Friends lang Tayo
Kumain ka na? Huwag kang magpapalipas ng gutom. Aba! May kaibigan ba talagang ganyan, sa tinatagal-tagal kong nabubuhay sa mundong ito mga magulang ko lang ang nagsasabi niyan. At iisa lang ang ibig sabihin nila doon, mahal kita.
"Magkaibigan lang kami ni Elise," narinig kong sabi ni Janus kahapon. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
"Eh bakit grabe ka namang maka-care sa kanya. Parang jowa mo ah," sabi ng kaibigan niya. Kitams, pati yung mga kaibigan niya akala rin may something sa amin. Paano naman ako, sobra akong umasa dahil sa pag-care niya. Grabe taga-bitbit ko pa ng bag tapos palagi akong sinusundo at hinatid sa bahay, hindi ko naman siya service.
"Hindi ganoon naman dapat ang kaibigan," sagot naman niya.
"Dapat may care sa kaibigan. Hindi sobrang care, mamaya umasa iyong tao sa iyo, kawawa naman," sabi naman ng kaibigan niya. Mabuti pa ang mga ito, gusto ko iyong pag-iisip nila. Bakit mas alam yata nila ang mararamdaman ko.
"Hindi iyan," natatawang sabi niya. Aba natatawa pa ang siraulo.
"Hindi mo rin alam. Bahala ka, ikaw din," sabi pa ng isa niyang kaibigan.
Hindi ko na nakaya ang lahat at umalis na lang ako, ano pa nga ba ang magagawa ko? Umasa lang naman ako, ang sakit. Akala ko may meaning ang lahat, para lang pala isang tula o kaya painting, base sa interpretasyon ng tao.
Iba pala ang interpretasyon ko sa interpretasyon niya, kung nasa contest kami sigurado talo na siya. Hindi ako ang mali, ang hirap naman kasi ng sitwasyon ko.
Ayoko kitang nasasaktan. Dito ka lang tabi ko.
Shucks ang sweet, pero wala lang pala iyon. Kaibigan lang pala ang turing sa akin. Hindi ko na siya kayang makita pa.
¤♡•♡•♡•♡¤
"Elise, may problema ba. Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya. Diba, pang-jowa lang ang linyahan.
Iniiwasan ko siya dahil sa mga narinig ko, mas mabuti na talaga ang ganito para at least hindi ako mas lalong masaktan. Mahirap naman kung sasama pa rin ako sa kanya tapos palagi kong maiisip iyong mga narinig ko. Sa tuwing ihahatid niya ako sa bahay, papasok sa isip ko na kaibigan niya lang pala ako.
"Bakit mo ba ako hinahatid sa bahay? " tanong ko sa kanya.
"Dahil gusto ko. At isa pa hindi naman malayo ang bahay niyo eh," sagot niya kaya napapikit ako.
"30 minutes ang layo ng bahay niyo sa bahay ko, bakit araw-araw mo iyong ginagawa? Tapos tinetext mo pa ako o kaya tinatawagan kung nakakain na ako o kung kumusta ba ang araw ko," inis kong sabi sa kanya.
"Syempre magkaibigan tayo eh. Bakit mo ba tinatanong iyan?"
"Mga magulang ko nga eh, hindi na ako tinatanong ng mga ganyang bagay. Iyong bestfriend ko rin hindi. Habang ikaw, halos araw-araw nanlilibre kahit hindi ko sinasabi, binibitbit mo pa ang bag ko everyday."
Nakatulala lang siya sa akin na tila hindi alam kung ano ang sinasabi ko. Aba may something ba ito sa utak niya, masyado ba akong nabulag sa pagmamahal ko sa kanya na hindi ko na-realize na medyo shungaers siya.
Ako tanga sa pag-ibig, siya tanga sa—something?
"Hindi mo talaga na-gets?" tanong ko sa kanya.
"Ano ba talaga ang ibig mong sabihin?" tanong niya sa akin.
"Mahal kita Janus. Dahil sa mga ginagawa mo sa akin, nahulog ako sa iyo! Ano ba talaga ang nararamdaman mo para sa akin, bakit mo ba ito ginagawa?" bulyaw ko sa kanya.
"Pasensya ka na Elise. Hindi ko alam na may meaning pala ang lahat sa iyo, kaibigan lang talaga ang turing ko sa iyo. Ginagawa ko ang mga iyon dahil kaibigan kita," sagot niya.
"Seriously? Ganyan ka ba sa lahat ng mga kaibigan mo?" tanong ko, tumango naman ito. Hindi ko alam iyon, masyado yata akong nakatingin sa kanya kaya hindi ko napapansin ang paligid ko.
"Hindi ko alam kung maswerte sila o malas. Baka may isa rin sa kanila na umasa. Grabe naman ang ka-sweetan mo, natalo mo pa parents ko. Sana all, sweet."
Maglalakad na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. Napapikit ako dahil sa ginawa, parang k-drama lang ah.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Kaya mo ba ako iniiwasan dahil doon?" Tumango naman ako, obvious naman na siguro sa kanya iyon.
"Huwag mo sana akong iwasan. Magkaibigan pa rin naman tayo Elise. Alam kong iba ang tingin mo sa mga ginawa ko pero friends lang talaga tayo," pilit siyang ngumiti.
Ang swerte ko namang kaibigan sa kanya pero parang ang hirap naman noong sinasabi niya, kasalanan ko rin naman siguro ako lang naman nagbigay ng meaning eh. Pero ikaw ba naman, mag-care siya sa iyo ng sobra-sobra tapos lahat ng tao ang iniisip ay may something sa amin.
"Friends lang tayo," pag-uulit ko sa sinabi niya.
Friends lang kami? Hindi talaga iyon ang ini-magine ko noon. Pero dahil nagkaalaman na at nagkaaminan, hindi ba magiging awkward ang lahat.
"
Janus. Umasa talaga ako ng sobra, tingin ko mas masasaktan lang ako kapag naging magkaibigan pa tayo. Baka mas maging awkward lang ang lahat. Hayaan mo na lang ako na iwasan ka."
Hindi ko na hinintay pang magsalita siya. Mas mabuti ng iwasan ko siya, mas makakabuti sa aming dalawa iyon.
Friends lang naman kaming dalawa. Nothing more, ako lang kasi ang nagbigay meaning ng lahat. Ako rin ang dapat umiwas at patuloy na maglakad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro