Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

KiB: Hi. Welcome to the final story under Souls Series. The Point of View here will be split into two, between Astra and Aya. That's all. Thank you and enjoy reading!

Tweet using our hashtag: #FreedSoulsWP

**

Prologue

Hyacinth

Nahuli ko ang maninilip na lalaki.

Hindi naman siya gano'n kabilis. Sa totoo niyan ay mas mabilis pa nga ang mga usa sa gubat na hinuhuli namin ni Papa kesa sa kanya. Pero kung ikukumpara siya sa usa, hindi nakakaawang saktan ang lalaking 'to.

"We caught him sneaking into women's room," sumbong ni Mama kay Lady Aida.

"Nakakangawit," reklamo ni Koko dahil hawak ko sa kanyang likod ang mga kamay niya. "Hays. Wala ka talagang balak bitiwan ako?"

"No." Saka ko mas binali ang mga braso niya.

"Bad girl..." he hissed.

Nilapitan siya ni Lady Aida na may banayad na ngiti sa labi. "Hi. Ako si Lady Aida, isa sa mga guro dito. Pwede ko bang malaman kung saang pangkat ka nabibilang?"

"A-aray..." daing nito.

"Aya, please?" Tumango si Mama sa akin.

"Tatakas siya, Mama."

"Para namang patatakasin mo ako."

"Please?" Mom pleaded.

Wala akong nagawa kung hindi ang palayain si Koko. Nag-stretch ito ng mga braso at humikab. May sinabi pa ito pero hindi ko naintindihan dahil binanggit niya 'yon habang humihikab.

"Please punish him, Lady Aida," I said.

"Panis?" tanong ni Koko sabay halakhak.

"You are not funny," I told him.

"Hindi naman kasi kayo marunong magbiro dito." Bumaling ito kay Mama. "Anak mo ba 'to, Ate? Bakit hindi kayo magkaugali?" Saka siya tumingin sa akin.

"Mabait naman 'yan," sambit ni Mama. "Hindi lang kasi tama ang ginawa mo, Koko."

"Oo na. Sorry."

Napangiti si Mama.

Uhmm... seryoso ba? Nagawa siyang utuin ni Koko? He didn't sound apologetic at all. Parang nag sorry lang siya para tumigil na sila sa pagbanggit sa bagay na 'yon.

"Dayo ka ba?" tanong ni Lady Aida.

"Oo. May humahabol kasi sa akin e," ani Koko. "Tapos medyo madaling lusutan ang mga nagbabantay sa tarangkahan dito. Ayokong lumabas dahil baka naroon pa sila."

"Sino ang mga humahabol sa 'yo?" tanong ni Lady Aida.

"Rebelde..." sambit ni Koko.

Mukhang naalarma naman sina Lady Aida at Mama.

"Kung gano'n ay ipahahatid ka namin sa mga kawal." Si Mama na halatang nadala sa kwento ni Koko. "Sisiguraduhin naming makakabalik ka sa inyo nang ligtas."

"Saan?" tanong ni Koko.

"Koko?"

Umiling si Koko. "Rebelde rin ako..."

My lips slightly parted.

Nagkatinginan sina Lady Aida at Mama.

Isa rin siyang rebelde? Whoa.

Hinatak ni Lady Aida si Koko paupo sa couch para kausapin nang masinsinan. Si Mama naman ay lumapit sa akin at inaya na akong umalis para makapag-usap ang dalawa nang mabuti.

"Hyacinth? Tara na..."

"He's an insurgent. Is he bad?" I asked.

"Bad ka rin naman, 'di ka naman insurgent," pag-epal ni Koko.

"No. Not all insurgents are bad, Aya," Mom explained. "Let's talk about it outside."

Sinama na ako ni Mama sa labas. Bago kami tuluyang makaalis ay nakita kong tumayo si Koko at lumipat ng ibang couch. Humiga siya roon at tinaas ang damit para takpan ang mukha.

"Matutulog muna ako," aniya.

Interesting.

Umupo kami ni Mama sa ilalim ng bench sa ilalim ng puno. Tinalikod niya ako sa kanya at hinawi ang buhok ko. Malimit namin itong gawin kapag may pinag-uusapan.

"As much as I don't want to talk about it, you need to know..." She let out a heavy sigh. "I want you to know that not all insurgents are bad. Ito ang pinaglaban ng Papa mo dati. Severus Kingdom will provide them the help they need. To help them clean their names."

"So... Koko will go to Severus Kingdom?"

"Hindi ko alam, Aya. Masyado pa siyang bata pa roon. Saka hindi pa natin alam ang tunay niyang pagkakakilanlan. Pero..."

"You want me to avoid him..."

Hinarap ako ni Mama. "I just want to protect you."

I gulped. Hindi siya natatakot na mapalapit ako kay Koko. Nababahala siyang maengganyo ako sa mga kwento niya at mas gustuhin na makita ang mundo sa labas ng mga naglalakihang pader ng Esparago Clan.

I can't blame her. She's somehow right. I really find Koko interesting. He seemed to know a lot of fascinating things especially the things outside. But I know my boundaries.

I am not allowed to go outside, not until I've mastered my fog ability.

"Hindi kita pipigilang makipagkaibigan sa kanya," seryosong sambit ni Mama. "He's alone here. Bago pa siya kaya wala siyang kaibigan. Pero gusto kong ipangako mo sa akin na kahit na anong mangyari... hindi mo susuwayin ang utos namin ng Papa mo."

I frowned. "Hindi ko naman sinabing gusto ko siyang maging kaibigan, Mama."

Mom smiled. "Why not?"

"I don't know? It's just..." I shrugged my shoulders. "He's naughty unlike Tegan."

"That's because he's an insurgent, Aya. Hindi siya gaanong naturuan sa labas," pagpapaliwanag ni Mama. "May mga alam siya na hindi mo alam at gano'n ka rin."

"Kahit na..."

"It's fine if you don't want to be friend with him." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Just don't make him feel he doesn't belong here. That's the worst feeling, Aya. Do you understand me?"

Mahinang tumango ako. "Yes, Mama."

She kissed my forehead and hugged me. "I love you, My little flower..."

I giggled as I responded, "I love you too, Mama."

Matapos akong makausap ni Mama ay sinabihan niya akong puntahan uli si Koko. Susunod din siya pagkatapos makakuha ng pagkain para sa lalaking maninilip.

Tanging si Koko lang ang naabutan ko. Tulog pa rin ito. Malakas ang hilik niya.

Umupo ako sa ibang couch. Hindi ko napigilang lingunin uli si Koko. Kita ang kanyang katawan dahil nakataas ang damit nito. Umiwas ako ng tingin nang makaramdam ng hiya.

Sumandal ako sa couch at bumuntonghininga. Nakakabagot naman. Wala si Tegan dahil sinama siya ni Tito Abel sa labas. Tapos wala rin si Papa kaya wala akong makalaro. Si Mama naman ay ayaw akong papuntahin sa gubat nang walang kasama.

Bumagsak ang tingin ko sa purselas. Naiinis na ako rito. Dahil dito ay marami akong gustong gawin na bawal. Kailan ba kasi kami magkakasundo ng hamog ko?

Dumating si Mama na may dala na pagkain. Dahan-dahan niya 'yong pinatong sa center table pero mukhang malakas ang pang-amoy ni Koko na agad bumangon.

"Pagkain!" sigaw niya.

Hindi pa sinabi ni Mama na para sa kanya 'yon pero nilantakan na niya agad. Napatingin ako sa buhok niya. Magulo. May mga dumi rin ang kanyang kuko sa kamay. May butas din ang kanyang damit.

"Hindi ka naghugas ng kamay," puna ko.

Puno ang bibig nito nang tumingin siya sa akin. "Hindi naman kamay ko ang kakainin ko ah?"

"Pero pinanghawak mo ito sa pagkain—"

"Gusto mo? Subuan kita?"

"Yikes." I rolled my eyes.

Tumikhim si Mama. "Maiwan ko muna kayo."

Lumapit si Mama sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Ako rin—"

"Corbie..." I glared at him.

Tumawa si Mama. Nilapitan niya si Koko at hinawakan ang buhok. "Ihahanap kita ng masusuot para makapaglinis ka ng katawan. Sa ngayon ay ubusin mo muna ang pagkain mo."

"Salamat..."

"Tita Astra," ani Mama.

"Salamat, Tita Astra..."

Naiwan kaming dalawa ni Koko. Hindi kami nagkibuan dahil kumakain pa rin ito. Nakaupo siya sa sahig at nakaharap sa lamesa. Naubos na niya ang pagkain at umiinom na lang ng dugo.

The blood was dripping on his lips so he licked it.

I looked away.

He burped. "Hays. Ang sarap ng mga pagkain dito. Maging ang dugo ay sariwa tapos mabait pa si Tita Astra. Ano nga ulit pangalan ng pangkat na ito, Hyacinth?"

I cringed when he mentioned my real name. It felt strange hearing that from a stranger.

"Esparago Clan," sagot ko. "Si Pinunong Bermudo ang namumuno sa amin."

"Kaanu-ano ka ni Pinunong Bermudo?" Bumalik ito sa couch.

"Kaibigan ko ang apo niya."

"Ohh. Kaibigan mo lang pala ang apo niya pero kung umasta ka ay parang prinsesa."

Umawang ang mga labi ko. "Prinsesa talaga ako—"

Humalakhak ito. "Ayon! Marunong din naman pala kayong magbiro dito e."

"Whatever, Corbie."

He yawned. Really? Kagigising niya lang pero mukhang inaantok na naman.

"So..." Tumikhim ako. "Rebelde ka talaga?"

"Hindi na... yata?"

Umangat ang mga kilay ko.

Ngumiti ito.

"Dito na lang ako, pwede ba?"

"H-hindi ko alam..."

"Hindi na ako maninilip..."

"I don't know, Corbie."

"Ayaw mo ba ako rito?"

Mabilis na umiling ako. "Hindi naman sa gano'n, Koko. Pero hindi ako ang magpapasya niyan. Si Pinunong Bermudo, dahil siya ang namumuno sa amin."

Mahinang tumango ito. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko.

"Pero kung ikaw ang magpapasya..."

"Kung good boy ka..."

"Edi magiging good boy ako para sa 'yo!"

Natawa ako. "Maligo ka muna kaya?"

"Ayoko. Malamig."

"Kailan ka pa huling naligo?"

"Hindi ko na matandaan e."

Napangiwi ako. That's why he smelled bad.

"Bakit ka hinahabol ng mga kapwa mo rebelde?"

"Kapwa?" Natawa ito. "Marami kaming rebelde, Aya. Kanya-kanya kaming buhay sa labas. Hindi kami magkakampi. Kapag rebelde ka, kalaban mo ang buong mundo."

Natutop ako sa kinauupuan. Then... he has been fighting the whole world all his life? Kaya ba parang wala na siyang panahon para sa sarili? Kaya ba ganito siya kasabik sa katahimikan?

I felt sad for him all of a sudden.

"You can stay here for as long as you want," sambit ko.

Tumitig lang siya sa akin.

"What do you think?" tanong ko.

"Aya..." Kumamot ito sa batok. "Konting English lang kasi ang alam ko e."

"Sabi ko pwede kang pumarito pansamantala, Koko..."

Lumiwanag ang mukha nito. Nagtaas siya ng mga kamay. "Yesss. Ayan! Ganyan nga, Aya. Huwag kang masungit kasi hindi naman masungit si Tita Astra."

"Okay..." I chuckled.

Dumating si Mama na may dalang damit para kay Koko. Sinamahan namin ito para ituro ang palikuran. Hindi pa yata umaabot ng dalawang minuto ay tapos na itong maligo.

He was shaking when he went out. "G-grabe. Ang lamig..."

Napatingin ako sa kulay puti niyang damit. Hindi ito nagpatuyo masyado kaya maging ang bagong suot na damit ay basa. Tumutulo pa ang tubig sa kanyang buhok.

But... he looked better now.

I mean... Koko has the look. Palangiti ito na bagay sa kanya.

"Tsinelas..." Binaba ni Mama ang mga hawak.

"Salamat, Tita Astra."

"Sumama ka muna sa kwarto para makapagsuklay," anyaya pa ni Mama pero tumanggi na ito.

"Ayokong magsuklay. Magugulo rin naman ang buhok ko."

"Sure." Tumingin sa akin si Mama. "Pwede mo ba siyang samahan muna, Aya? Igala mo siya rito para maging familiar siya sa mga pasikot-sikot at para na rin magkapalagayan kayo ng loob."

Ngumiwi ako. She's really pushing me to be with him.

"Okay..." I said instead.

Sinamahan ko si Koko sa paglibot. Sobrang likot nito. Lahat ng makita niyang kawal ay tatapikin niya ang balikat at tatango na animo'y matagal na silang magkakilala.

"Musta naman ang trabaho, Kuya?" pagkausap niya sa isang kawal. Nakapamaywang pa ito habang nakatingala sa kawal. "Ganda ng kalasag mo ah."

"Mabuti naman. Bago ka lang dito?"

"Oo. Ay..." Tumingin sa akin si Koko. "Siya pala si Aya."

Tumawa ang kawal. "Kilala ko siya."

"Ako si Koko..." Ngumiti ito. "Sana ay tandaan mo rin ang pangalan ko."

"Oo naman, Koko."

"Sige, Kuya. Sasamahan pa ako ni Princess Aya e."

Yumuko si Koko sa kawal bago umalis. Lumapit siya sa akin. Sobrang lawak ng ngiti sa kanyang labi. Alam kong ganito siya pero hindi ko pa rin maiwasang magulat.

"Ang ganda rito..." bulong niya.

He really is... interesting.

Pinakita ko kay Koko ang strawberry farm. Habang ang mga mata ko ay kumikinang sa dami ng mga bunga, si Koko naman ay tamad lang na nakatingin.

"Tinatamin pala 'to?" Bumaling siya sa akin. "Akala ko ay kusa na lang tumutubo."

"No. We planted these..." I told him.

He nodded. "Baka nga may nagtanim ng mga strawberry na kinukuha ko sa labas."

"You are stealing?"

"Medyo? Dinidiligan ko naman para pambawi. Kapag may kinuha akong prutas, didiligan ko ang halaman. Para nang sa gano'n ay makabawi ako... sa halaman, hindi sa nagtanim."

Bumilog ang mga mata ko. "That's cool..."

"Oh. Cool guy na ako?" Tumawa ito.

Yumuko ako. "Sorry nga pala kanina..."

"Saan?"

"Sa ginawa ko..."

"Saan do'n?"

Umangat uli ang tingin ko sa kanya. "Sa pagdagan sa 'yo. Kasi naman e. Naninilip ka. Bad kaya 'yon..."

"Magaan ka lang naman, Aya. Dinaganan na nga ako ng malaking puno e. Imbes na malusaw ako, mas lumakas lang ang mga buto ko. Sa halip na malumpo ako, natutunan kong tumalon nang mataas."

"Okay, Cool Guy..."

"Baby Aya!"

Napatingin kami sa lalaking parating. Si Tegan na may dalang isang basket. Nakatingin ito kay Koko. Nakakunot ang kanyang noo.

"May dala ako..." Pinakita sa akin ni Tegan ang basket na naglalaman ng mga strawberry. "Bumili ako sa bayan. Mas matamis ito kasi sa ibang lugar tinanim."

"Patikim nga!" Kumuha si Koko at kinain 'yon. Nginuya niya ang strawberry at nilasahan. "Oh. Sa mas malamig na klima tinanim ang strawberry na ito. Matamis nga!"

"S-sino ka?" tanong ni Tegan.

"Ako si Koko..." Saka niya hinawakan ang balikat ko. "Kaibigan ako ni Aya."

Mas lalong nalito si Tegan.

"Dayo ka rito?" tanong ni Tegan.

"Oo..." Tumango si Koko. Nilagay niya ang mga kamay sa batok. "Ikaw siguro 'yung apo ni Pinunong Bermudo. Baka pwede mo siyang kausapin na dito na lang ako?"

"His name is Tegan, Koko..." pakilala ko.

"Oy may kabayong tumatakbo!" ani Koko kaya napalingon kami sa likod.

Kumunot ang noo ko dahil wala naman kaming nakita.

"Wala naman ah?" Humarap ako uli kay Koko.

Humikab ito. "Wala pa ba?"

What?

"Wait. George!" Hinabol ni Tegan ang kabayo niyang tumatakbo palayo. Mukhang nakalimutan na naman niya itong itali gaya ng madalas kaya nakakatakas.

Napakurap ako.

I looked at Corbie.

He winked at me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro