Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28: Arrived

Hyacinth

I woke up before even the sun came up. Akala ko ay ako na ang pinakamaaga pero wala na sa tabi ko si Koo. Bumaling ako kina Mama at Papa na parehong tulog. Nakalingkis sa bewang ni Mama ang binti ni Papa kaya inalis ko dahil baka mabigatan si Mama. Saka na rin ako lumabas.

I stretched my arms on both sides as I felt the cold air on my skin. Napatingin ako kay Corbie na nakatayo sa hindi kalayuan. Nakatalikod siya sa akin at mukhang may tinitingnan.

I called his name, but I don't think he heard me. What is he doing? I decided to approach him first. Nakapikit ang kanyang mga mata.

Is he sleeping?

"Corbie..." I tapped his shoulder.

Napasinghap siya bago nagmulat ng mga mata. Agad akong nagsisi sa ginawa ko dahil mukhang naantala ko siya sa kung ano mang ginagawa niya.

"Sorry. Naistorbo ba kita?" tanong ko.

He shook his head. "May tiningnan lang ako. Ang aga mo yatang nagising?"

"Yeah. How about you? Nakatulog ka ba?"

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay nilapitan niya ang pinag-ihawan namin kagabi. Umupo ako sa para panuoring siyang pagkiskisin ang mga tuyong kawayan.

"May tira pa tayong pagkain kagabi. Gutom ka na ba?" tanong niya.

Pinatong ko ang baba ng mukha sa tuhod habang nakatingin sa ginagawa ni Corbie. Nagkaroon ng usok sa kawayan hanggang sa nagliyab ito. Hindi na ako namangha dahil ilang beses na ring ginawa ni Tegan 'yon.

"Ano ang gusto nila?" tanong ko.

Umangat sa akin ang tingin ni Corbie. Gano'n pa man ay pinanatili ko sa apoy ang aking atensyon. Alam ko naman na alam niya ang tinutukoy ko.

"Iyong mga nakamasid sa atin kagabi..." bulong ko pa. "Ano ba talaga ang gusto nila?" Umangat ang tingin ko. "Kalaban ba sila ni Papa?"

Umiling si Corbie.

"Hindi," simpleng sagot nito.

"Eh, ano?"

"Tayo ang kalaban," tumawa si Koko. "Huwag mo nang isipin 'yon, Aya."

"What do you mean?"

Sinimulan na niyang initin ang karne na hindi namin naubos kagabi. Nakatingin lang ako sa kanyang mukha. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Wala na sila..." bigla niyang sinabi. "Iyong mga nakamasid sa atin kagabi, hindi ko na sila makita."

"Really? Eh bakit parang hindi ka masaya?"

If that's true, then we have nothing to be worried about now. Hindi na nila kami gagambalain. Saka... ano ba talaga ang pakay nila?

He sighed. "Hindi ko rin alam."

Napatingin ako kina Papa at Mama na nagtutulakan sa malayo. Hinampas ni Mama si Papa sa braso. Narinig kong may sinabi pa ito.

"Kasalanan mo 'to. Pinagod mo ako kagabi!" dinig kong sambit ni Mama. "Nakakahiya sa mga anak mo na nauna pa silang nagising sa atin."

"Nauna naman silang natulog!" rason ni Papa.

"Ikaw maunang bumati sa kanila!" udyok ni Mama.

Kumakamot sa batok na nilapitan kami ni Papa. Umupo siya sa tabi ko saka humikab. Kumurot siya ng karne sa iniihaw ni Corbie.

"Saan ka galing, Papa?" tanong ko.

Natigilan siya sa pagnguya.

"Puwede na 'to!" sabi ni Corbie. "Malinamnam pa rin naman. Kainan na!"

Nilapitan din kami ni Mama. Tumabi siya kay Corbie. Nagsimula na rin kaming kumain. Maya't maya ang pag-irap ni Mama kay Papa.

"Oh, busog ka na?" tanong sa akin ni Mama.

"Marami po akong nakain kagabi," sagot ko naman.

Tumingin ako kay Corbie na nakayuko lang. Ano na naman kaya ang iniisip niya? Minsan talaga ay hindi ko rin siya maintindihan.

"By the way..." Napatingin kami kay Papa.

"Brix," Mom warned.

"It's time, Astra. Please?"

Mom just looked away.

"What is it?" I asked.

Papa sighed. "We are going to Severus Kingdom."

Maging si Koko ay nagulat sa inanunsyo ni Papa. Nabagalan ako sa pag-intindi ng sinabi niya. Naunang nag-react si Corbie.

"S-Severus Kingdom?" he stuttered.

Papa nodded. "That's right, Corbie."

"P-pero..." Napalunok si Koko. "Sabi sa akin ni Ginang Melendez na isa lang sa amin ni Hyacinth ang maaaring tumuntong doon."

I got lost in their conversation. What does he mean?

"Who?" Papa smirked. "Walang sinuman ang may karapatang magsabi ng mga dapat at hindi ko dapat gawin sa mundong binuo ko para sa inyo."

Corbie shook his head. "Hindi po. Sorry, hindi ako makakasama sa inyo."

"Koko..." Hinawakan ni Mama ang balikat ni Corbie nung aktong aalis siya. "Trust your father."

Madiin na tumingin si Corbie kay Papa.

"Ako na lang—"

"Hindi," agad na putol ni Papa kay Koko. "Not until I am here, Corbie."

"Puwede naman kayong bumalik sa dating kinagisnan ninyo, hindi ba?" Dumausdos sa pisngi ni Koko ang mga luha. "Nabuhay naman kayo nang hindi ako kilala—"

"Pero ngayon na alam na namin, sa tingin mo ba ay mabubuhay pa rin kami?" Tumayo na si Papa saka tumabi kay Corbie. "I know you have been gone through a lot, Corbie. Alam kong mahihirapan akong makabawi sa 'yo—"

"Hindi niyo naman kailangang bumawi—"

"Let me be a father to you!" Tumaas ang boses ni Papa na nagpatahimik kay Corbie. "Listen, my son. I don't want to lose you again. I will do anything for you. Even if I had to do again everything I did just to get here, I would."

"Hyacinth..." Nilapitan ako ni Mama. Napatingin ako sa kanyang mga matang nagtutubig. Pinipigilan niya lang ang luha niya. "Maghilamos ka muna sa sapa. Sasamahan kita."

Tumingin ako kina Papa at Corbie. Corbie is still crying. Bata man ako at malimit na pagkaitan ng mga sikreto, hindi ako mangmang para hindi maintindihan si Corbie. Buong buhay niya ay walang nagmamalasakit sa kanya at ngayon na meron na ay hirap siyang tanggapin ito.

"Let's go, Aya..." Mom said.

"Corbie..." I called his name. Napalingon naman siya sa akin. "You promised to stay with me. Please, stay. I don't want to lose you."

Saka na ako sumama kay Mama papunta sa sapa. Tahimik lang kami pareho. Narinig kong suminghap si Mama pero hindi ko siya nilingon. Pagkarating namin sa sapa ay agad akong naghilamos ng mukha.

There are so many pieces of puzzles in my mind. If they can't offer me the answers, then I will seek them myself. These once-linked pieces that are currently shattered will be finally completed.

Someday... I will finally understand everything.

I turned to my Mom. Nakaupo siya sa bato at nakayuko habang nakababad ang mga binti sa tubig. Nakita kong pinunasan niya ang kanyang pisngi.

Someday... I will finally understand my parents.

Umupo ako sa tabi niya saka sumandal sa balikat niya.

"Are we really going to the kingdom?" tanong ko.

Mom cleared her throat. "Yeah. Hindi ba iyon ang gusto mo?"

Tumango naman ako. Lagi kong ginugulo dati si Papa na dalhin niya ako sa palasyo niya. Bakit kung kailan na mangyayari na ito ay hindi ko magawang matuwa?

"We are going to live there one day," Mom whispered. She caressed my face and smiled at me. "When that day comes, you are finally free to do anything you want."

"Like... everything?"

She nodded. "Lahat ng bagay na pinakait namin sa 'yo."

That finally excites me. 'Pag dumating ang araw na 'yon ay unti-unti kong tutuklasin lahat ng hindi nila masabi sa amin. Iyon ang una kong gagawin.

"Bakit parang malungkot ang prinsesa namin?"

Napalingon ako sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatayo.

"T-Tito Oscar!"

Napatalon ako saka tumakbo papunta sa kanya. Binuhat niya ako saka hinalikan sa pisngi. Humagikgik ako.

"Why are you sad?" he asked.

I shook my head. "I missed you!"

"Lord Oscar..." Mom bowed to him.

Tito Oscar chuckled. "Why is the Queen of Severus Kingdom bowing to me?"

Mom smiled at him. "It's been a long time, Milord."

"Yeah. It's been a while, Astra."

"Hyacinth!" Napatingin ako kay Corbie na nakatingin sa akin. Sa likod niya ay si Papa na diretso lang ang tingin kay Tito Oscar.

"Sino siya?" tanong ni Koko.

"Si Tito Oscar!" sagot ko naman.

"What are you doing here?" Papa asked.

"Chill, Brix. I just came here to visit my niece and nephew."

Binaba ako ni Tito Oscar kaya agad akong lumapit kay Corbie na halatang naguguluhan pa rin. Nakatitig pa rin siya kay Tito.

"Sino siya?" tanong ulit ni Corbie. "Hindi ko pa siya nakita kahit na isang beses."

Tito Oscar turned to Corbie. Nanlaki ang mga mata ni Tito saka humalakhak.

"Inaasar yata ako, Aya," bulong ni Koko.

"Hindi!" Siniko ko siya. "He's a good man."

"Pinagtatawanan ako, eh!"

"Damn. He looked exactly like you, Brix!" Tito Oscar blurted out. "Those curious small eyes and clenched fists. Ikaw na ikaw bago mo ako sinuntok noon!"

"Go back to Nightfall, Oscar," sabi lang ni Papa.

"Teka lang naman!" Nilapitan kami ni Tito Oscar. Lumuhod siya sa harapan ni Corbie. Hinawakan nito ang pisngi niya. "Holy shit. You are Corbie, right?"

"Hindi kita kilala..." sabi ni Koko.

"Gano'n din naman ako." Saka siya bumaling kay Papa. "I just found out yesterday. Pumunta ako sa Esparago Clan pero wala kayo roon."

"You may leave now—"

"Nah," putol niya kay Papa. Ginulo niya ang buhok ni Corbie bago tumayo. Humarap siya kay Papa. "I think we have something to talk about, brother."

Naglakad si Tito Oscar papunta sa harapan ni Papa saka siya lumuhod. I've seen him once before. Minsan na rin siyang bumisita sa Esparago Clan. Ang hindi ko na lang nakikita ay si Mommy Nath.


"It's been a long time, Milord," Tito Oscar greeted.

"Mauna na tayo sa kubo," bulong sa amin ni Mama.

Habang pabalik kami sa kubo ay pinakilala ni Mama si Tito Oscar kay Corbie.

"He's your father's brother," Mama explained. "You can call him Tito Oscar. May isa pang kapatid ang papa mo na maging si Aya ay hindi pa rin nakikita."

"Yep. Si Mommy Nath."


"Oh..." sabi lang ni Koko.

Nung nasa kubo na kami ay kinausap kami ni Mama tungkol sa pagpunta namin mamaya sa Severus Kingdom. Right. We are going later!

Everything still feels surreal to me. Lahat ng bagay na dati ay pinapangarap ko lang ay unti-unti nang natutupad. Severus Kingdom.

But according to Mom, we can't reveal our identities yet. Ibig sabihin ay papasok kami roon nang hindi nila alam na anak kami ni Papa. Hindi ko alam kung bakit pero tumango na lang ako.

"Ano ba talaga ang gagawin natin doon?" tanong ni Corbie. "Hindi pa sapat ang kakayahan namin para sumabak sa labanan."


"No. You are not going there to fight, Corbie." Hinila ako ni Mama saka inupo sa kanyang kandungan. Saka niya sinuklay ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. "Papasyal lang tayo."

"Aalis din tayo?" tanong ko.

Mom nodded. "Bukas din ay uuwi na tayo sa Esparago Clan."

"Yay!" Na-excite akong makauwi.

I didn't know going back to Esparago Clan would excite like this. I've been wanting to get out of that place all my life. Natatawa na langa ko kasi parang mas gusto ko na lang doon.

But there's really something about that place.

"We are going to live our normal lives tomorrow," pagpapaliwag pa ni Mama. "Tapos isang buwan na lang ay makakalaya na rin si Aya sa Esparago Clan!"

Nanlaki ang mga mata ko. "I-ibig bang sabihin no'n ay puwede na talaga akong lumabas? Nang walang pumipigil sa akin?"

Mom nodded as she tightened her arms around me.

"Finally, Hyacinth..." she whispered.

I got teary-eyed. Finally.

"Behave kayo roon ah?" paalala pa ni Mama. "Marami kayong makikilalang kalaro. Gano'n pa man ay huwag niyong sasabihin kung sino ang ama niyo ah?"

Habang tumatakbo ang oras ay palapit ako nang palapit sa kalayaan. Unti-unti ay nararamdaman ko na ang pagluwag ng mga tanikala sa akin.

Hinaplos ko ang purselas ko. Ito na lang ang kailangan kong mapagtagumpayan sa susunod. Alam kong magagawa ko rin ito balang araw.

Mayamaya ay bumalik na rin si Papa. Hinanap ko si Tito Oscar pero ayon sa kanya ay nauna na raw ito. Medyo nalungkot ako dahil hindi man lang siya nagpaalam.

Niyakap ni Mama si Papa kaya napangiti ako.

"Are you guys ready?" excited na tanong ni Papa habang nakaakbay kay Mama.

"Yes!" sabay naming sagot ni Corbie. Naramdaman kong inakbayan niya rin ako.

Hinayaan kami ni Papa na sakyan si Servena. Kaming dalawa lang ni Koko. Siya ang naunang humawak sa lubid pero sabi niya ay palit din kami mamaya.

"How about you?" tanong ko sa kanila ni Mama.

"We will be fine." Papa smiled. "Alam mo naman kung nasaan ang Severus Kingdom, hindi ba, Corbie?"

"Opo!"

"Please, be careful," ngiti ni Mama saka sumandal sa balikat ni Papa. "We will meet there."

"Handa ka na, Aya?" tanong ni Koko.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.

"Tara na!"

Nanlaki ang mga mata kong masyadong malakas ang pagpapatakbo niya kay Servena. I told him to slow down, but he didn't do it. Masyado pang mabato ang daanan kaya kinakabahan ako.

I just closed my eyes. Ramdam ko sa hangin ang tulin ng pagtakbo namin. Mas hinigpitan ko ang kapit sa kanya hanggang sa naramdaman kong bumagal siya sa pagpapatakbo.

"Sorry..." he chuckled.

Hinampas ko siya sa balikat. "Mas nakakatakot ka pa kay Papa!"

"Sorry. Natuwa lang talaga ako. Saka... hindi naman kita ipapahamak."

"Napagod yata si Servena!"

"Hindi 'yan! Ikaw naman!"

Bumaba siya ng kabayo kaya ako ang napunta sa harapan. Naramdaman kong sumakay siya sa likod ko.

"Ano na? Hawakan mo na ang lubid, Aya."

Lumunok ako. "O-okay..."

"Sigurado ka bang marunong ka?"

"Oo! Tinuruan ako ni Papa!"

Pero... hindi pa ako nakapagpatakbo rito sa labas. Limitado ang espasyo sa Esparago Clan kaya agad akong nahahabol ni Papa sa tuwing nawawala ako ng control. Unlike here... I could hurt Servena.

Hinawakan ko na ang lubid. Mahina ko lang na pinatakbo si Servena.

Corbie groaned. "Mas mabilis pa ang kuneho rito, eh!"

"Pagod na si Servena!"

"Pagod daw. Hindi ka lang marunong!"

"Manahimik ka nga!" singhal ko pabalik. "Ang ingay-ingay mo. Bakit kanina? Nung mabilis kang magpatakbo marami ba akong sinabi?"

"Okay. Okay."

He finally stopped complaining. Pero maya't maya kong naririnig ang pagsinghap niya ng hangin.

"Pakibilis naman nang kaunti, please?"

I sighed. "Fine..."

Nanlaki ang mga mata ko nung mapabilis ko si Servena. This was not the exact speed I intended to do. We were funning faster than Corbie did.

"Corbie!" I screamed.

"Iyan! Ganyan nga!"

"No!"

"Ano?"

"I can't stop her!"

"Huh? Hatakin mo!"

"I am trying!"

I pulled the reins, but Servena wouldn't stop. Nabitiwan ko ang lubid sa sobrang kaba kaya nawalan ako ng balanse. Bago kami nahulog ay mabilis akong niyakap ni Corbie.

I heard him groan and muttered a curse. Ako naman ay hindi nasaktan dahil sinalo niya ang lahat. Mabilis akong bumaling kay Corbie.

"Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala—"

"Si Servena!" bulalas ko.

"Hays." Bumangon din siya at nagpagpag ng damit.

Naluha ako. "D-did we lose her?"

"Hindi naman."

"Where's she?" I asked.

Dinala ako ni Corbie sa kinalalagyan ni Servena. Naabutan namin itong kumakain ng dayami. Mabilis ko siyang nilapitan saka niyakap.

"I'm sorry, Servena," I sobbed.

"Okay lang, Aya," panunuya ni Corbie. "Hindi naman ako nasaktan."

"Ikaw kasi!"

Nanlaki ang mga mata niya. "Bakit ako?"

"Sabi mo bilisan!"

"Sabi mo marunong ka!"

Sumimangot ako. "Okay. Sorry..."

Bumuntonghininga siya.

"Ako na, okay?" aniya.

"Okay..."

Nagpalit na kami ng tuluyan ni Corbie. Inalok pa niya ako na palitan siya pero ako na mismo ang tumanggi. Baka masaktan ko na talaga si Servena.

I rested my head on his back. "Thank you..."

"Ayos lang. Tuturuan kita pagbalik natin sa Esparago Clan."

Napangiti ako.

Naramdaman kong tumigil kami kaya umalis ako sa pagkakasandal sa likod niya. Pareho naming tiningnan ang mataas na kastilo sa hindi kalayuan. Nalula ako sa taas nito. Napapaligiran ng malalaking pader. Sobrang lawak ng lugar.

"Severus Kingdom..." bulong ni Corbie.

So... we have finally arrived.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro