Chapter 22
Chapter 22: It's Okay
Hyacinth
Habang naglalakad ay maraming paalala si Tegan sa amin, mga bagay na dapat at hindi dapat namin gawin kapag nakaharap ang isang tao. Hindi ko gaano napagtuonan ng pansin 'yon dahil isang bagay lamang ang umiikot sa isipan ko— maaaring makakita pa kami ng mga tao maliban kay Limuelle.
"Boring..." I heard Wilma whisper. May hawak siyang patpat na pinanghahampas sa mga malabong na talahib. "Hindi tayo makakatikim ng tao kahit na isa lang?"
"Wilma..." Sinamaan siya ng tingin ni Tegan kaya inirapan siya nito. "Hanggat maaari ay hindi natin sila lalapitan. Iyon ang isa sa mga rules natin maliban sa hindi dapat humiwalay kahit na isa lang sa atin."
"Paano kung sila ang lumapit sa atin?" tanong ko.
"Then stay away," simpleng sagot ni Tegan.
I nodded. Stay away from humans, that's all I need to do.
"Hanggang kailan natin sila tatakbuhan?" tanong ni Corbie na nauuna sa aming naglalakad. Humarap siya saka patalikod na naglakad habang nakalagay sa batok ang mga kamay.
"Oh, come on, Corbie. Kung makapagsalita ka ay parang hindi ka batang labas ah?" paghirit ni Wilma. "May I remind you that you are also an outsider like him. You are running away your whole life!"
Nagulat ako sa sinabi ni Wilma. I think that's too much.
"Hindi naman sarili ko ang inaalala ko," malamyang sagot ni Corbie saka tumingin sa akin. "Kailangan kong protektahan si Aya. Siya ang inaalala ko."
"No need for that—"
"Nangako ako kay Tita Astra, Hyacinth..." madiin na sabi ni Corbie sa akin. Bumuntonghininga pa siya. "Kailangan kitang ipagtanggol sa abot ng makakaya ko."
"Sweet but corny," Wilma chuckled.
"Guys!" Limuelle clapped his hands to catch our attention. "Huwag na kayong mag-away dahil sa akin. Gusto ko lang talaga ay makasama pa kayo. Kung hindi man 'yon tatagal—"
"Oo naman!" sang-ayon ko. "We are all friends here..."
Napatingin sa akin si Tegan saka rin siya umiwas agad.
Mahabahaba pang lakaran ang ginawa namin. Ramdam ko na ang pagod pero hindi ako nagreklamo. Ginusto ko ito kaya kailangan kong panindigan. Saka nakakahiya naman dahil mukhang ako lang ang pagod.
"Andito na tayo..."
I focused my eyes on the cabin infront of us. Pagkatapos ay ginala ko ang tingin sa paligid. I don't see any humans around us. Wala nga rin akong makitang ibang bahay maliban dito.
"Can you smell that?" Pumikit si Wilma saka nilanghap ang hangin. "Ah. Fresh blood!"
Inalis ko ang face mask ko para amuyin ang tinutukoy ni Wilma. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong maamoy na kakaiba sa hangin.
"Sure ka bang walang nakatira dito?" nagdududang tanong ni Tegan kay Limuelle. "May nagtayo nito kaya malamang na may nagmamay-ari."
"Wala nga! Kung meron man... malamang na hindi na nila ito ginagamit. O 'di kaya'y..." Nang-aasar na ngumiti pa si Limuelle. "Pinatay na rin sila ng mga bampira!"
Humalakhak sina Corbie at Limuelle. Sila lang naman ang natuwa sa sinabi ni Lim.
Napangiwi naman ako. Vampires don't kill without any reason. It's against our rules. Pero alam ko naman na nagbibiro lang si Limuelle.
"What a joke..." Wilma yawned.
Naunang pumasok sa loob ang mga boys. Naiwan kami ni Wilma sa labas. Sinubukan ko pa ring amuyin ang sinasabi ni Wilma, pero wala talaga.
Napabuntonghininga ako. Pakiramdam ko ay magmula nung mawala ang hamog ko ay humina rin ako. I never understood it, but I still want it back.
"Psst. Aya..." Siniko ako ni Wilma kaya napatingin ako sa kanya. "Magtapat ka nga sa akin. Sino ba kina Corbie at Limuelle ang gusto mo?"
My eyes widened. "Wala! They are just my friends."
"Friends..." She shrugged her shoulders. "Sabi mo, eh."
I sighed. Bumagsak ang atensyon ko sa mga binti kong marumi na. Kapag nakita lang ito ni Mama ay malamang na sasabihan niya akong maglinis. Napasimangot ako. Malamang na hinahanap na niya ako ngayon.
"Bumaling ako kay Wilma, ngunit wala na siya sa tabi ko. Narinig ko ang boses niya mula sa loob ng kubo kaya napabuntonghininga na lang ako.
I traced the beeds of my bracelet. Kailan ba ito babalik sa akin?
Napapikit ako nung umihip ang malamig na hangin. Nanayo ang mga balahibo ko nung may maramdaman na nakatingin sa akin. Bumaling ako sa likod pero wala naman.
I'm sure I felt something behind me. What was that? I don't know. Pero minabuti ko na lang din na pumasok na sa loob ng kubo. The outside world is dangerous.
Alam ko naman na maliit lang ang kubo, pero mas maliit pala sa loob. May isang papag na higaan sa dulo kung saan nakaupo si Limuelle. Nasa table naman sina Corbie at Tegan. Nakatayo lang si Wilma.
"Ayos na ba ang paa mo, Lim?" tanong ko.
He nodded. "Medyo..."
"Aya and Lim can sleep here," Tegan announced. "The rest are free to look for their spots around. Huwag lang masyadong malayo ah?"
"What?!" Wilma blurted out. "Matutulog ako sa labas?"
"You can stay here, too, Wilma..." sabi ko na lang dahil alam kong hindi siya papayag sa ganoon.
"Fine. Kami na lang ni Koko ang matutulog sa labas, para na rin may bantay tayo..." ani Tegan saka humarap kay Corbie. "Ayos lang ba sa 'yo?"
"Hindi ako matutulog..." sabi ni Corbie.
"Good. Ikaw ang magiging bantay namin," ngumiti si Wilma. "Sanay ka namang hindi natutulog, hindi ba?"
Tanging tango lang ang sinagot ni Corbie.
Natigilan si Wilma. Hindi niya inaasahan na hindi ito gaganti ng pang-aasar sa kanya. Kanina ko pa rin pansin ang pananahimik ni Koko.
"I will hunt for food," Tegan said.
"Sama na lang ako," ani Corbie.
Naiwan kaming tatlo sa loob ng kubo. Tumabi ako kay Limuelle na nakatingin lang sa kanyang mga binti. Naramdaman ko rin na tumabi sa akin si Wilma.
"Salamat ah?" ani Lim.
"Para saan?" tanong ko.
Nakangiting hinarap niya ako. "Kasi naging kaibigan ko kayo..."
"Unfortunately humans and vampires can never be friends," Wilma said.
"Ah, basta. Kaibigan ko na kayo!" ani Lim.
"We are friends here..." I said, too. "Let's just pretend that we are not vampires and you are not a human, Lim. We are just... normal friends."
Pagkabalik nina Tegan at Corbie ay may nahuli silang hayop. Nagpadingas sila sa labas para lutuin 'yon. Pinagsalu-saluhan namin ang pagkain.
Nakaupo ako sa bato habang kumakain ng karne. Nakatingin ako sa apoy na patuloy na pinapaliyab ng mga tuyong kahoy. Sa gilid ng mga mata ko ay napansin kong lalapitan ako ni Corbie.
"Inom ka?" Inalok ako ni Corbie ng dugo ng hayop na nakalagay sa bao ng niyog. "Nakatikim ka na ba ng dugo ng hayop? Masarap din naman ito!"
"Kung ayaw niya, akin na lang!" ani Wilma.
Kinuha ko kay Corbie ang bao na may lamang dugo saka 'yon diretsong ininom. Medyo matabang ito kung ikukumpara sa dugo na nakasayanayan kong inumin, pero hindi naman na masama.
"How about you, Corbie?" Tegan asked. "Hindi ka pa uminom."
"Hindi naman ako nauuhaw..." Tumabi sa akin si Corbie. Niyakap niya ang kanyang mga tuhod saka tumulala sa apoy.
"Thank you, Corbie..." I whispered to him.
Tanging tango lang ang sinagot niya.
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan na naming magpahinga. Nagsiksikan kami nina Lim at Wilma sa papag, pero nagreklamo si Wilma kaya lumipat sa sahig si Limuelle.
Dala ng pagod ay mabilis din akong nakatulog. Kinabukasan ay wala kaming ginawa kung hindi ang maglaro. Naglaro kami ng habulan at taguan. Muntik na ngang umiyak si Limuelle dahil laging siya ang taya.
Mayamaya ay nagpaalam muna si Tegan na kukuha ng pagkain. Sumama sa kanya si Wilma kaya kaming tatlo nina Corbie at Limuelle ang natira.
"Uy, may regalo nga pala ako sa 'yo, Lim!" nakangiting sabi ni Corbie. Nilabas niya ang isang bato mula sa bulsa. "Ginawa ko ito kagabi!"
Napangiti ako nang makita na gaya ito nung niregalo niya sa amin dati. Isang maliit bato kung saan nakaukit ang aming pangalan. Simpleng regalo, pero pinaghirapan.
"Whoa. Salamat, pare!" nakangiting sabi ni Limuelle. "Para saan naman 'to?"
"Kainin mo!" Humalakhak si Corbie.
"Kapag namatay ako, gusto kong ilagay nito 'to sa itaas ng libingan ko ah?" bulong ni Limuelle habang nakatitig sa maliit na bato.
Natigilan ako at napasimangot. Napansin 'yon ni Corbie kaya pabirong sinapak niya sa balikat si Limuelle.
"Puro ka patay. Kaya ka nga namin tinakas para mabuhay ka!" singhal ni Corbie.
Nabaling ang atensyon ko sa himpapawid kung saan lumilipad ang isang itim na uwak. Napatingin naman ako agad kay Corbie na nakatingala rin.
"What's that, Koko?" I asked.
He shook his head. "Wala naman."
"Itim na uwak ang tawag diyan," ani Lim.
Nagkatiningan kami ni Corbie saka sabay na natawa. Napakamot naman sa batok si Limuelle.
"Mali ba?" tanong pa niya. "E 'di itim na ibon!"
"Samahan mo muna si Aya sa malapit na sapa, Lim," biglang sabi ni Corbie saka tumayo at nag-inat ng katawan. "Para makapaglinis siya ng katawan. Mapapagalitan tayo kapag nasira kutis niyan!"
"Oh, sige!" Tumayo rin si Lim. "Nauuhaw na rin ako, eh."
"Oo nga pala. You don't drink blood!" bulalas ko nung mapagtanto ang bagay na 'yon. "Kahapon pa ang huling inom mo ng tubig."
"Sige na, Lim. Ingatan mo si Aya ah?"
"How about you?" tanong ko.
"Dito lang ako para may maabutan sina Wilma at Tegan pagbalik. Baka kapag wala silang nadatnan ay akalain nilang umalis tayo."
Napatango naman ako. Kinuha ko ang bag ko sa loob ng kubo saka sumama kay Lim. Binalikan ko pa ng tingin si Corbie na nakatingala sa kanyang uwak.
I sighed. Who does he look bothered?
"Oh, bakit bumuntonghininga ka?" puna ni Limuelle. "Hindi naman kita kikidnapin, huwag kang mag-alala!"
"Ano 'yon?" tanong ko.
Napaisip naman siya. "Itatakbo? Eh gago kasi kapag ginawa ko 'yon baka ako pa napuruhan mo!"
Humalakhak si Limuelle habang ako ay naguguluhan.
"What's gago?" I asked.
Natigilan siya sa pagtawa saka tumikhim.
"Pangalan ko. I am Limuelle Gago."
Napangiwi ako nung tumawa na naman siya nang malakas.
"Okay..." Nagkibit-balikat ako.
Hindi naman gano'n kalayuan ang sapa. Nung makita ko ang malinaw at umaagos na tubig ay mabilis akong nagtampisaw. Nakalimutan ko ngang ibaba muna ang bag ko. Si Limuelle naman ay dumiretsong inom.
Naglinis na ako ng katawan. May dala naman akong damit kaya nagpalit ako. Tumalikod si Limuelle saka naglakad sa malayo hanggang sa matapos ako.
"Hala gago!" Nanlaki ang mga mata ni Lim.
"W-what?"
"May parating..." bulong niya.
Napatakbo ako sa kanya saka humawak sa damit nito. Isang lalaking nakakulay dilaw na sumbrero ang dumating. Butas-butas pa ang mga damit niya at halatang hinihingal dahil sa pagod.
"Tao..." bulong ni Limuelle.
I sniffed in the air. I don't smell anything strange from him. Then, I realized, Limuelle is a human, too. Hindi ko maamoy ang dugong nananalaytay sa kanila. It seems like... I am a human, too.
"Oh..." Gulat na napatingin sa amin ang lalaki. "Ano'ng ginagawa niyo sa lugar na 'to?"
"Naligaw lang po!" sagot naman ni Lim.
Kumunot ang noo ng lalaki. "Anak ng— pasaway kayong mga bata ah? Paano kayo nakarating dito? Hindi niyo ba alam ang daan pabalik?"
"Alam..." Ngumisi si Lim. "Ikaw, Lolo? Naliligaw ka ba?"
Mukhang naisulto naman ang lalaki sa tanong ni Lim.
"Hindi. May pananim ako sa malapit..." Binaba niya ang dalawang timbang dala at pinuno 'yon ng tubig. "Bababa na rin ako mamaya. Sumabay na lang kayo sa akin."
"Hindi po. Alam na namin..." ani Lim.
Pumirmi sa akin ang tingin ng lalaki. "Ayos ka lang ba, hija?"
Tanging tango lang ang naisagot ko.
Nanlaki ang mga mata ko nung dumulas ang isang paa ng lalaki kaya bumagsak siya sa tubig. Rumagasa sa bato ang kanyang braso kaya agad 'yong nagdugo.
Napako ako sa kinatatayuan. Bumilis ang pintig sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay nasusunog ang mga mata ko habang naaamoy ang mabango niyang dugo.
"Lolo!" Iniwan ako ni Limuelle para tulungan ang lalaki. "Ayos ka lang ba?"
Pumatak ang luha sa mga mata ko. Hindi ako makagalaw pero alam kong nakakuyom na ang mga kamao ko. Suminghap ako ng hangin.
I watched as his sticky blood dripped on the water. I am losing my senses. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa katawan ko basta ang alam ko lang ay humahakbang na ang mga binti ko palapit sa kanila.
Take me away, please...
Napatingin sa akin si Lim. Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata. Napadiretso siya ng tayo. Lumunok siya habang umiiling.
"A-Aya..." he stuttered. "Ako 'to si Lim. Kaibigan mo ako, hindi ba?"
I know... but I can't control my body.
"Ayos naman ako," sabi nung lalaki. "Maliit na sugat lang naman ito."
"Lolo..." Hinila ni Lim ang lalaki saka tinalikod sa akin. "Sige na po. Alis na kayo."
"Huh? Iyong mga timba ko—"
"Ako na po ang maghahatid. Pakiusap. Tumakbo na kayo!"
Naguguluhan man pero tumakbo palayo ang lalaki. Hinarap ako ni Limuelle. Sinubukan niya akong lapitan pero mabilis ko siyang nilagpasan para sundan ang lalaki.
"Aya!" sigaw ni Lim.
Blood... I can still smell his blood.
Tatakbo na sana ako para sundan ang amoy ng dugo nung may maamoy na ibang dugo na naman. Mas malapit. Parang nasa tabi lang. Sa likod ko.
I turned to Limuelle. May hawak siyang bato. May sugat ang kanyang nakakuyom na palad. Tumutulo sa tubig ang kanyang dugo.
"Ako na lang..." nakangiting bulong niya. "Alam kong hindi mo ito gusto, Aya. Pero mas hindi mo ito magugustuhan kapag sa ibang tao mo ginawa. Ako na lang..."
My body immediately reacted to the smell of his blood. Hindi ko na alam ang nangyayari. Basta ang alam ko lang ay nasa harapan na ako ni Limuelle.
"It's okay, Aya..." Using his bleeding hand, he touched my face. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. "Ayos lang, kaibigan..."
He closed his eyes.
Natigilan ako nung makita ang gumagapang na usok sa aking mga binti. Sa isang iglap ay gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ang init at pagkatakam ko sa dugo.
Tumagal nang ilang segundo ang hamog. Pagkawala nito ay magaling na rin ang kamay ni Limuelle na nakatulala lang sa kanyang palad.
"N-nawala ang sugat ko..." bulong niya.
Napatukod ako sa tubig sa sobrang panghihina. Naramdaman kong inakay ako ni Limuelle sa batuhan. Kinuha niya ang supot ng dugo sa bag ko at pinainom 'yon sa akin.
I gasped after I finished drinking the bag of blood. Napatitig ako kay Limuelle.
"Napakahiwaga niyo talaga..." bulong ni Lim.
"I-I'm sorry, Lim..." Ngumiti ako, pero hindi nagpatinag ang mga luha. Nanginig ang mga labi ko. "Muntik na kitang atakihin."
"Wala 'yon!" Pinilig niya ang kanyang ulo. "Saka ang galing nga, eh. Bakit nagkaroon ng usok? Tapos gumaling bigla ang sugat ko!"
Napatingin ako sa malayo. Pinunasan ko ang mga luha ko. Kahit na nagtatampo pa rin sa akin ang hamog ko ay tinulungan niya pa rin ako.
"Aya! Lim!"
Dumating sina Wilma at Tegan.
"Andito lang pala kayo!" Napahinga nang maluwag si Tegan.
"True. Akala ko tinakbo mo na si Lim, eh!" Inirapan ako ni Wilma. "Huwag naman selfish, Aya. Share tayo!"
"Naglinis lang kami ng katawan," sabi ni Lim. "Pabalik na rin sana kami, eh."
"Ayos ka lang?" Nilapitan ako ni Tegan.
"Oo naman!" sagot ni Limuelle. "Wala namang nangyaring masama."
"Teka..." Luminga-linga sa paligid si Tegan. "Hindi niyo ba kasama si Corbie?"
"Nagpaiwan siya," sagot ni Lim. "Wala ba siya roon?"
Kumunot ang noo ko. Mabilis kong kinuha ang bag ko saka tumakbo pabalik. Gaya ng sabi ni Tegan ay hindi namin siya naabutan doon. Sinubukan pa namin siyang hanapin sa paligid.
"I can't find him," sabi ko kay Tegan.
"Ah... guys?" tawag sa amin ni Wilma.
Lumapit kami sa kanya.
Kahit na alam kong sa kanya ito ay dinikit ko pa rin ang daliri ko at inamoy 'yon para siguraduhin.
It's his blood.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro