Chapter 26
Chapter 26: Family
Hyacinth
I've never felt this tired before. Maybe because I have not really that much to do in Esparago Clan. I get everything I want in instant. Like... everything that it sometimes gets tiring too.
Pero sobrang saya kong makita na buhay si Limuelle. Parang lahat ng pagod ko sa katawan ay naglaho bigla. I am tired, but I am happy either. I've never been this happy for a long time.
"H-how did you survive?" I asked, wiping my tears away.
That stunned Limuelle. Tinaas niya ang kanyang damit para ipakita ang dibdib na may dugo pero wala na ang sugat. I'm sure that man's hand got inside his chest!
"B-baka yung usok?" hindi siguradong sagot niya. "Hindi ba minsan na rin akong pinagaling ng usok na nakita natin, Aya?"
That confused me more. I don't think so. My fog has nothing to do with this.
"Fortunately, you are a vampire now, Limuelle." Wilma said. Saka siya humarap kay Papa. "Mr. Cardinal revived you."
Napatingin ako kay Papa na katabi si Mama. Nagkibit-balikat lang siya sa akin saka ngumiti.
"Sandali. Totoo ba 'yung sinabi mo, Pa?" biglang tanong ni Tegan. "Magkapatid sina Aya at Koko?"
Napatingin ako kay Tito Abel. Napakamot siya sa ulo.
"Kapatid ko si Koko?" tanong ko.
"Lim!" Mabilis na lumapit si Corbie kay Limuelle na natumba. Inakbayan niya ito saka tinayo. "Ayos ka lang ba?"
"He's in transition," Papa said. "Mabuti pa isama niyo na siya pabalik sa Esparago Clan. The boy still needs to rest his body."
"What? Hindi pa kayo sasama, Tito?" tanong ni Tegan.
"Susunod rin kami nina Aya at Corbie," sambit naman ni Mama. Inalis niya ang pagkakaakbay ni Papa sa kanya saka nilapitan si Limuelle. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "You did good, Lim. Thank you."
"Ayoko. Magpapaiwan ako rito!" pagpupumilit ni Tegan.
"Sasama na ako pabalik!" sabi naman ni Wilma. "I don't like here anymore. Baka may dumating na naman na mga rebelde tapos ako masaktan na naman ako."
"Tegan..." Tito Abel tapped his son's shoulder. "Let's go."
Tegan shook his head. "Ayoko, Papa. Sasamahan ko pa sina Aya at Koko!"
"Sige na, Tegan." Napatingin sa akin si Tegan na nakasimangot. Nginitian ko siya. "We will be fine."
"See?" Tito Abel sighed. "Babalik din sila agad, Tegan."
Tegan walked towards me. Napasinghap ako nung yakapin niya ako nang mahigpit. I could hear his soft gasps as he rested his chin on my shoulder.
"Sorry, Aya..." bulong niya. "I could have done better."
"I'm fine, Tegan. You did everything..."
Labag man sa kalooban ay sumama na si Tegan sa kanila. Nawalan na rin ng malay si Limuelle kaya kinailangan na nila agad umalis.
Naiyak na naman ako. Akala ko ay mapapahamak kami.
I turned to Corbie. Nakatingin lang siya sa direksyon na tinahak nina Tegan. Nung mapalingon siya sa amin ay tila nahiya siya kaya napayuko.
"C-Corbie..." Nilapitan ko siya. "Salamat nga pala kanina, ah? Ang galing mo. Nagawa mong makapasok sa loob. Kilala ka ng hamog ko!"
"Hmm..." He scratched the back of his head. "Wala 'yon."
"That was everything to me. Thank you..."
Umangat ang tingin niya sa akin. Umiiyak pala siya.
"Gagawin ko naman ang lahat ng makakaya ko para protektahan ka." His eyes twinkled with tears as he smiled at me. "Hindi ba iyon ang pinangako ko sa 'yo dati?"
Tumango ako. "Salamat. You are the best!"
"Stop crying..." dinig kong sabi ni Papa kay Mama.
Napalingon ako sa kanila. They were both facing each other. Nakasandal sa dibdib ni Papa ang noo ni Mama habang nakayakap.
"Did you hear them, Brix?" Mas lalong lumakas ang iyak ni Mama na may kasama pang paghampas sa didbib ni Papa.
"Yeah. S-stop, please?" nautal si Papa.
Mom chuckled. "Why?"
"Y-you are making me cry too!"
Napahawak ako sa tiyan ko nung kumalam ito. Napatingin naman sa akin sina Mama at Papa. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Corbie.
"Mukhang nagutom si Aya!" pang-aasar na anunsyo ni Corbie.
"H-hindi ah!" sinimangutan ko siya. "Pero... kaunti lang kaya ang nakain ko kagabi!"
"May kubo na malapit dito kung saan kayo tumuloy, hindi ba?" tanong ni Mama. "Doon na muna tayo tumuloy."
"What? Can't we just go back to Esparago Clan?" I asked.
Mom shook her head. "We aren't going back yet."
Ngumiwi ako. I don't get it. Why?
Corbie led the way to the small cabin where we all slept last night. Tinabihan ko siya sa paglalakad. Napansin ko na nakangiti siya naka napangiti rin ako.
He looked peaceful.
I held his hand. Napalingon siya sa akin pero nanatili sa daan ang atensyon ko. Naramdaman kong hinawakan niya ako pabalik.
"Stop crying, Astra!" I heard dad.
I heard Corbie gasping. He must be tired. Kinapa ko sa likod ko ang bag ko pero wala na ito roon. Malamang na nahulog ko ito kanina nung makipaglaban kami.
Makipaglaban. Did that really happen?
I just got out of Esparago Clan for a few hours and yet a lot of thing has already happened. Nakasagupa na ako agad ng mga rebelde na dati ay sa kwento ko lang naririnig.
This world is really vast... and dangerous.
Ano pa ba ang naghihintay sa akin?
We have finally reached the cabin.
"What? You will leave me here?" Mom's brows arched at dad.
"Magpadingas ka na para pagbalik namin ay lulutuin na lang ang mahuhuli namin." Ginulo ni Papa ang buhok ni Mama kaya hinampas siya nito sa balikat.
Mom turned to me. "You will also stay here, Aya."
Mabilis na tumakbo sa likod ni Papa. Yumakap ako sa kanya na ikinatawa niya. Mas lalong nairita ang mukha ni Mama.
"Fine!" Mom drew a deep breath. "Bumalik din kayo agad, ah?"
Umiwas ako ng tingin nung halikan ni Papa si Mama sa labi. Napatingin ako kay Koko na nakatitig sa kanila. Hindi pa nga siya kumukurap, eh.
"Koko..." mahina kong pagtawag sa kanya.
"Bakit?" tanong niya.
"Close your eyes," bulong ko.
Hindi niya 'yon naintindihan.
"Let's go!" maligalig na sabi ni Papa.
I immediately held his hand as we went out of the small cabin leaving my Mom still looking mad at Dad. Lumingon ako kay Corbie na nasa likod lang namin.
"Koko..." Humarap si Papa sa kanya.
That startled Corbie. He stared at us with his lips slightly parted. Then, he blinked.
"Can you show Hyacinth how to hunt food?" Papa smirked. "Sigurado naman akong bihasa ka sa bagay na ito, hindi ba?"
Corbie just nodded.
"Hunt for food?" I asked.
"Yes, baby," Papa responded.
"Like, how?"
"Gilitan sa leeg ang baboy ramo!" sabik na sagot naman ni Corbie. "Tapos ihihiwalay natin ang dugo niya bago alisin ang balahibo. Tapos iihawin natin!"
I swallowed. "O-okay..."
That sounds so brutal.
"You looked terrified, baby," Papa teased me.
I shook my head. "No. I can do it, too!"
"Ako muna tapos ikaw!" sabi pa ni Koko.
Napangiwi ako. Really?
I was joking. Pero mukhang namamangha si Papa kay Corbie. Ayokong namang magpahuli sa kanya. Kung kaya niya... dapat ay kaya ko rin.
"Not just a baby..." I murmured.
"Syempre naman!" sabi pa ni Corbie.
Pumunta kami sa masukal na bahagi kung saan madalas makita ang mga gano'ng hayop. Dahan-dahan ang mga yapak namin para kung sakaling may makitang baboy ramo ay hindi namin ito mabulabog.
"Aakyat ako!" sabi ni Corbie.
I watched him swiftly climbed up to the top of a huge tree. Saka niya ginala ang tingin sa paligid para maghanap ng baboy ramo.
I don't think he needed to do that. He could have just asked for the help of his crows to see things from above. Pero mukhang gusto niyang maging pantay siya sa akin.
"Meron ba?" tanong ni Papa.
Corbie looked down at us. "Maliit na baboy ramo lang."
"E 'di wala!" sagot ko.
"Pero pwede na—"
"You promised not to attack a baby one!" I yelled at him.
"Pass tayo riyan, Koko. Lagot tayo!" Humalakhak si Papa.
Corbie winced. Halatang nasasayangan siyang pakawalan ang tinutukoy niya.
"Mom will know about this," I gritted my teeth in annoyance. "Do you want her to get mad at you, Corbie? Like... really mad?"
Mabilis na umiling si Corbie.
"Then, leave that poor baby alone!"
"Bumaba ka na riyan, Corbie. Wala tayong laban sa kanila!" gatong pa ni Papa. "Damn. Astra will be even more furious."
"Sayang kasi..." dinig ko pang bulong ni Corbie.
We continued the hunt for food. Nagreklamo akong wala ako gaanong makita dahil matataas ang mga talahib kaya pinatong ako ni Papa sa kanyang balikat.
"Puwede na ba 'to?"
Napalingon kami kay Corbie na nakangisi. Napanganga ako nang makita ang malaking baboy ramo na nakapasan sa kanyang likod. Wala na itong buhay.
"H-how?" I asked, surprised.
He just grinned.
"You are really fast, Corbie." Even Papa looked so astonished. Then, he turned to me. "Your turn, baby."
Natigilan ako. My turn?
"Good job, Corbie." Ginulo ni Papa ang buhok niya. "Hindi ko nga napansin na humiwalay ka pala sa amin. You are amazing."
Sumimangot ako. I don't think I can do it that fast. But this is not a competition. Gusto ko lang ipakita na kaya ko rin ang ginagawa ni Corbie.
"Alam kong kaya rin ni Aya!" sabi pa ni Corbie.
"Syempre! Ibaba mo na ako, Papa!"
I heard Papa chuckled before putting me down. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nararamdaman ko naman na nakasunod sila sa akin.
"Do you think she can do it today?" dinig kong bulong ni Papa.
"Opo. Pero iiyak muna siguro siya."
Narinig kong sabay silang natawa. Tumingin ako sa kanila kaya agad silang tumigil. Suminghap ako ng hangin bago nagpatuloy.
Ang tataas kasi ng mga damo kaya nahihirapan akong tingnan ang paligid. Napagpasyahan kong gayahin si Corbie. Umakyat ako sa itaas ng puno para mas makita nang mabuti ang paligid.
I roamed my eyes around. I don't see any animals around.
"Ang laki nito, Koko!" dinig kong sabi ni Papa. "Actually, it's enough for us. I just really want to see Aya do the same thing."
"Meron ba, Aya?" tanong ni Corbie.
Saktong pagtanong ni Corbie ay nakita kong lumabas sa likod ng isang puno ang baboy ramo. Hindi ito kasing laki nung nahuli ni Koko, pero hindi na rin naman ito baby.
"I guess?" I said, unsure.
"Whoa. Get it, baby!" Papa cheered for me.
"Ingat ka, Aya!" paalala naman ni Corbie.
Tumalon ako sa isa pang puno para mas makalapit sa huhulihin ko. Dahil nasa itaas ako ay hindi nito alam na palapit na ako nang palapit.
It's now in front of me. He was busy eating grass that he didn't even notice the prey that's about to attack him. I feel bad but I have to do it.
Before I did it, I looked at my father and Corbie.
Papa nodded at me and Corbie just waved.
I sighed. I will do it now.
I locked the target in my eyes. Nung sigurado na ako ay tumalon ako pababa ng puno saka ito niyakap. Nagpumiglas ito kaya gumulong ako sa lupa. Gano'n pa man ay hindi ko ito pinakawalan.
"Go for his head, Aya!" Papa yelled.
Napangiwi ako nung humampas ang likod ko sa isang puno. I underestimated his size. Mas malaki pala siya sa malapitan. Hindi hamak na mas malaki pa sa akin.
He was stronger than I thought. Unti-unti na siyang nakakawala sa pagkakayakap ko kaya ginawa ko na ang dapat kong gawin. Binali ko ang leeg nito kaya agad itong nawalan ng malay.
"Yes!" sigaw ni Corbie. "You did it, Aya!"
"That's my baby!" Si Papa naman.
Tumayo ako at nagpagpag ng sarili. Tiningnan ko ang baboy ramo na walang malay. Sumikip ang dibdib ko nung mapagtanto ang ginawa.
"Whoa. Ang laki!" Sinuri ni Corbie ang nahuli ko. "Hala. Babae pala 'to!"
Natigilan ako. "B-babae?"
"Oo. Ang laki ng tiyan. Ay, kaya pala! Bunti—"
"She's not dead yet," sabi ni Papa. "Don't worry, Aya. We won't eat her. We will just leave her until she gains her consciousness back."
"Ang galing!" namamanghang sabi ni Corbie. "Sabi na kaya mo rin, eh!"
"Are you okay?" Papa checked on me. "You got a bruise on your arm. Gagaling din ito mamaya." He patted my head, just like what he did to Corbie. "You did great, baby. I'm so proud."
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Bakit ka umiiyak, Aya?" tanong ni Koko. "Ganito naman talaga ang buhay sa labas. Nasanay ka kasing lahat ng bagay ay inihahain na lang sa harapan mo. Pero kasi... kapag puro puso ang pinairal mo kawawa ka."
"Hindi lang siya sanay, Koko. She will get used to it eventually. Let's go back?"
I shook my head. Umupo ako sa tabi ng baboy ramo. It gave me relief when I felt her breathe. She just really lost consciousness when I twisted her neck. She's fine.
"Hihintayin ko hanggang sa magising siya," sabi ko habang nakayakap sa mga tuhod at nakatingin sa baboy ramo. "Mauna na kayo kung gusto niyo."
"Huh? Baka naghihintay na sa atin si—"
"It's okay, Corbie," Papa cut him off. Tumabi siya sa akin. "Let's just wait here."
"Ganyan din naman ako dati..." bulong ni Corbie na umupo sa tapat ko. Pinatong niya sa gilid ang nahuling baboy ramo. "Pero dahil sa gutom ay ginawa ko pa rin. Kung hindi ko 'yon gagawin... magugutom lang ako."
"I am not like you..." I muttered. "I didn't grow up in the wilderness. I've always been surrounded by vampires who provide me everything."
Maybe that was also one of the factors why I feel this way. Madali akong madala sa nararamdaman. Madali akong masindak. I haven't lived my life outside the walls of the place where I grew up in.
This is a moment for me.
"You are doing great for someone who isn't used to things like this, Hyacinth." Napatingin ako kay Papa dahil sa sinabi niya. "You remind me so much of your mother. You are so brave."
"Her experience was worse than this, right?" I asked. "Because... she was once a human."
Akala ko ay magugulat si Papa sa sinabi ko pero nanatili lang ang tingin niya sa akin. Mayamaya ay isang ngiti ang nabuo sa kanyang labi.
"And also a witch," Papa added.
My lis parted. "A witch?"
He chuckled. "Malalaman mo rin ang lahat, Aya." Saka siya bumaling kay Corbie. "You, too, Corbie. Alam kong marami ka nang alam... pero hindi pa lahat. So... I want you to two to promise me this."
Bumuntonghininga muna si Papa.
"Help each other..." he said. "Lagi niyong poprotektahan ang isa't isa, okay? You have a rough journey... even harder than what we have been through. But as long as you have each other's back... it will be easier. Trust each other. I know you can do it."
"I-I don't get it..." I said.
"Ako ang bahala kay Aya!" masiglang sabi ni Corbie.
Papa smiled. "Please, do."
Napaatras ako nung biglang bumangon ang baboy ramo saka tumakbo palayo. Naging hudyat naman 'yon para tumayo na kami at bumalik.
Nauunang naglalakad sa amin si Corbie na buhat ang nahuli niyang baboy ramo. Kami naman ni Papa ay nasa likod niya. Hawak niya ang isa kong kamay.
I looked at my father. He was smiling...
Ang hirap paniwalaan na mas mahirap pa ang dadanasin namin kesa sa dinanas niya. Alam kong ang mga ginawa ni Papa ay nakaukit na sa kasaysayan ng mundong ito.
He will always be the greatest one.
No matter how many generations will pass by, no one will forget about everything he did.
He will be remembered.
Naramdaman kong may mga nakamasid sa amin. May mga matang nakasunod sa amin sa paligid. Nabahala ako pero nung maramdaman kong hinigpitan ni Papa ang pagkakahawak sa kamay ko ay mabilis din 'yong naibsan.
"Aya..." Bumaling sa akin si Corbie. "Unahan tayong mapuntahan si Mama!"
Natigilan siya pagkatapos sabihin 'yon.
"Sige!" Saka na akong naunang tumakbo sa kanya.
"Hoy. Madaya sandali!"
I want to be great too... just like my parents.
I will!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro