Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25: History

Astralla

Kinailangan naming huminto sandali at hintayin ang paggising ni Koko. Malakas pa rin ang hilik niya habang nakahiga sa hita ko.

I ran my fingers through his hair. Now that I could freely stare at his face this close, his resemblance to Brix was more prominent. Now that I know who he is, the obscure feeling inside finally made sense.

It felt like the vacancy feeling inside has been filled.

Nilingon ko sina Brix at Abel na nag-uusap. Nahuli ni Brix ang tingin ko kaya nilapitan niya kami. Yumuko siya saka hinaplos ang pisngi ni Corbie.

"He's fine..." I uttered.

"We have to wake him up, Astra," bulong ni Brix. His statement contradicted his movement. He didn't want to wake him up.

Pinagmasdan ko ang payapang mukha ni Corbie. Ngayon na nga lang siya nakapagpahinga tapos kailangan pa namin siyang abalahin.

"They are not safe yet..." Brix sighed.

"Give me more minutes, please?"

"Sure." He kissed my forehead. "Paiinumin lang namin ng tubig ang mga kabayo. Malapit lang naman 'yon. Stay here, okay?"

I nodded. Hindi ko na sila tiningnan bago umalis.

I leaned and kissed Corbie on his forehead. Hindi ko pa rin matanggap na nagkawalay kami nang ilang taon. Mas lalong hindi ko matanggap ang lahat ng pinagdaanan niya habang kampante kami sa tinutuluyan namin.

He was suffering while we were living our lives in a secure place. He knew about us while we were clueless. He suffered alone.

"Corbie..." I whispered his name. "Mama's here now. I'm sorry..."

Nagulat ako nung bigla siyang magmulat ng mga mata. Mabilis na pinunasan ko ang mga luha sa mata ko saka tumikhim.

"May masakit pa ba sa 'yo?" tanong ko.

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay bumangon siya. Gumala ang tingin niya sa paligid bago ito pumirmi sa akin. He didn't smile the way he did earlier. He just... stared at me.

"Salamat sa pagligtas sa akin, Tita Astra," sambit niya sa pananalitang hindi ko makilala. "Pero kailangan na nating hanapin ang iba. Baka nasa panganib na sila."

I just stared at him as he yawned. He's doing it again. Pretending.

"Alam ko kung saan sila tumutuloy ngayon," sabi pa niya sa akin. "Puntahan na natin sila baka hanapin pa nila ako. Mahihirapan tayo kapag nakalayo sila."

"C-Corbie..." Tila tinakasan ako ng mga salita sa sandaling ito. Tumango ako saka na rin tumayo. "Sige. Hihintayin na lang natin sila Brix at Abel."

"Sige po..."

Tumahimik kami nang ilang minuto. Sinulyapan ko si Corbie na nakatingala lang. Wala sa sariling hinawakan ko ang kanyang pisngi. Bigla siyang umatras.

He looked startled. "B-bakit po?"

I held back my tears as I tried to caress his face again. Pero umatras lang siya nang umatras hanggang sa may malaking puwang na sa pagitan namin.

"I-I'm here now..." I whispered in my shaking voice.

"Hindi ko po kayo maintindihan—"

I offered him my hand. "Come here, Corbie..."

He just stared at me.

Natigilan ako nung makitang mangilid ang luha sa kanyang mga mata. Aktong tatakbo siya nung mahawakan ko ang braso niya. Lumuhod ako para yakapin siya nang mahigpit.

"Si Aya lang anak niyo!"

"Koko..." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa mata ko. "Anak..."

"Hindi!" Pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakayakap ko, pero kahit na anong tulak niya sa akin ay hindi ko siya binitiwan. "Hindi mo ako anak!"

Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib habang patuloy niyang tinutulak ang mga balikat ko. Hanggang sa humina ang pagtulak niya... hanggsang sa tuluyan na niyang tinigilan ang pagtulak sa akin.

I heard him sob.

"S-Si Aya lang dapat ang anak niyo..." bulong niya.

"Hindi." Hinawakan ko ang kanyang pisngi saka tinitigan sa mga mata. His eyes were full of tears as they stared at me. "Alam ko ang pagkukulang ko sa 'yo, Corbie. Alam kong wala akong madadahilan para gumaan ang pakiramdam mo. Patawad. Patawad sa lahat..."

"M-mapapahamak si Aya..." Pinilig niya ang kanyang ulo. "Ayoko, Tita Astra. Ayokong mapahamak si Aya dahil lang sa akin!"

"Walang mapapahamak sa inyo—"

"G-gusto ko lang naman talaga..." Suminghap siya ng hangin. "Gusto ko lang na makita kayo kaya ako pumunta sa Esparago Clan. Hindi ako makuntento na sa itaas ng ulap ko lang kayo nakikita. Masaya naman ako, Tita. Masaya akong nakikita kayong masaya at walang inaalala kahit na sa itaas lang.""

Ngumiti ako sa kanya. "Masaya rin akong makita ka, Corbie. Sobrang saya..."

Natigilan siya. Tila hindi niya inaasahan na maririnig niya 'yon sa akin.

"P-pero dahil sa akin ay mapapahamak si Aya. Dahil sa akin ay nagkaproblema kayo..." Bumagsak ang mga balikat niya. "Ako ang nagsimula ng lahat."

"Walang may kasalanan nito, Koko." Hinaplos ko ang kanyang pisngi at gamit ang hinlalaki ng daliri ay pinunasan ko ang kanyang mga luha. "Kaya kami andito ng Papa mo. Para iligtas kayo."

Humikbi siya. "H-hindi naman ako naghahangad ng kalayaan. Sapat na sa akin na nakasama ko ang kapatid ko. Alam ko na, Tita Astra..."

Nanghina ako nung hawakan niya ang kamay ko.

"Sinabi na sa akin ni Lola Melendez ang lahat. Na isa lang sa amin ni Hyacinth ang maaaring manatili rito." Ngumiti siya sa akin sa kabila ng pagluha. "Iyon ang panakot niya dati sa akin para kitain kayo. Kasi kapag nalaman niyong anak niyo rin ako ay mapapahamak si Aya. Ang pasaway ko kasi ginawa ko pa rin."

"Makinig ka sa akin, Koko..." Tinitigan ko siya sa mga mata. "Hindi kami papayag ng Papa mo na may mapahamak sa inyong dalawa ni Hyacinth. I promise you, baby. You are safe now."

"Your mom is right..."

Napatingin kami kay Brix na nakangiti sa amin. Lumuhod siya para hawakan ang balikat ni Corbie. Hinarap niya ito sa kanya.

"Alam kong sa inyong dalawa ni Hyacinth ay ikaw ang mas may alam tungkol sa akin. Alam mo kung ano ang mga nagawa ko dati, hindi ba?"

Tumango si Koko. "Takot sa 'yo pati ang mga kasama ko dati. Ginagawa ka rin nilang panakot sa akin kapag pasaway ako. Kukunin mo raw ako saka kakainin."

Humalakhak si Brix. "Baka sila ang kainin ko kasi tinatakot ka nila."


"Hindi naman po ako natakot sa inyo kahit na anong sabihin nila..." Yumuko si Corbie. "Sa katunayan ay gustong-gusto ko pa nga kayong makita."

"Oh, my son..." Brix pulled him to hug tightly. Hinagod niya ang likod ng anak. "I'm proud of you, Corbie. I'm so proud of you, my son."

Walang tigil ang pagtulog ng luha sa mga mata. Sa wakas ay nasagot na ang mga katanungan sa isipan ko. Sa wakas ay nabigyan liwanag na kung bakit minsan ay hindi ako mapakali... na parang may mali... na parang kahit na napapaligiran ako ng mga mahal ko sa buhay ay may takot pa rin sa dibdib ko.

Napatingin ako sa itaas nung may lumipad na itim na uwak. Sa paraan ng paglipad pa lang nito ay mababasa na hindi maganda ang pinapahiwatig nito.

"S-Si Aya..." bulong ni Corbie.

Bago pa man kami makapag tanong ay tumakbo na si Corbie nang matulin. Mabilis na hinila ni Brix si Servena saka ako sinakay sa likod. Sumunod naman din sa amin si Abel na tahimik lang.

"Koko!" Nag-abot ng kamay si Brix nung maabutan namin si Corbie. Tinanggap naman nito ang kamay ng anak saka siya sumakay sa harapan.

"What did you see, Corbie?" kabado kong tanong.

"Makapal na ulap. Nasa panganib sila."

Tila lumubog ako. I've been here before. This already happened to me— moving so fast because we are running out of time. It's happening again.


"I smell blood," Brix whispered.

"Si Lim..." bulong ni Corbie.

We heard a scream. That's Tegan's voice.

When finally reached them and I couldn't believe of what I was witnessing. Our daughter was being surrounded by thick dark fog. It's distorting our senses, but I could feel the grief and pain she was feeling.

She's trying to remove her bracelet.


I tried to scream to warn her not to, but I wasn't sure if she could hear me. Sinubukang lumapit ni Brix pero masyadong matatag ang pananggala. Sinubukan ko rin pero maging ako ay ayaw palapitin sa kanya.

"T-they killed Limuelle..." Tegan sobbed on his father's shoulder. "I'm sorry if I can't save us, Papa. Please save, Hyacinth. Please."

Napatingin ako sa mga lalaking tulala. Sila rin ang mga rebeldeng kanina ay humahabol kay Corbie. Sinubukan pa nilang tumakbo pero pinuluputan sila ng hamog sa leeg.

Nalula ako sa ginawa ni Hyacinth. I've seen Brix controlled the fog before, but not like this. This one was more intense and how it formed a barrier to protect Hyacinth was terrifying knowing her fog only listens to her.

The fog didn't form a barrier on its own. Hyacinth did it and I doubt if she even knew about that.

I just blinked and Brix managed to kill all of the bandits. I could sense his frustration as he couldn't even get near our daughter. He even tried again until his knuckles bled, it still failed to penetrate the barricade.

Napunta sa batang lalaking walang buhay ang atensyon ko. Napaatras ako sa sobrang takot. A realization suddenly struct me. Hyacinth has seen it all.

She witnessed how a friend got killed before her eyes.

It felt everything fell apart... as it did before.

As it did before I even came into this world.

Napatingin ako kay Corbie na naglalakad papunta kay Hyacinth. Hindi gaya ng lahat ay kusa siyang pinapasok nito sa loob.

That gave me relief. Please save your sister...

"I can't get in," bulong ni Brix sa akin.

"It's happening again..." I said.

Natulala na lang ako sa mga sandaling. Parang kahit na anong gawin namin ay hindi na namin ito mapipigilan. Na andito na talaga at wala na kaming maaaring gawin kung hindi ang tanggapin ito.

The fog slowly faded into the air and before Hyacinth even hit the ground, Corbie managed to catch her in his arms. Saka siya humarap sa amin at dahan-dahan kaming nilapitan.

"Napagod siya..." bulong ni Corbie.

Binaba ni Corbie si Aya. Hindi humihilom ang sugat niya sa dibdib. I offered her my blood, but her body didn't accept it. Sinubukan din ni Brix pero hindi pa rin gumagaling si Hyacinth.

"I-is she dying?" naluluhang tanong ni Wilma. "Hoy, Aya! Takot ka na nga sa hayop tapos mamamatay ka pa? Ganyan ka ba kahina?!"

"She won't die!" sigaw ni Tegan.

Nakatulala na lang sa amin si Aya. Tuyo na ang kanyang mga labi.

"She needs stronger blood!" Abel suggested.

Napatingin kami ni Brix kay Corbie na nakatayo lang.

"Take my blood!" sigaw ni Tegan.

"Mahina pa ang katawan mo, Tegan," ani Abel. "Saka kung hindi tinanggap ng katawan ni Aya ang dugo ng ama at ina niya, ano pa ang dugo mo?"

"So... is she going to die?" tanong ni Wilma.

Slowly, Corbie walked towards us. Umupo siya sa tabi ni Aya saka hinawi ang buhok nito. Yumuko siya para halikan sa pisngi ang kapatid.

Wilma gasped.

"W-what are you doing, Corbie?" Tegan asked.

Sinugatan ni Koko ang kanyang kamay saka hinawakan ang ibabang labi ni Aya. Pinatak niya ang kanyang dugo sa loob ng bibig nito.

"What? Y-your blood..." Hindi makapaniwala si Tegan. "Bakit magkaamoy ang dugo niyo ni Aya? Sino ka ba talaga, Corbie?"

Ang lupaypay na mga mata ni Hyacinth ay biglang nagkaroon ng sigla. Nanumbalik ang kulay ng kanyang mga labi. Isang malakas na singhap ang lumabas sa bibig niya.

"W-what was that?" Wilma asked.

"Magkapatid sina Aya at Koko..." sabi ni Abel.

Hyacinth looked at me. "M-Mama..."

"I'm here..." Hinaplos ko ang kanyang buhok. "How are you feeling, baby?"

Ilang sandali siyang nakatingin sa akin bago umiwas ng tingin.

"Patay na si Lim..." bulong niya.

"Sino nagsabi?"

Napatingin kami sa lalaking nakatayo.

Umawang ang mga labi ko sa sobrang gulat.

"Lim!" Mabilis na bumangon si Aya saka nilapitan ang kaibigan. Humagulgol ito sa kanyang mga braso. "A-akala ko patay ka na. Sorry."

"I'm sure he was good as dead," puna ni Wilma. "Paano'ng buhay ka pa?"

Naguguluhan din ako pero nung mapatingin ako sa dugo sa kamay ni Brix ay naintindihan ko kung paano ito nangyari.

Pinagkaguluhan si Lim ng kanyang mga kaibigan.

That's how Brixton stopped history from repeating itself.

I know every action comes with a consequence, but right now this is all that matters. 

In order to start again, something must come to an end.

This is where the end begins.

This is the next generation.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro