Chapter 18
Chapter 18: Mission
Hyacinth
After the family painting, I also played with Papa. He's so hilarious. Ayaw na ayaw niyang sinasabi kong mas gwapo si Tegan sa kanya. Hindi na raw niya ako bati kapag sinabi ko 'yon.
He's more handsome than Tegan. I don't need to say that.
"Saan ka galing?" nababagot na tanong ni Tegan pagkaakyat ko sa Three House. "Sabi mo ay magpapalit ka lang pero tumagal ka nang ganito."
Inayos ko ang flower crown sa ulo kaya napatingin doon si Tegan. Tila napawi naman ang pagkabagot nito nang masilayan na suot ko pa rin ito.
"You really liked it huh?" he smirked.
"I loved it!"
Tegan chuckled. "So, bakit ka nga natagalan?"
"Nag-family painting kami e." I turned to Corbie. He was lying on the floor. Nakahubad siya at nakatakip sa kanyang mukha ang damit. "Is he sleeping?"
Tegan stood up. Lumapit siya kay Corbie.
"Koko..." untag niya kay Corbie.
"Hmm?" Inalis ni Koko ang damit sa kanyang mukha. Nanliliit ang mga mata niya habang nakatingin sa amin. "Andyan ka na pala, Aya. Akala ko wala ka nang balak dumating."
I smiled, thrilled.
"Ready?" Tegan asked.
"Kanina pa kaya!" ani Koko. Bumangon na siya at nag-inat ng katawan. Sinuot na rin niya ang damit. Ginulo niya ang buhok at humikab pa.
Tegan turned to me. "Baby Aya?"
"Let's go!" I said.
We are planning to visit the human boy. Hindi kami papayagang makapasok kaya patago ang misyon na ito. Gusto lang namin siyang makausap o makumusta man lang. He must lonely on the jail.
"This is a very confidential mission, all right?" Tegan nudged us once again.
"I know," I responded.
I'm certain that once we get caught, we will be in trouble. Hindi lang kami kung hindi pati ang batang lalaki ay maaaring mapahamak kapag pumalya kami.
"Ako ang magbabantay sa itaas!" pagsagip ni Koko.
Sabay-sabay na sumilay ang ngiti sa labi namin. Determinado na kami sa planong ito. Sa katunayan ay hindi ako ang nagplano nito. It's all Tegan's idea.
"Where?" Napatingin kami sa bagong akyat na si Wilma.
"Wilma?" takang tanong ni Tegam.
"Mukhang may pupuntahan kayo ah?" pag-usisa pa ni Wilma habang ginagala ang tingin sa loob ng Three House. Dinaanan niya ako ng tingin bago pumirmi ang tingin kay Tegan. "Saan nga?"
"Bawal kang sumama," diretsong sabi ni Koko.
Nalipat sa kanya ang tingin ni Wilma. "I'm sorry, but I don't talk to insurgents."
"Wilma..." may pagbabanta sa tinig ni Tegan. "You can't go with us."
"Why not?" pagpupumilit nito.
Huminga nang malalim si Tegan. Nilapitan niya si Wilma at aktong hahawakan ang braso nang ilayo niya 'yon. Humakbang ito paatras at pinilig ang ulo.
"Sasama ako," aniya.
"Ang kulit mo ah?" tila napipikon na sambit ni Koko.
Wilma disregarded him. "So... where nga?"
"Aya..." bulong ni Koko sa 'kin. "Tama ka nga. Nakakaasar ang babaeng 'to."
Siniko ko si Koko nang mapatingin sa amin si Wilma. Nagtaas ito ng kilay sa akin bago umismid. Nilapitan niya si Tegan at kinawit ang kamay sa braso nito.
"Sama ako, please?" paglalambing niya.
Kung hindi ko lang alam na pagpapanggap lang ang nangyari sa kanila ni Tegan ay malamang na maiinis pa rin ako sa kanya. Tinakot ni Wilma si Tegan na isusumbong niya kay Mama ang ginawa ko sa kanya kapag hindi sumama sa kanya si Tegan.
I still feel terrible for Tegan. Muntik ko na siyang kasuklaman dahil doon.
"Ang kulit ng bungo mo ah?" bulalas ni Koko.
Bumaling sa kanya si Wilma. "Corbie, right?"
Tumitig lang sa kanya si Koko.
"Forget it. I still don't talk to insurgents," pagmamaldita nito bago hinigpitan ang pagkakapit sa braso ni Tegan. "I will come whether you like it or not."
Tegan looked at me. He looked hopeless about this situation.
Mukhang wala na rin kaming pagpipilian. Kapag hindi namin sinama si Wilma ay hindi namin mababantayan ang kilos niya. Baka nga isumbong niya pa kami.
"Fine!" Tegan gave in.
"Yay!" Tumalon si Wilma at yumakap kay Tegan.
Narinig kong tumawa si Koko. "Payakap-yakap pa."
"Sasama ba si Corbie?" tanong ni Wilma.
"Of course!" agap kong sagot. "We can't leave without him."
Ngumiwi ang mga labi ni Wilma. She looked disgusted.
"Fine!" aniya na parang napilitan pa. "Just don't get near me and we are good."
"Ayoko rin namang katabi ang hindi naliligo," ani Corbie.
Nanlaki ang mga mata ni Wilma. "W-what the hell are you talking about?"
Corbie just smirked.
Kumunot ang noo ko.
"Naliligo ako!" ani Wilma.
"Naghihilamos ka lang lagi tapos hindi ka nagpapalit ng—"
Nilapitan ni Wilma si Corbie at sinampal. Pare-pareho kaming nagulat sa ginawa nito. Kasabay no'n ay ang pagbuhos ng luha sa mga mata ni Wilma.
"I-I hate you so much, Mr. Insurgent!"
Umupo sa isang sulok si Wilma. Niyakap niya ang mga tuhod at yumuko roon. Humahagulgol ito. Ramdam kong nasaktan ito nang husto sa sinabi ni Corbie.
Koko looked puzzled.
"We can't go like this." Bumuntonghininga si Tegan.
Siniko ko si Corbie.
"Ano?" tanong niya sa akin. "Totoo naman 'yon e."
"Paano mo nalaman?" Umangat ang mukha ni Wilma. Punong-puno siya ng luha. "Fine. You are right. Hindi ako araw-araw naliligo pero... paano mo nalaman?"
Tila nataranta naman si Koko.
Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto.
Mabilis na umiling si Koko. "Hala. Hindi ko naman sinasadya!"
"So... sinisilipan mo nga ako?" tanong ni Wilma.
"Minsan..." Yumuko si Koko.
"Crush mo ako?"
Biglang umangat ang ulo ni Koko. Nanlalaki ang kanyang mga mata.
"C-crush? Hindi ah!" umiwas ng tingin si Koko.
"Hmmp!" Nagpunas na ng mga luha si Wilma at tumayo na uli. "Kapag nahuli kitang sinisilipan pa ako, hindi na ako magdadalawang-isip na hugutin ang mga mata mo."
Hindi na kumibo si Koko. Tila hiyang-hiya ito.
Don't tell me he really did it again?
Napatingin ako kay Tegan. Nagkibit-balikat lang siya sa akin.
"Are you okay now?" tanong ni Tegan.
"No!" madiin na sagot ni Wilma. "Pero okay na. Hindi na ako makapag-iinarte kasi sandali lang ang oras ng pahinga ko. Kailangan ko rin agad bumalik sa kusina."
"Okay. Good." Tegan nodded.
Finally... we have finally decided to go. Nasa unahan sina Wilma at Tegan habang kami naman ni Corbie sa likod. Nakayuko pa rin si Koko hanggang ngayon.
"Is that true?" tanong ko kay Koko.
Napatingin siya sa akin. "S-sorry. Hindi ko naman sinadyang masilipan siya—"
"Na may crush ka sa kanya?" tanong ko.
"Hindi ah! Wala!"
Tumango ako.
Huminto kami sa bungad ng kakahuyan para pag-usapan ang plano. Habang pinapaliwanag ni Tegan ang gagawin namin ay nagtatalo na naman sina Wilma at Koko.
"Ano naman ang maitutulong ni Koko?" pabalang na tanong ni Wilma.
"Malaki..." makahulugang sagot ni Koko.
Kumunot ang noo ni Wilma.
"Sasabihin ko sa mga bantay na pinapatawag sila ni Papa," ani Tegan. "Kapag nakaalis na sila ay saka tayo papasok. Ikaw ang magbabantay sa itaas, Koko. Sandali lang dapat tayo ah?"
"Ako na ang bahala," ani Koko.
Tumango si Tegan. "Okay. Malinaw na siguro ang lahat."
"Wait. Ano ba talaga ang gagawin natin?" tanong ni Wilma.
Napakamot sa batok si Tegan. Oo nga pala. Paalis na kami lahat-lahat pero hindi pa napapaliwanag kay Wilma kung ano talaga ang sadya namin.
"Can you explain her, Aya?" ani Tegan.
"Bibisitahin namin ang nahuling tao," sabi ko.
Nanlaki ang mga mata ni Wilma. Napalunok pa siya at halatang nasindak.
"Kakagatin natin siya?" tanong ni Wilma.
"Tanga!" ani Koko.
"No!" agap ko. "Kakausapin lang, Wilma. We won't hurt him nor terrify him. Kukumustahin lang natin siya."
"Hala? Sayang naman!" Wilma looked disappointed.
"We won't hurt him," saad ni Tegan.
"Fine!" Wilma let out a sigh.
Ginawa namin ang plano ni Tegan. Narito pa rin kami sa bungad ng kakahuyan habang si Tegan naman ay umalis na para kausapin ang mga bantay.
"Wala tayong gagawin?" inip na tanong ni Wilma.
"Hihintayin natin ang signal ni Tegan," paliwanag ko.
"How? He's too far from us!"
I looked at Corbie. Nakaupo ito sa sanga ng puno, nakasandal at nakapikit ang mga mata.
"Let's go!" Tumalon pababa si Corbie.
Hinawakan ni Corbie ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Naguguluhan man pero mabilis na sumunod sa amin si Wilma. Mabilis kami dahil kailangan.
Naabutan namin sa bungad ng pihitan si Tegan. Sinenyasan niya kaming pumasok na ginawa naman namin. Pagkatapos ay sinarado niya ang pinto.
"That was... so fun!" tili ni Wilma.
"Hush!" pigil sa kanya ni Tegan. "Lower your voice."
"Okay. Sorry."
I looked at the dark hallway. Sa bawat gilid ay may mga selda. They all looked empty... or not? Masyado ring madilim pero kita ko pa rin naman.
I've never been to this place before. I suddenly had an eerie feeling knowing; they put here every bad guy they caught. But the human boy was an exemption. He shouldn't be here!
"He's in the last cell," Tegan said.
Mabilis na humawak sa kanya si Wilma. "Ang creepy rito..."
Humawak din sa akin si Corbie. "Ang creepy rito..." paggaya niya kay Wilma.
Bumaling sa kanya si Wilma at inirapan ito.
I was looking around while walking to the end of the pathway. Malamig dito. I can't imagine being locked here for a few hours. Pero yung lalaki ay halos isang araw na rito.
He must be cold and scared.
We stopped at the last cell. Sa loob no'n ay may isang bata. Nakaupo siya sa dulo, nakayakap sa kanyang mga tuhod. Nasa tabi niya ang kanyang bag. Hindi nga niya yata alam na narito kami.
"Pst. Bata," tawag ni Tegan.
Unti-unti ay umangat ang ulo ng bata. I instantly recognized him. So... siya nga talaga ang nahuli. Siya ang tumulong sa akin nung muntik na akong mapahamak sa labas.
It sucks knowing I can't do anything to help him in return. The only thing I can do is to relieve his loneliness. But I don't think he even needs it.
The human looked at us one by one. Akala ko ay makikilala niya ako pero nilagpasan niya rin ako ng tingin gaya ng iba. Saka siya bumalik sa pagkakayuko na tila walang nakita.
Medyo nasaktan ako. Doesn't he recognize me?
"Hey. Lapitan mo kami. We are not bad guys," ani Tegan.
"Except Corbie," epal ni Wilma.
"Ano pangalan mo?" tanong ni Tegan.
Sa dami ng tanong namin ay wala man lang siyang nasagot. Ni hindi na nga niya kami tinapunan ng tingin. Nakaramdam ako ng sobrang pagkaawa sa kanya.
"Lalapitan mo kami o kakagatin kita?" pananakot ni Wilma kaya mabilis siyang binawalan ni Tegan.
"Tinatakot mo siya, Wilma," sambit ni Tegan.
"Baka ayaw niya magsalita kasi natatakot siya kay Koko?" sabi pa ni Wilma.
"Ako na naman? Ikaw kaya nagsabing kakagatin mo siya!" pabalang na sagot ni Koko.
"Hey..." I tried to call him, too. "Do you recognize me? Ako 'yung tinulungan mo sa labas. I haven't thanked you yet for that. Please, talk to me."
He still neglected us, but I am not giving up!
"Ex-boyfriend mo, Aya?" tanong ni Wilma.
"Boyfriend? Bata pa si Aya!" wika ni Koko.
Umupo ako at hinawakan ang bakal na rehas. I smiled at him even though he's barely looking at me.
I sniffed. "Thank you. May I know your name?"
For the nth time, he didn't respond.
"Paano tayo magiging magkaibigan kung hindi ko alam ang pangalan mo?" kunwari ay nagtatampo kong sambit.
That's when he looked up. Pumirmi ang tingin niya sa akin.
Patago akong napangiti. He really wants me to be his friend.
"Ayaw mo nga akong kaibigan," saad niya.
"Oh. He's talking na," dinig kong sabi ni Wilma. "Tumahimik lang si Koko nagsalita na rin."
I smiled at him. "What? I never said that!"
He pouted his lips.
"Uy pogi pala!" si Wilma.
"Shut it, Wilma. Manahimik ka muna, please?" bawal ni Tegan.
Tumayo ang batang lalaki at lumapit sa amin. Umupo siya sa harapan ko. May malaki pa ring pagitan sa amin pero sapat na para makita ko ang mukha niyang nadungisan.
"I'm Aya..." I introduced my name.
"I'm Wilma!"
"Tegan here!"
"Ako naman si Koko, pare."
"Pare? So... corny," said Wilma.
"Kanina ka pa ah?" Napatingin ako kay Koko na masama na ang tingin kay Wilma. "Hindi na nga kita inaasar tapos hindi ka pa rin tumitigil? Baka ikaw may crush sa akin?"
Humalakhak nang malakas si Wilma. "Matakot ka nga sa sinasabi mo, Koko! Kahit na tagapag-silbi lang ako, mataas pa rin panlasa ko sa mga lalaki. Not an insurgent like you."
"You keep calling me insurgent. Is it that frustrating that I am one and you can't lower your standard even though you want me so bad?"
"Holy shit. Straight English 'yon, pare!" sambit ng batang lalaki.
Tumingin sa kanya si Koko. "Ikaw naman, Limuelle. Ang arte-arte mo. Kung hindi lang nakakandado ang selda mo ay sinakal na kita. Pinag-aalala mo pa si Aya."
Limuelle?
"Magkakilala kayo?" tanong ni Tegan.
"Oo. Dati ko pa 'yan nakikitang umaaligid dito eh. Pinaalis ko na nga 'yan pero bumabalik pa rin," iritadong sambit ni Koko bago tumingin uli kay Wilma. "Ano? Crush mo ako?"
Lumobo ang pisngi ni Wilma.
"Oh, stop na, please?" pakiusap ko.
"Diyan na nga kayo!" Saka na nagmadaling umalis si Wilma.
Tumawa si Koko kaya napatingin uli si Wilma. Kinindatan siya ni Koko.
"Yuck!" Saka na tuluyang umalis si Wilma.
Nakita kong napahilot sa sintido si Tegan.
Napabuntonghininga ako. Mabuti na ring umalis na si Wilma. Hindi sila titigil ni Corbie sa pagtatalo. Hindi na naming nakausap nang matino si Limuelle.
"Hindi ba sinabi ko nang huwag kang babalik?" ani Koko.
"Oo, pare. Sorry na." Kumamot si Limuelle sa batok.
"Dapat ay umuwi ka na lang, pare. Kita mo. Nakakulong ka ngayon..."
"Wala naman akong uuwian e." Tumawa si Limuelle.
Nagkatinginan kami ni Tegan.
"Listen, Limuelle—"
"Lim, pwede na," putol niya kay Tegan.
"Okay, Lim. Anything that's not here is a better place."
"I like vampires," Lim said.
Kumabog ang dibdib ko. Maging si Tegan ay natahimik.
Lumunok ako. "Me, too! They are cool. I wish they were real!"
Lim chortled.
"I don't believe in vampires," sabi ni Tegan.
Huminga nang malalim si Koko. "Hindi 'yan gagana. Alam na ni Limuelle kung ano tayo."
Lumunok ako. No. This is not happening.
I looked at Tegan. He looked bothered, too.
"Don't worry. Alam ko naman na hindi na ako tatagal." Tumawa si Limuelle. "Kaya... ang hiling ko lang ay... magkaroon ng mga bampirang kaibigan. That's all."
Hindi ko na napigilan ang luha sa mga mata ko.
"Tegan... Aya... Pare." Isa-isa kaming tiningnan ni Lim. "Pwede ko ba kayong maging kaibigan? Kahit na ilang araw lang? Teka. Ilang araw ba ang natitira sa buhay ko?"
"Stop!" I cried.
"Hala. Sorry..." Kumamot sa batok si Lim.
"P-paano ka napunta rito, Lim?" tanong ni Tegan.
We all anticipated the answer. Paano nga ba talaga napadpad sa lugar na ito si Limuelle?
"Wala e. Nangangaso kami ni Papa..." Lumunok si Lim bago nagpatuloy. "Hindi sinasadyang nakakita kami ng bampira. Dinakip nila si Papa. Buti nakatakas ako..."
"Nakatakas ka nga, tapos bumalik pa rin!" umiiyak kong sumbat.
"Baka andito pa rin ang Papa mo!" ani Tegan.
Tumayo si Lim at kinuha ang kanyang bag. Kinuha niya roon ang isang sulat at pinakita sa amin. Binasa naming tatlo 'yon nina Tegan at Corbie.
Walang tigil ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Ang sulat ay galing sa Papa ni Lim. Sinabi nito sa sulat na umalis siya at hindi alam kung kailan babalik. Malinaw naman na sinabi niya lang 'yon para hindi na niya ito hanapin.
"Hindi na siya babalik..." nakangiting sabi ni Lim.
"G-gagawa kami ng paraan!" sambit ko.
Napatingin sa akin si Tegan. "A-Aya..."
"Hindi na. Gusto ko lang namang magkaroon ng kaibigan—"
"Itatakas ka namin!" biglang sabi ni Tegan.
Natahimik kaming lahat.
Tumawa si Lim. "Paano 'yon?"
"Basta. Itatakas ka namin!" desididong sambit ni Tegan. Saka niya kami isa-isang tiningnan. "Hindi ba, Koko, Aya? Itatakas natin si Limuelle."
I stared at Lim. Hindi ito kabado sa maaaring mangyari sa kanya. Parang tanggap na niya ang lahat. Hindi ako. Hindi ko matatanggap 'pag may nangyaring masama sa kanya.
"Hindi niyo pa sinagot ang tanong ko. Can we be friends?" he asked us.
We nonchalantly nodded and agreed to be his friend. Sobrang saya ni Limuelle, hindi alintana ang panganib na dala ng pagkakaibigan na ito.
Just like that, a friendship was developed inside the cellar.
It was my first time encountering a human. Naging kaibigan ko pa.
That day... Tegan, Corbie, and I came up with a plan.
"Basta go lang ako kung ano ang gusto niyo," ani Corbie.
Suminghap ako. "We will release him as soon as possible."
"Walang dapat makaalam nito. Kahit na si Wilma," ani Tegan.
"Syempre naman!" sabi ni Corbie.
"We will call this mission The Escape Plan or TEP for Lim," Tegan said.
"TEP for Lim..." Corbie repeated
I smiled.
"TEP for Limuelle..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro