Chapter01: Wtf
Baekhyun's POV
"Sige, nay, magiingat po kayo. Uuwi rin po ako ng maaga mamaya. Alis na po ako," I said then kissed my mom. Tumango naman sya tas niyakap pa 'ko bago ako makaalis. Mahal na mahal talaga ako ng nanay ako ehehe.
Nagpunta ako sa pinakamalapit na hintayan ng bus. After a few minutes, the bus arrived. Sumakay ako sa loob nito at umupo sa upuan na medyo nasa bandang likuran na. May nakatabi akong lalaki pero hindi ko sya kilala. Nakataklob ang mukha nito sa panyo tsaka natutulog sya. He wears the same uniform as me so it means we go to the same school. I wonder who this guy is.
I plugged an earbud on my left ear then stared at the guy beside me. Parang gwapo kasi eh.
"Wag mo nga akong titigan." Nagulat naman ako nang marinig ko syang magsalita. Tinanggal nya yung panyo na nasa mukha nya tapos tumingin sya saakin. Okay, maitim sya. "Bakit mo 'ko tinitignan? Nararamdaman ko yung tulis ng tingin mo," sabi nya sakin. I pursed my lips then tried to think of something to say. Ayokong mapahiya sakanya. Maitim nga sya pero ang hot nya jeske.
"Ahm.. Napapansin mo ba? Parehas ang uniform natin. Oh," tinuro ko ang badge ng uniform ko. "Diba? Parehas! Tinititigan kita kasi baka kilala kita. Pasensya na kung naistorbo ko yung tulog mo," sambit ko. Nginitian nya 'ko tapos inilahad nya ang kanang kamay nya saakin.
"Hindi mo naman ako naistorbo. Magigising lang naman rin ako. By the way I'm Jongin, but just call me Kai," he said then we shaked hands. "I'm Byun Baekhyun but you can call me Baekhyun. Top student, walang failing marks." Ang proud ko talaga sa sarili ko. Kung pwede ko lang sabihin kung gaano ako kaganda, sasabihin ko. Kaso nakakahiya eh.
Ilang minuto lang ang lumipas pagkatapos ng paguusap namin, nakarating na ang bus sa school. Sabay kaming bumaba tapos dumiretso kaming dalawa sa hallway.
"Saan ka ba?" tanong nya sakin habang naglalakad kami. "Dun ako sa classroom nung teacher na masungit. Oh, eto na pala locker ko, bye Kai!" pagpapaalam ko. "Sige, kita nalang tayo mamayang lunch doon sa pinakadulong table." Tumango nalang ako bilang sagot. Pagkatapos nun, umalis na sya at dumiretso doon sa locker nya.
Binuksan ko yung locker ko tapos pinasok ko ang mga gamit ko sa loob. Kinuha ko naman yung mga librong kailangan, pati na rin yung librong palagi kong binabasa. Naglalad ako papunta doon sa fountain ng school namin tas umupo ako doon.
Habang nagbabasa ako, pinagmamasdan ko rin ang paligid ko. Maya maya napansin ko si Kai na may kasamang lalaking matangkad. Ang gwapo nung lalaki. Maputi, matangkad, yung mga mata nya ang bilog. Grabe ano ba 'to.
Minsan tinitignan nila ako. Kapag ganun, agad kong binabalik ang tingin ko sa librong binabasa ko. Ayaw kong mahalata nilang sakanila ako tumitingin. Patuloy lang akong nagbasa hanggang sa may narinig akong footsteps na papalapit saakin. Nilagok ko ang laway ko. Bakit parang pinagpapawisan ako.
Sinarado ng taong 'yon ang librong nasa kamay ko tapos inangat nya ang ulo ko gamit ang daliri nyang nakahawak sa baba {chin} ko. Sya pala yung matangkad kanina. Yung gwapo. Eto ang unang beses na nagkatinginan kami sa isa't isa. Kakaiba ang pagtibok ng puso ko ngayon. Ang bilis.
"Do you need something?" tanong ko sakanya habang patuloy ko syang tinitignan. Syempre, kailangan kong magsalita kung ayaw kong maging awkward ang pag-uusap namin. Itinabi ko muna yung libro sa gilid ko at tumingin ng deretso sakanya. "Yes. I need you, Baekhyun. I need you in my life," sagot nya saakin. WTF did he just say? Ginagago ba 'ko ng lalaking ito? Aba, matinde. "Anong sinasabi mo? Who told you my name?" HAHA kunyare hindi alam kung sino nagbigay ng pangalan ko.
"Kai gave me your name. Totoo ang sinabi ko kanina, Baekhyun. Unang titig ko palang sayo, nagustuhan na kita." Yung totoo. Ang weird netong lalaking 'to. Saan ba sya galing? Akala ko naman matino. Pwes, I'm Byun Baekhyun, ang top ng klase at ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa. HINDI NYA KO KAYANG MALOKO. Hindi ako kagaya ng mga babae dyan.
"Sorry, kung sino ka man. Hindi ako naloloko at lalong hindi ako nagpapaloko. Kung naghahanap ka ng mapapagtripan, madami dyan, wag ako. Hindi mo ko kilala at hindi rin kita kilala. I have to go now, classes are gonna start in five minutes."
Tumayo ako at hinakot ko ang lahat ng gamit ko. Kung may mahaba lang sana akong buhok, naghair-flip na 'ko, kaso wala. Tumalikod ako sakanya. Hahakbang na sana ako kaso hinila nya ang kamay ko at iyon ang dahilan kung bakit nahulog lahat ng gamit ko sa fountain. Mahirap kunin kasi medyo malalim tsaka maikli ang mga braso ko. Kadiri din kaya.
"GAGOO KUNIN MO YON! YUNG LIBRO KOOO!!" sigaw ko sakanya sabay sampal sa mukha nya.
"Aray! Sorry naman! Eto na, eto na." Sabi nya at naghubad ng pangitaas na damit. Lord, halp me ples. Mamamatay na po ako sa uhaw. "Huy, anong ginagawa mo?!" Hindi nya ako sinagot. Pati ang pagibaba nyang kasuotan ay tinanggal nya. Jusko, hindi ko na talaga kaya.
pero bakit? Hindi naman to pool :( ew.
Pumunta sya sa fountain. Kumalat na yata sa buong fountain yung mga gamit ko kaya mahirap makita. Medyo brown din yung tubig. "Kadiri ang ginagawa mo! Umalis ka na nga dyan!" sigaw ko. Tumunog na yung bell at umalis na ang lahat ng estudyante. Buti nalang walang nakakakita saamin. "Tara na! Malalate tayo!"
"Gusto mo bang pumasok na walang gamit? Maghintay ka, madali lang 'to," sabi nya at hinanap ang gamit ko ulit. Nahanap nya na yung mga importante kong gamit para sa school pero hindi nya pa nahahanap ang pinakaimportante para saakin. Ang libro ko.
"Lalaki, tara na! Iwan mo na yun."
Pero hindi nya ako pinakinggan. Wala na akong magagawa.
Hinila ko ang leeg nyang nakalubog doon sa tubig. Pero. Nahatak nya ako nang sumisid pa sya. Kaya nabasa ako. Kadiri talaga. Ang dumi ng tubig. Papangit na yung kutis ko neto. Papangit din ako. Wala nang dyosa sa mundo. Wala na.
Sabay kaming umahon pero hindi nya parin nahanap ang libro ko. "Ayos ka lang ba? Pasensya na, Baekhyun," sabi nya. "Okay lang. Salamat pala at hinanap mo yung mga gamit ko." Kukunin ko na sana yung mga gamit ko kaso natigil ako dahil sa ginawa nya. Pinatong nya yung polo nya sa likuran ko.
"I'm Park Chanyeol."
___
T B C
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro