Chapter 9
Chapter 9: Chaos
Astralla
After putting on his pants, Brix went to the balcony to lit up a cigarette. He leaned on the rail as he puffed the smoke out of his lips. I blushed when my eyes laid to the scratches on his back.
I stayed in his bed as I grasped all the air I forgot to breathe earlier. Tinaas ko hanggang dibdib ang kumot, ang tanging nagbabalot sa hubad kong katawan.
"It's getting dark," I broke the silence.
"Sino naghatid sa 'yo?" tanong ni Brix habang ang tingin ay nasa malayo pa rin.
Lumunok ako. "Ako lang mag-isa..."
He released another smoke that filled the air. Ang amoy ay abot hanggang sa kinahihigaan ko. Matagal-tagal na rin nung huli ko itong nakitang nagpausok ng bibig. O baka hindi niya lang ginagawa sa Esparago Clan dahil baka makita ni Aya.
"Ginamit ko si Servena," dagdag ko pa.
"You could have just waited me there," he said.
"And you could have sent a messenger to tell me what's going on at bakit hindi ka pa rin bumabalik." I rolled my eyes. Bumalik ang inis na nararamdaman ko kanina.
Really? Bakit parang siya pa ang frustrated sa aming dalawa?
Mula sa usok ay mabigat na hininga naman ang pinakawalan niya. Humarap na ito sa akin at pumasok uli sa kwarto. Nilagay niya sa ashtray ang hindi pa ubos na sigarilyo bago umupo sa tabi ko.
"I'm really sorry about that. Ano ang sabi ni Aya?" Lumambot ang boses nito at tila nag-aalala sa maaari kong isagot.
I shrugged my shoulders. "Pinangako mo sa kanya na tuturuan mo siyang sumakay ng kabayo pagbalik mo."
"And I will do that," maagap na sagot nito.
"Pero ang tagal mong bumalik."
Brix turned to me as that bothered expression crossed his face. Umawang ang mga labi nito na tila may gustong sabihin pero tinikom niya rin. Bumali ang leeg nito bago umiling-iling.
He let out a heavy sigh. "Is she mad?"
"What do you expect?"
"Fuck. Really?" He sounded so frustrated.
"But it's fine..." Napalingon siya sa sinabi ko. "Mas maraming nangangailangan ng tulong mo rito. Mas maraming umaasa sa 'yo dito. Samantalang sa Esparago Clan ay isa lang. You have more important role in this kingdom than in Esparago Clan. "
"What do you mean?"
"It's fine, Brix."
"What are you trying to say, Astra?"
Sinalubong ko ang mga malamig niyang mata. Walang lumabas na salita sa bibig ko.
"Sinasabi mo bang mas importante sa akin ang kaharian na ito? Kesa sa sarili kong anak? Were you trying to say that I would let her down just for this kingdom? When in fact she was the core reason why I build this kingdom in the first place?"
"No. But you told me..." Hindi ko na naman napigilan ang mga luha. "Sasamahan mo siya sa laban ng buhay niya. Hindi ba? Brix... nag-uumpisa nang lumaban ang anak natin."
"A-Astra—"
"Hinahanap ka niya..." Ngumiti ako bago pinunasan ang mga luha sa pisngi. "Hinahanap ka niya, hindi dahil may pinangako ka sa kanya. Hinahanap ka niya kasi... gusto ka niyang makita."
Hindi na nakasagot si Brix sa puntong ito.
"The truth is... I don't think Aya is doing good," I confessed. "Simula nung biglang naglaho ang hamog niya, parang lagi siyang malungkot. I know it's part of her life and feeling something like that is inevitable but as a mother, I can't pretend that it's not affecting me. Call me overprotective, I don't fucking care. As long as my daughter is with me, I won't just stand and watch her bleed!"
Tumayo na ako at dumiretso sa CR. Doon ko binuhos ang mga luha. Ngayon lang bumuhos ang pag-aalala na kinimkim ko para ipakita sa anak ko na ayos lang ang lahat.
Is that feeding her with false beliefs? No. I'm encouraging her. I'm not telling her that everything is okay when it's clearly not, I'm telling her that everything will be okay.
Nang kumalma ay naghilamos na rin ako.
Naramdaman kong pumasok din si Brix.
Inabot ko ang towel at nagpunas ng mukha. Humarap ako kay Brix. Nakatayo ito sa gilid ng pinto at hawak ang mga damit ko. Lumapit ako sa kanya para kunin ang mga ito.
I waited for him to go out but I don't think he would.
Nagkibit-balikat na lang ako at tumalikod sa kanya. Binalik ko ang mga damit ko. Hanggang sa matapos akong mag-ayos ay tahimik lang din si Brix. Medyo nakakailang na tuloy.
Huminga ako nang malalim bago humarap sa kanya.
"Let's go?" I asked.
He just stood still, staring at me.
"Brix. Note lang ang iniwan ko. Hindi ako personal na nakapagpaalam kay Aya."
Diretso pa rin ang tingim nito sa akin nang lumapit. Hinawakan niya ang bewang ko at papunta sa puson ko. He zipped my pants without breaking our eyes contact.
I swallowed. "We need to go back now."
"Ano ang sabi mo kanina, Astra?" malamig na tanong nito.
"What?"
"May isang naghihintay sa akin sa Esparago Clan?"
"It's fine. Ang mahalaga ngayon ay babalik ka na rin at makakasama mo na ulit si Aya..."
"How about you? Hindi mo ba ako hinihintay?"
Natikom ang bibig ko. Sa dami ng sinabi ko ay iyon talaga ang tumatak sa isipan niya?
"I hope you know that you are just as important as our daughter to me, Astra. Marami mang nangyari na at kahit may anak na tayo... walang nagbago sa pagtingin ko sa 'yo. I am more than willing to do anything just to keep you both safe."
That sincerely melted me.
"Gano'n din naman ako, Brix..."
Napangiti ako nang makitang ngumiti rin ito. I missed that smile.
"Shall we go now?" I asked again. "Oh, come on, Brix. Kanina pa ako nag-aaya..."
Brix opened the door for me. Nauna akong lumabas ng CR. Naabutan kong papasok ng kwarto ang isang lalaki. Bago pa man tuluyang makapasok ay lumabas agad si Joseph. Narinig ko pa ang mahinang pagmura nito.
I turned to Brix. "Who is that man?"
"Hindi ba pinakilala ko na siya sa 'yo?" Lumapit si Brix sa kama at kinuha ang jacket. "His name is Joseph. I forgot to introduce him to you. He was my companion after I left... or should I say got kicked out of Nightfall Clan."
Tumango naman ako. Gano'n na sila katagal magkaibigan? No wonder why Brix seemed to trust him that much.
"He is in charged of everything here now..." he added.
"He must be a good man."
Brix chuckled. "Maybe..."
"What do you mean?"
"Let's go?" aya na niya sa akin.
Sa labas ng kastilyo ay nakaabang ang kawal na may hawak kay Servena. Yumuko ito sa amin at bumati. Brix patted his shoulder as he grabbed the reign from him.
I couldn't explain how overwhelming that was to see. A leader who recognizes everyone. Nakita kong nagalak ang kawal sa simpleng pagtapik ni Brix sa kanyang balikat.
"Shall we?" Naglahad ng kamay sa akin si Brix.
Nang makaangkas sa likod ni Brix ay mabilis akong yumakap. Sa ibang panig ay palubog na ang araw. Bigo ako sa pangakong hindi papaabutin ng gabi ang pagbalik.
Damn Brix. It's his fault.
"What do you mean the fog disappeared?"
Brix was asking questions while we were traveling. Mabilis ang pagpapatakbo nito kay Servena. Sa tingin ko ay hindi pa naman gano'n kadilim ay makakauwi na kami.
"Something happened. Nagkatampuhan..." That's how I understood it.
"That affected our daughter?"
"Parang gano'n na nga..."
"Did she stop playing with the son of Esparago?"
Hinampas ko ang likod ni Brix. "Mahirap bang tawagin siya sa pangalan niya? His name is Tegan and his father's name is Abel. What's wrong with you?"
"Yeah? But I asked you..."
Bumuntonghininga ako. Hindi ko alam kung hindi niya ba talaga naaalala ang mga pangalan nila o nagtatampo pa rin ito dahil minsan kong sinabi na gusto kong maging ama ng anak ko si Abel.
"Nakikipaglaro naman. Pero 'yun nga. Parang mas gusto lagi ni Aya na makipaglaro para libangin ang sarili." No matter how she fakes her smile to me, I know it's bothering her.
That's how I see it. Hindi makapag-focus sa pagbabasa si Aya. Sa tuwing iiwanan ko siyang nagbabasa, pagbalik ko ay tulog na o 'di kaya'y tumakas para makipaglaro. She can't seem to focus on something alone.
"May sinasabi ba si Tegan sa 'yo? Aya must be telling him something she can't say directly to you..."
I shook my head. Tegan never said a thing about it.
Even Koko.
Natigilan ako. Oh shit. He doesn't know about Corbie yet.
Now, thinking about it... what will be his impression on him?
"Hey. Yung kanina pala..." Bahagyang pinabagal ni Brix ang pagpapatakbo kay Servena. "Don't worry. I will try to spend more time with our daughter. With you. Babawi ako."
Sumandal ako sa likod niya. Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin.
"I'm really sorry if I wasn't around for a while..."
I smiled. "I still find that word strange when it's coming from you..."
"What?"
"Don't promise it, Brix. Just do it."
"Bakit parang sinasabi mong hindi ako marunong tumupad sa pangako?"
Hindi na lang ako umimik pa. Nakangiti lang ako habang nakikinig kay Brix na isa-isahin niya lahat ng pangakong tinupad niya. It's not that deep but I like how take it seriously.
Sa dami ng binanggit niya, hindi ba nito naaalala na pinangako niyang hindi ako bubuntisin? I know he never intended to do it still...
Naramdaman kong tumigil kami. Nagmulat ako ng mga mata at umalis sa pagkakasandal sa likod ni Brix. Bumaba ito ng kabayo at naglakad palayo hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Kumurap-kurap ako. What happened?
Did he just leave me in the middle of the woods alone? Nagalit ba siya sa sinabi ko?
No. He's not that kind of man. Then, what?
I was too confused but when I saw him coming back, I felt relieved. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. Bahagyang umawang ang mga labi ko nang mapagtanto kung bakit siya huminto.
"Remember?" He showed me the flower.
"H-Hyacinth..." Just after I mentioned its name, I remembered a lot of memories. "Sobrang layo nito sa Esparago Clan. You really took your time to get that huh?"
That rose really hit his ego to the extent he managed to make it this far just to get the rare ones huh?
He grinned. "Well..."
"Thank you, Brix..."
Nawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Uhmm..." He was hesitant.
"Gagawa ako ng kandila na tinuro sa 'kin ni Ginang Melendez!" excited ko pang sabi. "This time, I won't use it during our love time. Mas titipirin ko since malayo nga ang kuhaan."
"You got it wrong, Milady. This is for Aya..."
Naglaho ang ngiti sa labi ko. That was... embarrassing.
"B-bakit siya lang?" tanong ko. "Gago ka ba? Ikuha mo rin ako!"
"Ito lang ang namukadkad eh..."
"Gumawa ka ng paraan!" Humalukipkip ako. Oh, My God. That was mortifying. He really did me dirty by making me feel excited. "Bahala ka, Brix. Hindi tayo aalis dito."
Kumamot ito sa kanyang batok.
"Para naman sa anak natin ito..." bulong pa niya.
Hindi ako umimik.
"Nabigyan na kita dati, hindi ba? Gusto kong si Aya na naman..."
Still no words from me.
Damn. I was really excited with the idea of having that flower!
"Don't worry. Next time ay ikaw na naman ulit..." aniya pa.
"Okay," tipid kong sagot.
"Damn. Promise!"
I nodded. "No making love until you get me one."
"Holy fuck. Sa 'yo na!"
Hindi ko napigilang matawa nang malakas. Really, Brix? Sa dami ng pwedeng panakot ko, doon ka pa talaga nasindak? But then again, I don't think I want to miss Peter that much.
"Joke lang!"
Sumimangot ito. "Joke dapat 'yan ah?"
"Oo na." Ngumiti ako. "Aya would be happy to receive a gift from you."
Muling sumakay sa harapan ko si Brix. Pinahawak niya sa akin ang bulaklak. Inamoy-amoy ko ito. Naisip ko kung ano ang gagawin ni Aya sa bulaklak na 'to. Malamang na baka ibigay niya rin sa 'kin.
Napatingin ako sa itaas. Buo ang buwan.
I got startled when I heard a growl from somewhere. Sa sobrang lakas nito ay parang nagtatago lang ito sa mga puno sa paligid. Pero wala naman akong maramdaman sa paligid.
"Werewolves..." Brix whispered.
Bumalik ako sa pagkakayakap sa kanya.
"What do you mean, Brix?" bulong ko.
"They are turning into wolves..."
"Oh..."
"Kumapit ka sa 'kin, Astra. Baka bigla na lang may sumunggab sa likod mo."
Natawa ako. "No wolves would do such. They can smell the blood in me. They are terrified of vampires."
"Damn."
"Akala mo maloloko mo ako ah?"
"But is it too much to ask that? Hold me tighter..."
I did what he told me to. After traversing through the woods, we have finally reached the Esparago Clan. Sumalubong sa amin ang mga nagmamadaling kawal na tumatakbo palabas.
"What's happening?" asked Brix.
"Hindi siya makakalayo. Bilisan lang natin!" dinig kong sigaw ng isang kawal.
Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. Mabuti na lang ay naabutan ko si Abel na kausap ang isang grupo pa ng mga kawal. Nang makita niya si Brix ay nakita kong napalunok ito.
"What's happening?" I asked.
He was hesitant. No. Mali ang naiisip ko.
"Abel. Ano ang nangyayari?" kalmado kong tanong.
"Fuck..." he mumbled.
Nanatiling hawak ni Brix ang tali ni Servena. Nakatingin lang din ito kay Abel, naghihintay ng sagot sa tanong ko. Pero sa kabilang banda ay parang alam ko na.
"She's missing..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro