Chapter 19
Chapter 19: TEP
Astralla
It's not just a dream.
I could feel it in my heart. Kung dati ay kaya kong ipasawalang-bahala ang panaginip na 'yon, ngayon ay hindi ko na gagawin 'yon. I need answers. I need it as soon as possible.
Pakiramdam ko habang tumatagal ay palalim nang palalim ang hukay na maaari kong bagsakan kapag hindi pa rin naintindihan ang mga pangyayari.
Ilang araw rin akong hindi gaanong makausap. Naabutan ko ang sariling nakatulala habang kausap si Brix o 'di kaya'y hindi makasagot sa mga tanong ni Hyacinth.
Hindi pa pumuputok ang araw ay bumangon na ako sa higaan. Mahimbing pa rin ang tulog ni Brix na walang saplot. Kumuha ako ng damit saka sandaling naligo. Hanggang sa matapos ako ay hindi pa rin gising si Brix.
I went out of our room. Pumunta ako sa silid ni Aya. Naabutan ko siyang mahimbing ang tulog. Yumuko ako para pulutin ang librong nahulog niya. Nanigas ako sa kinatatayuan nang mapagtanto kung saan tungkol ang libro. Tungkol ito sa mga tao.
She's starting to explore the other world.
"TEP..." she murmured.
What?
Tinaas ko hanggang leeg niya ang kumot. Nung masigurong kumportable na siya at malinis ang kwarto ay lumabas na rin ako. Naabutan ko si Koko na nagja-jog. Wala siyang daming pang-itaas.
"Tita Astra!" nakangiting lumapit siya akin. Mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang mga balikat. "Good morning po. Gising na ba si Aya?"
I smiled at him. "Good morning, Koko. She's still asleep."
"Gano'n ba?" he sighed. "May pupuntahan ba kayo?"
"Magpapahangin lang..."
Tumango naman siya.
"Come and join me," yaya ko sa kanya.
Lumiwanag ang mukha niya. "Sige po!"
We went in a meadow to witness the sunrise. Magkatabi kami ni Koko na nakaupo sa damuhan. Bumaling ako sa kanya. Nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata habang nakatingin sa pataas na araw.
"Ang ganda..." bulong niya.
I chuckled. "Ngayon mo lang ba nasaksihan ang pagsikat nito?"
Tumango naman siya. "Opo. Madalas kasi ay ipinagsasawalang-bahala ko lang ito. Ang ganda pala 'no? Habang pataas nang pataas, paliwag din nang paliwanag ang paligid."
My hand unconsciously moved to his hair. Natulala siya sa akin habang hinahawi ko ang kanyang buhok. Lumawak ang ngiti sa kanyang labi.
"Nakakakiliti..." he giggled.
"You are so cute..." Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Kumusta naman ang pananatili mo rito, Koko? Masaya ka naman ba?"
Mabilis na tumango siya. "Sobra!"
"Good to know..." Suminghap ako. "Huwag ka nang aalis dito ah?"
Natikom ang bibig niya. Saka siya umiwas ng tingin.
I sighed. Humarap ako uli sa araw na mataas na ang sikat.
"Hindi ba kayo natatakot sa akin, Tita Astra?"
Nakuha niya uli ang atensyon. "Huh? Bakit naman?"
"Alam mo na, hindi ba?"
Natigilan ako. That caught me off guard. He knew.
He smiled. "Hindi naman po ako bad, Tita Astra. Saka kapag po pumunta rito ang mga kasama ko para kunin ako, sasama naman po ako agad para hindi na kayo madamay. Bad po kasi sila, eh. Baka saktan nila kayo..."
I held my tears back as I tried not to break down. I wanted to hug him so bad. So... that's when I let myself do what I want. I pulled him into a tight hug.
Hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo. The familiar pain crept into my chest as I hugged him tighter. Napangiti ako nang maramdaman na yakapin niya ako pabalik.
"H-hindi ko hahayaan na kunin ka nila sa akin," bulong ko. Sinabi ko 'yon sa parehong paraan ng pagkakasabi ko sa aking panaginip. "Hindi ka nila makukuha sa akin..."
Naramdaman kong tinulak niya ako palayo. Nakita kong pumatak ang luha sa kanyang mga mata bago tumayo at tumakbo palayo.
Why... does it feel like this?
Bumalik ako sa tinutuluyan namin. Naabutan ko si Brix sa balkonahe. Nakatalikod siya sa akin at nakatingin sa malayo. Tanging pantalon lang ang suot niya.
Tumabi ako sa kanya. Gumapang naman sa likod ko ang kanyang braso. Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat. We stayed like that for a moment.
"The kid can't be saved anymore..." Brix whispered.
I nodded. "I see..."
"He will be executed tomorrow night."
Bumaba ang tingin ko kay Aya. Nakita ko siyang tumakbo kay Tegan. Tumatalon-talon pa ang anak ko na tila excited siya sa sinabi ni Tegan.
"She's turning three soon..." I whispered.
I don't remember what I was doing when I was three, but surely not like this. Malamang na wala pa akong muwang sa mundo. Malamang na paglalaro lang ang nasa isip ko.
I wanted to feel bad for my daughter for not experiencing the magical way of being a human, but I had already abandoned that thought a long time ago. I can't compare her to a human. There were pros and cons of being a vampire, but I am contented to see that she's happy.
Napatingin ako kay Brix. Diretso ang atensyon niya sa isang puno sa hindi kalayuan. May itim na uwak doon na tila nagmamasid sa paligid. Alam kong si Koko 'yon.
"What are you thinking, Brix?" I asked.
"How do you see me, Astra?"
Naguluhan ako. "What do you mean?"
Hinarap niya ako sa kanya. Hinaplos niya ang mukha ko.
"Did I let my guard down that long?" he asked. "You see. I didn't notice that our daughter was missing. Not even a clue about her whereabouts. When I became the king of Severus Kingdom, I have let my guards down. Napanatag ako nang husto."
"That's because you have nothing to be worried about anymore. The war is done, Brix."
Dumiin ang tingin niya sa akin. "Is it?"
"What?"
He swallowed. "I think... I failed something, Milady..."
I shook my head. "No. You accomplished everything, Brix!"
"Really?" Lumungkot ang mukha niya. "Why do I feel bothered?"
Natutop ako sa kinatatayuan.
"Maybe... I really missed something," he whispered.
"The crows, right?" My lips trembled. "You can feel it. The crows you see now... they were there when the war happened. They have seen everything..."
He held my hand tightly. Saka niya ito nilapit sa kanyang labi para halikan.
"I will talk to Lady Majika..." he said.
I nodded. "Please..."
"I will be back..."
Muli kong tiningnan ang anak ko. Taimtim silang nag-uusap ng kanyang mga kaibigan. Sa muling pagharap ko kay Brix ay wala na siya.
Today is a good day to relax. Inaya ko sila Aya, Koko at Tegan para mag-picnic kami. Sina Koko at Aya lang ang sumama dahil may gagawin pa raw si Tegan.
Nakangiti ako habang pinanuod sina Koko at Aya na mag maghabulan. For some reason... they gave me a relief. Nawala panandalian lahat ng bumabagabag sa isipan ko.
"Mama!" tawag sa akin ni Aya na nakangiti habang nakaakbay kay Koko.
"Mama!" ginaya siya ni Koko.
Mabilis na tumalikod si Koko saka tumakbo palayo. Sinundan naman siya agad ni Aya. Bumaba ang tingin ko sa bulaklak na hawak ko na galing kay Koko.
Corbie...
"Tegan!"
Napatingin ako kay Tegan na lumapit kina Aya at Koko. Nag-usap na naman sila nang masimsinan. Narinig ko pang may binulong si Tegan.
"TEP..."
That was the exact word I heard from Aya when she was asleep.
"Mama!" Nilapitan ako ni Aya. "Maglalaro muna po kami nina Tegan at Koko sa Three House."
"Huwag kayong lalayo ah?"
Niyakap ako ni Aya bago sumama kina Tegan at Koko.
Habang palayo sila ay kay Corbie lang ako nakatingin.
Nagpalipas pa ako nang ilang minuto bago bumalik. Wala pa rin si Brix. Sana ay maliwanagan na kami pagbalik niya. Sana ay dala na niya ang sagot sa mga katanungan namin.
I stayed in our room. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Hapon na rin nung magising ako. Wala pa rin si Brix. Sana lang ay huwag siyang matagalan.
Lumabas ako ng kwarto. Dinala ako ng mga paa ko sa likod. Pinagmasdan ko ang mga puno. Iba talaga ang pakiramdam na dala ng lugar na ito. Sabagay... rito namin ginawa ni Brix ang ritwal.
Everything started... here. If so... the answer to my questions also lies... here.
I sighed. Kagigising ko lang pero pakiramdam ko ay pagod na naman ko.
"Sabi na dito lang kita makikita, eh," ani Abel na kararating lang. "Saan nga pala pumunta si Brix? Parang nagmamadali kasi siya. What happened?"
I shook my head. "Nothing..."
"Okay..." he sighed.
Humarap ako sa kanya. Lumunok ako.
"Nasaan ba talaga si Ginang Melendez?" tanong ko na naman kahit na alam ko nang wala rin silang ideya. "Bakit bigla siyang nawala?"
When she left, she took away all the answers to my questions.
"Hindi ko nga rin alam..." Kumamot siya sa kanyang batok. "Bakit ba hinahap mo siya? May nangyari na naman ba sa anak mo?"
"No. I think she's hiding something from us... from me."
"What do you mean?" Tila naalerto rin si Abel. "Oh, right. Her sudden disappearance is really weird. Wait." Tila naguluhan naman siya. "Nung natagpuan kita rito na nakahandusay, binanggit mo ang pangalan niya."
Kumunot ang noo ko. "What? Nakahandusay?"
"You missed him so much that night, right?" Mapait siyang ngumiti. "Kaya ka lumabas ng kwarto pagkatapos mong magsilang? Umasa kang andito lang siya sa paligid. Pero... bakit si Ginang Melendez ang binanggit mo noon?"
"No." Lumunok ako. "Wala akong matandaan na lumabas ako ng kwarto ko pagkatapos kong ipanganak si Aya, Abel. Hindi ako lumabas!"
He looked confused. "Huh? Naabutan kitang nakatumba rito sa lupa..."
Nanlambot ang mga tuhod ko. Napaupo ako kasabay ng pagbuhos ng mga luha sa mata ko.
"Astra!" Yumuko si Abel. "Ayos ka lang?"
I sobbed when the realization struck me.
"Baka hindi mo na lang matandaan kung bakit ka lumabas?" kabadong sabi ni Abel. "Is it that serious? Holy shit. I don't understand."
What the fuck?
I thought I was dreaming all along.
That dream... has already happened.
Totoo ang lahat ng 'yon. Ang iyak ng bata... ang pakiramdam na parang may gustong kumuha sa anak ko. Nangyari na pala talaga 'yon.
My chest tightened. Sobrang sakit ng pakiramdam ko. Ramdam ko rin ang nangangalaiting galit sa sarili. Bakit ko hinayaan na mangyari ito?
Bakit ko hinayaan na magtagumpay siya?
Isang pangalan ang agad na pumasok sa isipan ko.
Mabilis akong tumayo at tumakbo. Hinabol naman ako ni Abel. Hindi pa kami tuluyang nakakalayo nung makarinig ng isang malakas na pagsabog.
"Shit. Pumasok ka muna sa silid mo, Astra. Titingnan ko lang ang pinanggalingan ng pagsabog!"
Natulala ako sa mataas na apoy sa hindi kalayuan. Pakiramdam ko ay nauulit na naman ang lahat. Pakiramdam ko ay kailangan na naman naming makipaglaban.
"Nangyari na ang nakatakda..."
Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Pakiramdam ko ay nabuhay ang dugo ko nung makita siya. Nagliyab ang mga mata ko at hindi nagdalawang-isip na hawakan siya sa kanyang leeg.
Lady Melendez strangely smiled at me.
"Ang nakatakdang mangyari ay mangyayari, Astra..."
"No. Stop this madness, Lady Melendez. You planned this..." Diniinan ko ang pagkakahawak sa kanyang leeg. "Una pa lang ay siniguro mong mangyayari ito..."
She shook her head. "Pinigilan ko lang ang mga mangyayari pa..."
"W-why did you do that?"
She sighed. "Hindi mo pa kilala si Brixton, Astra. Hindi mo alam ang kaya niyang gawin. Habang andito siya ay hindi mapapanatag ang lahat!"
Using my shaking hand, I slapped her hard. Napaatras siya at nagdugo ang ilong. Sa halip na magalit ay nagawa pa niyang humalakhak.
"Sino, Astra? Sino ang piliin mo?"
"Stop!"
"Ang batang matagal mong nakasama o ang batang nangungulila sa pagmamahal mo—"
I abruptly went towards her. Hinawakan ko siya sa leeg saka inangat sa lupa. Napaubo siya ngunit hindi nagpumiglas sa pagkakahawak ko. Nagawa pa nga niya akong ngitian.
"Y-you took him away from me..." Nanginig ang mga labi ko habang patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. "Sinira mo kami!"
I pushed her away. Napasandal siya sa puno. Sa lakas no'n ay napayuko siya at nagsuka ng dugo. Mabilis akong nakalapit sa kanya at hinawakan ang kanyang panga.
"A-alam ba 'to ni Corbie?" madiin kong tanong.
"Alam niya lahat, Astra. Kaibigan niya ang mga uwak na nakasaksi kung paano ipagtanggol ng asawa mo si Hyacinth. Kung paanong binuwis niya ang kanyang buhay para lang mailigtas siya."
I clenched her jaw. "P-paano mo nagawang ilayo siya sa akin? Paano mo nasikmurang makita siyang nahihirapan? Paano, Ginang Melendez? Gano'n ka ba kawalang-puso?!"
"Bakit, Astra? Sa tingin mo ba kung hindi ko ginawa 'yon ay nakatayo ka ngayon sa harapan ko? Nagtatangis ang mga bagang at nangangalaiti sa galit? Sa tingin mo ba kung hindi ko ginawa 'yon ay masaya ka ngayon?"
Kumalma ang pakiramdam ko.
"Ginawan pa rin kita ng pabor, Astra. Binigyan kita ng sapat na panahon para sa pagkakataong ito..."
"Astra!" Napatingin ako kay Abel na gulat ang mga mata. "G-Ginang Melendez?"
"Ano ang nangyari, Abel?" tanong ko nang hindi pa rin binibitiwan ang panga ni Ginang Melendez. "Bakit may pagsabog na nangyari?"
"I-it was intentional. Wala na ang batang lalaki..."
Humalakhak si Ginang Melendez. "Sa wakas!"
"Where's Aya?" I asked.
Suminghap si Abel. "Hindi ko sila makita..."
Madiin akong napapikit.
"Hawak mo na ang huling piraso, Astra. Ano ang gagawin mo riyan?" tanong pa ni Ginang Melendez. "Wala na kayong magagawa kung hindi ang tanggapin ang katotohanan!"
I smirked at her. "We survived the war. Do you think we can't survive this?"
"Pero... sino ang ang matitira?"
"Hindi ko alam. Alam mo kung ano lang ang alam ko ngayon?" Nilapit ko sa kanya ang aking mukha. "Hindi mo na kailanman pa malalaman."
Dahan-dahan kong pinasok ang kamay ko sa kanyang dibdib at paglabas nito ay hawak ko na ang kanyang puso. Pagbitiw ko sa kanya ay agad siyang tumumba sa lupa. Tinabi ko sa kanya ang puso niya.
I sniffed as I turned back.
Kailangan kong hanapin ang mga anak ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro