Chapter 8
Chapter 8: Strange Woman
Hyacinth
Corbie's daily stories kept me on the edge of my seat. Sa aming tatlo nila Tegan, siya ang may pinakamaraming nalalaman at karanasan sa mga ibang nilalang na tulad ng mga tao.
"How? We are not allowed to interact with humans, right?" I asked, confused.
Tegan released a sigh for the nth time. Tutol ito sa mga kinukwento sa akin ni Corbie. Ngunit gaya ko ay hindi rin mapigilan ni Koko ang sabihin sa akin ang mga nalalaman.
Koko bit a portion of his green apple. Nakaupo ito sa sanga ng kabilang puno katapat ko. Nakaupo rin sa isang sanga si Tegan at may hawak lang na libro at nagbabasa. Kunwari ay hindi ito interesado sa kwento ni Corbie pero tahimik itong nakikinig.
"Interact?" tanong ni Corbie.
"Makisalamuha," sagot ni Tegan nang hindi inaalis sa libro ang tingin.
"Ah!" Tumango si Koko. "Totoo 'yon. Maliban na lang kung hindi nila alam na bampira pala ang kinakausap nila. Labag lang naman sa batas ang ginagawa mo kapag nahuli ka."
Tumango ako. Gano'n ba 'yon?
"Hays." Pabagsak na sinarado ni Tegan ang libro para tumingin kay Corbie. "Alam mo ang bawal sa hindi, Koko. Hindi kailangang may makahuli pa sa 'yo bago mo ito tigilan."
Well, I agreed with Tegan. Makulit talaga si Koko.
"Bro..." Tumango si Koko bago tumawa. "Easy lang."
"Oh, shut up, Corbie." Tegan turned to me. "Ako ang pinakamatanda sa ating tatlo kaya dapat ay nakikinig kayo sa akin. Una sa lahat... enough talking about humans. I don't want to hear about them anymore."
"KJ mo naman!" singhal ko.
"Pero Baby Aya..." Lumambot ang expression ng mukha nito.
"Bakit baby tawag mo kay Aya?" tanong ni Koko. "Hindi na siya baby, hindi ba?"
Tila napakapa ng sagot si Tegan. "She's... younger than me? Saka nasanay na rin ako."
Yeah. Is that a big deal?
"Ibig bang sabihin no'n—"
"I won't call you baby, Corbie," Tegan cut him off.
"Eh? Gano'n?" Bumali ang leeg ni Corbie bago bumaling sa akin. Bigla itong ngumiti na parang may biglang naisip. "Kung gano'n mas matanda ako sa 'yo—"
"Hell no. She's my baby, Corbie. Think of something else," ani Tegan. "Or Aya is enough. Just not baby."
Tumahimik naman si Corbie. Sumandal ito sa puno at pinagpatuloy ang pagkain ng mansanas.
Tumingala ako at sinalubong ang mga tuldok na sinag ng araw na sumisingit sa mga dahon. Bigla akong nakaramdam ng antok. Nitong mga nakaraang araw ay tila wala ako lagi sa mood makipaglaro. Parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto.
When will it come back?
"Wala ka pa bang nakausap na tao, Tegan?" dinig kong tanong ni Corbie.
Ilang segundo ang lumipas bago nakasagot si Tegan. "Wala. I am always with my father whenever I go out of this place. I've never had the chance to talk to one, not like I am planning to."
Corbie yawned. "Wala lang sagot mo, nag-english ka pa."
"Fine. Hindi pa. Wala sa plano."
"Wala pa bang napadpad na tao sa lugar na ito?" sunod na tanong ni Koko. "Its not even far. Malamang na marami-rami na ring napadpad dito. Hindi niyo lang pinatuloy o kaya'y..."
"Ano?" tanong ni Tegan.
"Alam mo na..." Corbie chuckled.
"No. I don't." Seryoso ang boses ni Tegan.
"Sinabi mo na kanina. Hindi tayo pwedeng interact sa mga tao..."
"Our clan is not like that, Corbie. Kung may nahuli man kami ay pinapalaya rin namin ito. O 'di kaya'y pinapakalimot sa kanila kung ano ang kanilang nakita. That's it."
So... ibig bang sabihin no'n ay may napadpad na talagang tao rito?
Pumikit na lang ako habang nakikinig sa kanila. Nakakaramdam na talaga ako ng antok pero tinatamad naman akong tumayo para pumunta ng Three House.
"'Iyong iba ngang clan ay ginagawang alipin ang mga tao—"
"Cut it out!" Napalakas ang pagsabi ni Tegan.
Napamulat ako ng mga mata. Gulat ako, hindi dahil sa sigaw ni Tegan kung hindi dahil sa sinabi ni Corbie. What? Some clans take humans as their slaves?
"Oh..." Kumamot sa batok si Corbie.
"Is that true?" I questioned.
"Bahala ka nga, Koko!" Saka na bumalik sa pagbabasa si Tegan na nakakunot ang noo. "Lagi na lang ako ang natataranta kapag may kapabayaan kang sinasabi."
Hindi sumagot si Corbie.
"How?" I was really confused and kind of surprised. "Akala ko ay bawal tayong makisalamuha sa mga tao? Can someone please enlightem me?" Lumipat-lipat ang tingin ko sa dalawang lalaki.
Now, I am curious. But I don't think I will get the answer right now. Mukhang wala nang planong magsalita si Corbie at si Tegan naman ay bakas ang inis sa mga magkasalubong na kilay.
"Hey, Corbie. Can we see the crow again?" I asked instead.
Nakuha ko rin ang atenyon ni Tegan. Binaba niya ang libro.
"Pwede naman..." sagot ni Corbie. "Bakit?"
"Pwede mo rin ba akong bigyan ng ganyang alaga, Koko?" tanong ni Tegan na nakangiti. "Sige na. Ang cool kasi. Tapos bati na tayo no'n."
Corbie shook his head. "Sorry. Hindi sila sumusunod sa kung sinu-sino nang gano'n lang eh."
"Oh. Sayang naman..."
"Can we just see it?" I asked again.
"Sige." Corbie pursed his lips to make a whistle sound.
Just a few second after the sound of whistle escaped his lips, I've heard the flapping wings of the crow coming from somewhere. Just like the last time, the crow landed on his shoulder. It stood there without even flinching its eyes.
I found it uncanny and fascinating at the same time. I rarely find crows around unlike any other type of birds but now I could see one just by the help of Koko.
"Cool!" puna ni Tegan. "How I wish I could do that, too!"
Corbie just smiled. He looked proud.
"Paano mo 'yan natutunan, Koko?" tanong ko.
"Pinag-aralan ko." The crow flew down to his lap. Kinain nito ang mga buto ng mansanas na inipon ni Koko sa kanyang palad. "Siya ang nakasama ko sa paglalakbay. Kahit naman nung bata pa ako..."
Hindi ko maalis ang tingin sa uwak. Pakiramdam ko ay nakatitig ito sa akin.
"Siya ang mga mata ko sa itaas," dagdag pa ni Corbie. "Ang totoong rason kaya ako hinahabol ng mga rebelde ay gusto nila akong pasamahin sa kanila at gamitin ang kakayahan ko. Ayoko kasi sa masama lang nila ito gagamitin."
"Gaya ng?" interesadong tanong ni Tegan.
"Uhm. Sa pag-atake nila, gagawin nila akong tagabantay."
"Nasaan ba talaga ang Mama mo, Koko?" Hindi ko napigilan ang itanong 'yon. Base sa kwento niya ay tila palagi itong mag-isa.
Natigilan ito. Lumungkot ang mukha nito.
"H-hindi ko alam e..." Bumaba ang tingin niya sa alaga. "Kaya nga wala akong planong magtagal dito. Gusto ko ring hanapin si Mama. Nag-aalala na kasi ako."
"That's sad..."
"We can help you!" biglang sabi ni Tegan. "Pwede kong kausapin si Lolo para magpadala ng maghahanap sa kanya. Tapos kapag nahanap na natin siya ay dito na lang kayo."
Tumawa si Corbie. "Mas gusto kong ako ang maghanap sa kanya. Mas matalas naman paningin ko kesa sa mga bantay niyo."
"Oh... oo nga," sang-ayon ni Tegan.
Muling lumipad ang uwak. Tiningala ko ito. Nagpaikot-ikot siya sa ere bago tuluyang umalis.
"Mukhang sinusundo ka na, Tegan," ani Corbie.
"Oh? Parating si Papa?" tanong ni Tegan.
Corbie just nodded.
Gaya ng sinabi ni Corbie ay dumating si Tito Abel. Bumaba kami ni Tegan mula sa puno. Si Koko naman ay nanatili pa rin sa itaas. Bumati lang ito kay Tito Abel.
"Mangangaso kami sa labas ngayon. Gusto mong sumama?" tanong ni Tito Abel kay Tegan.
"Talaga? Pwede ba nating isama si Koko?"
Bumaling si Tito Abel kay Corbie. "Pwede naman. Kung gusto niya..."
"Ayoko," tipid na sagot ni Corbie.
"Bakit, Koko?" tanong ni Tegan.
"Basta."
"Kaya ko namang mag-isa dito..." sabi ko.
Bumaba ang tingin sa 'kin ni Corbie. "Pero ayoko..."
"Sumama ka na!" pagtulak ko sa kanya.
"Ayoko nga. Mas gusto kong bantayan ang prinsesa ko."
Umawang ang mga labi ko. Prinsesa ko? Iyon ba ang naisip niyang itawag sa akin.
That felt weird.
Gulat man dahil sa tinawag niya sa akin ay pinilit ko pa rin si Corbie. Ako lang naman ang dahilan kaya ayaw niyang sumama e. Alam ko rin na bored na siya sa loob ng clan na ito.
"Sige na nga!" Kumamot sa batok si Corbie.
Napangiti ako. Pupuntahan ko na lang si Mama pagkaalis nila.
Inaya na nila akong sumama pabalik pero tumanggi ako. Gusto ko pang manatili rito.
"Huwag kang lalayo ah? Bumalik ka rin agad," paalala ni Tegan.
Tumango ako.
Tegan smiled. "See you later, Baby Aya."
"Ingat kayo..."
Pinanuod ko silang tatlo na maglakad palayo. Tatalikod na sana ako nang makitang tumakbo pabalik si Corbie. Lumapit ito sa akin at tinitigan ako sa mga mata.
"B-bakit?" kinabahan ako.
"Natatakot ka bang mag-isa?" tanong niya.
Umiling ako.
"Huwag." He smiled. "I am always watching you."
For some reason... I felt relieved. Those words were enough to calm me.
"I always watching you, Aya."
He turned his back and ran away.
He already left but I could still hear his words.
Wala sa sariling napatingin ako sa itaas. Nakita ko ang uwak na umiikot sa himpapawid.
Nanatili ako sa mapunong bahagi at nung mainip ay lumipat sa Three House. Hindi rin ako nagtagal sa Three House kaya bumalik na ako. Hindi ko nadatnan si Mama.
I read the note glued on the table, "May ginawa lang ako. I will come back later. Ily. – Mom."
I took a quick bath. I was staring outside the window while brushing my hair when I noticed the crow hovering in the sky. I stopped brushing my hair just to stare at it.
Nakatingin ba siya ngayon sa akin?
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at sinubukan kong gawin ang ginawa ni Corbie. I pursed my lips and tried to make a whistle sound. It was poorly done.
Natawa na nga lang ako.
I watched the crow flew towards me. It perched on the windowsill. It stood there while staring at me.
I was stunned.
What?
Yumuko ako para titigan ito nang mabuti. Inutusan ba siya ni Corbie na dumapo rito? Nakatitig din ba siya ngayon sa akin? Is this his way to make me feel he's always here?
"Corbie?" I tried to call his name.
The crow stood still. Was I waiting for it to respond? No. Maybe.
Sa sobrang pagkainip ko ay kinausap ko na rin ang uwak. I told him all my frustrations in life and how I felt after I lost my fog. Surprisingly, it didn't even leave.
"Is it true? Magkasama kayo ni Koko simula bata pa?" tanong ko pa.
Hinawakan ko ang tuka nito. Bigla kong naisip na baka gutom siya.
"Wait. Kukuha ako ng buto. Stay here."
Nagmadali akong lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina. Naghanap ako ng buto na maaaring ipakain sa uwak. Kumuha ko ng ilang piraso ng buto sa mga itatanim nilang prutas.
"Nagugutom ka ba, Aya?" tanong ng isa sa mga babaeng tagapagsilbi.
Hindi ko na siya nasagot. Pagkabalik ko sa kwarto ay wala na ang uwak. Lumapit ako sa bintana at tinanaw ang kalangitan pero hindi ko na ito mahanap. Mukhang nainip kaya umalis na.
Pinatong ko ang mga buto sa lamesa saka umupo sa kama.
What to do now?
Napagpasyahan ko na lang na kunin uli ang mga buto at lumabas. Hahanapin ko ang uwak para mapakain ito. Mukhang hindi naman 'yon lalayo rito.
I was busy looking up at the sky that I didn't realize I bumped into someone.
"Hala. Sorry po." Yumuko ako.
Natawa ito. "Bakit nakatingala ka sa kalangitan?"
Unti-unti ay inangat ko ang tingin. Hindi familiar na babae ang ngayo'y kausap ko. She somehow reminds me of Lola. That gentle smile... and how she stares at me.
"May hinahanap po kasi ako," sagot ko.
"Sa itaas?"
I felt hesitant but I nodded.
She also looked up. "Ano ang hinahanap mo sa itaas?"
"Wala po. Sige po. Mauna na ako—"
"Sandali." Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan ang braso ko. "Balita ko ay nagtampo raw ang hamog sa 'yo?"
Natigilan ako. "P-po?"
Binaba niya ang talukbong sa ulo. Umupo ito at hinaplos ang pisngi ko. Bumaba ang kamay niya sa braso ko at papunta sa aking purselas. Hinaplos niya 'yon.
"Gusto mo bang bumalik ang hamog mo?" tanong niya.
Mabilis na tumango ako.
"Kailangan mo ba ang hamog ngayon?" sunod na tanong niya.
Umiling ako.
"Kung gano'y ay bakit ito babalik?" Ngumiti siya sa akin. "Babalik ito sa oras na kailangan mo, Aya. Kaya huwag mo sanang parusahan ang sarili mo. Hindi ka pa umiinom ng dugo mula kahapon..."
Doon ako nagulat. Paano niya nalaman 'yon? I never told that to anyone, not to my friends, not to Mom.
"Manghihina ka dahil sa ginagawa mo at mas lalong hindi mo mapapabalik ang hamog." Hindi ako makagalaw sa kanyang pagkakahawak. "Kailangan mong magpalakas..."
"S-sino ka po ba?"
"Makinig ka sa 'kin, Aya. Ang kakayahan mo ay pambihira. May kakayahan kang magdulot ng sugat at gumamot nito. Ngunit sa takdang-panahon ay malalaman mo kung ano ang mali..."
"Po?"
Sa halip na sagutin ay niyakap niya ako. "Patawad..."
Doon na ako hindi nakapagsalita. Hindi ko talaga siya maintindihan. Ano ang sinasabi niyang mali? Bakit parang kilala niya ako? At bakit siya humihingi ng kapatawaran ngayon?
Napatingin ako sa itaas. Naroon na naman ang uwak.
The woman freed me from her arms. Tumayo na siya at binalik ang talukbong sa ulo. Ngumiti pa siya sa akin bago nakayukong pumasok sa loob ng kakahuyan.
Naiwan akong naguguluhan.
Who is she?
Pero... andito na ang uwak!
Dali-dali akong pumunta sa Three House. Gaya ng kanina ay sinubukan kong tawagin ang uwak. Dumapo ito sa kahoy na tungtungan. Nilagay ko sa harapan niya ang mga buto at kinain naman niya 'yon.
"Sorry, Crow. Umalis ka kasi agad kanina. Papakainin sana kita eh."
I let out a heavy sigh.
I sat on the wooden floor. Pinanuod kong ubusin ng uwak ang kanyang pagkain. Dapat pala ay dinamihan ko na dahil mukhang kulang pa ito sa kanya.
"Have you seen the strange woman?" I asked the crow. "Never mind. Pagdadala pa kita ng pagkain sa susunod ah?"
I felt fatigued all of a sudden. Humiga ako at humarap sa uwak. Hindi ko napansin na lumandas na ng pisngi ko ang mga luha. Buti na lang ako lang mag-isa rito.
When will he come back?
Sabi niya ay tuturuan niya akong mangabayo pagbalik niya. Pero ngayon... kahit na hindi na niya ako turuan. Gusto ko na lang na bumalik siya. I miss Papa na talaga.
Pumasok na naman ang isang bagay sa isipan ko. Nitong mga nakalipas na araw ay laging sumasagi sa isipan ko ang bagay na ito. Alam kong mali... bawal.
Gusto kong tumakas para puntahan si Papa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro