Chapter02: The Dare
Dedicated sayo kasi isa ka sa mga active readers ko ^^ thank you!
_______
Baekhyun's POV
"Park Chanyeol daw pangalan nya."
"Chanyeol? Yung lalaking may malaking tenga? Kilala ko sya. Sya yung playboy doon sa school natin," sagot saakin ni Luhan, ang bestfriend kong mas maganda saakin. But we're not in the same class because he's a year younger than me. Classmate sya ng nakababata kong kapatid na si Sehun.
Malaki pala tenga ni Chanyeol..
"Playboy? Kung ganun sya, mas lalo ko syang ayaw! Baka mamaya kapag nahulog ako sakanya, saktan nya lang ako," sagot ko sakanya. Tumango sya. "Yeah, I heard that he dated 3 girls in one day. Hindi nga alam nung mga babae na pinagsabaysabay sila," he said, standing up. "Sige, I have to meet someone in the library," sabi nya tapos umalis.
Nakakatakot pala 'tong si Chanyeol. Ayaw ko ng mga lalaking katulad nya. Okay na yung pangit basta may respeto.. hindi, gwapo nalang pala. Pero nakakainis talaga! Aaminin ko, kinilig ako kanina nung pinatong nya yung polo nya saakin. Sinamahan nya pa 'ko maglakad papunta sa locker ko para kumuha ng extra na damit at tsaka hinintay nya rin ako sa banyo habang nagbibihis ako. Hindi ko pa naramdaman 'to, sa totoo lang. But I can't continue this if it will just hurt me.
Bumalik na 'ko sa loob ng classroom pagkatapos nung short break namin. Nagulat nalang ako nang makita ko si Chanyeol na nakaupo sa tabi ng upuan ko. "Anong ginagawa mo dito? Diba nasa kabila ka?!" gulat kong tanong. Tumayo sya mula sa upuan nya tapos lumapit saakin. "Bawal bang lumipat? Gusto ko lang namang makita ka araw araw," sagot nya.
"Chanyeol! Pumunta ka ba dito para makita ako?" isang babae ang lumitaw sa gilid ni Chanyeol. Pinulupot nya ang braso nya sa braso ni Chanyeol tapos sumandal sya sa balikat niyo. "Huh? What the fuck are you talking about?" Chanyeol said, looking at the girl beside him. Tinulak nya ito palayo tapos lumapit sya saakin tas inakbayan nya 'ko.
"Who the fuck is he? Don't tell ne you're dating a guy!" sigaw nito. Hindi ako gumalaw kasi baka kung ano pa ang gawin ng bruhang 'to saakin. "Bitch, fuck off will you? I don't even know you."
"What? I'm your girlfriend!"
"Let's go, Baek," sabi nya sabay lagay ng kamay nya sa bewang ko. Magkasabay kaming naglakad papunta sa mga upuan namin na magkatabi lang. Yung babae kanina ang sama ng tingin saakin. Pakiramdam ko malulusaw ako sa mga titig nya.
___
Luch time na namin at kailangan kong hanapin si Kai. Pumunta ako sa pinakadulo kasi sabi nya nandoon sya at doon ko nga sya nakita kasama sina Lay, Chen, Kris at Sehun. Hindi ko alam na sakanila pala sumasabay ang kapatid ko. Naglakad ako papunta sakanila.
"Hyung anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sehun nang makita nya akong lumapapit sakanila. "Sehun, magkapatid kayo?" tanong ni Kai. Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ng kapatid ko. "Oo, magkapatid kami." Tumango nalang si Kai habang pinagmamasdan kaming dalawa.
"Hyung, ang daya mo! Iniwan mo 'ko kaninang umaga!" reklamo ni Sehun. Tumawa nalang ako.
Bumili kami ng makakain doon sa cafeteria tapos bumalik na kami sa upuan namin para sabay sabay na kamuain. Pagkatapos nun nagligpit na kami at nagusap-usap nalang.
"Kai, pwede ba kong magtanong? Wag ka sanang magalit," sabi ko. Um-oo naman sya sa tanong ko. "B-babaeo ka rin ba?" lakas loob kong tinanong sakanya. Ngumisi sya tapos tumango ng dahan dahan. "Pero sa ngayon wala akong ganang manloko ng babae. Siguro hindi ko na nga itutuloy," sagot nito. Napa-aahhh nalang ako.
Ilang minuto ang lumipas at biglang lumabas si Chanyeol kung saan man. Kumuha sya ng upuan bago tumabi saakin tapos inakbayan nya nanaman ako. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Nginitian nya ako tapos may inilabas sya mula sa likuran nya.
Ang libro ko.
Natuwa ako dahil doon. Agad kong kinuha yung libro mula sa kamay nya tapos hindi ko napansing nayakap ko na pala sya. "Thank you, Chanyeol! Salamat talaga!" Agad nya naman akong niyakap pabalik. Bumalik ako sa pwesto ko na may medyo mapulang pisngi.
"Kaya pala wala ka kanina. Nagtataka nga ako eh, akala ko nakikipaghalikan ka nanaman sa mga babae dyan," sambit ni Kris. Umiling naman si Chanyeol tapos kinuha yung soda ni Yixing tapos uminom. "You know what guys? Medyo boring tayo ngayon. Gusto nyo maglaro ng spin the bottle?" Chen asked. "Sounds dumb but sure. You start." Lay said.
Kinuha ni Chen yung bote na nasa kamay ni Sehun tapos nilagay nya ito sa gitna ng lamesa. "I'll spin this thing first before telling the dare," sabi nya tapos inikot nya yung bote. Kinakabahan ako habang tinititigan yung boteng umiikot. Parang saakin kasi matuturo eh. Ayaw ko. Please wag.
Pero sakin nga tumuro sa dulo.
"Hindi ako kasali dito! Wala naman akong sinabing sasali ako ah!" sigaw ko sakanya at tinaboy yung boteng nakaturo saakin. "Hyung, walang ganyanan. Basta nandito ka sa lamesang ito, kasama ka sa lahat ng gagawin namin," sambit ni Sehun saakin.
Bumuntong hininga ako tapos binalik ko ang tingin ko kay Chen. "Hmm. Alam ko naman na hindi ka straight dahil sa lambot mong 'yan at dahil bagay kayo ni Chanyeol, uutusan kitang halikan sya sa pisngi," nakangiting sabi ni Chen.
"Hinding hindi ko gagawin yan dahil una sa lahat, hindi kami close. Pangalawa, wala akong gusto sakanya! Pangatlo, sya ang dahilan kung baki-"
"Puro ka rason! Gawin mo nalang," sabi netong si Kai na nakangisi saaming dalawa. Ano pa ba ang magagawa ko kundi 'yon.
Lumapit ako sa mukha ni Chanyeol tapos tinapat ko ang labi ko sa pisngi nya. Pinikit ko ang mga mata ko kasi ayaw kong makita ang sarili ko na ginagawa 'to. 1, 2 3... Idinikit ko ang labi ko sa pisngi nya.
Pero teka.. Bakit parang hindi naman pisngi yung nahalikan ko? I opened my eyes to see what happened. "Ahhh!" sigaw ko at agad akong lumayo nang makita kong magkadikit ang labi namin ni Chanyeol. Yuck, eww! Ang daming babaeng humalik sakanya! Eww talaga! Baka hindi pa sya nagsisipilyo!
"Ugh! I hate you!" sabi ko at nagwalk-out. Narinig ko naman ang tawa nila nang makalayo na ako sakanila. Bwiset sila.
___
Tinawagan ko ang number ni Sehun pagkatapos naming magsilabasan. Hindi ko kasi sya makita sa dami ng taong naglalakad palabas ng school. Hindi nya sinagot ang tawag ko pero nagtext naman sya sakin.
From: Sehun
Hyung pupunta ako sa bahay nila Kai. Wag ka nang mag-alala sakin, Kaya ko na ang sarili ko. Haha sabi pala ni Chanyeol sasabayan ka nya! Goodluck.
"Aargh! Goodluck sya dyan! Bwiset yung lalaking 'yon. Kailangan ko nang magmadali bago nya pa 'ko maabutan dito." Naglakad ako ng mabilis papunta sa bus stop pero nang makarating ako dun, nakita ko syang nag-aabang habang tinitignan ako.
"Baekhyun."
___
T B C
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro