Chapter 3
Chapter 3: Strange Boy
Astralla
Napangiti ako kasabay ng pangingilid ng luha sa mga mata ko. Lumapit ako kay Lola na nakangiti rin sa akin. Hindi ako nag-aksaya ng panahon para yakapin siya.
"Masaya akong makita ka uli, Astra."
Tuluyan nang lumandas pababa ng pisngi ko ang mga luha. Sa dami ng gusto kong sabihin ay walang lumabas sa bibig ko. Gusto kong magpasalamat dahil sa kwintas na bigay niya na nagbigay ng liwanag sa kaisipan ko. Gusto ko ring humingi ng kapatawaran dahil sa sinapit niya at ng kanyang anak.
"Nakauwi ka..." aniya.
"Salamat, Lola."
Tinapik niya ang likod ko. Hinarap niya ako sa kanya.
"I-I'm sorry for your loss," I whispered.
"Malamang na kasama na niya ngayon ang kanyang Tito Rold," nakangiting sambit niya sa akin. Kumislap ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. "Malamang na pareho silang nakatingin sa atin at ginagabayan tayo."
I could see the pain and longing in her eyes. I couldn't imagine the feeling of losing your own child. Ilang araw pa nga lang na nawalay sa akin si Aya ay halos kainin na ako ng lungkot. Paano pa kaya kung... hindi mo na ito makikita uli.
"Andito ako para tulungan ang anak mo," sambit niya sa akin. Sumeryoso ang boses niya. "Gamit ang lahat ng natutunan kong kaalaman, sisiguraduhin kong magtatagumpay tayo sa pagkakataong ito."
Tumaas ang pag-asa ko. Sana nga...
Nagpahanda ako ng maliit na salo-salo sa isang gazebo. Hindi ko makita si Aya sa paligid kaya malamang na nasa silid siya. Doon ko nga siya nakita. Nakaupo ito sa kama at nakatingin sa labas ng bintana.
"Hey. What's bothering my princess?" I sat beside her.
Yumuko ito. "My fog did it again..."
Kumirot ang dibdib ko nang maramdaman na naiiyak ito. Mabilis ko siyang binalot sa yakap. Naiiyak man ay pinilit kong hindi ito ipahalata. Aya needs me and breaking down in front of her will just make things worse.
"I'm sorry to hear that but I have good news for you!"
She looked up at me. "What do you mean, Mom?"
"May nakita na akong manggagamot na tutulong sa 'yo."
"Again?"
"No. Aya..." Hinawakan ko ang kanyang pisngi at bahagyang hinaplos. "Hindi basta-basta ang manggagamot ngayon. Sigurado akong matutulungan ka niya."
Tumitig lang sa akin ang anak ko. Nasasaktan akong nakikita siyang unti-unting nawawalan ng pag-asa. Pero sigurado akong sa pagkakataong ito ay magtatagumpay kami.
"Maligo ka muna. Nagpahanda ako ng maliit na salo-salo kasama ng manggagagamot," paghihikayat ko sa kanya.
"Pwede ba nating isama si Koko?" tanong nito.
"Oo naman!" Ngumiti ako. "I will invite Koko and Tegan."
"Yay!" Nabigla ako nang yakapin ako nito at may binulong. "Okay lang naman Mama kung hindi kami magkasundo ng hamog ko. Okay lang na dito na lang ako. Basta dito na rin sina Tegan at Koko."
Saka ito patakbong pumasok sa loob ng rest room.
I let out a heavy sigh. No. She can't stay here forever. The war of her life is waiting outside these huge walls. She needs to prove herself to the world. She needs to prove that she's here to stay.
Hinanda ko na ang susuotin ni Aya at pinatong 'yon sa ibabaw ng kama. Lumabas muna ako para puntahan ang silid ni Koko. Nasa iisang building lang naman kami.
"Koko?" I knocked on the door.
Hindi agad nagtagal ay may nagbukas ng pinto. Suot na ni Koko ang kanyang asul na pajama at may hawak pa itong libro. Kinusot niya ang kanyang mga mata.
"Bakit, Tita?" Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto.
"Oh. You can read?" I asked.
He nodded. "Yes. Binigay sa akin ni Aya 'tong libro. Sabi niya ay basahin ko raw. Plano kong basahin ito magdamag."
"That's sweet." I smiled.
Ngumiti rin ito.
"Oh. Mukhang abala ka. Iimbitahan ka sana namin sa maliit na salo-salo eh—"
"Pagkain?" Mabilis itong tumakbo pabalik sa loob. Nilapag niya sa kama ang libro bago bumalik sa akin. "Hindi pa naman ako inaantok, Tita."
Natawa ako.
Habang naglalakad kami sa hallway at pabalik sa kwarto ni Aya ay kwento nang kwento si Koko. Natatawa at napapailing na lang ako sa kanya.
"Kailangan ko ng kalasag saka totoong espada," aniya pa. Tumakbo ito sa harapan ko at patalikod na naglakad. "Sabi kasi ni Aya ay pwede na niya akong maging bantay!"
"Really?" I remember how annoyed she was earlier. "That's good. Hindi mo naman kailangan ng mga totoong kalasag at ispada, Koko. That's too much, don't you think?"
"Oh..." Napaisip ito.
I chuckled. What a precious boy.
"Kumusta naman ang tree house?" tanong ko na lang.
"Hindi pa tapos e." Pumantay ito uli sa akin. "Saka nga pala, Tita. May usok na lumapit kanina kay Aya."
Natigilan ako sa paglalakad.
"Ano pa ang nangyari?" kabado kong tanong.
"Biglang hindi nakahinga 'yung kunehong pinapakain niya. Maiiyak na nga sana si Aya eh." Kumamot ito sa kanyang batok. "Buti nagawan ko ng paraan. Sabi ko ay dahil lang may bumara na buto sa lalamunan ng kuneho. Meron naman talaga kaso nangyari 'yon dahil pinigilan ng usok ang paghinga ng kuneho."
Nanginig ang mga tuhod ko. I think I know now why she doesn't want Koko to leave. She's comfortable with him. Dahil sa kanya ay nabuhayan ito ng loob na hindi naman talaga ang hamog ang nagpapahirap sa kanya.
"Y-you did that?" Parang may bumara sa lalamunan ko.
Tumango ito. "Nabuhay ang kuneho at tumakbo palayo!"
"You are..." Yumuko ako para haplusin ang kanyang pisngi. "You are the best guard in the whole world, Corbie. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa 'yo. Thank you..."
Tumitig lang ito sa akin.
"Salamat, Koko."
Pumula ang pisngi nito at tila nahiya. "Ah? Talaga? Nakakahiya naman. Hindi naman mahirap ang ginawa ko e."
"No. That was everything for my daughter and for me." Ginulo ko ang buhok niya.
Dumiretso na kami sa kwarto ko. Naabutan naming palabas ng rest room si Aya at nakatapis lang ng tuwalya. Mabilis na nagtago sa ilalim ng kama si Koko.
"Hala! Hindi ko alam!"
"K-Koko..." Aya's face turned red.
Kinuha ko ang mga damit na nakapatong sa kama at hinila papasok ng rest room si Aya. Tinulungan ko siyang makapagdamit gaya ng madalas.
"Miss ko na si Papa, Mama," sambit ni Aya.
Hinarap ko siya sa akin. Hinawi ko ang kanyang basang buhok. "I know, He will come home soon, Aya. For now... let's meet your new teacher, shall we?"
"How is she different from the rest, Mama?"
"Uhmm..." Napaisip naman ako ng sagot na magpapa-engganyo sa kanya. "May pinagsamahan kami at kilala ko ang kanyang kakayahan. Panatag akong matutulungan ka niya."
Naabutan naming nakatayo lang sa gilid ng pinto si Koko. Magkasalikop ang kanyang mga kamay at magkadikit ang mga paa. Umiwas ito ng tingin.
"H-hindi ko naman sinadya..." bulong nito.
"Huwag ka nang mahiya, Koko!" ani Aya.
Dahil sa sinabi ni Aya ay unti-unting umangat ang tingin ni Koko. Ngumiti ito nang matamis. Biglang may kung anong gumulo sa dibdib ko.
I felt something weird.
Tumakbo si Aya at hinila si Koko paupo sa kama. Kinuha nito ang suklay at sinuklayan si Koko.
"A-aray!" angal ni Koko.
"Ang arte mo, Koko. Bakit wala kang hilig mag suklay?"
"Magugulo rin naman kasi—"
"Pakalbo ka na lang kaya?" Tumawa si Aya.
"Utos ba 'yan?"
"What?"
"Kung gusto mo akong magpakalbo, magpapakalbo ako." Kinuha ni Koko kay Aya ang suklay at siya na ang gumawa no'n. "Hindi ba bantay mo ako? Pwede mo rin akong utusan."
"No." Aya shook her head. "You look awesome, Koko."
Ngumiti si Koko. "Ayaw mo bang pumasok?"
"Ha?" takang tanong ni Aya.
Tumayo si Koko at binuksan ang pinto. Napaayos ng tayo si Tegan.
"A-ah... gusto ko kasing sumalo sa inyo sa pagkain." Kumamot sa batok si Tegan. "Pero mukhang hindi naman ako imbitado. Salamat na lang, Aya."
Nagkatinginan sina Koko at Aya.
"Pupuntahan ka sana namin ni Koko para imbitahan din," wika ni Aya. "Pwede ba naman kaming magkasiyahan nang wala ka, Tegan?"
"Oo..." Yumuko si Tegan.
"Join us, Tegan," I said.
Nakita kong nag-alangan sa pagsagot si Tegan. I could see that he's not used to sharing Aya's attention with someone else. Naninibago ito na kasama ngayon si Koko. Gano'n pa man ay alam kong hindi ito nagiging sagabal para pumait ang pagtingin niya kay Koko.
"Sige!" Ngumiti si Tegan.
"Ayos! Gutom na ako!" Nagtaas ng mga kamay si Koko.
"Lagi ka namang gutom eh," pang-aasar ni Aya.
Tumawa si Koko. "Oo nga eh."
Sabay-sabay kaming lumabas. Nasa harapan ko ang tatlong bata. Nasa gitna si Aya at magkakahawak-sila ng kamay. Pinag-uusapan nila kung ano ang ipapangalan sa tree house.
"Three House?" Tegan suggested.
"Eh? Ano pa ang binago mo?" tanong ni Koko.
"I mean three, as in tatlo, not tree."
"Whoa..." Nakipag-apir si Koko kay Tegan. "Ayos 'yon ah!"
"Thanks!"
"Okay. Three House..." Aya agreed.
Hindi maalis sa isipan ko ang naramdaman ko kanina. I don't understand but it felt like it's somehow connected with Koko. There's something strange with him.
Pumunta kami sa gazebo kung saan naabutan naming naghahain na si Lady Aida. Naroon din si Abel at kausap niya si Lola.
"Hays. Ba't andito si Papa?" tanong ni Tegan.
Napatingin sa amin si Abel. "Oh. Andito na pala sila."
Mabilis na tumakbo si Koko papasok sa loob. Nagmano ito kina Abel, Lady Aida at Lola. Nakita kong natigilan si Lola at hindi agad binitiwan ang kanyang kamay.
Gumaya rin sina Tegan at Aya. Nabitiwan ni Lola si Koko nang magmano sa kanya si Aya. Napangiti ito at hinawakan ang pisngi ng anak ko.
"Hyacinth..." banggit ni Lola sa pangalan ni Aya.
"Ikaw po ba ang tutulong sa akin?" tanong ni Aya. Umupo ito sa kanyang tabi.
"Ako nga..." Hinaplos ni Lola ang purselas ni Aya. "Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. Pinapangako ko."
"Salamat po!"
"Hoy, bata! Bakit hindi ka nagmano sa akin?" tanong ni Abel kay Tegan na nagsasalin ng dugo sa baso.
"Ayoko nga. Hindi ka pa naligo eh—"
"Sino siya?" tanong ni Koko kay Tegan.
Tumikhim si Abel. "I'm his father. Hindi pa ba niya ako nabanggit sa 'yo, Koko?"
"Papa?" tanong ni Koko.
"Oo, Koko. Siya 'yung Papa kong hindi naliligo—"
"Tegan..." Sinamaan ng tingin ni Abel ang anak. Tumikhim ito at umiling. "Kung magpapatuloy ka sa ganyan ay hindi ko ipapagamit sa 'yo si George."
Mabilis na ngumiti si Tegan. "Joke lang, Papa! I love you!"
"Ikaw, Aya? May Papa ka?" tanong ni Koko.
"Meron! Uuwi siya malapit na!" excited na sagot ni Aya. "Tuturuan niya akong mangabayo. Ipapakilala ko siya sa 'yo!"
Mahinang tumango lang si Koko. Halatang nawalan ito ng interest sa usapin.
"Ikaw, Koko?" balik na tanong ni Aya.
Umiling si Koko. "Wala eh." Saka ito tumawa.
Sumikip ang paghinga ko. I hate how he fakes his laugh just to make it look like it doesn't affect him. It feels like everything about Corbie is just a façade to cover up his real identity.
He seemed more miserable than this.
"Sakto! Ikaw na lang ang anak ko!" Nilapitan ni Abel si Koko at ginulo ang buhok.
"Papa!" sumimangot si Tegan.
"Sino ang Papa mo?" tanong ni Abel sa kanya.
Tinuro siya ni Tegan.
"Hindi!" Sinandal ni Abel sa kanya si Koko at hinawi ang buhok. "Ayaw mo sa akin, hindi ba? Okay, fine. Si Corbie na lang ang anak ko. Mas mabait pa."
Nakita kong napangiti si Koko sa simpleng gano'n ni Abel. Alam niyang nagbibiro lang ito pero masaya siya... masaya siyang may tumanggap sa kanya kahit na pabiro lang.
Shit. My heart aches for him.
He deserves what both Aya and Tegan have. Not just a father but also a place he can call home.
Pagkatapos ng kulitan ay kumain na kami. Nagtanong-tanong si Lola tungkol kay Aya at masayang sinagot naman 'yon ng anak ko. Minsan ay sasabat si Koko para magbiro.
Corbie's existence makes everything less heavy.
"Wait. Koko can see the future, too!" ani Tegan.
Natigilan kaming lahat. Oh, I remember that. Sa tingin ko lang naman ay nagbibiro lang ito. But after all... it's also possible that he's telling the truth.
Can Corbie really see the future?
"What do you mean?" Abel asked.
"He can see what's about to happen," Tegan added. "Right, Koko?"
Hindi kumibo si Koko. Tahimik lang itong kumakain ng manok.
Abel laughed. "Right."
"Hindi ako nagbibiro, Papa!" Bumaling si Tegan kay Aya. "Hindi ba, Aya?"
Tumango naman si Aya. "He's cool..."
"Oh..." Natikom ang bibig ni Tegan.
"As cool as you," Aya added.
"Well..." Bumalik ang ngiti ni Tegan.
Napansin ko ang paninitig ni Lola kay Corbie. Nararamdaman din ba niya ang nararamdaman ko? Alam din ba niyang may kakaiba sa batang ito?
"I can see everything..." Corbie suddenly said.
"Really? Eh bakit naninilip ka pa rin?" tanong ni Aya.
Namula ang pisngi ni Koko.
"Hala. Naninilip si Koko?" Nanlaki ang mga mata ni Tegan.
Tumawa si Aya.
"S-sabi mo kakalimutan na natin 'yon?" Mas lalong namula ang mukha ni Koko.
"Ay... sorry." Ngumiwi si Aya.
"Ano ang nakita mo, Koko?" tanong ni Tegan.
"Uhmm..." Nag-alangan sa pagsagot si Koko.
"Kukuha pa kami ng pagkain!" Tumayo bigla si Tegan. "Samahan mo ako, Koko."
"Oh, sige!"
"Ako rin!" Tumayo rin si Aya.
"Ay..." Kumamot sa batok si Tegan. "Sige na nga."
Umalis ang tatlong bata para kumuha ng pagkain. Alam ko namang umalis lang sina Koko at Tegan para mas mapag-usapan ang mga bagay-bagay.
"He's a clever boy," Lady Aida said.
"Pwede ko bang pa-imbestigahan si Koko?" biglang tanong ni Abel.
Nanlaki ang mga mata ko. "Huwag!"
"Abel is right, Astra..." ani Lady Aida. "That boy is strange."
"No," madiin kong sambit. "Respect him."
"Siya ang magsisimula..." biglang sambit ni Lola.
"Astra, please?" Abel begged. "I want him to be safe, too."
"Then, leave him alone!"
"Baka maging tayo ay mapahamak, Astra," ani Lady Aida.
Tumawa ako. "Don't tell me you are scared of that kid?"
Hindi nakasagot si Lady Aida.
Tumayo na ako.
Parang maiiyak na lang ako.
"You will hurt his feelings," bumaba ang boses ko. "It's fine if you don't trust him. Just please... leave him alone. He's still a kid. He needs nothing but acceptance."
"I just find him bothersome," Lady Aida uttered.
I nodded.
"Don't touch, Corbie. Please. Don't make him feel like he is different from us. He's still a kid."
I don't want history to repeat itself.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro