Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Chapter 29: Home

Astralla

We've had the most peaceful nights for a long time. I was planning to watch our kids sleep beside us the entire night, but the moment Brix wrapped his arms around me, I instantly fell asleep.

"Joseph will be there for them," Brix whispered as we watched our kids galloped away. He held my hand and squeezed it.

Pakiramdam ko ay nag-uumpisa nang mamuhay mag-isa ang mga anak ko kahit na magkikita pa rin naman kami mamaya. Alam kong darating din ang araw na kailangan ko silang palayain sa aking silungan para mamuhay sa sariling paraan.

"Ang galing na ni Aya," bulong ko nung mapagtanto na marami na siyang natututunan. "She's learning faster than I thought."

"I'm sure Corbie will protect her." Hinawakan ni Brix ang balikat ko at hinarap ako sa kanya. "Hihigitan pa niya ang mga nagawa ko para sa 'yo. They will surpass us one day."

My lips parted, but no words came out.

I shouldn't ask him a question.

I shouldn't ask him why he went missing last night.

I swore to trust him.

He cleared his throat. "Uhmm..."

"What?" I asked.

I felt nervous with the sudden change in his mood.

He looked away. Napansin kong tila nailang siya bigla.

"What is it, Brix?"

"Nothing..." Binitiwan niya ang kamay ko saka bahagyang tumalikod sa akin. Narinig ko pa ang pagbuntonghininga niya. "Let's just walk for now."

Naguguluhan man pero pumayag na lang din ako. Mabagal ang paglalakad namin, pero pansin kong sa ibang direksyon ang tinatahak namin. Taliwas ito papunta sa Severus Kingdom.

"Where are we going?" I asked.

"A date..."

Natigilan ako. What?

Tumikhim siya. "Hindi mo pa naranasan na lumabas at makipag-date, hindi ba? I mean... you were still naïve when I took you away. I literally deprived you of the things a human should experience in their lifetime."

Hindi pa rin niya magawang tumingin sa akin.

"But I am not a human anymore—"

"You can be!" Hinarap niya ako. "For today..."

"So..." Napakapa ako ng sasabihin. "Are you asking me out for a date?"

"No. I am not asking here, Astra. It's mandatory."

Umawang ang mga labi ko. "Okay?"

"Is that a yes?"

"Gago ka ba? You literally said it's mandatory—"

"Isn't that how it is supposed to be done?"

I shook my head. "Nope. Kailangan mo munang mapapayag ang babae na makipag-date sa 'yo. It shouldn't be forced, Brixton."

"Ayaw mo ba?"

"Gusto!" I pouted.

He chuckled. "So let's date..."

I grinned. "Sure!"

Pagkalabas namin sa masukal na bahagi ay may isang magarang itim na sasakyan ang naghihintay sa amin. Lumabas doon ang isang babae at yumuko sa amin.

"Do the pleasure," Brix said to her.

"As you wish, Milord." The woman respectfully bowed to him before she turned to me. "Shall we, My Queen?"

I looked at Brix. "So... you planned this all along."

He shrugged his shoulders.

"See you later, Milady..." Brix bowed to me.

Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay sumakay rin ang babae. Pinagmasdan ko si Brixton na nakatayo lang sa labas. Nakangiting kumaway pa siya sa akin habang palayo kami.

Parang may kumiliti sa akin para mapangiti.

A date with Mr. Cardinal.

I mentally laughed. Kung ako ang nag-suggest nito dati ay malamang na sinamaan na niya ako ng tingin at pinaulanan ng insulto.

I suddenly imagined him yelling, "Slaves aren't allowed to date their masters, you stupid human. Just get me some wine and shut your mouth."

I sighed. But here we are.

Bumaling ako sa labas ng bintana. Tila namangha ako sa mga malalaking establisyementong nadadaanan namin. Matagal-tagal na rin magsimula nung makalabas ako sa mundo ng mga bampira.

It suddenly felt bizarre to be back in the world I grew up in.

"We are here, Milady."

Nabalik ako sa huwisyo nung marinig ang boses ng babae. Saka ko lang napagtanto na tumigil na pala ang sasakyan namin sa harapan ng isang magarang hotel.

As soon as I stepped my feet out of the car, I felt the strong sunlight prick on my skin. I haven't had good blood for quite a while that I felt a little pain.

"Astra!"

A familiar voice echoed from the distance. Mabilis na tumakbo sa direksyon ko si Lady Christy at niyakap ako nang mahigpit.

"I missed you!" she exclaimed.

Napangiwi ako dahil hindi na ako makagalaw sa higpit ng yakap niya.

"Grabe. Didn't you even miss me?" she complained.

"I did!" I chuckled. "How have you been, Diamond Queen?"

"Fine, I guess? My father is about to pass his legacy to me as the leader of Phoenix Clan!" She drew a deep breath. "But, let's not talk about it. You need a grand make-over."

Pumasok na kami sa loob ng hotel na ayon kay Christy ay pagmamay-ari ng angkan nila. I still find it absurd how these vampires run huge companies. I mean... mga tao ang pinagsisilbihan nila. Hindi nga lang alam ng mga tao na bampira ang mga may-ari.

Nakalingkis sa braso ko ang kamay niya hanggang sa pagpasok namin sa elevator. Hanggang sa makarating kami sa last floor.

The entire floor was dimmed. Nakababa lahat ng kurtina at sobrang lamig dito. Gano'n pa man ay hindi 'yon naging hadlang para mapansin ang isang kulay itim na dress na nakasuot pa sa mannequin.

"Oh, that?" Mabilis na nilapitan 'yon ni Lady Christy. She showed me the elegant black dress. "I personally picked this for you. Lord Brixton told me not to overdo this date, but duh? There's nothing extravagant for me."

I nodded. So... I am going to wear that for our date.

Bigla akong na-excite dahil hindi ko matandaan kung kailan ako huling nagsuot ng gano'ng kagarang damit. No'ng huli ay sa event pa siguro ng Nightfall Clan.

"The bathroom is here..." Lady Christy showed me the bathroom. "Huwag ka lang matagalan ah? But take your time."

Tinulak na niya ako sa loob saka sinarado ang pinto. Ang halimuyak sa tub ang siyang nagtulak sa akin para hubarin ang buong saplot sa katawan para magbabad doon.

I rested my back as I stared at the ceiling. I didn't want to think of anything else. I tend to overthink when I am alone, but I am saving my mood for tonight.

After minutes in the tub, I next stood under the shower. I gently scrubbed my skin with the hope that it would take away all of the worries in my heart.

I don't want to ruin this moment.

Binalot ko ang katawan sa bathrobe saka lumabas ng bathroom. Naabutan ko na nagsasalin ng red wine si Lady Christy.

"Drink first..." Inabot niya sa akin ang isang baso ng alak. Saka niya hinawakan ang balikat ko at inupo ako sa harapan ng isang dresser.

I gulped my wine as I stared at my black reflection on the mirror. Sa tagal ko nang 'di nakikita ang sarili sa salamin ay parang nakalimutan ko na kung ano ang hitsura ko.

Lady Christy first did my hair. He pulled my hair into a messy bun. Ang mga hindi nasamang buhok sa gilid ay bahagya niyang kinulot. Binase ko 'yon sa galaw ng kanyang mga kamay.

"You look... gorgeous!"

"I wish I could look at myself in the mirror again."


"Uhmm. I got you!" she said as she winked at me. "But let's do your make up first, then your dress. After that, I will let you see yourself in the mirror."

My lips parted. "Is that even possible?"

"Of course!"

Hindi na ako gumalaw para agad siyang matapos sa pag-aayos sa akin. Hindi ko alam kung saan ako mas excited ngayon. Sa date ba namin ni Brix o sa katotohanan na makikita ko ulit mukha ko.

"Turn around..." she said.

Umikot ako sa harapan niya. Nagulat ako nung tumulo ang luha sa mga mata niya.

"W-what's wrong?" tanong ko.

She shook her head. "I'm just going to miss this. Baka kapag naging leader na ako ng clan namin ay bawal ko nang gawin ito."

I see. That's really sad.

"Anyway..." Suminghap siya ng hangin. May kinuha siyang itim na kahon sa drawer. Saka siya umikot sa likod ko. "Loon in the mirror, Lady Astra."

Bumilis ang paghinga ko habang nakatingin sa salamin. Naramdaman kong may kwintas na nilagay sa akin si Lady Christy.

"As long as you have this necklace, you will see your reflection in everything. You will see your reflection in the mirror, water, and camera. But this is only effective for a limited time."

The blank reflection in the mirror sculptured a woman in an elegant black dress. The tears loomed into her eyes as her heart filled with vintage memories.

That's me.

"You look exactly like a queen, Lady Astralla Martin."

Napahawak ako sa pisngi ko. Hanggang sa ang luha ay napalitan ng isang matamis na ngiti. Kamukhang-kamuka ko ang mga anak ko, lalo na si Hyacinth.

Habang tumatagal ang pagtitig ko sa sarili ay lumalalim din ang paghukay ko sa mga alaala. Hanggang sa minabuti ko na lang na hubadin na lang 'yon.

I turned to Lady Christy. "Thank you..."

"The pleasure is all mine," she smiled. Nilapitan niya ako saka hinawi ang buhok ko sa gilid. "I hope you know you deserve everything, Lady Astra. You have become one of the remarkable vampires to ever exist. Thank you."

Nailang ako bigla kaya dinaan ko na lang sa pagtawa.

After all the preparation, Lady Christy led me to the other elevator. Pero sa pagkakataong ito ay ako lang ang pinapasok niya.

"Enjoy your date, Mrs. Cardinal."

Pagkasarado ng elevator ay nataranta ako. What is this?

I bit my bottom lip as I watched the number of floor go lower. Hanggang sa tumigil na ang elevator at tumunog. Ang unti-unting pagbukas ng pinto ay mas nagpadagdag sa kaba sa dibdib ko.

I drew a deep breath. This is just a date. Saka... hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nakasama ang lalaking naghihintay sa akin.

I was expecting a peaceful and romantic ambiance on the floor but I was welcomed by loud gossips around. I wasn't alone in this room.

"Astra!" Napatingin ako kay Dahlia.

Awtomatikong bumagsak ang mga luha ko. Natagpuan ko na lang ang sariling tumatakbo papunta sa kanya. Nagsalubong kami at agad na nagyakap.

"A-Astra..." Humagulgol siya. "I missed you... so much."

Napangiti ako. "I missed you more, Dahlia."

Napangiwi ako nung hampasin niya ako sa balikat. "Iniwan ko 'yung address ko sa sulat ko sa 'yo tapos hindi mo man lang ako nagawang sulatan!"

"Huh? Akala ko letter lang 'yon—"

"May address 'yon sa likod!" Inirapan niya ako. "Akala ko nakalimutan mo na ako."

"Ako naman!" Napatingin ako kay Eliyah. "Hello, pinsan. Musta?"

"E-Eliyah?"

"Eliyah 'yung spaghetti mo!" sigaw ni Tita Ophelia.

"Ma! Andito na si Astra!"

"Huh?" Mabilis na binitiwan ni Tita Ophelia ang kanyang pagkain saka patakbong lumapit sa akin. "Anak ng— Astra? Ikaw ba 'yan?"

"T-Tita..."

Hinawakan niya ang dress ko. "Mukhang mamahalin 'to ah?"

"Ma!" suway ni Eliyah.

I laughed. But I am still confused.

I roamed my eyes around. Where's he?

"Brixton invited us all here," Eliyah said when he noticed the confusion in me. "Hindi ko inakalang ganito kayaman 'yung asawa mo!"

"He did?" I asked.

"True. Bongga!" Humalakhak si Dahlia.

"Hoy. Kain muna tayo!" aya sa amin ni Tita Ophelia.

Umupo kami sa nag-iisang lamesa sa malawak na silid na ito. May mga pagkain doon na agad naman pinagkatuwaan nina Tita Ophelia at Eliyah.

"Kailan ka pa nakauwi, Tita?" tanong ko.

"No'ng isang linggo," sagot ni Eliyah na kumakain ng chicken. "Pero aalis din kami bukas."

"Aalis?" tanong ko.

"Yes. We our planning to migrate abroad," sagot ni Eliyah. "Maganda na kasi ang trabaho ni Mama roon kaya isasama na niya ako."

"Gano'n ba?"

"Ako naman ay rito na uli titira," sambit naman ni Dahlia. Sinandal niya ang ulo sa balikat ko. "Pero kung kailan andito na ako uli, ikaw naman ang lalayo."

"Ano?" tanong ko.

"Hindi ba kaya niyo kami inaya rito ay dahil aalis na rin kayo ni Brix?" tanong pa sa akin ni Dahlia. "Hindi niya nga sinabi sa amin kung saan. Ang daya."

Napatango naman ako. I see...

"How have you been?" tanong ko kay Dahlia.

And... she started to tell her entire story.

So... Brix planned this for me.

He's fixing my messed-up past.

He's doing it so I can move forward without worrying about this anymore.

"Ano na, Ma?" tanong ni Eliyah. "Pasado na ba si Kuya Brix sa 'yo?"

Natigilan sa pagnguya si Tita Ophelia. Saka siya tumingin sa akin na parang sinusuri ako. Pagkatapos ng matinding pagsuri sa akin ay ngumiti siya.

"Kung saan masaya si Astra..." simpleng sagot ni Tita.

"Are you happy, Astra?" Eliyah asked. "Please be honest now. Kasi kung hindi... isasama ka na lang namin bukas."

I chuckled. "Nag-snow ba riyan?"

"Oo!" excited na sagot ni Tita Ophelia.

I smiled. "I am happy."

"Halata naman..." bulong ni Dahlia.

"So..." Eliyah cleared his throat. "Hindi ka sasama sa amin bukas?"

I shook my head. "My home is here."

"You are really an adult now," biglang sabi ni Tita Ophelia.

Hindi ako nagulat sa pagkaseryoso ng boses niya, nagulantang ako dahil sa galing niyang mag-English. Napansin niya ang expression ko kaya tumawa siya.

"Ang galing mo, Tita!" puri ko.

Eliyah frowned. "Tigilan mo na kasi pagkausap sa mga foreigner, Ma!"

"May asim pa si Tita!" Humalakhak si Dahlia. "Ang laki ng tulong sa 'yo ng mga foreigner sa chat messages mo, Tita ah?"

"Hindi lang 'yan ang malaki sa kanila, Dahlia. Alam mo 'yan!" Humalakhak si Tita.

"Ma!" Halatang nandiri si Eliyah. "Really? Sa harapan ng pagkain?"

Tawang-tawa ako sa kanila.

"Tawa-tawa ka riyan." Inirapan ako ni Dahlia. "Halata namang malaki rin—"

"Okay. That's enough," I cut her off. "So... Dahlia already told me her story." I turned to Eliyah and Tita Ophelia. "Baka naman may kwento rin kayo."

Tita Ophelia excitedly told me about her job and her alleged suitors. She also showcased us her English speaking skill which really amazed me. Wala akong ginawa kung hindi ang makinig sa kwento niya at tumawa.

"How about you?" tanong ni Dahlia sa akin.

I smiled. "There's nothing special about my story."

"Oh, we love ordinary stories!" she mocked.

The bright lights suddenly turned dimmed. Napasinghap ako nung bigla akong yakapin ni Dahlia saka umiyak.

"I am going to miss you, Astra," she whispered. "I am happy to see you again."

That seemed like a signal.

I guess our time here is over.

I hugged her back. "Good luck in life, Dahlia."

"You talk like a grandma!"

I chuckled as I kissed her forehead.

I next turned to Eliyah and Tita Ophelia. Tumayo si Eliyah kaya tumayo rin ako. Napapikit ako nung bigla siyang yumakap sa akin.

"I don't know what's happening to me," he whispered. "You look happy, but my heart is aching. Maybe I just really missed you."

"Take care, Eliyah."

"Masaya ako para sa 'yo..."

Sumunod na lumapit sa akin si Tita Ophelia. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinaplos. Tumitig siya sa mga mata ko.

"Duda ako dati sa lalaking 'yon..." sambit niya. "Hanggang ngayon pa rin naman ay duda pa rin ako. But looking into your eyes, alam kong wala na akong dapat na pagdudahan pa. Alam kong masaya ka na ngayon. Alam ko rin masaya na rin para sa 'yo ang Mama mo."

This is the first time her words got me teary-eyed.

"Wala na akong hihilingin pa, Astra. Alam kong may mga pagkakataon na hindi tayo nagkaintindihan, pero sana alam mo rin na pinahalagahan lang kita. Pinapahalagahan kita. Tinuring na rin kitang anak."

"Salamat sa lahat, Tita."

"Ikaw na ang bahala sa sarili mo, ha?"

Tumango ako. "Opo..."

Isang lalaking naka-itim na suit ang lumapit sa akin. Sinenyasan na niya akong sumama sa kanya. Hindi ko pa rin maunawaan ang mga nangyayari pero alam kong dadalhin na niya ako sa tunay kong mundo.

Sa huling pagkakataon ay bumaling ako sa pamilya ko.

I bowed to them.

"Until again..." I whispered.

I followed the man in a black suit. He brought me outside the hotel where another black car was waiting. Sobrang lakas ng buhos ng ulan.

He opened the door for me. After I got inside, someone drove me to another place. It's another building. Pero hindi ito gaya ng magarang hotel kanina. Luma ang building na ito.

Nanatiling nakasunod pa rin ako sa lalaki hanggang sa dalhin niya ako sa rooftop. Mabilis na bumagsak ang ayos ng buhok ko dahil sa lakas ng patak ng ulan.

Dumiretso ang tingin ko sa isang lamesa sa gitna. Nakaayos din 'yon na parang sa date, pero dahil sa ulan ay nasira ang lahat. Maging ang kandila ay tila nabasa.

I smiled as I approached the man who was sitting on the chair. Nakasandal ang likod niya sa upuan habang nakatingala sa patak ng ulan.

I sat on the other chair. We were both soaking in rain.

"I hate the rain..." he whispered.

I chuckled. "This is romantic."

"Not really." Nakasimangot na tumingin siya sa akin. "Nasira na ang pagkain natin, namatay na rin ang kandila, bagsak na rin ang buhok ko. What's is romantic about this?"

"The rain..." I said.

He sighed.

Napangiwi ako nung kumulog pa.

"Thank you, Brix..." I whispered. "I appreciate it."

"Do you know this place?" he asked.

I roamed my eyes around. Mataas ang lugar na ito, pero wala akong matandaan.

Brix stood up. Lumapit siya sa akin saka naglahad ng kamay. Tinanggap ko ang palad niyang nagbigay sa akin ng init. Saka kami naglakad sa gilid ng rooftop kung saan kitang-kita ang mga sasakyan at mga taong nakapayong.

Umupo kami ni Brix sa gilid habang ang mga binti namin ay nakalawit sa hangin. Naramdaman kong inakbayan niya ako kaya sinandal ko ang ulo sa kanyang balikat.

"This is the place where I first saw you..." he whispered. "I was sitting in this exact place, watching everything with Oscar."

"Nice view..." I chuckled.

"This is where everything started..."

I smiled. "And a lot of things had already happened since then."

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa buhok. Ang pagkakaakbay niya sa akin ay naging yakap. Pinahinga niya ang baba sa ulo ko.

"I've had the best things in my life... with you, Milady."

The cold water on my face turned warm.

"You are... my best moment, Brix."

"Akin ka lang, ah?" tanong niya.

"No one can replace you..."

"I will give you this moment. Ask me a question, Milady."

Sa halip na sagutin siya ay tinulak ko siya palayo saka ako tumayo. Aktong maglalakad na ako palayo nung nahawakan niya ang braso ko. Hinila niya ako saka kinulong sa mga braso niya.

"Astra..." he whispered my name.

I sobbed. "I don't know, Brix."

He chuckled. "You know it."

I shook my head.

"Ask me..." he dared.

I shut my eyes.

"Ask me, Milady. You will have an honest answer from me."

Matapang na tinitigan ko siya sa mga mata.

Inabot ko ang kanyang mukha saka hinaplos.

"Will you come home with me?" I asked.

He smiled.

"You are my home..." he whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro