Chapter 4
Chapter 4: Stones and Rules
Hyacinth
Nagpasya akong sumama kina Koko at Tegan para kumuha pa ng pagkain. Hindi ko nga alam kung bakit parang napilitan pa si Tegan na payagan akong sumama.
"Ano ba ang pinag-uusapan niyo at bakit nagbubulungan kayo?" tanong ko.
Tumingin sa akin si Tegan. Nakaakbay ito kay Koko at may malawak na pagitan sa amin. Kasi nga ayaw nilang iparinig sa akin kung ano man ang pinag-uusapan nila.
"Wala naman, Baby Aya."
"Wala pero ayaw niyong iparinig sa akin?" Sumimangot ako.
"Sabihin ba natin, Tegan?"
"Hindi. Sira ba?" asik ni Tegan kay Koko.
"Eh? Baka magalit si Aya eh."
"Mas lalo siyang magagalit kapag nalaman niya." Tumikhim si Tegan bago muling tumingin sa akin. Lumapit ito sa akin at pinatong sa balikat ko ang kanyang kamay. "Mukhang mabait ang bagong manggagamot ah."
Napanguso ako. "Yeah..."
"Mukhang magaling din."
"Teka. Para saan ang manggagamot?" tanong ni Koko.
Tumuwid ang tingin ko sa daan. "Para sa akin..."
Mabuti na lang at nakarating na kami sa kusina. Kumuha sina Koko at Tegan ng mga tinapay at nilagay sa basket. Nakaupo lang ako at nakatingin sa kanila. Nag-uusap pa rin ang dalawa.
Napairap ako. I just roamed my eyes around. Marami pa ring gising na tagapagsilbi. May mga sulu sa bawat sulok at may malaking siga sa dulo na nagpapainit sa temperatura. Maraming nakaimbak na pagkain dito kaya masarap tambayan.
I let out a heavy sigh. Naagaw uli ng dalawa ang atensyon ko.
Namula ang mukha ni Tegan. Tumawa si Koko.
I crossed my arms on my chest. Really? Mukhang nakakatuwa ang pinag-uusapan nila pero hindi ko alam.
Naaasar na talaga ako.
Siniko ni Koko si Tegan at nginuso ako.
Kumuha ng mansanas si Tegan at lumapit sa akin. "Why are you pouting your lips, baby?" he asked while tossing the apple back and forth.
"Kung ibibigay mo sa akin ang mansanas para maging bati tayo uli, hindi. Ayoko," pagsusungit ko. Mas humigpit ang pagkakahalukipkip ng mga braso ko.
"Uhmm..." Napatingin siya sa hawak na prutas. "Hindi naman 'to para sa 'yo."
"Tegan, nakakaasar ka," bumaba ang boses ko.
"Hays." Umupo ito sa tabi ko. "Nagseselos ka ba?"
"Naaasar..."
"Ganyan ang nararamdaman ko kapag si Koko lang ang pinapansin mo," aniya na ikinalingon ko. Siya naman ngayon ang nakasimangot. "Iimbitahan mo ba talaga ako sa salo-salo na ito?"
"Oo naman!"
Tumitig ito sa akin. "I mean... wala namang kaso sa akin kung si Koko lang. I understand. Hindi siya sanay sa atensyon sa labas kaya binibigay mo ito sa kanya ngayon. Pero... medyo... nakakapagselos."
"Naasar ka rin?"
"Selos, Aya."
"Bakit selos?" naguguluhan kong tanong.
"Kasi... siya lang ang pinapansin mo?" maging siya ngayon ay halatang naguluhan.
"Naaasar ka kapag siya lang ang pinapansin ko?"
"Mas sweet ang selos, Aya." Tumawa siya. "Hays. Forget it. Masaya akong naalala mo pa rin pala ako."
Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa amin si Koko. May hawak itong mansanas sa kamay. Nakakunot ang noo nito.
"Para sa 'yo raw, Tegan." Inabot ni Koko kay Tegan ang mansanas. Dalawa na ngayon ang hawak niya.
Napansin kong may nakaukit na puso rito.
"Ang cute!" puri ko.
"Pinabibigay nung babaeng tagapagsilbi. Nagmadali ngang umalis kasi nahihiya," saad pa ni Koko. Sinilip din niya ang mansanas. "Mukhang matamis. Akin na lang pwede?"
Sa halip na ibigay ang mansanas na may pusong nakaukit, binigay ni Tegan ang naunang hawak kay Koko. Saka niya tinago sa bulsa ng jacket ang may ukit na puso.
"Tapos na?" tanong ni Tegan.
"May gusto yata sa 'yo yung babae, Tegan—"
"Koko..." Umiling si Tegan.
Natigilan ako. May gusto kay Tegan ang babaeng nagbigay ng prutas?
"Tara na, Aya?" yaya sa 'kin ni Tegan.
"Ay... mauna na kayo!" ani Koko.
"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Rest Room!" Saka ito patakbong umalis.
Habang naglalakad kami pabalik sa Gazebo, hindi mawala sa isipan ko na may babaeng nagkakagusto kay Tegan. Kaya ba may puso ang mansanas? Kasi love niya si Tegan?
Tegan yawned. "Mag-uumpisa ba kayo agad ng manggagamot?"
"Hindi ko alam..."
Nilagay niya sa batok ang mga kamay. "Good luck, Baby Aya. Alam kong makakayanan mo ring ma-control ang hamog. Ang astig siguro kapag nagagawa mo na ito, ano?"
Tumingala ako sa kalangitan. Pinaliligiran ng mga stars ang moon. Nakasunod ito sa akin habang naglalakad ako.
"Hindi mo ba sasabihin kay Koko?"
"Malalaman din niya..."
"Explain to him?"
"He's a clever boy." I dropped my sights to him. "I'm sure he will get it without elaborating the details." Saka hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag.
He nodded.
"Nagustuhan mo ba 'yong mansanas na binigay ng babae, Tegan?"
"It's a gift. Appreciated."
Ako naman ngayon ang tumango.
Ito ba 'yon? Selos?
Nagseselos ba ako kasi siya lang ang binigyan?
Nakabalik kami sa Gazebo. Tanging sina Mama at Lolang Manggagamot na lang ang naroon.
"Hala. Ang dami naming tinapay na kinuha." Nilapag ni Tegan ang basket sa lamesa.
Nagkatinginan sina Mama at Lolang Manggagamot.
"Gusto sana naming makausap si Aya, Tegan," ani Mama.
Mabilis na naintindihan 'yon ni Tegan. "Opo. Babalik na lang ako mamaya."
"Hindi na, Tegan. Matulog ka na."
"Ay..." Kumamot ito sa batok. "Sige."
"Salamat, Tegan," sabi ko.
Ngumiti siya. "Goodnight, Baby Aya..."
Nang makaalis si Tegan ay inupo ako ni Mama kanyang kandungan. Sumandal ako sa kanyang dibdib. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
"How are you feeling, baby?" Mom asked.
"Good."
"Gusto mo bang makalabas na rito, Aya?" biglang tanong ni Lola.
Mabilis akong tumango. "Gustong-gusto po!"
Napangiti siya. "Kung gano'n... kailangan kayanin mo ang mga pagsasanay. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para magkabati kayo ng hamog mo at kailangan ay gano'n ka rin."
"Hyacinth is a strong girl," Mom proudly said.
"I am..." I mumbled.
"Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag napatid ang purselas mo, Aya?" tanong uli ng Lola.
Tanong pa lang 'yon pero kinabahan na ako.
"T-tatanggalin natin?"
"Hindi sa ngayon." Ngumiti si Lola. Bumaba ang tingin nito sa ilaw ng kandila. "Pero balang araw... mababasag din ito. Pero natutuwa akong alam mo ang maaaring idulot nito kung sakali."
"I could die..."
"No, baby." Hinarap ako ni Mama. She cupped my face in between of her palms. "You won't. I'm gonna make sure of that. Ang kailangan mo lang gawin ay maging matatag."
I felt a lump in my throat. I've always been a strong girl. I can be stronger than this.
Tinanong pa ako ni Lola kung kailan ko gustong magsimula. Sa lalong madaling panahon ang simagot ko. Bukas din ay mag-uumpisa kami kaya maaga akong natulog.
Hapon pa naman ang pagsasanay namin ni Lola kaya may oras pa ako para maglaro. Pumunta kami nina Tegan at Koko sa Three House para ipagpatuloy ang pag-aayos no'n.
"Ako naman!" Pumunta sa harapan si Koko at sinimulang ukitin ang kanyang pangalan sa katawan ng puno gaya ng ginawa namin ni Tegan. Sa wakas ay tapos na kami sa pagbuo ng bahay.
I looked up at the mini house above the Oak tree. I giggled. Dati ko pa gustong gumawa nito. Hindi man tanaw ang labas mula sa itaas pero ayos lang naman.
"Pwede na ba akong umakyat?" tanong ko.
"Tara!" Nauna kami sa itaas ni Tegan dahil hindi pa rin tapos si Koko.
Mas lumapad ang ngiti ko nang makita ang tanawin. Mula rito ay kita ang strawberry farm, ang mga building at mga nagtataasang pader. Mas malakas din ang hangin dito.
"The air..." I breathed. This is so calming.
It could have been better if I would also see the outside from here.
Tumabi sa akin si Tegan. Sa malayo rin ang tingin niya. "Mamaya na kayo mag-uumpisa nung manggagamot, hindi ba?"
"Oo. Iyon ang gusto ko."
"You can do it."
Hindi ako sumagot. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at dinama ang sariwang hangin. Hindi naman ako kinakabahan. Hindi rin naman ito ang unang beses na gagawin ko ito.
"Baby Aya..." Hinawakan ni Tegan ang mga balikat ko at hinarap ako sa kanya. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok ko at tinago 'yon sa likod ng tainga ko. "I can't wait to go out with you. That's also one of my dreams. To be with you even outside this clan."
I smiled. "That's my only dream."
"Sana talaga maging bati na kayo ng hamog mo."
"Hindi naman sila magkaaway eh." Napatingin kami kay Koko. Hagis-hagis niya ang bato na pinang-ukit namin ng pangalan sa puno. "Hindi lang sila magkaintindihan."
Unti-unting binitiwan ako ni Tegan. Tumikhim ito at bahagyang dumistansya palayo sa akin.
"Paano mo nalaman?" tanong ni Tegan.
"Hindi maintindihan ng hamog ni Aya na gusto niya siyang makalaro." Hinagis ni Koko sa labas ng puno ang bato saka tumingin sa akin. "Akala niya ay tinataboy mo siya. Akala niya ay sa tuwing nagpapatulong ka sa manggagamot... tinatangka mo siyang alisin sa katawan mo. Nagagalit ito dahil hindi niya maintindihan."
Napatitig ako sa kanya. Gano'n ba 'yon? Kaya ba nagwawala ito sa tuwing tinatawag ko siya?
"W-what should I do?" I asked.
Corbie shrugged his shoulders.
"P-paano ko ipapaintindi sa kanya na ang gusto ko lang ay tumahan siya?" Lumapit ako kay Koko at tinitigan siya sa mga mata. "Gusto kong malaman, Koko."
"Hindi ko rin alam, Aya."
Bumagsak ang mga balikat ko.
"Pero..." Lumunok ito. "Huwag mo itong katakutan. Ang hamog mo ay ang iyong anino, hindi hamak na mas nauna itong isilang kesa sa 'yo. Matagal ka niyang hinintay. Kaibigan ito... hindi kalaban."
Hindi ko alam kung bakit pero naintindihan ko ang sinabi niya.
Napangiti ako. That's a relief. Ang akala ko ay ayaw rin sa akin ng hamog ko.
Humikab si Koko. Bakas ang antok sa kanyang mga mata.
"Oo nga pala, Tegan. Nagkita kayo kanina nung babae, hindi ba?"
Napaiwas ng tingin si Tegan. "P-paano mo naman nalaman, Koko?"
"Sinauli mo sa kanya ang mansanas."
"Wait. Really?" I asked, confused. Humarap ako kay Tegan. "But I thought that was a gift?"
"It is..." Tegan nodded. "But it was given for another intention. Kapag tinanggap ko 'yon, may ibig sabihin. Nung sinauli ko rin naman, may ibig sabihin."
I winced. I don't get it.
Umupo sa upuan na gawa sa kawayan si Tegan. Gano'n din ang ginawa ko. Si Koko naman ay nanatiling nakatayo. Pare-pareho kaming tahimik at nakatingin lang sa tanawin.
"First day..." Koko mentioned. "Balang araw, iisipin natin ang pagkakataon na ito. Babalik sa memorya natin ang tahimik na pag-upo natin dito at... bati pa tayong lahat."
"Stop. We will always have each other's back no matter what," Tegan said.
"Kayo..." Tumawa si Koko.
"Aalis ka pa rin ba, Koko?" tanong ko.
Muli itong humikab. "Hindi ko alam. Pero hindi dahil nanatili ka sa iyong kinatatayuan ay walang magbabago. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Mama. Lahat ng bagay ay nagbabago."
Lahat ng bagay ay nagbabago.
Ano ang mga magbabago?
"Teka. Nag CR ka ba talaga kagabi, Koko?" tanong ni Tegan. Sumandal siya sa akin. "Mukhang hindi naman eh. Pumunta rin akong CR pero wala ka naman do'n."
Nataranta si Koko. "B-baka hindi tayo nagkatagpo?"
"Mukhang inaantok ka pa..." puna pa ni Tegan.
"M-may ginawa lang..."
"Ano naman 'yon?" usisa ko rin. "Ay. Natapos mo na ba 'yung librong pinahiram ko sa 'yo?"
Kumamot siya sa batok. "Hindi pa eh..."
"Tapusin mo ah?"
"Okay po." Ngumiti ito.
"So... saan ka nga galing?" Tumawa si Tegan. "Akala mo makakatakas ka sa tanong ko ah?"
"Basta!"
"Okay." Tegan stood up. Humarap ito sa amin. "Let's have some rules exclusive for Three House members only. Ako... Hyacinth at si Corbie. Agree?"
"Sure!" sagot ko.
"Okay." Tumango rin si Koko.
Tegan cleared his throat. "First. No secret between us."
"I'm safe. I have no secret." Tumawa ako.
Napatingin kami kay Corbie.
He looked uncomfortable.
"Me, too. I don't have a secret." Corbie smiled.
"Sure?"
"Ano ang gusto mong malaman, Tegan?"
"Kung ano ba talaga ang ginawa mo kagabi."
Lumunok si Corbie bago tumango. "Okay..."
"Ano?"
"Sandali! Babalik din ako agad!" Tumalon sa baba si Koko. Hindi man lang niya ginawa ang hagdan.
Nagkatinginan kami ni Tegan.
"Should we make a rule about the ladder?" I asked.
Tegan laughed. "Corbie is a rule breaker."
"Teka. Bakit gusto mong malaman kung ano ang ginawa ni Koko?"
Natigilan si Tegan. Napansin kong nag-alangan ito sa pagsagot.
"Kasi..." Lumunok siya. "Sabi ni Papa ay bantayan ko raw si Koko. Gusto niyang malaman lahat ng ginagawa niya."
"Bakit naman?"
"We don't know him yet..."
"Does it matter?"
"It does."
Lumungkot ang mukha ko. "That's unfair ."
"Why?"
"Hindi rin naman niya tayo kilala pero wala naman sa kanya 'yon," sagot ko. Bahagya akong lumayo sa kanya. "I know we shouldn't talk to strangers but we are in our territory. Si Corbie pa nga dapat ang nag-aalala... hindi tayo."
"Sorry."
Hindi na ako kumibo.
Bumalik na si Corbie. Nasa likod niya kanyang mga kamay.
"Pinagpuyatan ko ito!" Nakangiti niyang sambit. Nilabas niya ang dalawang bato at binigay sa amin ni Tegan. "Tig-isa kayo. Gagawa rin sana akong sa akin kaso gahol na sa oras. Saka gusto nang makita ni Tegan. It's a gift!"
The stone has our names carved in it. Mine has a heart and Tegan has a star.
"Y-you did this?" manghang tanong ni Tegan.
Corbie nodded. "Yep. Naisip ko kasing pinapatuloy niyo ako rito tapos wala akong regalo. Alam kong wala 'yan sa pagtanggap niyo sa akin pasensya na. Babawi rin ako!"
I got teary eyed.
"T-thank you, Corbie," I said.
"Nagustuhan mo ba, Aya?"
Tumango ako. "Sobra..."
Ngumiti ito.
Tumikhim si Tegan. Nilapag niya sa upuan ang bato.
"H-hindi mo ba nagustuhan, Tegan?" kabadong tanong ni Koko.
"Hindi pa tayo tapos sa rules." Tumingin sandali sa akin si Tegan. "We have another rule."
"W-what is it?" I asked.
"Nauna ko nang sinabi na walang sikreto sa pagitan natin, hindi ba?"
Sabay kaming tumango ni Koko.
"May isa pa. Gusto kong lahat ng nalalaman natin ay sa atin lang. Hindi ito lalabas sa ating tatlo. Wala tayong sasabihin sa iba. This will be our secret... something that only the three of us know."
I smiled. Thank you, Tegan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro