa naramdaman ko na ng kaunti yung labi nya. I stopped there then waited. "Chanyeol, w-wag mo nang ituloy. Tatabi na a-ako sayo," sabi nya habang umaatras.

Umusog ako sa kama tapos umupo naman sya sa tabi ko. Dahan dahan syang humiga pero hindi sya nakaharap saakin. Tumalikod na din ako sakanya. Ilang segundo ang lumipas at walang umimik saaming dalawa, hanggang sa napagdesisyonan kong sabihan sya ng, "Good night, Baekhyun." Hindi sya sumagot. Sa sobrang antok nya siguro, agad na syang nakatulog. Magkadikit ang likod namin at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan nya.

Humarap ako sakanya tapos binalot ko sakanya ang kumot ko. "Chanyeol ano ba..." mahina nyang bulong. Siguro nananaginip na sya ngayon. "Ang baho ng utot mo.." Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi nya. At dahil hindi ko matiis ang taong nasa tabi ko, niyakap ko na rin sya ng meyo mahigpit para mabawasan ang lamig na nararamdaman nya.

____

Nagising ako sa ingay na naririnig ko mula sa kusina. Ang ingay nilang dalawa. Ang lakas nilang magusap tapos yung mga kaldero gumagawa ng maingay na tunog.

Bumangon ako mula sa hinihigaan ko tapos pumunta ako sa kusina para tignan kung ano ang ginagawa ng magkapatid.

"Good morning," bati saakin ni Sehun na mukhang medyo maayos na. Binati ko rin sya pabalik. Lumingon ako at tumingin sa kapatid nyang mukhang may hinahanap sa fridge. "Baekhyun, good morning," bati ko sakanya.

Humarap sya saakin ng dahan dahan tapos hinawi nya ang buhok na nasa harap ng mukha nya. "Ganun d-din sayo," sagot nya. Ngumisi ako sakanya tapos nilapitan ko sya. "What's the matter? You seem to have a problem," nakangisi kong tanong. Iniwasan nya ang tingin ko. Narinig ko ang paglunok nya. "Niyakap mo 'ko kagabi, alam ko."

"Uhm.. may titignan lang muna ako sa labas," sambit ni Sehun sabay lakad paalis ng kusina.

"May sasabihin ka pa?" Umubo naman sya tapos naglakad sya palayo sa harap ko. "Thank you," sinabi nya habang nakatalikod sya. "Ano bang ginagawa mo di-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang tumunog ang cellphone nya na nasa lamesa.

Kinuha nya 'yon agad tapos binasa nya kung ano ang nakalagay doon. "Chanyeol," tawag nya. I hummed as an answer. "Tinetext mo ba 'ko?" Pumunta ako sa likuran nya para basahin yung message. "Hindi. I don't have my phone right now."

From: Unknown Number

Roses are red
Violets are blue
Love never crossed my mind
Until the day I met you.

"That's seriously not me. I don't send fucking lame quotes," I told him. He shrugged then went back to the fridge. "Hayaan mo na 'yon. Nasaan ba yung mga pagkain mo? Puro softdrinks tsaka junk foods ang nandito," tanong nya.

___

Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang restaurant at sabay sabay na kumakain. "Hindi mo naman sinabi saakin na hindi ka nagluluto. Hindi rin maganda na puro ganun ang kinakain mo. You also need real food."

"Well, I don't like food and I don't care what I eat. I eat what I want and you have nothing to do with that." Baekhyun sighed then rolled his eyes. "Babalik ako mamaya sa bahay mo para lagyan ng pagkain yung ref mong walang laman. Kaya ang putla putla mo eh," sambit nya.

"Hyung, ibig sabihin ba nun may pake ka kay Chanyeol?"

"Psh. Wala!"

____

Matapos naming mag-grocery at bumili ng kung ano ano pa man, bumalik kami sa bahay ko tapos pinuno nya ang fridge kong walang laman. Hindi ko alam kung para saan 'to pero parang useless din kasi hindi ako marunong magluto.

"Simula ngayon hanggang sa susunod na sabado pupunta ako dito para turuan kang magluto. Tuturuan kitang kumain ng totoo at nakakabuting pagkain, hindi yung mga pagkain mong sisirain ka lang at bibigyan ng sakit na minsan hindi na mawawala."

"Hugot pa hyung."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro