Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Hello, vamps!

This will be the last chapter of Freed Souls. That means after this will be the epilogue and the end of the Souls Trilogy. This will also mark the beginning of the next generation of vampires. Again, thank you so much for supporting this series. You have become a part of their journey and one of the reasons why there's more.

In addition to this, if you are not aware yet, this trilogy is just a part of Cardinals Series. The next story will be about Nathalia Cardinal which is already posted here. Just search for the title— Never Classic. I will also write about Oscar's story which will be posted after Never Classic.

I appreciate you and I hope to see you again.

KiB

***


Hyacinth

Chapter 30: Sunset

Mahigpit ang kapit ko sa likod ni Corbie habang palapit kami nang palapit sa malaking gate. Hindi ko inakalang ganito kalawak ang lugar na ito. Napalitan tuloy ng takot ang pagkasabik ko.

"How can we get in?" I asked while anxiously watching those guards protecting the huge gates. "Hindi nila dapat malaman na anak tayo ni papa."

"Hindi ko rin alam..." bulong ni Corbie. "Pero kung hindi nila tayo papapasukin, gagawa naman tayo ng paraan. Ako na ang bahala."

Napalunok ako. That sounds scary.

Corbie halted the horse just a few meters from those guards. Nagtago ako sa likod niya nung mapansin na lalapitan kami ng isa sa mga kawal.

"Naliligaw ba kayo, mga bata?" baritonong tanong nito.

Sumilip ako nang bahagya. Napalunok ako nung makita ang matalas na sandata na namamahinga sa kanyang kamay. Parang isang daplis lang no'n ay mahahati na ang katawan namin ni Koko.

"Paano kami makakapasok sa loob?" dinig kong tanong ni Corbie.

"Saang pangkat kayo galing?" balik na tanong nito.

Napansin kong nangunot ang noo ng lalaki dahil sa biglang pagtahimik ni Koko. Mas nataranta ako dahil baka isipin niyang rebelde kami.

"Esparago Clan," sagot ni Corbie matapos ng ilang segundong pagtahimik. "Galing kami sa pangkat ng Esparago."

"Espar— ano?" Napasinghap ako nung bigla niyang hinawakan ang braso ko saka hinarap sa kanya. Sinuri niya ang balat ko saka mukha. "Pinagloloko niyo ba ako? Wala akong matandaan na pangalan ng ganyang pangkat."

"E-Esparago is just a small clan, that's why we are not that known outside," I responded. Naging maliit ang boses ko dahil sa takot.

He looked like he would yell at us in any moment. I would burst out into tears if that happened. Hindi pa ako nasigawan ng mga magulang ko.

But I think I got him amused. Bumilog ang kanyang mga mata at halatang nagulat sa sagot ko. Napaisip naman ako kung ano ba ang sinabi ko na hindi ko na maalala.

"Marunong kang mag-English," sabi niya sa akin. "Makinis din ang balat ng babaeng ito kaya maniniwala akong hindi kayo rebelde. Kung gano'n ay bakit hindi niyo masabi ang pangkat kung saan kayo kabilang?"

"Sinabi na namin! Mokong ka kasi. Ayaw maniwal—"

"Koko..." pigil ko sa kanya. "I told you the truth, Mr. Guard. We belong to Esparago Clan. Bakit hindi mo itanong sa mga kasama mo baka sila alam nila?"

I was brave to open my mouth again, but I instantly regret it after. That means... we will be interrogated by more than one man.

"Hmmm..." He stared at us, suspiciously. Saka siya tumango para lapitan ang iba niyang kasama para humingi ng tulong.

Mahinang hinampas ko sa braso si Koko. "Stop being mean to them, Corbie. Baka mas lalo nila tayong hindi papasukin!"

"Sorry na. Hindi kasi ako sanay na dumadaan sa harapan. Madalas ay sa likod kung saan walang nakakakita. Wala pang hirap."

"But you are no longer an insurgent," I told him. "Tama naman ang sinabi mo. We belong to Esparago Clan. You belong with us."

Corbie chuckled. "Hindi pa rin kasi ako makapaniwala."

"You are a prince here," I even said.

"Kadiri..." bulong niya.

"And I am a princess."

"Bagay mo naman maging prinsesa. Ikaw na lang."

Natigilan kami nung nilapitan na kami ng tatlong kawal. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil marami ng mga mata ang nakamasid sa amin.

"I know Esparago Clan," the other guard mentioned. He seemed calmer than the previous guy. "I've been there before."

"So... can we get in now?" I asked.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay bumagsak sa kabayong sinasakyan namin ang kanyang atensyon. Nakita kong gumuhit sa kanyang mga mata ang gulat.

"Y-your horse..." Saka siya bumaling sa akin.

Hala. Kilala niya si Servena?

"There you are, kiddos!" Another stranger appeared out of nowhere. May masiglang ngiti sa kanyang labi at base sa pananamit nito ay hindi siya isang kawal. "Kanina ko pa kayo hinihintay."

Nakayukong bumati ang mga kawal sa kanya, pero nilagpasan niya lang sila para lapitan kami. Hinawakan niya ang renda ni Servena.

"Ako na ang bahala sa kanila..." sabi ng lalaki at saka na rin nagbalikan sa kanilang puwesto ang mga kawal. "Let's get inside first."

Hawak niya ang renda ng kabayo kaya nagawa niya itong pasunurin sa kanya. Binuksan ng mga kawal ang isang maliit na tarangkahan at doon kami pumasok.

I gasped at the scene. Mas lalo kong napagmasdan ang matayog na kastilyo sa malayo. Gano'n pa man ay nalulula na ako sa taas nito.

"That's the castle of Severus Kingdom. It's where the King lives..." Huminto sa paglalakad ang lalaki sa pumunta sa harapan namin. Yumuko siya sa amin. "You can call me Joseph, I am the hand of the King. It's an honor to be the first one to welcome you here."

"Are you going to take us there?" I asked.

He chuckled. "Unfortunately, I don't have the right to do so. Saka wala rin naman kayong magagawa roon, baka mabagot lang kayo. The castle might look enchanting from afar, but trust me that's the most boring part of Severus Kingdom."

"Then..." I paused.

"Your father told me to bring you two to the West Side. I am here to escort you there."

"May pagkain ba roon?" tanong ni Koko.

"Marami!" excited naman na sagot ni Joseph. "Saka marami rin kayong magiging kalaro. Sigurado akong magugustuhan niyo roon."

I sighed. Wala na akong nagawa kung hindi ang pagmasdan na lang ang kastilyo hanggang sa matakpan na ito ng mga matataas na puno.

"What's fun in here?" I asked, sarcastically while roaming my eyes around. I couldn't see anything but trees and tall grasses.

"So..." Joseph looked at us. "Napaliwanag na ba sa inyo ng mga magaling niyo ang mga dapat at hindi niyo dapat gawin o banggitin?"

"Gutom na ako..." bulong ni Koko.

"Yes," I answered for us. Puro kasi pagkain na ang lumalabas sa bibig ni Koko. "Bawal naming sabihin kung sino talaga kami."

"That's right. Good girl."

"How about our names?" I questioned again.

"You can state your first name, just not the surname. You know?" He even winked at us. "Baka mapagalitan kayo sa magulang niyo."

"Malayo pa ba?" reklamo ni Koko.

"Medyo..." sagot ni Joseph. "Matatagalan ang pagdating ng mga magulang niyo kaya magsaya lang kayo hanggang sa gusto niyo."

My mouth was shut. Nasasayangan pa rin ako dahil hindi ako makakapasok sa kastilyo. Saka gaya ni Corbie ay gutom na rin ako.

After the trees, we finally reached the clear area. Bumaba na rin kami ni Corbie kay Servena dahil tinabi na ito ni Joseph.

"We need to walk from here," he said.

Corbie frowned. "Nauuhaw na rin ako."

"Kaunting tiis na lang. Tara na!"

Pareho na kaming walang gana ni Corbie. Nakasimangot na nakasunod na lang kami sa kanya hanggang sa mapadpad kami sa isang lugar na may mga maliliit na bahay.

"We are here..."

There are so many small cabins here, but so peaceful at the same time. May isang batang babae ang lumabas mula sa isa sa mga kubo. Napatingin siya sa amin. Nakangiting nilapitan niya kami.

"Sila na ba?" tanong niya.

"Koko, Aya..." Umupo si Joseph para pantayan ang taas namin. "Siya si Umay. Siya ang pinuno sa lugar na ito. Umay... ikaw na ang bahala sa kanila ah?"

"Opo!" she even giggled.

"Pinuno?" tanong ko. "Ikaw?"

Umay nodded. "Oo. Ako ang naatasan na pinuno rito."

"Mga hayop ba ang binabantayan mo? Pastol ka ba ng mga tupa?" tanong ni Koko.

Umiling si Umay. "Hindi. Mga bata rin gaya niyo."

Napangiwi ako. I don't get it.

"Basta. May pagkain ba?" tanong ni Koko.

"Naghanda ako!" sagot naman ni Umay. "Nasa loob ng bahay ko."

"Maiwan ko na muna kayo." Tumayo na si Joseph saka nag-inat ng katawan. Nakangiting hinaplos pa niya ang pisngi ko. "Please, enjoy."

Kumurap lang ako at wala na siya.

"Tara na sa bahay ko!"

Mas nauna pang pumasok sa loob si Corbie. Mas nainis pa nga ako sa inasal niya kesa kay Umay na tumatawa pa. Hindi pa rin ako naniniwalang pinuno siya.

Pagkapasok namin sa loob ay isang munting higaan ang agad na bumungad sa amin. May lampara sa gilid at mga bulaklak. Yari sa kawayan at kahoy lahat ng gamit. At sa lamesa ay may mga pagkain. Kumakain na si Koko.

"Do you live here alone?" I asked.

Napakurap ang mga mata ni Umay. "Ano?"

"Kain na!" aya ni Koko.

Kumalam ang sikmura ko nung makita ang mga pagkain sa lamesa. Dali-dali na rin akong umupo saka sinamahan siya sa pagkain. Ang sarap ng karne at sariwang dugo. Halos maubos naming dalawa lahat ng pagkain.

"Salamat!" nakangiti kong sabi.

"Hulaan ko. Tupa ito," turo ni Corbie sa isang karne. "Tapos ito naman ay usa. Ang dugo rin ay galing sa usa. Tama ba?"

"Ang galing!" Pumalakpak si Umay. "Paano mo nalaman?"

Proud na ngumiti lang si Corbie.

"Mayamaya rin ay lalabas na ang iba." Umupo sa kama si Umay habang nakatingin pa rin sa amin. "Tama ba ang sinabi sa akin? Titira kayo rito pagdating ng araw?"

Napakurap ako. "Huh?"

"Ay..." Napapikit si Umay. "Wala. Wala."

"Paano ka naging pinuno?" tanong ni Koko.

"Lahat kami rito ay abandonado na..." Nakangiting paliwanag ni Umay. "Ako ang pinakaunang napunta sa lugar na ito kaya ako ang naging pinuno!"

"Abandonado?" tanong ko.

"Mga wala ng magulang o 'di kaya'y dinala rito mismo ng magulang," nakangiti pa ring sagot ni Umay. "Kaming mga narito ay mag-isa na lang sa buhay."

Namangha ako sa narinig. "Ikaw? Nasaan ang magulang mo?"

"Wala na rin." Nagkibit-balikat siya.

Tumayo si Koko saka tumabi rin sa kama. Humikab siya bago humiga at hindi kalaunan ay nakatulog agad. Napailing na lang ako.

"Aya ang pangalan mo, hindi ba?" tanong ni Umay.

I nodded. "Oo. Hyacinth, pero Aya na lang."

"Nasaan ang magulang mo?"

Hindi ako agad nakasagot.

"Abandonado ka na rin ba?" sunod niya pang tanong.

I shook my head. "Not really."

"Ano 'yon?"

"Hindi niyo alam ang English?" tanong ko pa.

"Ay!" Lumiwanag ang mukha niya. "Iyan ang susunod na ituturo sa amin ng guro. Hala. Paano't alam mo na agad gumamit niyan?"

"Ah..." Napakapa ako ng sagot. "Wala lang."

Bumuntonghininga siya.

"Nagustuhan mo ba ang pagkain?" tanong niya.

"Oo. Ikaw ba ang naghanda?"

Tumawa siya. "Oo naman. Kami-kami ang bumubuhay sa sarili namin. Minsan din naman ay nagsasalo-salo kami, pero madalas ay sa sariling sikap."

My eyes widened. "Cool. Bata kayong lahat dito?"

"Oo! Pero halos nasa bahay pa ang lahat dahil hindi pa oras ng klase," sagot niya. "Mayamaya rin ay lalabas na silang lahat dahil darating na ang guro namin. Pagkatapos naming mag-aral ay hapon na, maglalaro kami sandali hanggang gabi tapos mangangaso na kami."

Hindi na ako nakasagot. Bigla akong nanliit sa sarili dahil parang ang dali lang para sa kanila ang gawin 'yon. I can't even hunt for food alone. Paano pa kung mamuhay mag-isa?

Nagulat ako nung biglang may tumunog.

"Ang kampana!" Napatayo si Umay. "Ibig sabihin ay andyan na ang guro namin!"

"Puwede ba kaming sumama?" tanong ko.

"Oo naman!"

"Koko!" Mahinang hinampas po si Koko sa braso. "Gising na. May pupuntahan tayo."

"Hmmm?" Bumangon siya saka kinusot ang mga mata. "Katutulog ko lang, eh."

Hinawakan ni Umay ang kamay ko kaya napasunod na ako sa kanya. Nagulat ako nung madatnan na kanya-kanyang labas ng kubo ang mga bata na naglalakad sa iisang direksyon lang.

"Sino sila, Umay?" tanong ng isang batang lalaki.

"Mga kalaro," simpleng sagot ni Umay.

"Kalaro?" Tumingin sa akin ang lalaki. "Laro tayo mamaya!"

"Akala ko ba ako ang kalaro mo?" sumulpot ang isang babae. Maiksi ang buhok nito at halatang hindi nasiyahan sa sinabi ng lalaki/

"Edi kasama ka!"

May isang batang babae na naman ang napansin kami. Bumaling siya kay Corbie. Nakita kong tila nahiya ang babae kaya napayuko siya saka na nauna.

Sa ilalim ng isang oak tree ay nagpulong-pulong ang mga batang sa tingin ko ako ay nasa dalawampu. Lahat sila ay nakaupo at pinaliligiran ang isang matandang babae na may dalang mga libro. Sa tingin ko ay siya na ang guro.

"Maupo na tayo..." bulong ni Umay.

"Puro bata naman..." bulong ni Koko. "Tungkol saan naman ang pagpupulong na 'to?"

"Hindi ako magsasalita hanggat may naririnig akong mga boses," sabi nung guro kaya siniko ko si Koko dahil siya na lang ang nagsasalita. "Magandang araw, mga bata."

Sabay-sabay na bumati ang mga bata.

Corbie chuckled.

"Magandang araw, guro!" ginaya ni Koko ang boses ng mga bata pero nangibabaw ang kanya kaya may mga napatingin.

Katulad ng sinabi ni Umay ay English nga ang tinuro ng guro nila. Kahit na alam ko na 'yon ay tahimik pa rin ako. Si Koko ay epal nang epal.

"Alam ko 'yan," sabi ni Corbie.

"Ssshhh..." Siniko ko siya. "Shut up."

"Kung wala ka rito, Aya? Ako ang pinakamatalino!" Humalakhak si Corbie kaya natigilan sa pagsasalita ang guro.

"Ikaw." Tinuro siya ng guro na halatang nainsulto. "Hindi ka marunong rumespeto sa nagsasalita. Tumayo ka sa gilid, ngayon din!"

"Hala!" Umay stood up. "Guro. Hindi talaga sila kabilang—"

"Ang sabi ko ay tumayo ka sa gilid," tukoy pa rin niya kay Corbie.

Tumayo naman si Corbie. Nakaangat ang kanyang mga kamay kaya pinatungan naman 'yon ng limang libro ng guro.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi matawa. Alam ko ang parusa na 'yon dahil ginawa rin 'yon sa akin ng guro ko sa Esparago Clan.

"Ano ang gagawin ko rito?" tanong ni Corbie.

"Tatayo ka lang diyan hanggang sa matapos ang klase. Iyan ang parusa mo." Saka na bumalik sa harapan ang guro at nag-umpisa na uli.

Humagikgik ang babaeng kanina ko pa napapansin na pasulyap-sulyap kay Corbie. Katabi niya 'yung babaeng isa na parang maldita.

Tinuro ng guro ang basic na pagpapakilala sa sarili sa ingles. Tapos ay isa-isa nang nagpakilala ang mga bata. Maging ako ay nasali!

It was fun learning things you already know. Kapag hindi nila alam ang sagot ako ibubulong ko kay Umay kaya siya ang nakakasagot. Napansin 'yon nung batang maldita kaya inirapan niya ako.

Natapos lang ang parusa ni Corbie nung matapos din sa pagtuturo ang guro namin. Kinuha niya ang mga librong nakapatong sa kamay ni Koko saka pinagsabihan.

"Sana ay matuto kang itikom ang bibig mo sa tuwing may nagsasalita. Isa 'yong simpleng pagpapakita ng respeto sa kapwa mo."

"Hindi naman mabigat—"

"Koko..." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Opo, Guro!" sagot nito saka ngumiti.

Pagkatapos magturo ng guro ay naghiwa-hiwalay na ang mga bata para maglaro. Pinaligiran kami ng ilan sa kanila kaya bahagya akong nailang. Tila inuusisa nila kami.

Pinakilala naman kami ni Umay sa kanila. Doon ko napagtanto na tama nga si Joseph. Si Umay nga ang tinuturing nilang pinuno rito.

"Aya..." Nilapitan ako nung lalaking unang lumapit sa akin kanina. Pinunasan niya ang kamay bago ito nilahad sa harapan ko. "Ako naman si Hugo."

"Hello..." Nakangiting tinanggap ko ang kanyang kamay.

"Samara..." Naglahad din ng kamay ang babaeng mukhang maldita tingnan. "Kaibigan ako ni Hugo. Kami ang pinakamatalik na magkalaro dito."

Tumango naman ako. Napatingin ako kay Corbie nung dumikit siya sa akin.

"Ano ba ang problema nito, Aya?" tanong niya sa akin na ang tinutukoy ay ang babaeng titig na titig sa kanya. "Kanina pa nakatitig sa akin."

"Ganyan talaga siya..." Tumawa si Hugo. "Kapag may bago ay tititigan niya nang tititigan. Magsasawa rin 'yan mayamaya."

"Bianca..." Nagpakilala 'yung babaeng nakatitig kay Corbie saka na umalis.

Napakamot sa ulo si Koko.

"Maglaro na tayo!" anunsyo ni Umay. "Pagkatapos ay mangangaso naman. Mukhang baguhan sina Aya at Koko kaya papakitaan natin sila!"

"Hoy, Umay. Marunung ako!" pagmamayabang ni Koko.

"Mas magaling kesa kay Hugo?" nag-angat ng kilay si Samara. "Kung hindi niyo alam, si Hugo ang pinakabihasa rito sa pangangaso."

"Hindi naman, Samara." Nahihiyang napakamot sa batok si Hugo. "Pero puwedeng ako ang magturo sa inyo kung gusto niyo!"

Napangiti ako. "Sige!"

"Maglaro na tayo!" ani Umay.

"Itong si Umay naman. Pinuno ka namin, pero mas nauuna ka pa sa laro!" Humalakhak si Hugo kaya tumawa rin si Samara.

Sumali sa laro namin si Bianca at ang iba pa. I've never had fun like this for a long time. Marami kaming nakilala at nakalaro. Hugo is a cool guy. He somehow reminds me of Tegan. Si Bianca naman ay iyakin. Si Samara ay mapagkumpitensya. Kapag nanalo siya ay grabe magmayabang, pero kapag natalo naman ay aakusahan niya ng pandaraya.

"Nice game!" Hinihingal ko na sabi.

"Palubog na ang araw. Tapos na ang paglalaro. Oras na para maghanda sa pangangaso!" sambit ni Umay.

Kanya-kanya nang balik sa kubo ang mga bata para maghanda. Sumunod naman kami kay Umay sa kanyang bahay pero may iba kaming nadatnan doon.

"Hey, kiddos," Joseph greeted us.

"W-what are you doing here?" I asked.

He stood up. "I am here to grant your wish."

"What?" I shook my head. "Go away. Mangangaso pa kami—"

"I will bring you to the castle."

"P-pero..."

Joseph sighed. "They are waiting..."

"Huh? Aalis na ba sila?" Tila nalungkot ang boses ni Umay.

"Kailangan, Umay. May naghihintay sa kanila..."

"Gano'n ba?" Bumuntonghininga si Umay. "Kung gano'n... maraming salamat, Aya, Koko. Napasaya niyo kami kahit na sa madaling panahon lang."

I got teary-eyed. "Thank you, Umay."

"Hanggang sa muli..."

Wala na kaming nagawa kung hindi ang sumama kay Joseph. Muli naming sinakyan si Servena. Bago kami tuluyang nakaalis doon ay nakita ko ang isang batang lalaki na nagtatago sa likod ng puno. Nakangiting kumaway sa amin si Hugo.

I waved back.

Akala ko ay nawala na ang pagkasabik sa akin na makita ang kastilyo, pero nung dumaan na kami sa tulay ay namangha ako uli. Nakatingala lang ako habang palapit kami nang palapit.

"Whoa. Kaya ko kayang akyatin 'yan?" bulong ni Koko.

Sa sobrang pagkamangha ko ay hindi ko namalayan na huminto na pala kami. Bumaba kami ni Corbie mula kay Servena. Tapos ay naglakad na naman. May mga kawal na nakahilera sa gilid.

"Ang ganda ng mga kalasag nila!" Sinuntok pa ni Corbie ang shield ng isang kawal kaya napasigaw siya. "Putik. Bakal na bakal!"

Sa harapan ng dalawang higanteng pinto ay nakatayo si Mama na nakatingin sa amin. Nag-unahan kami ni Koko na makalapit sa kanya.

He made it first this time. Nauna niyang nayakap si Mama. Sumunod naman ako.

"Where have you been?" I asked.

"Alam mo, Mama? Crush siya ni Hugo!" sumbong ni Corbie.

"Hoy!" Pumula ang pisngi ko.

"Hala ka, Aya. Pumupula ang pisngi mo!" Humalakhak si Corbie.

"Nag-enjoy naman ba kayo?" tanong ni Mama.

Tumango ako. "I wish we could stay there longer..."

"Not today, baby." Hinalikan ako ni Mama sa pisngi bago hinawakan sa kamay. Hinawakan niya rin ang isang kamay ni Koko. "Your father is waiting..."

The double door opened. It was dark inside. Pero mas lalong dumilim nung nagsarado ang mga pinto. Kumurap lang ako at biglang nagsindihan ang mga chandeliers sa itaas.

"Hala! Nakasabit ang mga alitaptap!" si Corbie.

"It's chandelier, Koko!" pagtatama ko.

"Chan— chandeyer?"

Napatingin ako sa isang lalaki sa pinakadulo. Si Papa na nakangiti sa amin. Dahan-dahan kaming lumapit sa kanya. Nasa gitna namin si Mama. Hawak niya ang magkabila naming kamay ni Koko.

I looked up at my mother when she sobbed. Tears were streaming down her face.

Huminto kami sa harapan ni Papa. Nakangiting sinarado niya ang distansya sa pagitan namin. He was dressed in a formal attire.

"I've heard you had fun," tukoy niya sa amin ni Corbie.

I nodded. "Sobra po, Papa!"

"My precious ones..." Tears glittered around my father's eyes as he looked at us. "I made this world for you. This is yours. Everything I do is for you. I serve no one but you. I love no one... but you." He knelt down before us. "Welcome to your kingdom."

"P-Papa..." Tumakbo ako sa kanya saka siya niyakap. Hinalikan naman niya ako sa noo.

"Hear me, Aya?" He whispered as he kissed me again on my cheek. "Everything you see here is yours. No one can tell you otherwise. You are my princess."

"Kahit na ang mga pagkain?" tanong ni Corbie.

Papa chuckled. "Come. I have something to show you."

Nilagay ako ni Papa sa kanyang balikat. Si Corbie naman ay pumasan sa likod niya. Pagkatapos ay nilapitan niya si Mama para hawakan ang kamay.

Mama is still crying.

Pumanhik kami sa hagdan hanggang sa makatungtong kami sa pinakataas. Nanlaki ang mga mata ko nung makita halos ang kabuuan ng Severus Kingdom. Malakas ang hangin dito.

"Palubog na ang araw!" sigaw ni Corbie. Bumaba siya sa likod ni Papa para lumapit sa gilid. "Whoa. Ang kulay ng langit!"

Bumaba rin ako sa balikat ni Papa para puntahan si Corbie. Pareho naming pinagmasdan ang unti-unting paglubog ng araw.

It was magical. Another day has passed. This is one of the best days for me!

Bumaling ako kina Mama at Papa. Yakap ni Papa sa likod si Mama habang parehong nakatingin sa palubog na araw. May binulong si Papa kaya napapikit si Mama.

Pagkatapos naming mapanuod ang paglubog ng araw ay kailangan na rin naming umuwi. Dalawa ang kabayo naming sinasakyan. Nasa iisang kabayo kami nila Papa at Koko. Si Mama naman ay solo.

"Inaantok na ako..." bulong naman ni Koko.

Papa chuckled. "Matulog ka agad pag-uwi."

Sinandal ko ang likod sa dibdib ni Papa. Naramdaman ko naman na niyakap niya ako gamit ang isa niyang kamay habang ang isa ay nakahawak sa renda ng kabayo.

"Severus Kingdom is huge..." I said.

"Isn't it? That's all yours."

I chuckled. "That's too big to be mine."

"Right?" Tumawa rin si Papa. "You will come back there soon. Malapit ka nang makalaya, Aya. Kapag malaya ka na, gusto kong magpakalakas ka ah? Kayong dalawa ni Koko. Magtulungan kayong magkapatid. Tapos huwag niyong kakalimutan ang Mama niyo ah?"

"Opo!" sagot naman ni Corbie.

"I am always watching you..." Papa whispered.

Bigla kong naisip ang mga kalaro namin. Sina Hugo, Umay, Samara, Bianca at ang iba pa. Gusto ko ulit bumalik doon.

Nung malapit na kami sa Esparago Clan ay lumipat kami sa kabayo ni Mama. Si Papa naman ngayon ang nag-solo sa iisang kabayo.

I yawned. "I'm sleepy..."

"Maliligo ka muna, Aya. Kayong dalawa ni Corbie. Ang baho niyo na!" singhal ni Mama. "Ngayon ka lang nangamoy ng ganito."

"Gusto ko ring makausap si Tegan. Susumbong ko si Aya kasi crush siya ni Hugo!"

"Manahimik ka nga, Corbie!"

"Crush ka pa naman din ni Tegan!"

"Shut up, Corbie!"

We have finally returned to Esparago Clan.

I looked back.

There's nothing but darkness.

"Where's Papa?" I asked.

Suminghap si Mama. "Let's go inside? Papaliguan ko muna kayo bago makipagkuwentuhan sa mga kalaro niyo. Mukhang madami-dami 'yan, eh."

Hanggang sa pagpasok namin sa loob ay nakatingin pa rin ako sa likod.

Where's Papa?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro