Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21: After Them

Astralla

I watched as the sun illuminated everything it touched, from the tip of the enormous trees to the specks of dust on the ground. The dawn breaks have come, yet we still haven't found them.

I sighed as I wiped the tears off my cheeks. Magdamag namin silang hinanap ngunit agad nakalayo ang mga ito. Napag-alaman ko rin na kasama sina Wilma at Tegan para itakas ang batang lalaki.

Someone sat beside in the meadow. Naramdaman kong gumapang sa likod ko ang kanyang braso kaya sumandal naman ako sa kanya.

"Anak mo nga sila..." Tumawa si Brix saka mas hinigit ako pasandal sa kanya. "Ang hirap hawakan. Kahit na sobrang higpit na ng mga bantay ay nakakatakas pa rin."

That put a smile on my face. Alam na rin niya.

I heard him sigh.

"I'm sorry, Astra..." he whispered. Hinalikan niya ang aking buhok saka huminga roon. "I failed to look after our children. I was too focused on building our world that I kind of neglected the reason why I was doing that."

"Corbie suffered enough," I mumbled, halting my tears.

"I know..." Brix held my shoulder and turned me to him. He then cupped my face with his palms and leaned towards me. "That's enough..."

"I-I don't know what else to do..." I told the truth.

"I will save you all..." he smiled.

"How—"

"Trust me the way you trusted me back then..." Bumaba sa labi ko ang kanyang mga tingin saka bumalik sa mga mata ko. "There will be no more suffering after this. We will all both live in peace."

I swallowed. No words escaped my lips.

"I will free us, Astra."

Napapikit ako nung halikan niya ako sa noo. When I found out that our children escaped from us, I wasn't scared at all. Maybe... frustrated.

Kung kailan alam ko na ay saka pa siya nawala.

Why did I just find out now?

While I locked myself in our room, Brix unleashed his influence as the King of Severus Kingdom to look for them. I was calmly brushing my hair while staring outside the balcony.

My mind was unusually unworried, maybe because I could see it now.

I know where this one was heading.

Another war?

Binisita ako ni Lola. Pinagdalhan niya ako ng mga pagkain. Wala akong ganang kumain pero pinilit ko na lang din. Pareho lang kaming tahimik.

"Malapit nang mapigtas ang purselas ng anak mo," sabi ni Lola. "Babalik na ang buong lakas na matagal na kinubli sa kanyang loob. Magiging mapaminsala ito hindi lang sa mga nakapaligid sa kanya kung hindi maging sa kanya mismo."

"Hindi iyon ang inaalala ko, Lola..."

Huminga siya nang malalim. Tila naintindihan naman niya ang gusto kong sabihin. Kinuha niya ang pinagkainan ko saka tinabi. Saka siya bumalik sa tabi ko sa kama.

"Ang pagpapasya..." bulong ni Lola.

I nodded. "Hindi papayag si Brix. Dadanak muna ang dugo bago nila makuha ang isa sa mga anak namin. Natatakot ako Lola..."

"Natatakot ka?"

"N-natatakot ako sa maaari pang gawin ni Brix..." Mapait akong ngumiti. "Kilala ko ang lalaking iyon, gagawin niya ang lahat para lang mailigtas ang mga mahal niya. Hindi lang basta-bastang malapit sa kanya ang ngayo'y nasa panganib. Mga anak niya mismo..."

The war we fought before was for Hyacinth alone. We were given the chance to keep her with us, to train her to be strong for the fight of her life. Pero hindi lang isa ang anak namin. Ngayon na alam naming anak naming si Corbie... ibig sabihin ay isa lamang sa kanila ang maaaring manatili rito.

I remembered how we almost lost the war before. If not only because of Aya's fog ability, we wouldn't be here anymore. I don't think we can stand another fight against one of the cloaks.

And... I don't want any of my children to experience the cruelty of fighting for their lives. Ayokong maranasan nila ang mga naranasan ko dati.

Another day has passed. Hindi pa rin namin sila nahahanap. Kinausap ako kanina ng isang kawal para sabihin na sandaling umalis muna si Brix. Malamang na hahanapin niya rin sila.

The real problem here is not my missing children but how to save them. Finding them won't change the fact that we broke the rule again.

One child in every family.

Thinking about it now... alam din ba ni Corbie? Alam din ba niyang isa lang sa kanila ni Aya ang maaaring manatili sa mundong ito?

Oh, my God. My poor son.

Buong araw na akong nakakulong sa loob ng kwarto ko kaya napagpasyahan kong lumabas no'ng gabi na. Lahat ay abala pa rin sa paghahanap sa mga tumakas. Dahil kasama si Tegan na anak ni Abel ay buong pwersa rin ang paghahanap ng Esparago Clan.

I was walking barefoot into the woods, feeling the cold air and the peaceful night. These past few days... I felt so weak. It felt like I came back where I started.

Upang pakalmahin ang nanlalamig na dibdib ay naglaro ako sa mga puno, patalon-talon habang dinadama ang malamig na hangin. Nadumihan ang kulay puti ko bistida na napunit pa nung sumabit sa isang kahoy.

It felt good to be free.

I need to think wisely. Alam kong may paraan pa para malusutan ito pero hindi ko lang mapagtanto. Basta ang alam ko ay magagawan pa namin ito ng paraan.

I stopped from running when my feet brought me to the spring water. Dito kami naligo nina Brix at Aya. Mga panahong hindi ko pa alam na dapat ay apat kami rito. Dapat ay apat kaming nasa pinta. Dapat ay apat kami no'ng umpisa pa lang.

Yumuko ako sa tubig saka maghugas ng mukha. Napapikit ako nang dumampi sa balat ko ang malamig na tubig. Nagpasya na rin akong manatili muna roon. Binabad ko sa tubig ang mga binti ko habang nakatingin sa malayo.

What are you planning, Brix?

"One has to go..." Napatingin ako sa nagsalita. Isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Nababalutan ng itim na balabal ang katawan niya. "The question is... who would it be?"

"You can't take them away from me..." I clenched my fists.

I heard him chuckle. "You lost to the Fifth. He was the weakest among us. Ano sa tingin mo ang magagawa niyo laban pa sa isa sa amin?"

Lumunok ako. "Brix won't let it happen."

"Brixton Wenz Cardinal..." His voice sent chills down my spine. "The greatest vampire I had ever seen since the Third Cloak."

"W-who are you?"

"I am the First..."

Napahawak ako sa dibdib ko nung manikip ito. Napaluhod ako at nagsuka ng dugo. Nanlambot ang mga buto ko kaya napahiga na ako nang tuluyan sa lupa.

"I will take what's ours..." His voice echoed in my head.

"Astra!"

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong inatake ni Brixton ang kalaban, subalit bigla itong naglaho nang parang bula. Napasinghap ako nung may tumusok sa kahoy sa dibdib ko. Natulala ako sa mukha ng kalaban.

Nothing. I couldn't see his face. It was like... a shadow.

I coughed blood. Gumulong ako papunta sa tubig ng bukal para makawala sa kanyang pagkakahawak. Nanlabo ang mga paningin ko.

Was I stabbed with a dagger?

In the blur of my eyes, I saw Brix diving to the water to get me. Niyakap niya ako saka tinaas mula sa tubig. Marahan na nilapag niya ako sa bato. He pulled the wood out of my chest and bit his arm to lend me some of his blood.

He was breathing hard while staring down at me. His eyes were bloody red... and furious.

Mabuti na lang ay hindi punyal ang tinusok sa dibdib ko. Kung hindi ay malamang na sinapit ko rin ang sinapit nina Celeste at Albina.

"A-Astra..." Bumalik sa normal na kulay ang kanyang mga mata.

I smiled. "I-I'm fine..."

Tinukod ko ang mga kamay para makabangon. Saka ko hinawakan ang mga nakakuyom na kamay ni Brix. Ramdam ko pa ring nangangalaiti siya sa galit pero walang magawa.

He succeeded in killing The Fifth. But this one... is something else.

The First Cloak is the strongest.

Mabilis na tumayo si Brix. Nilapitan niya ang isang puno para roon itama ang kamo niya. Sa sobrang lakas no'n ay bahagyang bumaon ang kanyang kamao habang naglalaglagan ang mga dahon.

Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan siya.

"Fuck!" he cursed as he punched the tree for the second time. Bleeding fist, he turned to me. His stern look stared at me. "I will kill them all."

Napalunok ako. He's mad.

"I will kill anyone who dares to touch my family!"

Sinubukan kong tumayo, nagawa ko. Ramdam kong nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Hindi ako makakalakad nang hindi bumabagsak sa lupa kaya nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko.

"Hear me, Astra?" he smirked dangerously. "If I have to kill all the remaining cloaks, I will do it."

I smiled. "Brix..."

He just stared at me.

"I-I don't want to lose any of our kids..." Tears streamed down my face as the stern look on his face melted. "This is the last time I will ask something from you."

"A-Astra..."

"Save them..." I whispered.

My knees collapsed, and before I even hit the ground, his arms wrapped around me. He buried my face against his chest and whispered something that made me smile.

"I will, Milady..."

By the time I woke up, my wound had already healed. Si Lola ang agad na bumungad sa akin. She gave me a plastic of fresh blood to regain my energy.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Lola.

"Ayos naman na po..." Tumingin ako sa labas ng bintana. Maliwanag na. "Wala pa rin po bang balita kung nasaan ang mga bata?"

Malungkot na umiling siya.

I let out a heavy sigh. Iniwan muna ako sandali ni Lola. Tumulala ako sa kawalan. Ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko habang iniisip ang mga nangyari kagabi.

The Firtst Cloak— Shit. Alam ko naman na pambihira ang lakas ng mga pinuno, pero hindi ko pa rin inakalang gano'n sila kalakas. Maging si Brix ay nabigo nung tangkain niya itong lapitan.

The First Cloak's words suddenly echoed in my mind.

They are going after my kids, too!

Napabangon ako sa kama. Kung kahapon ay kampante pa ako, ngayon ay kailangan na talaga naming kumilos. Alam kong kumikilos na rin sila para mauna sa mga anak ko.

No. I won't let that happen.

Kumuha ako ng jacket sa loob ng cabinet saka 'yon sinuot. Tinali ko rin ang buhok ko. Pagkatapos mag-ayos ay lumabas na ako ng silid.

It's just a matter of time....

Wait for me, Corbie, Hyacinth. I will save you.

Natigilan ako nung makasalubong ko si Abel na halatang paalis din. Mukhang wala siya sa sarili kaya hindi ako agad napansin.

"Abel!" I called his name.

"Astra!" He ran towards me. "Who attacked you last night? Brix didn't tell us."

I shook my head. "Nothing..."

"We already have a clue about their whereabouts," he said next. Base sa kanyang expression ay alam kong hindi pa rin 'yon mabuting balita. "They are residing just a few meters away from where human lives."

Natutop ako sa kinatatayuan. This is getting worse as time passed by.

"Are you going there?" I asked.

Abel nodded. "I have to..."

"Sasama ako..." sabi ko. "I need a horse if you can give me one."

Tumagos sa likod ko ang tingin niya kaya napalingon din ako. Sa harap ng matinding sikat ng araw ay nakita ko si Brix na nakasakay kay Servena at papunta sa direksyon ko.

"How are you feeling now?" Tumalon siya pababa ng kabayo saka ako nilapitan. Bumaba sa dibdib ko ang kanyang tingin. Napansin kong nakahinga siya nang maluwag nung mapansin na gumaling na ang sugat ko.

I swallowed the lump in my throat. "Sasama ako..."

He just stared at me.

"I won't just stay here while our kids are in danger, Brix," madiin kong sambit habang nakatingin sa kanyang mga mata. "It's either you let me come with you or—"

Natigilan ako nung maglahad siya ng kamay sa harapan ko.

"Let's save our kids, Milady."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro