Chapter 6
Chapter 6: Secret
Hyacinth
I never feared my ability. Did I ever love it? I don't think so. But the thought of I have this strange ability that kept me somehow different from the rest never scared me. Did it make me proud? I don't think so either.
What I fear is whenever someone tries to help me, I end up hurting her. Not like I intend to, sometimes, it just gets too much that I can't control it anymore. Not like I can control it at all.
Habang naglalakad kami ni Lola papasok sa gubat ay pasulyap-sulyap ako sa kanya. Masyado na siyang matanda kung ikukumpara sa mga nagdaang guro ko. Baka mabalian siya ng buto o 'di kaya'y madapa.
"Hindi ka po bampira, hindi ba?" tanong ko.
"Isa akong manggagamot, Aya."
"Madilim na kasi. I heard that witches and humans eye sights can't see in the dark clearly. Baka po madapa kayo."
Tumawa si Lola. "Huwag mo akong alalahanin, Aya. Malinaw pa naman ang mga mata ko."
I just nodded. Hinawakan ko na lang ang kamay niya. Mabigat siya kaya kapag nadapa siya ay madadapa rin ako.
After minutes of walking, we finally stopped. We stood in an open field of green grasses swaying under our feet. Mula rito ay kitang-kita rin ang langit dahil walang mga puno.
"Alam mo bang kaya ng pamilya nating pahintuin ang ihip ng hangin?"
Napatingin ako kay Lola, namangha.
"Kagaya nito..." Sumipol si Lola at tumigil ang pag-ihip ng hangin. Tumigil sa paggalaw ang buhok ko. "Tatandaan mo lagi na kaibigan natin ang kalikasan, Aya."
"Kalikasan..."
"Halika, maupo tayo."
Hinawakan ni Lola ang kamay ko at ginaya ako sa kanyang pag-upo. Magkaharap kami sa isa't isa. Hindi niya binitiwan ang kamay ko. Hinaplos niya ang purselas.
"Ano ang nararamdaman mo, Aya?"
Bumalik ang ihip ng hangin.
"Magaan..." Suminghap ako ng hangin at napangiti. "Sa totoo po niyan ay mas gusto ko ang gabi kesa sa umaga." Tumingala ako sa kalangitan. "Gustong-gusto kong nakikita ang mga bituin."
"Mas malamig ang hangin..." dagdag ni Lola.
"Ano po ang gagawin natin?" tanong ko.
"Wala." Umiling siya.
Napangiwi ako. Wala?
"Gusto lang kitang makausap. Pero bago ang lahat..." Tinaas niya ang kanyang dalawang mga kamay. "Hindi ba't mas maganda kung may kaunting init sa tabi natin?"
Tiny lights sparked above her hands and it ignited a fire floating in the air. Napatitig ako sa apoy na hindi kayang apulahin ng lakas ng hangin. Napangiti ako.
"Cool..." I mumbled, fascinated.
She made it look so easy.
"Hindi ba't ang ganda tingnan kapag kaya mong hawakan ang kakayahan mo?"
"Kung sanang gano'n lang kadali 'yon..." Napanguso ako dahil hindi ko nga kayang palabasin na lang bigla ang hamog ko. Bigla na lang itong lumalabas at kapag nagpakita naman ay galit.
"Hindi rin naman naging madali para sa akin na mahawakan ang kakayahan ko, Aya." Hinila ako ni Lola at tinalikod sa kanya. Hinagod niya ang buhok ko. "Dumaan muna rin ako sa mga pagkabigo gaya mo. Hindi ako sumuko hanggang sa napagtagumpayan ko."
Kung gan0'n ay ilang kabiguan pa ang kailangan kong maranasan para tuluyang maangkin ang hamog? Sino pa ang mga dapat kong masaktan bago ito mapagtagumpayan?
That made me sad. Kailangan talagang may masaktan muna.
"I want to be as strong as my Mom and Dad," I said.
Kahit na wala gaanong binabanggit sa akin sina Papa at Mama tungkol sa kakayahan nila, naririnig ko minsan ang mga kawal na pinag-uusapan ito. Especially about my Dad.
Is he really that strong?
I haven't seen it yet. Lagi nga lang siyang nang-aasar. Kapag naghahabulan kami ay nahahabol ko siya. Kapag nagtataguan kami ay madali ko rin siyang nahahanap.
I know he's holding back but what if he didn't? What could he do?
"Malakas ka na, Aya." Napapikit ako sa gaan ng pakiramdam ko dahil sa paghagod niya sa buhok ko. "Kung hindi ka malakas, dati pa sumuko ang katawan mo dahil hindi biro ang hamog na kailangan mong paamuhin."
"Sabi ni Koko ay hindi naman daw kami magkaaway."
"Sinabi niya 'yon?"
Tumango ako. Humarap ako sa kanya.
"He told me that the fog is my friend."
Which baffles me until now. If so, bakit parang ayaw naman niya sa akin?
"Totoo 'yon. Magaling talaga si Koko," puri ni Lola.
I smiled. "He's cool."
"Totoo bang nakikita niya ang mga mangyayari?"
Natigilan ako sa tanong na 'yon. Kasama ba 'to sa mga pangako ko na hindi dapat sabihin? Kapag pa sinabi kong totoo 'yon ay susuwayin ko ang mga pinagkasunduan namin?
"Joke lang po, Lola!" Tumawa ako.
No. It's a secret starting now.
Lola laughed. "Ikaw talaga."
Sumabay na lang ako sa pagtawa niya.
Malalagot na ako nito kina Tegan at Corbie.
I suddenly felt chills all over my body. I felt the rushing heat crawling in my veins like a signal that something is coming. My throat gone dry and my hands started shaking.
"T-the fog..." I whispered.
Hindi nagpakita ng pagkasindak si Lola.
"K-kailangan na nating umalis, Lola." Tatayo na sana ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko. Umiling ito sa akin. "Pero, Lola. Baka saktan kayo nito. Hindi ko siya mapipigilan."
"Hahayaan mo ba 'yon?"
Napatukod ako nang may kumabog sa dibdib ko. Napatingin ako sa pulsuan ko kung nasaan ang purselas. Nangingitim na naman 'yon. Tama nga. Papunta na ang hamog.
I looked at my back and I was right. Gumagapang na ang hamog papunta sa direksyon namin. Hindi gaya ng mga nakalipas ay mabilis ito ngayon at halatang galit na galit.
"I-I can't do this..."
"Mukhang may kaibigan kang bisita, Aya."
"Lola." My voice shaken.
Mabilis akong tumayo at tumakbo sa harapan ng hamog. Hinarang ko ang mga kamay ko na parang magpapapigil ito sa akin. Nangangatog ang mga binti ko pero hindi ko ito hinayaang bumigay.
"Please don't hurt her..." I pleaded.
Hindi tumigil sa paggapang ang hamog. Bawat madadaanan nitong damo ay nawawala dahil sa kapal nito. It's going to do it again, hurt someone. I'm standing again, hopeless.
My lips shivered. It's not listening to me as usual.
Lumandas pababa ng pisngi ko ang mga luha nang lagpasan ako ng hamog at ngayon ay papunta na kay Lola. Bumalik sa isipan ko ang mga alaala nung dating hinawakan ng hamog ang guro ko. Hindi ito nakahinga at nagkaroon ng maraming galos.
I like Lola. I am comfortable with her.
I don't want to hurt her.
"Stop..." I begged again.
"Pakinggan mo ang kaibigan mo!" sigaw ni Lola, nahihirapang huminga. "Kung wala siya rito ay maglalaho ka rin. Kailangan niyong mag-isang dibdib para sa ikabubuti ninyong dalawa! Kung magtatagal kang ganito, maglalaho kayong dalawa!"
Umiyak na talaga ako. May nasasaktan na naman.
Hinawakan ko ang purselas ko. Something is pushing me to break free from it. Maybe because I don't see it helping me at all. Kahit naman soot ko ito ay may nasasaktan pa rin.
"Huwag, Aya!" sigaw ni Lola.
"P-pero..."
"Aalis din siya. Huwag mong huhubarin 'yan!"
Bumagsak ang mga balikat ko. Sa huli ay hindi ko na rin tinuloy pa.
"Nakikiusap ako, tama na..." bulong ko.
Tuluyan nang kinain ng hamog ang aking paningin. Parang namanhid na rin ang katawan ko. Naririnig ko pa rin ang naghihikahos na paghinga ni Lola. Matagal pa ba?
Hanggang kailan ba?
"B-bakit ba ganyan ka?" tanong ko.
Tumigil sa pagtulo ang mga luha ko. Kumuyom ang mga kamao ko.
Wala na akong maisip na paraan para hindi masaktan si Lola.
The hopeless feeling turned into rage.
"I don't hate you but you are making me hate you!" I screamed at the top of my lungs. "Gusto kitang maging kaibigan pero kung sasaktan mo lang iba ko pang kaibigan... ayoko na sa 'yo! I hate you! I hate you so much! Go away! I hate you! Don't come back anymore!"
Just like that, the fog suddenly disappeared. The fuzzy surrounding got cleared. I could feel the warmth of night wind and the starry sky was visible again. Everything went back to normal.
Iniwan nitong nakahilata sa damuhan si Lola. Mabilis itong gumapang at tumayo. Mukhang hindi naman nagtamo ng mga sugat si Lola at halatang ayos din naman siya.
"Ayos ka lang, Aya?" Mabilis akong nilapitan ni Lola. She skimmed all over my body, searching for something that's not even there. It didn't even hurt me. "May nararamdaman ka ba?"
Natulala lang ako.
What?
"Aya?"
"It's gone..." I told her.
I cried.
Niyakap ako ni Lola.
"Salamat, Aya..."
Naramdaman kong bumigay na ang mga tuhod ko. Agad akong nasalo ni Lola. Iyon ang huli kong natatandaan bago nagising sa aking silid. Kanina pa ako gising at nakatitig sa kisame. Wala akong ganang bumangon o magsalita man lang.
"Nauuhaw ka ba?" tanong ni Mama.
Tanging iling lang ang naisagot ko.
She sat beside me and brushed my hair with her fingers.
"You did great," she told me.
Did I?
"Sabi ni Lola ay niligtas mo raw siya..."
How? I was even the one who put her in that situation.
"That's a good advancement, Aya."
"That's it."
"What do you mean, baby?"
Tumalikod ako sa kanya at hinarap na lang ang pader. Nanuyo na naman ang lalamunan ko. Naiiyak ako.
Minabuti ko na lang na huwag nang magsalita pa.
Hindi ako hinayaang magkulong ni Mama mag-isa sa kwarto. Pinapunta niya rin sina Tegan at Koko. Ginawa nila ang lahat para mapasaya ako pero wala ako sa mood.
I tried to accept the accompany they were giving but my thought got stuck at last night. I couldn't get it off my mind.
"Nag-away na naman ba kayo?" tanong ni Koko.
Siniko siya ni Tegan. "Hush. Sabi ni Tita Astra ay huwag babanggitin 'yon."
"Mukhang gano'n na nga. Hays. Kailan ba kayo magkakabati, Aya?"
Umiling ako.
"Dapat sinama niyo ako para makausap ko 'yang hamog mo!" sambit pa ni Koko. "Naiinis na rin ako sa kanya. Ako ang bantay mo tapos hindi man lang kita maipagtanggol sa kanya?"
"Punta tayong Three House?" tanong ko.
"Sige!" payag ni Koko.
Siniko na naman siya ni Tegan.
"Ah. Aya. Sabi kasi ng Mama mo—"
"Gusto niyang pumunta, Tegan!"
"Bawal nga! May bantay pa sa labas—"
"May bintana!"
"Corbie!"
"Bahalaka!" Tumayo si Koko at lumapit sa bintana. Binuksan niya 'yon at tinanaw kung gaano kababa ang babagsakan namin. "Oh. Hindi naman gaanong mataas."
"Damn you, Koko!"
Umalis ako sa kama at nagsuot ng sapin sa paa. Maghapon na rin akong nakakulong dito. Gusto kong makita ang three house. Gusto ko ng sariwang hangin.
"Sige na nga!" pagpayag din ni Tegan.
"Yes. Let's go guys!" tuwang sabi ni Koko.
"Ako ang unang bababa, sasaluhin kita, Aya," ani Tegan.
Bago pa man sila makababa ay nauna na akong tumalon pababa ng bintana. I landed on the ground perfectly. Saka na ako naglakad palayo nang hindi sila binabalikan ng tingin.
"Smooth!" Tumawa si Koko na nakasunod sa akin.
"Lagot tayo nito kay Tita—"
"Sabihin mo ako ang nag-aya," ani Koko. "Para ako ang mapagalitan. Wala naman sa akin 'yon. Gusto kasi ni Aya na lumabas. Kaibigan niya tayo, 'di ba? Andito tayo para samahan siya."
Mas binilisan ko ang paglalakad. Naiingayan ako sa kanila.
Pagkaakyat ko sa Three House ay agad akong naglakad sa dulo. Bumaling ako sa tanawin. Malakas ang hangin. Kapag narito ako ay gumagaan ang loob ko... at hindi 'yon tumatabla ngayon.
"Ano ba ang gumugulo sa isipan mo, Aya?" Tumabi sa akin si Tegan.
Suminghap ako. "Sabi ko huwag na siyang babalik..."
"Sino?"
"Sabi ko galit ako sa kanya. Ayoko na siyang maging kaibigan."
Mukhang hindi naiintindihan ni Tegan ang mga sinasabi ko. Gano'n pa man ay hindi ako tumigil sa pagsasalita. Gusto kong maglabas ng sama ng loob. Galit ako... sa sarili ko.
I didn't mean it.
"It's fine..." Tegan said.
It's not.
"Sinasaktan kasi niya si Lola." Tumulo na ang mga luha sa mata ko na mabilis ko ring pinahid. "I thought I was mad at it. Ang totoo ay galit ako sa sarili ko. Galit ako dahil bakit hindi ko siya maintindihan."
"Magkakabati rin kayo..."
"I don't think so. Hindi na siya babalik."
"How sure are you?"
"I just feel it." I shrugged my shoulders.
When it vanished, it left a hole. Hindi ko na ito maramdaman pa.
"Release..." Napatingin kami kay Koko. Seryoso itong nakatingin sa akin. "Mukhang galit ka. Bakit hindi mo ilabas, Aya?"
"K-Koko..." I stuttered.
Tumikas ito at tinuro ang dibdib. "Dito..."
Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ang pagkakataon na 'yon. I punched him on his chest. Napaatras lang ito at hindi napaano. The smirk on his face made that attack terribly frail.
"Iyon lang ba?" pang-aasar pa niya.
I clutched my fists and gathered all the emotions I've been containing since I woke up this morning. The feeling of failure... emptiness... and being fragile... I punched his chest again but this time I didn't hold back.
Tumagos sa kahoy na sandalan si Koko at nawala sa tungtungan kaya bumagsak. Akala ko ay tuluyan siyang bumagsak sa lupa pero nakita kong nakatayo ito.
He looked up at me, smirking like a devil.
"Stop now, Aya." Tegan tried to stop me but I jumped from the Three House.
Pagkalapag ko sa lupa ay imbes na sa dibdib ay mukha ni Koko ang nasuntok ko. I caught him off guard. Napamura ito at agad na napaatras. Dumugo ang labi nito.
"How about that?" I grinned.
He licked the blood and spat it out.
"Putik. Lakas no'n."
"Do you think it will come back again?"
Pakiramdam ko ay alam niya lahat ng sagot sa tanong ko. Kapag sa kanya nanggaling ay maniniwala ako. Sa dami ng mga narito para sa akin, siya lang ang nakakaintindi.
"I yelled at it. Sabi ko ay huwag na siyang babalik. But... do you think..."
"Unless you want to..." Corbie cut me off.
"I want my fog back, Koko. I am not giving up."
Corbie smiled.
"Sino nga ako, Aya?"
"What?"
"I am Corbie. I can see the future."
"Prove it."
"But I lied."
Tumamad ang tingin ko sa kanya.
"Seriously?" I rolled my eyes.
"You can't see the future?" tanong ni Tegan. "Then... paano mo nalaman na nakatakas ang kabayo kong si George?"
"Kasi..." Tumingala ito sa kalangitan. "Mas malawak ang nakikita natin mula sa itaas."
"Corbie. I am confused," I told him.
"Mapagkakatiwalaan ko ba kayo?" tanong nito.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Tegan. Naguguluhan man pero pareho kaming tumango.
"Trust us," Tegan responded.
I saw the fear crossed Corbie's eyes.
Then... he smiled.
A crow perched on his shoulder.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro