Chapter 24
Chapter 24: My Fault
Hyacinth
He must be hurt.
We have already looked for him around, but we found no trace of his whereabouts. The blood-stained on the trunk means he really got hurt.
I wiped the tears off my face. I hope he's fine.
"Hyacinth is crying," biglang sabi ni Wilma kaya natigilan sila sa paglalakad, napalingon sa akin sina Limuelle at Tegan na nauuna sa amin.
"I-I'm not!" I insisted, but I just got teary-eyed more.
Tegan sighed. Nilapitan niya ako. Tinangka kong yumuko pero nahawakan niya ang ulo ko. Wala akong nagawa kung hindi ang tumingin sa kanya.
"I'm sure Corbie is fine, Aya," he assured me. "Do you think a stain of blood would threaten his life?"
I shook my head. I know that well, but I still couldn't help but feel worried. Paano kung malala pala ang sugat niya? No one will be there for him!
Tegan smiled. "Malakas si Koko. Alam kong hindi siya mapapahamak."
"Baka naman hinabol siya ng mabangis na hayop?" tanong ni Limuelle.
Wilma groaned. "We are literally the wildest ones out there, Limuelle. Si Hyacinth lang naman ang bampira na takot sa hayop."
"He's fine..." ulit ni Tegan sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko saka mahina 'yong hinaplos. "Hahanapin natin siya, Aya. Hindi tayo titigil. Pangako."
"Baka naman bumalik na siya sa Esparago Clan?" sambit na naman ni Wilma. "Alam niyo ba ang napapansin ko kay Koko? Gustong-gusto niya ang mama mo, Hyacinth. Baka kinuha niya ang pagkakataon na ito para bumalik at kunin ang loob niya!"
"Wilma..." Tegan warned.
"What? Totoo naman!"
"Hindi, ah!" sabi ni Lim. "Hindi gano'n si Koko. Baka kinuha siya ng itim na ibon?"
"Itim na ibon?" Kumunot ang noo ni Tegan.
Lim nodded. "Nakakita kami ng itim na ibon sa himpapawid. May sabi-sabi kasi sa aming mga tao na bruha raw ang mga itim na ibon. Mga mangkukulam na nagkatawang ibon para makahanap ng biktima!"
Nagawa akong patawanin ni Limuelle. Hindi ko inakalang gano'n kalawak ang imahinasyon ng mga tao na munting ang itim na ibon ay may ibang pahiwatig sa kanila.
"I see..." Tegan turned to me again.
"May parating..." bulong ni Wilma.
Agad akong tinago ni Tegan sa kanyang likod. Tumabi sa akin si Wilma at bahagya pang tinulak ang balikat ko palayo kay Tegan. Hinila ko naman si Lim na nakatingin lang din.
"Bad guys?" I asked, tensed.
"Bandits," Tegan whispered. "Just stay in my back whatever happens. Ako na ang bahala sa kanila."
"Insurgents..." Si Wilma na halatang kinabahan din. "Oh, shit. Baka sinundo ni Corbie ang mga kasamahan niya para ipahuli tayo!"
"Shut up!" I yelled at her. "You are literally making everything about him!"
"Huh. Friends..." bulong ni Wilma na nanunuya.
"Sshhh..." Tegan hushed us.
Narinig ko ang mga yabag ng kabayo na palapit sa amin. Base sa tunog nito ay alam kong hindi lang sila dalawa o tatlo, marami ang mga ito at papunta sa gawi namin.
"Hindi ba dapat tumakbo na tayo?" tanong ni Limuelle.
"Nah. Ikaw dapat, Limuelle," ani Wilma. "Kapag nalaman nilang tao ka ay patay ka."
Nangatog ang mga tuhod ko. Hindi ako papayag. Naglaho na nga bigla si Corbie, ayokong mahiwalay rin si Limuelle. Saka alam kong ayaw rin 'yon mangyari ni Corbie kung sakali.
There they are. Huminto sila sa harapan namin. May mga hawak silang armas gaya ng espada at pana. Tiningnan nila kami mula ulo hanggang paa. Madungis ang pananamit ng mga ito, maging ang kanilang mga damit ay may punit.
"Ano ang ginagawa ng mga paslit sa lugar na ito? Naliligaw ba kayo?" May bakas ang tuwa sa boses ng lalaking nagtnaong. "Kung gano'n ay pwede kayong sumama sa amin!"
"Hindi po. Pauwi na rin kami," magalang na sagot ni Tegan. "Nagpahinga lang.."
"Pauwi. Oh..." Nagkatinginan ang mga lalaki saka sabay-sabay na tumawa. "Saang angkan naman kayo nabibilang?"
"Sa malapit lang..." matapang na sagot ni Wilma. "Mga rebelde kayo, hindi ba? Kapag sinaktan ninyo kami ay malalagot kayo sa pinuno namin!"
Mas lalo lang lumakas ang tawanan ng mga kalalakihan. Nakatago pa rin kami sa likod ni Tegan na buong tapang na hinaharap ang mga estranghero.
"Sa tingin niyo ay magkano ang ibibigay sa amin ng pinuno ninyo kapalit ng kalayaan niyo?" tanong ng lalaki sa pinakagitna, siya ang sa tingin ko'y pinuno nila.
"Ayaw namin ng gulo pakiusap," magalang pa rin ang pananalita ni Tegan. "Kung gusto niyo ay bibigyan na lang namin kayo ng ginto pagbalik namin!"
"At sino namang mangmang ang papayag sa gusto niyong mangyari?" Tumalon ang lalaki pababa ng kanyang kabayo. "Gusto niyo lang makatakas. Huwag niyo kaming lokohin!"
"Boss..." tawag ng isa sa kanila. "Naaamoy mo ba 'yon? Ang bango ng isa sa kanila!"
Hinigpitan ko ang kapit sa braso ni Limuelle dahil alam kong dugo niya ang naaamoy nila. Bumaling ako sa kanya. Hindi ko man lang makita na natatakot siya. Bagkus ay nakasimangot pa nga siya.
"Sumama kayo sa amin!" sabi ng leader nila.
"Hindi..." Tegan shook his head. "Hindi kami sasama sa inyo. Hindi namin kayo kilala. Kailangan na naming umuwi dahil malamang na hinahanap na kami."
"Ano'ng hindi?" May bahid na ng pagkairita ang boses ng lalaki. "Nawala na nga ang pasaway na batang ibon sa amin tapos patatakasin pa namin kayo?"
Kumunot ang noo ko. Are they talking about Corbie?
Sila ba ang dahilan kaya nawawala siya?
"Pasalamat siya dahil si Brixton ang nakakuha sa kanya kaya wala kaming nagawa..." Humakbang siya palapit sa amin. "Tama nga ang sinabi nila. Halimaw ang lalaking 'yon. Pero hindi ko inakalang ang batang ibon na 'yon ay ana—"
"Brixton?" Wilma gasped. "Ibig sabihin no'n ay parating na sila!"
"Bakit? Sa tingin niyo ba ay maililigtas din nila kayo?" Humalukipkip ang lalaki saka tumuwid sa akin ang kanyang tingin. "Ikaw batang babae. Maganda ang kutis mo. Malamang na anak ka ng isang mayamang angkan."
"Don't you dare touch her..." Kumuyom ang mga kamao ni Tegan.
The stranger smirked.
"Matapang ka..."
Kinwelyuhan niya si Tegan, pero nanatiling nakababa at nakakuyom lang ang kamao nito. Lalapit sana ako nung hawakan ni Wilma ang aking kamay. Umiling siya sa akin.
Wala akong nagawa kung hindi ang tingnan si Tegan na wala pa ring reaksyon. Alam kong magaling na siya sa pakikipaglaban, pero marami ang kalaban. Hindi namin sila kakayaning apat. Lalo na si Limuelle.
"Pero hindi ikaw ang kailangan ko!" Tinulak niya si Tegan sa mga kasamahan nito saka ako nilapitan. Limuelle even tried to get in his way, pero isang tulak lang nito sa kanya ay tumalsik siya.
I sniffed when he rougly grabbed me by my arm. Napapikit ako nung ilapit niya sa akin ang kanyang mukha. Naramdaman kong inamoy niya ako.
"Jackpot tayo rito!" Humalakhak siya na sinabayan naman ng kanyang mga kasamahan. "Galing sa mayamang angkan ang batang babaeng ito sigurado ako!"
"Leave her alone!" Sinubukang magpumiglas ni Tegan pero hindi siya nakawala sa pagkakahawak ng tatlong lalaki. Napaluhod siya nung sikmuraan siya ng isa.
"Tegan!" Sinubukang umatake ni Wilma pero nahawakan siya ng isang lalaki sa leeg. Saka siya nito pabagsak na hinampas sa lupa. Narinig ko ang pagsigaw ni Wilma sa sakit.
"Siya lang ang kailangan ko..." tukoy ng lalaki sa akin. "Kayong tatlo naman ay umuwi sa pangkat niyo. Sabihin ninyo na kapalit ng kalayaan ng babaeng ito ay limang sakong ginto!"
Nakatingin lang sa akin si Tegan na nakangiwi. Sinubukan pa niyang kumawala pero sinipa siya sa sikmura ng isa. Napahiga sa lupa si Tegan at namaluktot sa sakit.
"Brixton will kill you all!" Wilma screamed.
Sa gilid ng mga mata ko ay napansin kong bumabangon si Limuelle mula sa pagkakatulak ng lalaki. Mukhang ayos naman siya.
"Ano 'to?" Niyapos ng lalaki ang purselas ko. "Mukhang mamahalin 'to ah?"
Kumabog ang dibdib ko.
"N-no..." Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hindi niyo ako hinayaan. "Huwag niyo pong huhubarin, pakiusap? Kailangan ko 'to."
"Hindi kita kinakausap!" Isang malakas na sampal ang inabot ko sa kanya. "Kapag sinabi kong gusto ko, gusto ko. At wala kang magagawa, okay?"
Napayuko ako. Naramdaman kong sinusubukan na niyang alisin ang purselas ko. Narinig ko rin na sumigaw si Tegan dahil sinaktan na naman siya.
"Bakit ayaw maalis?" nagtatakang-tanong ng lalaki.
"Ang sabi ko... huwag mong hahawakan ang purselas ko," mahinahon kong sabi habang nakayuko pa rin. "Iyan ang bilin sa akin ni Mama. Nakikiusap po ako."
"Talagang sumasagot ka pa—"
Sinubukan niyang padapuin sa pisngi ko ang kanyang palad sa ikalawang pagkakataon, pero agad ko 'yong nahawakan. Kumunot ang kanyang noo. Sinubukan niyang alisin ang kamay ko pero bigo siya.
"A-ano 'to?" kinakabahan niyang tanong.
Nanlaki ang mga mata ko nung may maramdaman na kirot sa dibdib. Bumaba ang tingin ko rito. Isang palaso ang ngayo'y nakatusok sa didbib ko.
"Hayop ka bakit mo pinana!" bulyaw ng lalaki sa kanyang kasamahan.
"Aya!" sigaw ni Tegan.
Nilapitan ng lalaki ang kanyang kasamahan saka sinuntok sa mukha. "Gago ka ba? Kailangan natin ang babaeng iyon! Bakit mo siya papanain?!"
Wilma chuckled. "Bilang na ang mga oras niyo mga hangal!"
"E-eh kasi boss ang kulit eh," rason ng lalaking pumana sa dibdib ko.
I coughed blood. Sinubukan kong alisin ang pana sa dibdib ko pero hindi ko magawa. Nilapitan ako ni Limuelle saka inalalayan na makaupo.
"Ayos ka lang, Aya?" tanong ni Lim.
My body felt numb.
"K-kailangan mo ba ng dugo ko?"
Hinawakan ko sa braso si Limuelle nung aktong susugatan niya ang sarili para painumin ako ng dugo. Kapag ginawa niya 'yon ay maaamoy ng mga lalaki ang kanyang dugo at mas lalo siyang manganganib.
"Alis!" Tinulak siya ng lalaki palayo sa akin. "Hindi ka mamamatay, bata. Manghihinga ka lang pero gagaling din 'yan mamaya."
Sa gilid ng mga mata ko ay napansin kong pumulot ng bato si Limuelle. Doon na nangilid ang mga luha ko. Hindi ko pa rin maigalaw ang aking katawan.
"Halika ka. Sumama ka na sa amin."
"Bitiwan mo ang kaibigan ko!"
Nanlamig ang mga kamay ko nung makitang lumusot sa didbib ni Limuelle ang kamay ng lalaki. Umawang ang mga labi ko sa sobrang gulat.
"T-tangina..." gulat na sabi ng lalaki.
"Isang tao!" sigaw ng isa.
"Limuelle!" Tegan cried. "Lim, can you hear us? Limuelle?!"
Saksi ang dalawa kong mga mata nung makitang bumagsak sa lupa si Limuelle. Umagos ang kanyang dugo mula sa dibdib. Nakatingin siya sa akin.
I muttered the words, "I'm sorry..."
I failed him.
And I couldn't accept it.
I wanted to give him freedom, but I just pushed him to his death.
I was trying to reach for his hand, but I didn't know I was holding my bracelet. Mahigpit... na mahigpit. Nabahiran na ito ng dugo ko.
They killed my friend.
Tinukod ko ang mga kamay ko saka dahan-dahan na tumayo. Para akong nakalutang sa mga ulap dahil sobrang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko na rin maramdaman ang hapdi dulot ng pana sa dibdib ko.
Tegan was staring at me, shaking his head.
"Don't do it..." he mumbled.
Sinubukan akong lapitan ng lalaki pero napaatras din siya nung makita na pinalilibutan ako ng usok. Umiikot sa akin ang hamog, naghihintay na palayain ko siya.
"Hyacinth, stop!" Napatingin ako kay Mama na nanlalaki ang mga mata. "Baby... please?" Umiling siya sa akin. "Please, don't do it."
Sinubukan akong lapitan ni Papa pero tila may hindi nakikitang pananggala ang nakapalibot sa akin. Sinubukan din ni Mama pero hindi siya nakapasok. May sinabi pa si Papa pero biglang nanlabo ang paligid. Wala na akong marinig.
Bumaling ako sa mga lalaking dahilan kung bakit nawalan ako ng kaibigan. Sinubukan nilang tumakbo pero pinuluputan sila ng hamog sa leeg kaya napaluhod sila sa lupa.
Bumaba sa mga binti ko ang tingin ko. Nakaangat na pala ang mga paa ko sa lupa. Sa sobrang gaan ng pakiramdam ko ay hindi ko namamalayan ang kilos ng katawan ko.
Tumingin ako kay Lim.
He's dead.
"Aya..."
Napatingin ako kay Corbie. Siya lang ang tanging nakalapit sa akin. Siya lang ang tanging pinahintulutan ng hamog kong makapasok.
He smiled as he offered me his hand.
"P-patay na si Limuelle..." bulong ko. "Koko... patay na ang kaibigan natin."
"Nahiganti ka na, Aya..." ani Corbie.
Tumingin ako sa labas. Nagawa nang patumbahin ni Papa lahat ng lalaking nanakit sa amin. Napansin ko rin na nakatingin sa akin si Tegan at sumisigaw.
"Hindi pa ito ang tamang panahon, Aya..." mahinahon na sabi ni Corbie sa akin. "Kapag ginawa mo ito maging ang mga mahal mong nakapaligid sa 'yo ay masasaktan mo. Masasaktan ka lang lalo."
I burst into tears.
"I am such a failure, Corbie."
He shook his head.
"Hindi 'yan totoo..." Humakbang pa siya palapit sa akin. Nakatingala siya dahil nakaangat ako sa lupa. "Tahan na, Hyacinth. Hawakan mo ang kamay ko..."
I just stared at him.
Bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya?
Bakit tila maging ang hamog ko ay hindi siya kayang saktan?
Bakit tila napakahiwaga ni Corbie?
"Halika na, Aya..."
Dahan-dahan ay hinawakan ko ang kanyang kamay. Sa isang iglap ay tumahan ang pakiramdam ko. Mabilis niya akong nasalo nung bumagsak ako mula sa ere.
Bumaling ako kay Limuelle.
He's dead.
It's my fault.
I'm sorry I failed you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro