Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17: Painting

Astralla

A human was caught sneaking around.

The first thing I thought was my daughter. Knowing how easily her curiosity gets triggered, I immediately deployed guards to block the way out of her room. The last thing I want is for my daughter to get involved in this.

Hinigpitan ko ang kapit ng jacket sa katawan ko. Narito ako sa labas ng bulwagan, hinihintay kung ano ang magiging hatol sa lalaking nahuli. Dalawang bagay lang naman 'yon.

I drew a deep breath. As much as I want to share my opinion about this matter, ayokong pangunahan ang desisyon nila. Lalo na si Pinunong Bermudo. This is his clan after all. Alam niya kung ano ang mas makakabuti sa kanila.

Tumayo ako para kumuha ng maiinom. Malalim na ang gabi kaya karamihan sa mga tagapagsilbi ay nagpapahinga na. Mag-isa akong kumuha ng alak sa madilim na tambakan nito.

While pouring cabernet wine on my glass, my mind wandered somewhere. That night... when I saw a silhouette of someone wearing a cloak. Who was that?

One of The Cloaks? I shook my head.

Hindi dahil nakasuot ito ng balabal ay isa siya sa mga 'yon. Kung gano'n ay sino 'yon? Bakit siya nagtatago sa dilim? Bakit pakiramdam ko ay nakasunod siya sa akin?

Dala ang baso ng alak ay bumalik ako sa labas ng bulwagan. Sakto namang katatapos lang ng pagtitipon. Lumabas na roon ang iba't ibang pinuno hanggang sa matanaw ko si Abel.

I approached him. Bahagya pa siyang nasindak sa biglaan kong pagsulpot.

"Ano ang hatol?" tanong ko.

Hinila muna niya ako sa tabi bago sumagot.

"I don't know yet. Pinagpaliban ni Papa ang hatol," hindi rin siguradong sagot nito. "Mukhang kailangan munang malaman kung hanggang saan na nalalaman ng bata."

"Bata?" tanong ko.

Abel nodded. "He's a kid."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa baso ng alak. Suminghap ako ng hangin bago tumango. Whether he is a kid or not, he is still a human— a human who was caught hovering around. He must know something.

We are bound by rules. In rules... no one is exempted.

I took a sip of my wine. That's when I noticed my hand was shaking.

"You still have a soft spot for humans," Abel said.

I looked away. After all... I don't like this.

Sino ba ang batang 'yon at bakit siya napadpad sa lugar na ito? Sobrang layo nitong Esparago Clan. Nakatayo ang pangkat na ito sa pusod ng gubat kaya nakapagtatakang naligaw lang siya rito.

"Take a rest, Astra," Abel uttered.

I nodded. "S-siguro nga..."

"May I?" tukoy niya sa hawak kong alak na 'di ko pa ubos.

I rolled my eyes as I gave him my wine.

Diretso niya 'yong nilagok. Mukha rin itong kabado gaya ko. He's a father after all. Just like Tegan, that boy must have a father waiting somewhere also.

"W-what are you going to do?" I asked.

"Hindi ako ang magpapasya—"

"The leader is your father," may diin kong sambit.

Kung kanina ay kalmado pa ako sa usapin na ito, ngayon ay hindi ko na maitago ang nararamdaman ko. Fine. Rules are rules. But I still want that kid to survive. Malabo man pero... umaasa ako.

"I still don't know." The wine glass he was holding shattered from his grip. That aggravated look in his eyes was more evident now. "What the heck is that boy doing in this clan? Bakit siya nagmamasid?"

"Have you already asked him?"

Abel shook his head.

"Kung wala siyang nalalaman ay maaari pa siyang makatakas, Abel. Kailangan mo lang siyang tanungin." Hinawakan ko ang braso niya kaya napatingin siya sa akin. "Do it yourself."

He just stared at me.

"I know you are a good man, Abel. Do what's right."

That's when I turned my back and walked away. Kung ano man ang magiging pasya nila ay tatanggapin ko. Kung ano man ang gagawin ni Abel ay wala akong ikakasama ng loob.

Sinadya ko muna si Aya sa kanyang silid. Nakita kong nakatayo pa roon ang mga tagapagbantay kaya alam kong nasa loob pa ang anak ko. Magiging kahina-hinala ako kung pupuntahan ko pa siya kaya ipinagpaliban ko na muna.

I went back to my room. Inalis ko ang jacket ko bago humiga sa tabi ni Brix na nakadapa. Ang dami ng nangyayari sa labas pero natutulog pa rin ang lalaking 'to.

Bumuntonghininga ako. What's going to happen to that boy?

"What's wrong?" Brix asked.

Mula sa pagkakadapa ay tumagilid ito sa akin. Hinaplos niya ang binti ko kaya tinapik ko 'yon.

"Stop!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Kanina pa kita ginigising pero ayaw mong bumangon."

"What happened?" He yawned, spreading his arms on both sides.

"They caught a boy sneaking around."

"Okay?" Brix didn't show any interest. Mula sa pagkakahiga ay umupo ito sa tabi ko. Huminga siya nang malalim. "He must be a human for you to look that bothered."

Yeah, and we are on different sides.

Brix chuckled. "Dare me..."

Napatingin ako sa kanya.

"W-what?"

He smiled. "Ayokong may gumugulo sa isipan mo. Kung ang kaligtasan ng batang 'yon ang inaalala mo, ako ang bahala. Dare me. Give me your word."

My eyes became watery. His offer was too tempting.

"Just give me your word, Milady."

Natawa ako. Hinila ko ang comforter para itago ang mga binti ko. Saka ako sumandal sa ulunan ng kama habang nakatingin sa asawa kong tila seryosong seryoso sa mga sinasabi niya.

I was smiling while staring at him. It's still hard to believe that I am staring at none other than the King of Vampire World. The one who gave insurgents a chance to prove themselves and the one who freed so many young vampires.

"What?" His forehead creased.

Umiling ako. "W-wala..."

Pinunasan ko ang luha sa pisngi.

Brix jumped out of the bed. Kumuha ito ng jacket sa closer at naghanda nang umalis.

"Leave this to me," he said.

"No, Brix. Let them do their jobs."

Napatingin siya sa akin. Mukha itong gulat sa desisyon ko.

"Astra?"

I sniffed. "Don't interfere anymore, Brix. This time... let the rules be followed."

Nanatili pa ring nakatayo si Brix, nakatingin sa akin. Sa pagkakataong 'yon ay sinabayan ko ang kanyang tingin. Hanggang sa muli niyang hinubad ang jacket at saka tumabi sa akin.

Hinila niya ako pahiga at niyakap. Binaon ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya.

I haven't told him about that cloak yet. I'm still not sure.

"How's Aya?" he whispered.

"In her room. Sleeping..."

"Huwag mo siyang hahayaan na lumapit sa batang 'yon, Astra. As much as possible, don't let her know about this."

A bitter smile formed on my lips.

"I will try..." I told him.

I am no longer sure when it comes to Aya. Lahat ng ginuhit kong linya para sa kanya ay nabubura na niya. Lahat ng pinagbabawal ko ay unti-unti na niyang ginagawa.

"Brix..." I swallowed.


"Hmm?"

"Ilang buwan na lang ay tuluyan nang mababali ang batas na nagbabawal kay Aya na lumabas sa pangkat na ito. Mas lalala ang lahat."

That's also one of the things that keep me up at night. After that, what will happen?

"That's not just it, Astra."

"Freedom. I know."

"If there's one thing you should worry about more, that's Aya's fight to live forever. That also means... freedom not just from this clan. But also... freedom from you. She needs to live her life alone."

Doon na bumagsak ang mga luha sa mata ko. Sa pag-alis ng anak ko ay dalawa lang ang maaaring mangyari. Ang bumalik itong malaya... o ang walang katapusan kong paghihintay.

"She can do it," I said.

"For sure."

"Aya will win."

The next morning, Abel greeted me with a not so good news. Hindi raw kumikibo ang bata habang tinatanong. Malamang na natatakot ito at nabigla sa mga nangyayari.

That means... there's a possibility that the kid has no idea yet. I want to be hopeful about that. Sana nga ay naligaw lang siya sa lugar na ito. Kahit na medyo nakapagdududa... sana ay gano'n na lang.

"Whoa! Ang dami, Mama!" masayang sambit ni Aya.

Nathalia sent her a package of different branded clothes. Hindi spoiled sa akin ang anak ko, kay Nathalia lang talaga. Kung pwede nga lang na linggo-linggo siyang magpadala ng damit ay gagawin na niya.

"I want to try this!" ani Aya at naghubad agad.

I watched her undressed to wear a jumper dress. Napangiti ako dahil tuwang-tuwa ito. Unlike me, Hyacinth seems interested in fancy things. Malamang na kay Nathalia niya ito nakuha.

She's really a Cardinal.

"You look so pretty, baby!" I told her.

"Thank you, Mommy Nath!" said Aya as if Nath could hear her.

Nath doesn't want to be called auntie. It sounds old fashion according to her.

"Red na naman lahat, Mama!" pansin ng anak ko.

Natawa ako. Well... it's Nathalia Cardinal after all.

"Ipapakita ko muna 'to kina Tegan at Koko, Mama!" Saka na kumaripas ng takbo ang anak ko.

Pinulot ko ang mga nakakalat na damit at muling sinalansan sa kahon. Natigilan ako nang kumabog ang dibdib ko. Napahawak pa ako rito dahil sobrang lakas.

I gasped. Napaupo ako sa kama.

I heard a baby's cry somewhere.

This time... I am not dreaming.

My nightmare is becoming real.

Palakas nang palakas ang iyak ng bata. Mabilis akong lumabas ng silid ni Aya. Luminga-linga ako sa tahimik na hallway. Sinundan ko ang tinig na iyak.

Dinala ako nito sa likod.

Tumulo ang luha sa mga mata ko.

This is the place where Brix finally freed me. This is where the ritual took place.

Why here?

"Astra?"

Napatingin ako kay Brix. Nakakunot ang noo nito.

"B-Brix..." Nawala na ang iyak ng bata.

"What's wrong?" he asked.

I immediately shook my head. "Nothing. Just reminiscing."

Tumuwid uli ang tingin ko sa mga puno. Tila bumalik ang mga alaala nung gabing 'yon. That night changed my life forever. That was also the night when the world of vampires changed.

Umakbay sa akin si Brix.

"Do you want to do it again?" he asked.

Sa halip na sumagot ay napangiti na lang ako. Hinarap ako ni Brix sa kanya. Tinitigan niya ako sa mga mata.

His eyes never changed. They looked charming and intimidating at the same time. I wish I could see them forever. When I was scared, I wanted to look at them. When I was crying, I wanted to see them.

I want to see his eyes staring back at me.

"Brix. Hindi ka ba hinahanap sa Severus Kingdom?" tanong ko.

Halos araw-araw kasi kong nakikita na may pumupuntang tauhan dito para kausapin si Brix. Alam kong hinihintay nila ang pagbabalik nito pero mas pinili niya na manatili rito.

"What for? My queen and princess are here."

Bahagya kong tinapik ang balikat niya.

"Pwede ka namang pumunta roon kahit na sandali lang, Brix. A day without you isn't that bad."

He pouted his lips. "Unfair. A day without my queen and princess beside me is torture."

I laughed.

"OA mo, Brix."

Brix laughed, too.

"One day... I will bring both of you to Severus Kingdom. Finally... they will get to see their queen and princess."

"I would love that..."

He wrapped his arms around my waist. Hinalikan niya ang noo ko.

"I will welcome you in our kingdom on bended knees."

"You are the king. Kings don't bend their knees."

"Huh. Little did they know, I bend my knees to you every night."

"Stop!"

Isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig ko. Kahit kailan talaga ay ang hilig niyang haluhan ng kababalaghan ang mga bagay-bagay.

"Totoo naman e. I am a slave to you every night!"

Instead of saying something, I just pulled him into a tight hug.

Damn. I fall in love with this guy every day, every night... every moment.

Just like that, everything that bothers me suddenly disappeared.

"Where's Hyacinth?" he asked.

"Baka kasama ng mga kalaro niya..."

"Get her."

Kumawala ako sa pagkakayakap.

"Why?"

Nakangiti lang si Brix.

"Sure," sabi ko na lang.

Hindi ako nahirapan sa paghahanap kay Aya. Nahuli ko ito sa kanyang silid na nagsusukat na naman ng mga damit. Napailing ako dahil kinalat na naman niya ang mga inayos ko.

"They all look perfect to you, baby."

"They are gorgeous," she said while taking off the clothes.

Tumayo ang anak ko at nilagay sa kahon ang mga damit. Saka siya lumapit sa closet at kinuha ang kulay lila na dress. Sa dami ng pagpipilian ay 'yon ang sinuot niya.

Ako mismo ang nagtahi ng damit na 'yon.

"But... I love this purple dress the most," Aya spun around.

I chuckled. "Mommy Nath wouldn't want to hear that."

Knowing that woman, she would act exaggeratedly. Not because Aya said she loved my dress more but because she mentioned the word purple dress and love at the same time.

"Love ko rin naman ang mga bigay niya, Mama!"

"Oo nga pala. Pinapatawag tayo ng Papa mo."

Natigilan si Aya. "Bakit, Mama?"

I shrugged my shoulders.

"Okay!" Lumapit si Aya sa table at kinuha ang isang flower crown. Sinuot niya 'yon sa kanyang ulo bago lumapit sa akin. Humawak siya sa kamay ko. "Tara na, Mama?"

"Who gave you that?"

"Tegan," she simply said.

I just nodded. Mabuti naman at nagkaayos na sila. Napansin ko kasing hindi sila gaanong nag-uusap nitong mga nakalipas na araw. Ayoko rin namang manghimasok sa kanila kaya hinayaan ko na lang.

Nakahawak sa akin si Aya habang papunta kami sa likod. Nadatnan naming may kausap na lalaki si Brix. May isa rin bench chair doon na dati ay wala naman.

"Hey there, lovelies!" bati sa amin ni Brix.

Mabilis na tumakbo si Aya papunta sa kanya. Binuhat naman siya ni Brix. I love how my daughter shows excitement every time she sees her father.

"What? How are you this gorgeous always, baby?" Brix asked, pretending to be shocked.

"Tegan gave me this flower crown!" Aya excitedly said.

"You are gorgeous even without that thing, baby."

Lumapit din ako sa kanila.

"What's this, Brix?" tukoy ko habang nakatingin sa lalaki. May mga gamit itong pampinta.

"Mister Polaris will paint us," ani Brix.

Yumuko sa amin ang lalaki at magalang na bumati.

Oh. That's why.

"Let's do it?" Brix asked.

We sat on the bench chair. Nasa gitna namin si Aya. Nakaakbay ako sa kanya habang si Brix naman ay nakaakbay sa akin. Hindi katulad ng ibang pintor ay mabilis kaming naipinta ni Mister Polaris.

We got the result right after we stood up. I was in awe while staring at the painting. This is our first picture together.

My heart melted.

"Y-you look stunning, baby..." sabi ko kay Aya.

She giggled. "Ang gwapo at ang ganda niyo rin, Mama, Papa!"

"Syempre. Ako pa?" ani Brix.

Natawa ako. "Kailan ka pa naging mayabang, Brix?"

Brix ignored me. He bent down his knees to talk to our daughter. Si Aya ang may hawak sa painting, doon pa rin ang tingin niya hanggang ngayon.

"I look more handsome than Tegan, right, baby?"

"Brix..." I patted his shoulder but he still ignored me.

I mentally rolled my eyes.

Really, Brix? Competing with a kid?

"Right, baby?" tanong uli ni Brix.

"Hmm..." Tila napaisip naman si Aya.

Nawala ang ngiti sa labi ni Brix.

"Syempre naman, Papa!"

Just like that, he was all smiles again.

Nagkulitan pa ang dalawa kaya napagdesisyonan kong mauna nang bumalik. Dala ko ang paintings naming pamilya. Nakapagpasya ako na ilagay ito sa kwarto ni Aya.

I put the frame on the side table. Humakbang ako palayo at tinitigan ang picture namin.

While staring at the painting, something suddenly felt wrong.

The familiar ache stabbed my chest.

Then... the surroundings got distorted abruptly. Nawala ang painting sa ibabaw ng lamesa at bumalik sa dating ayos ang kwarto ng anak ko kung saan din ako nanganak.

I heard a soft cry somewhere.

My lips quivered while staring at the crib.

Mas lumakas ang iyak ng bata.

Dahan-dahan ay lumapit ako sa kuna.

Nanlambot ang mga tuhod ko at napaluhod. Lumandas ng mga mata ko ang luha. Sa pagkakataong 'yon ay hindi lang ako basta umiyak. Humagulgol ako sa sakit.

Unti-unting naglaho ang iyak ng bata.

"No..." I whispered.

My daughter was sleeping peacefully in her crib.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro