Chapter 20
Chapter 20: Leader
Hyacinth
I was enjoying playing with Corbie in the meadow when Tegan suddenly came with a horrifying news. Nagpaalam ako kay Mama na maglalaro kami nina Tegan at Koko sa Three House kahit na ang totoo ay may pag-uusapan lang kaming tatlo.
"They will execute him tomorrow night," Tegan said, shaking his head. "Narinig kong pinag-uusapan 'yon nung mga kawal na nagbabantay sa selda niya."
Awtomatikong bumagsak ang luha sa mga mata ko dahil sa takot. Ang matikas na tindig ni Tegan ay lumambot nang mapatingin siya sa akin.
"We will save him, Aya..." Lumapit siya sa akin. "I promise."
Tinakpan ko ng mga kamay ang mukha ko pero inalis din 'yon ni Tegan. Yumuko ako pero naagapan niya 'yon saka tinaas ang ulo ko para matingnan siya.
"We will do The Escape Plan tonight," desidido niyang sambit. Saka siya bumaling kay Corbie na nakatulala lang sa labas ng Three House. "Narinig mo ba ako, Koko?"
Hindi kumibo si Koko. Nilapitan siya ni Tegan.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Tegan.
Corbie sighed. "Mapanganib sa labas..."
"Koko!" Padabog akong lumapit sa kanya saka siya hinampas sa balikat. "Ano'ng mapanganib? Huwag mong sabihin na hahayaan na lang natin na mawala si Limuelle?!"
"Aya..." Sumimangot si Corbie. "Kahit naman na itakas natin siya ay hindi rin magtatagal ang lahat. Hahanapin pa rin siya ng mga nakakataas."
"Y-you are so selfish!" I yelled at him.
"Hyacinth..." Tegan shook his head. "Corbie is right. Kaya gagawin natin ang lahat para hindi mapahamak ang ating kaibigan. Pakiusap, Koko. Kailangan ka namin..."
"Inaalala ko lang naman ay si Aya—"
"I can handle myself!" I screamed out of frustration. "Pangako, Koko. Hindi ko kailanman kakailanganin ang tulong mo kapag lumabas tayo rito!"
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!"
Napasinghap ako. Ngayon lang ako napagtaasan ng boses ni Corbie. Tila nahimasmasan naman siya nung makita niyang napaatras ako sa sindak.
"Sorry..." He scratched the back of his head. "Okay, sige. Mamayang gabi. Bahala na!"
Napangiti si Tegan. "Good. I have a plan..."
Sinabi ni Tegan sa amin ang kanyang plano. Hindi ako kumukurap dahil namamangha ako sa gagawin namin. Alam daw ni Tegan kung saan nakatago ang mga pasabog na ginagamit dito para sa pakikipaglaban. Papasabugin namin lahat ng 'yon para maalerto ang lahat at mapukaw no'n ang kanilang atensyon.
"This will be a huge fire!" Tegan blurted out. "And a huge trouble at the same time."
"Basta walang masasaktan dito ah?" sabi pa ni Corbie. Saka siya bumaling sa akin. "Lalo ka na, Aya. Kapag may nangyari sa 'yo ay lagot tayo kay Tita Astra. Lalo na kay... Master Brix."
I nodded. "Malakas na ako!"
"Hays!" Corbie pouted his lips. "Tegan, magbaon tayo ng maraming supot ng dugo. Hindi pa bihasa si Aya sa pangangaso kaya baka mahirapan siya."
"Naiintindihan ko..." sang-ayon ni Tegan.
Nilapitan ako ni Corbie. Hinawakan niya ang balikat ko.
"No one will hurt you, Aya..." he whispered.
"Syempre kasama niya ako!" Marahan na tinulak siya ni Tegan palayo sa akin. Saka niya ako hinigit palapit sa kanya. "Takot lang nila..."
"Sus. E 'di tayo na lang dalawa magbantay sa kanya!"
"Kaya ko na nga ang sarili ko!" sambit ko rin. "Hindi niyo na ako kailangang bantayan."
Muli naming patagong binisita ni Limuelle. Sinabi namin sa kanya ang plano naming pagtakas mamayang gabi pero hindi ang parte na nakatakda siyang bitayin bukas ng gabi. Baka kasi matakot siya sa amin.
"Talaga?" Kumagat sa mansanas si Limuelle. "Itatakas niyo talaga ako? Hindi kaya mapahamak din kayo?"
"Iyon na nga, pare, eh..." ani Koko.
"That doesn't matter anymore. Kaibigan ka namin, Lim," sabi ko habang pinipigilan ang pag-iyak. "Hindi ka namin pababayaan. Maglalaro tayo sa labas hanggang sa magsawa tayo!"
"Takbuhan ba 'yang laro?" Humalakhak si Koko kaya tinapalan ni Tegan ng kamay ang bibig nito.
"Hinaan mo boses mo, Koko..." bulong ni Tegan.
"Oo na!" Tinulak siya palayo ni Corbie. "Basta ang akin lang ay si Aya talaga pakay ko rito, okay? Kapag nagkagulo ay siya ang uunahin kong iligtas!"
"Okay lang kahit ihuli niyo na ako!" nakangiting sabi ni Limuelle.
Suminghap ako saka yumuko. Napaiyak na naman ako.
"Hindi. Walang malalagas sa atin!" ani Tegan. "Walang iwanan na mangyayari."
"Saan tayo pupunta?" biglang tanong ni Lim.
Natigilan kaming tatlo. Napatingin kami ni Corbie kay Tegan na mukhang hindi rin alam ang sagot.
"K-kahit saan! Basta malayo rito..." Tegan smiled.
Nung matapos kaming magplano ay nagsiuwian muna kami. Dumiretso ako sa silid ko. Binisita ko kanina si Mama sa kwarto niya pero nakita kong natutulog siya. Hindi ko rin makita si Papa.
Kinuha ko ang bag na binigay ni Mommy Nathalia. Naglagay ako ng mga damit doon pati ang iba kong mga libro. Pati ang bato na niregalo sa akin ni Corbie na may inukit na pangalan ko.
Nanatili ako sa loob. Pagsapit ng alas sais ng hapon ay lumabas na ako ng silid ko. Siniguro ko munang walang nakabantay sa akin. Saka ako tumakbo papunta sa likod kung saan naabutan ko si Corbie.
"Aya!" Patakbo niya akong sinalubong. "Mabigat ba 'yang bag mo? Ako na!"
"Kaya ko!"
"Okay..." Inalis niya ang talukbong ng jacket sa ulo.
"Nasaan si Tegan?" tanong ko.
"Hinahanda na ang mga paputok..." Humikab si Corbie. "Oo nga pala, Aya. Kapag narinig na natin ang malakas na pagsabog ay tumakbo ka agad sa likod. May daan doon pero walang bantay dahil tatakbo silang lahat sa pinanggalingan ng pagsabog. Mauna ka na sa labas..."
"Huh? Kayo?"
"Huwag kang mag-alala..." Hinawakan niya ang mga balikat ko. "Babantayan naman kita. Kailangan lang naming itakas si Limuelle tapos susunod din kami agad sa 'yo sa labas!"
Napalunok ako. Biglang nangatog ang mga tuhod ko. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na tatakas ako pero ngayon lang ako kinabahan nang ganito.
"I am watching you, Hyacinth," Corbie whispered as he smiled. "Gaya ng ginagawa ko noon pa..."
Naguluhan ako. Magtatanong pa sana ako pero napatalon ako sa gulat nung dumagundong ang lupa kasabay ng isang malaking pagsabog.
"Takbo, Aya!" sigaw ni Corbie.
We both ran in separate ways. Siya ay papasok sa loob at ako naman ay palabas sa likod. Bumaling pa ako sa kanya. Nginitian niya ako saka tumingala. Sinundan ko ang tingin niya. May uwak na lumilipad sa itaas.
That gave me a comforting feeling.
He's watching me. I am not alone.
Mabilis na umakyat ako sa itaas ng puno nung makita ang mga kawal na tumatakbo. Hinintay ko muna silang makaalis bago ako bumaba at nagpatuloy sa pagkatbo. Walang naiwan sa tarangkahan kaya mabilis akong nakalabas.
Habang palayo ay muli kong binalingan ang pinanggalingan. Suminghap ako saka na rin mas binilisan ang paglayo. Bigla kong naisip si Mama.
Sorry, Mama. Pero kailangan kong itakas ang kaibigan namin. Pangako po hindi na ako iiyak. Magpapakalakas ako para hindi ako mapahamak. Sorry talaga, Mama. I love you.
I was running into the dark woods, holding my breath while silently hoping they successfully freed Limuelle. Sana ay palabas na rin sila ngayon ng Esparago Clan.
Ngayon na may nalalaman na ako tungkol sa mundo, nagkaroon ng takot sa dibdib ko. Alam kong mapanganib sa labas, higit sa inaakala ko. Kaya pala gano'n na lang sila kahigpit sa akin.
Nung masyado na akong malayo ay hininaan ko ang pagtakbo pero hindi pa rin ako huminto. Tumingala ako. Nakasunod pa rin sa akin ang itim na uwak. Alam kong masusundan nila ako agad dahil sa uwak.
Mag-iingat kayo...
Nung makaramdam ng pagod ay tuluyan na akong huminto sa pagtakbo. Mukha namang masyado na akong malayo para masundan. Nagpahinga ako sa itaas ng puno. Ayokong manatili sa ibaba dahil baka may umatake na naman na mabangis na hayop.
I roamed my eyes around the area. There was nothing but huge trees. Pero ayon sa nabasa ko, hindi rin kalayuan dito ay matatagpuan ko na ang tinutuluyan ng mga tao. Alam kong bawal kami roon. Hanggat maaari ay kailangan namin silang layuan dahil hindi lang kami ang mapapahamak, maging sila.
That's when I let my guard down. Nakakapagod din palang maging alerto. Nasanay kasi ako sa loob ng Esparago Clan na lagi akong ligtas kaya kampante ako. Hindi tulad dito.
I sighed as I stared at the oblivion. Matagal pa ba sila?
Umakyat sa dibdib ko ang kaba nang makaramdam ng kaluskos.
Mabangis na hayop. Iyon ang agad na pumasok sa isipan ko. Imposible naman kasing nasundan ako agad nila Corbie. Saka masyado silang maingay para maging kaluskos lang.
I sniffed. Wala akong maamoy na kakaiba. That's when I realized... it was not a wild animal. Malamang na isa rin itong bampira gaya ko kaya hindi ko mawari kung ano'ng klaseng nilalang.
"Y-you can't scare me..." I mumbled.
Ramdam kong palapit nang palapit sa akin ang kaluskos. Nagsimula na rin akong kabahan. Should I run now?
"I can fight!" I said with my chest.
I heard a giggle.
Nanlaki ang mga mata ko. Doon na talaga ako napatakbo. Mabilis akong tumalon pababa ng puno saka dali-daling nilisan ang lugar na 'yon. Nakasunod siya sa akin, ramdam ko.
"Stop!" Bumaling ako sa likod ko. Wala akong makita. "May mga kaibigan ako at papunta na rin sila ngayon dito. If I were you, I would run away now. Hindi mo kami kakayanin!"
It's not listening to me. I know I am fast, but this one is faster.
This is not working. Mas lalo lang akong mapapagod sa pagtakbo.
"Sorry, Mama..." bulong ko.
Huminto na ako sa pagtakbo. Bumaling ako sa likod. Nawala rin agad ang kaluskos pero alam kong nasa tabi ko lang siya at nakamasid sa akin.
"Scary monsters can smell your fear," Tegan once said.
"I am not really scared..." Kinalma ko ang sarili. "My father trained me for this day."
The silence made it scarier, knowing it was still around and waiting for the perfect time to attack me. I stood still, but my senses were covering the radius around me.
Behind the tree... I could feel it there.
I swallowed. "I can see you..."
Natigilan ako nung marinig na humalakhak siya. Lumabas siya mula sa likod ng puno. Halos maglupasay siya sa lupa dahil sa sobrang pagtawa.
I glared at her. "Wilma..."
"Nakakatawa ang hitsura mo!"
"It's not funny!" My fists clenched. "What are you doing here?"
Tumahan na siya sa pagtawa pero may nakakalokong ngiti pa rin sa kanyang labi. Humakbang siya palapit sa akin saka nagkibit-balikat.
"Followed you?" she answered, unsure. "Why are you here?"
"Hindi ka dapat sumunod sa akin!"
"Heh!" Inirapan niya ako. "Nakita ko kayong nagtagpo ni Corbie sa likod. Tapos nung may pagsabog na nangyari ay naghiwalay kayo. I chose to follow you."
"Bumalik ka na..." Tinalikuran ko na siya saka naglakad palayo.
"Wait!" She grabbed my arms. Saka niya ako hinarap. "Ano ba talaga ang plano niyo? Bakit ka lumabas ng Esparago Clan?"
"I can't tell you..."
"Why not?" she frowned. "Wait..."
Her eyes widened.
"Magtatanan na kayo ni Corbie?!" bulalas niya.
Napangiwi ako. "Magtatanan? Ano 'yon?"
Tumikhim siya. "Mag-aasawa."
Nanlaki ang mga mata ko. Saka ako tumawa nang malakas.
"So... hindi?" tanong ni Wilma. "Pero may dala kang malaking bag. Ganyan na ganyan ang mga nagtatanan!"
"Hindi nga!" Tumahan ako sa pagtawa. "Pero hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo ang totoo!"
"Okay..." Ngumiti siya. Ginala niya ang tingin sa paligid. "Hindi rin ako babalik. Mukhang masaya 'tong ginagawa niyo tapos hindi man lang ako kasali. Sinabi mo kanina na darating ang mga kaibigan mo..."
Natigilan."T-that's a lie. Sinabi ko lang 'yon para matakot ka."
"You are not good at lying, Miss Cardinal," Wilma smirked.
Napangiwi ako. Patay ako nito kina Corbie kapag nalaman nilang nasundan ako ni Wilma. Ang higpit pa naman ng bilin nila na kailangan ay sikreto ito.
"Pero..." Huminga ako nang malalim. "Wala bang nakasunod na kawal sa 'yo?"
Lumingon naman siya sa likod. "Wala naman yata. Nagkagulo ang lahat nung magkaroon ng malaking pagsabog." Humarap siya sa akin, nanlalaki ang mga mata. "D-don't tell me..."
"Good." I sighed.
"What's really happening?"
I shook my head. "Hintayin na lang natin sila rito. Napagod ako sa katatakbo kaya sila na lang ang magpapaliwanag sa 'yo."
Binuksan ko ang bag ko saka kumuha ng isang supot ng dugo. Inalok ko si Wilma pero tumanggi lang siya. Patuloy pa rin siya sa pagtatanong ng kung anu-ano.
Namahinga ako sa ilalim ng puno. I looked up at the sky. The crow perched on the branch of a tree. It's gawking at us. It felt uncomfortable, kahit na alam kong si Corbie ang nakatingin.
"Hyacinth..." Tumabi sa akin si Wilma saka niyakap ang kanyang mga binti. "Narinig mo na ba ang balita? 'Yung batang tao na kinita natin?"
I nodded. "I heard about that..."
"Kawawa naman siya 'no? Sayang ang dugo niya."
"Right." I smiled. "That's the purpose of this escape."
She looked confused. Before she even opened her mouth, they had finally arrived. Akay-akay nina Tegan at Corbie si Limuelle na nakangiti.
I sighed in relief. Mukhang nagtagumpay kami.
"W-Wilma?" Tegan looked surprised. "What are you doing here?"
"Anak ng—" Napakamot sa batok si Corbie. "Bakit may kasama tayong asungot?"
"Oh, my God. Tinakas niyo siya!" Napatayo si Wilma sa sobrang gulat.
"Natapilok siya kaya hindi makalakad nang maayos," ani Tegan. Inupo niya sa ilalim ng puno si Limuelle na ngayon ay nakangiwi. "Kailangan muna niyang magpahinga bago tayo magpatuloy sa paglalakad."
"Pasensya na. Ang dilim kasi. Hindi niyo naman ako katulad na mga bampira!" Humalakhak si Limuelle pero agad na napangiwi nung idiin ni Tegan ang kanyang paa.
I looked at Corbie. He looked bothered. Maya't maya ang pagtingin niya sa paligid na animo'y nag-aalala na may nakapaligid sa amin na hindi maganda.
Corbie got startled when I tapped his shoulder.
"Thank you..." I smiled at him.
"Nakakapanibago..." Mahina siyang tumawa. "Lumaki ako nang walang tahanan at tanging pagtakbo ang ginagawa kapag hindi kaya ang kaharap. Ilang sandali lang ako sa pangkat niyo pero nanibago ako agad ngayon na nasa labas na ako uli."
"Is he bleeding?" I heard Wilma asked, thrilled.
"He's not. He just sprained his ankle," sagot naman ni Tegan.
"Maybe he needs to bleed?" suhestyon pa ni Wilma. "I volunteer!"
"He's not your food, Wilma!" singhal ko naman.
"Pwede ko naman kayong painumin ng dugo ko kung gusto niyo!" ani Limuelle.
"Yes! Thank you!" Napatalon sa tuwa si Wilma. "Ako mauuna ah?"
"Stop!" I pushed her away from Limuelle. "Rule number one, don't touch Limuelle. Ano pa ang silbi ng pagpapatakas natin sa kanya kung tayo rin pala ang mananakit sa kanya?"
Wilma furrowed her brows. "Who do you think you are?"
"She's our leader," biglang sabi ni Tegan kaya napalingon ako sa kanya. Nginitian niya ako. "Hyacinth will be the leader of our group from now on."
Natikom ang bibig ko. Leader?
"Fine! Whatever you say!" Humalukipkip si Wilma, tila nababagot na. "So... what's the plan? Tinakas niyo ang tao kaya malamang na hahanapin din nila ito."
"May alam na lugar si Lim. Doon muna tayo tutuloy sa ngayon," anunsyo ni Tegan habang hinihilot ang paa ni Limuelle. "Hindi rin naman tayo magtatagal doon."
"Hays. Wala na bang ibang lugar?" tanong pa ni Corbie.
"I like that idea more!" biglang sabi ni Wilma. "Let's stay there temporarily."
"Asungot talaga..." bulong ni Corbie.
May kinuha si Tegan sa kanyang itim na sling bag. Isa-isa niya kaming binigyan ng face mask, maliban lang kay Limuelle. Naguluhan naman ako kung para saan ito.
"What's this for?" I asked.
"To disguise?" tanong naman ni Wilma.
Tegan shook his head.
"Malapit sa tirahan ng mga tao ang tutuluyan natin. The purpose of those face mask is to distract our senses from their smell. Always wear your face mask."
My lips parted. Hala!
"Habang patagal nang patagal ay palala nang palala ang mga plano ni Tegan..." ani Corbie. "Bahala kayo. Basta si Aya lang talaga ang pakay ko rito."
Napangiwi ako nung tumili si Wilma.
"Let's go guys! Excited na ako!" sabi pa niya.
Tutuloy kami... malapit sa mga tao?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro