Chapter 27
Chapter 27: Long Night
Astralla
After they left to hunt for food, I cried again. Kung nakikita lang ako ni Brix ngayon ay malamang na sinabihan na niya na naman akong tumahan na parang gano'n lang 'yon kadali.
I have all the time in the world to think of everything that happened which led me... here. Alam kong hindi pa ako gano'n katagal sa mundong ito pero sobrang dami na ng nangyari. It felt like I've already experienced a decade worth of memories.
Pagkatapos kong umiyak ay pumulot na ako ng mga tuyong kahoy na magagamit sa pagpapadingas. Kung kanina ay umiiyak, ngayon naman ako nakangiti na ako.
This carried me back to that time when Brix brought me to this small cabin in the back of Mansion of Nightfall Clan where we spent a little time together. That's also the first time he made me feel something.
I wasn't exactly sure what I was feeling for him that time, but I didn't want him to give up on me. Iyon ang mga panahong akala ko ay bibitiwan na niya ako para ipaubaya sa kanyang yumaong ama.
Until now... I only see myself serving no one but him.
I don't mind if this takes forever.
I only want him.
Wala akong makitang posporo kaya ginawa ko ang tinuro sa akin ni Brix noon. Gumawa ako ng apoy gamit ang pagkiskis sa mga kawayan. Natagalan din ako bago napausok 'yon at nagliyab.
Napangiti ako habang nakatingin sa apoy. He will be proud of me!
I was done with everything when the surrounding suddenly felt eerie. Dumilim ang kalangitan at parang pinagkait ng kalikasan ang hangin. Sobrang bigat sa pakiramdam. Wala naman akong ginawang mabigat pero parang babagsak ang katawan ko kahit na ilang segundo.
Bumaling ako sa likod ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ko at napaluhod sa harapan nila.
The Four Cloaks were standing in front of me.
Nanuyo ang lalamunan ko. I felt chills down my spine knowing these are our ancestors. They are the creator of our sacred laws and the ones who settled the dispute between humans and vampires.
I couldn't do anything but stare at them.
"Isa lang sa mga anak niyo ang maaaring manatili sa mundong ito, gaya ng pinaglaban ninyo dati na pinagbigyan namin. Nasa inyo ang desisyon kung sino. Bibigyan namin kayo ng palugit. Bago lumubog ang araw bukas, kailangan ay nakapili na kayo. Kung hindi ay kami na mismo ang pipili para sa inyo. Ang oras ay tumatakbo... ito na ang huling pagkakataon. Hanggang sa muli."
I wanted to scream that I won't let them take away one of my kids, but my numb body wouldn't let me. I just felt the warm liquid escaping from my eyes as I stared at them hopelessly.
What could we do against them?
Gaya ng biglaan nilang pagsulpot, bigla rin silang naglaho na parang mga itim na usok. Sumikat muli ang araw at bumalik ang lamig ng hangin. Tila nakawala rin ako sa tanikalang nakapulupot sa leeg ko at nakangiwa nang maluwag.
A loud gasped escaped my lips. Napatukod ako sa lupa habang habol-habol ang hininga kong napatid. Hindi pa ako gaanong nakakabawi roon pero naramdaman kong pabalik na ang mag-aama.
Bago lumubog ang araw bukas...
I wasn't completely recovered from what just happened, but I didn't want my kids to see me in this state and worry about me or even noticed that something's wrong. They just fucking got together and now they are bound to get separated again? But this one... forever?
One of them must go? No. I would rather go.
I tucked some strands of my hair behind my ears. Nakita kong tumatakbo sina Corbie at Aya sa direksyon ko. Napangiti ako nung makita ang galak sa mga mukha nila.
I will do anything to protect them.
"First!" Mahigpit na yumakap sa akin si Aya habang nakatingin kay Corbie. Malakas pa ang hagikgik nito. "Paano ba 'yan nauna ako?"
"Madaya!" Binaba ni Corbie ang nakapasan sa kanyang patay na hayop saka tumingin sa akin. Saka siya sumimangot kay Aya. "Hindi mo man lang hinintay ang signal ko."
"I thought you were faster than me?" Aya mocked him.
My eyes darted at Brixton who was just casually walking towards us. He was tossing a stone on his hand while staring straight at me. He smiled.
I turned to Corbie. "Koko. Ikaw na ang maglinis sa nahuli niyo. Tutulungan ka na lang ni Aya. Marunong ka naman, hindi ba?"
Mabilis na tumango si Corbie. "Opo!"
"Ako na ang magbubuhat!" Dali-daling binuhat ni Aya ang patay na hayop. "Ihihiwalay natin ang dugo bago alisin ang balahibo, hindi ba?"
"Tara! Sa sapa natin linisin."
Pagkaalis ng mga bata ay nilapitan ko si Brix. Naabutan ko siyang pupulutin ang nahulog na bato kaya agad ko 'yong sinipa palayo.
"Brix. We need to talk—"
Napatili ako nung higitin niya ang binti ko kaya dumulas ako. Bago bumagsak ang katawan ko sa lupa ay naitukod ko agad ang mga braso ko saka siya sinipa. Mabilis naman na tumalon ito patalikod.
I gritted my teeth. "Asshole."
He crossed his arms on his chest. Tumaas ang isang sulok ng kanyang laba na mas lalo kong kinaasar. Gusto ko siyang suntukin sa mukha.
Wala ba siyang plano? We are running out of time!
"You looked stressed, Milady." He observed at me thoroughly, from top to bottom. Then, his expression turned disgusted. "When was the last time you took a bath?"
"When was the last time you said you love me?" Ginaya ko ang paghalukipkip niya. Ako ang nagtanong no'n pero ako rin ang nainsulto. "Ah! I remember. You never said it."
He chuckled. "That's so cheesy for me to say."
I just stared at him.
He sighed. "Seriously. You need to take a bath—"
"Why? Nandidiri ka na ba sa akin?"
"Seriously?" He smirked. "Do you really think that a simple stink would stop me from eating you out right here, right now? Huh?"
I blushed. What the heck?
Mabilis akong napatingin sa direksyon na pinuntahan ng mga bata. Buti na lang hindi pa sila nakakabalik. Pagharap ko ay nakatayo na rin sa harapan ko si Brix.
Tiningala ko siya. He was biting his bottom lip.
"Dare me..." he whispered.
"Okay..." I tiptoed to look into his eyes closely. "I dare you to talk about your plans? If you have one."
Pinulupot niya ang mga braso sa bewang ko at dinikit ang sarili sa akin. Saka siya yumuko hanggang sa isang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin.
"I am still Brixton Wenz Cardinal. I don't run out of ways, Milady..." Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. "But if I do, I will surely create one."
Nagtubig na naman ang mga luha ko. Bago pa 'yon tuluyang tumulo ay hinagkan ko na ang kanyang mga labi saka pinahinga ang mga matang pagod.
Really, Brix? Is there really a way out of this mess without sacrificing one?
Siya ang unang kumawala sa halik. Hinawakan niya ang mukha ko at hinawi ang mga luha.
"Huwag ka nang mag-alala, Astra. Huwag ka nang magtanong pa. Bago mo pa man sabihin ay alam ko na. Pangako... malulusutan natin 'to. But..."
"But, what?" Suminghap ako ng hangin. "You once told me that everything you said after the word 'but' will deny everything you said before it."
He chuckled. "Damn. Really? You still remember that? Hindi na ako magtataka kung naaalala mo pa lahat ng sinabi ko sa 'yo dati."
"I am asking you, Brixton. But, what?"
"But, I want you to promise me, too."
I swallowed. "Promise what?"
"I don't want you to ask anymore," he said while staring into my eyes. "I have a plan, Milady. Trust me. Just don't ask me what."
"W-why?"
"You will know soon..." He kissed my forehead.
"Mama! Tapos na!"
Napalingon kami sa mga bata. Pareho nilang buhat ang nilinis nilang pagkain. Saka ko lang napansin na namatay na pala ang pinasiklab kong apoy kanina.
Suminghap ako ng hangin. Hindi pa rin pinapakawalan ni Brix ang kapit sa bewang ko.
"I trust you, Brix," I whispered. "Ikaw na ang bahala sa amin."
That's when he let go of me.
Nilapitan ko ang baga para pasiklabin ulit ito. Tinulungan naman ako ni Corbie. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nilapitan ni Brix si Aya.
Tumuwid ang tingin ko kay Corbie. Nakayuko siya sa kanyang tuhod habang naglalagay ng tuyong kahoy. Napansin kong bigla siyang napangiti.
Inabot ko ang kanyang ulo saka ginulo ang kanyang buhok. Napatingin siya sa akin. Naguguluhan ang mukha nito, pero napangiti rin.
"Hoy, Astra! Ang baho mo tapos hahawakan mo si Corbie?" singhal ni Brixton kaya napalingon ako. Nakapasan sa kanyang balikat si Hyacinth na tawang-tawa.
I rolled my eyes and ignored his insult. Pagtingin ko kay Corbie ay nakalobo ang kanyang pisngi, halatang nagpipigil ng tawa.
"Tumatawa ka ba, Koko?" tanong ko.
He shook his head.
"Magkaamoy na kayo ni Servena!" pang-aasar pa ni Brixton.
Hindi na napigilan ni Corbie ang pagtawa. Napahiga pa siya sa lupa sa sobrang katatawa. Gano'n din si Aya na muntik nang mahulog sa balikat ni Brix.
"Really, Brix?" I glared at him.
"It's okay!" he said, as if that means something. "Okay lang na magkaamoy kayo ni Servena. Pareho ko rin naman kayong sinasakyan—"
"Oh, my God!" Binato ko siya ng patpat na hawak. "Shut up, Brixton Wenz Cardinal. You are not funny!"
"They didn't get it," he laughed.
"So?" Tumayo na ako sa sobrang inis. "Just because they don't get it doesn't mean it's okay to say. Gago ka ba?"
"Hala. Si Lim 'yon!" sabi ni Aya.
"Ako naintindihan ko!" Nagtaas pa ng kamay si Corbie.
"Corbie!" I gawked at him. "Okay. That's enough. Mag-ihaw na tayo para makakain." Bumaling ako kay Brixton. "Mamaya ka sa akin."
"Exciting..." he mumbled.
Nag-umpisa na kaming mag-ihaw. Nakapalibot kami sa apoy. May malaking puwang sa pagitan ko at pagitan ng mag-aama. Nagkukumpulan sila sa dulo na parang takot sa akin.
"I am not mad," I told them.
"Hindi naman 'yon, Astra. May amoy ka—"
Napatayo na ako. Nilapitan ko si Brix saka sinapak sa balikat pero mabilis niya akong nahigit kaya napaupo ako sa kanyang kandungan. Saka niya ako niyakap.
"I love the smell..." he whispered.
"Yieee!" Aya mocked us. "Loving loving sila, oh."
Kinurot ko ang braso ni Brix kaya nabitiwan niya ako. Umalis ako sa kandungan niya saka na bumalik sa kanina kong pwesto. Tumabi naman sa akin si Hyacinth.
"It's getting dark now," I said. "Kumain na tayo."
Pinagsaluhan namin ang malinamnam na laman ng baboy ramo at ang sariwang dugo nito. Napatingin ako kay Corbie na nakahilig sa braso ni Brixton. Ngayon na magkatabi sila ay hindi na maipagkakaila na mag-ama talaga sila.
Hyacinth yawned. "Ang sarap!"
"Pero mas masarap yung nahuli mo kanina, Aya!" sambit ni Corbie. "Mas malaman 'yon kaso pinakawalan mo pa, eh."
"Nahuli?" tanong ko.
"Opo. Nakahuli rin kanina si Aya ng baboy ramo!" sagot naman ni Corbie. "Ang galing nga niya, eh." Saka siya bumaling kay Brix. "Hindi ba, Papa?"
Bumaling ako kay Brix na nakangiwi.
"Sana ayos lang siya..." bulong ni Hyacinth.
Napabuntonghininga na lang ako.
"It's fine, baby..." Hinaplos ko ang buhok ni Aya.
Natahimik kami nang ilang minuto. Nakasandal sa puno si Brix habang nakapatong sa kanyang ulo ang mga braso. Diretso ang tingin nito sa apoy. Nakahilig sa kanyang dibdib si Corbie na nakatulog na pala.
"Mommy..." bulong ni Aya na nakahiga sa hita ko. Gaya ni Corbie, nakapikit na rin ang mga mata nito. "Kanina pa may nakatingin sa atin sa malayo."
"Sshhh..." I gave her a kiss on the forehead and cheeks. I brushed her hair using my fingers. "Don't mind them, baby. You are safe."
"My fog doesn't like them," she even whispered. "It's telling me something."
"Aya..." Mahina kong hinaplos ang kanyang pisngi. "Are you dreaming?"
She started panting. "Mommy. They are after us."
"What's happening?" Lumapit sa amin si Brix. Lumuhod siya para haplusin ang pisngi ni Hyacinth. "Baby? Can you hear me?"
"Pinaliliguran tayo ng hamog!" biglang sabi ni Corbie.
Nanlambot ako nung mapagtanto na napapaligiran na nga kami ng hamog. Parang pinoprotektahan nito kami laban sa mga gustong manghimasok.
"Wake up, baby." Brix gently nudged her shoulders, but Aya didn't even flinch. "Don't go deeper into your dreams. We are here."
"I will fight them." Her fists balled up.
Napansin kong umilaw ang purselas ni Hyacinth.
"Stop!" Sa sobrang taranta ko sa maaari pang mangyari ay mahina ko siyang nasampal. Naalimpungatan naman ito. Natulala siya sa akin bago umiyak. "Oh, I'm sorry..."
Niyakap ko siya nang mahigpit.
"I'm so sorry, baby..." I cried.
"Nawala sila..." sabi ni Koko. "Tinulak ng hamog ni Aya ang mga nakamasid sa atin!"
"M-mommy..." Naramdaman kong niyakap din ako ni Hyacinth. "I'm scared."
"Don't be. I'm here..." bulong ko.
"H-hindi ba natin sila puwedeng kalabanin?" tanong ni Corbie na nakatingin sa itaas. Nagliparan ang maraming itim na uwak.
"Corbie..." I called his name. "Calm down."
Nasindak ako nung tumingin siya sa akin. May ngisi sa kanyang mga labi pero nagliliyab ang kanyang mga mata. Alam kong siya rin ang may kagagawan kung bakit tila nabulabog ang mga itim na uwak.
"I said stop!" I screamed at the top of my lungs. "Please?"
I watched Corbie's eyes slowly went back to normal. Napayuko siya na tila nahiya sa akin. Narinig ko pang bumulong ito na humihingi ng kapatawaran.
"Let's go inside the cabin." Binuhat ko na si Aya sa aking braso.
"Nasaan si Papa?" tanong ni Corbie.
Saka ko lang napansin na wala pala si Brix. Pero hindi 'yon naging dahilan para mag-alala ako. Pumasok na ako sa loob ng kubo, sumunod naman agad si Corbie.
"Ayos lang ang papa niyo," pagpapatahan ko sa kanila dahil halatang iniisip pa rin nila kung ano ang nangyari. "Babalik din 'yon mamaya."
Tinabihan ko ang mga bata. Nakayakap sa akin si Aya habang si Koko naman ay nakatingala at mulat na mulat pa rin. Hinila ko siya palapit sa amin saka ko sila niyakap.
Hanggang sa makatulog ang mga bata ay hindi pa rin bumabalik si Brixton. Napagpasyahan ko munang lumabas para magpahangin.
There's still no trace of him.
Hindi ko namalayan na dinala na ako ng mga binti ko sa isang batis. Yumuko ako para damhin ang mainit-init na tubig nito bago ko isa-isang inalis ang mga damit ko.
Nakaramdam ako ng ginhawa nung lumubog ang katawan ko sa tubig. Hindi ako nakuntento kaya nilubog ko ang buong katawan ko.
What's going to happen later?
Pagkaahon ko ay may mga brasong pumulupot sa bewang ko. Napangiti ako nung halikan niya ang balikat ko paakyat sa aking leeg. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko.
"How are they?" he asked.
Hinaplos ko ang kamay niyang nakayakap sa akin.
"They were worried about you."
He chuckled. "Damn. Dati ang gusto ko lang ay may mag-alala sa akin sa tuwing natatagalan ang pagbalik ko galing sa isang misyon. Tapos dumating ka. Ngayon tatlo na ang nag-aalala sa akin."
"You know that it's not just us, Brix." Hinarap ko siya saka kinawit ang mga braso sa kanyang leeg. Pinagdikit ko ang hubad naming mga katawan. "The whole vampire world respects you, Brix. I hope you know how revolutionary of a leader you are. You became... our hope."
"That wouldn't even happen without you. You are my hope, Astra."
"I couldn't be prouder that I am yours... now and always. I belong to Brixton Wenz Cardinal."
He leaned his face closer to me.
"We are going to Severus Kingdom."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro