Chapter 16
Chapter 16: Caught
Hyacinth
Hindi ko pinansin si Tegan sa loob ng ilang araw. Kahit na pinipilit ako ni Koko na kausapin ito ay tumatanggi ako. Masakit pa rin ang loob ko dahil mas pinaniwalaan niya si Wilma kaysa sa akin.
"Stop, Brix. Andyan si Aya..."
"She's busy. Come on, Astra."
Natigilan ako sa paghihilod gamit ang bato nang marinig ang malakas na pagtawa ni Mama. Nasa malayo silang bahagi ng bukal na tubig ni Papa at nag-aasaran. Nakakabad silang dalawa sa tubig habang ako ay nakaupo sa batuhan.
Mom smiled at me and waved her right hand.
"How are you there, baby?" she asked me.
I smiled back. "I'm scrubbing!"
"Not hard, baby!" she responded back.
"I know, Mom!"
Dad chuckled. "I am hard, too."
Hinampas ni Mama sa dibdib si Papa.
"Gusto mo rin ng bato, Papa?" I excitedly stood up from my seat. "Sandali. Ihahanap kita!"
Mama bit her lower lip before looking away while Papa was laughing so loud.
Yumuko ako at naglakad-lakad sa paligid ng bukal para maghanap ng bato na pwedeng magamit ni Papa pang hilod. He's hard so I will look for a harder one!
After lunch, Mama decided to take us in this lovely place. Hindi katulad ni Papa, tila mas maraming alam si Mama sa mga pasikot-sikot ng lugar na ito.
Oo nga pala...
Natigilan ako sa paghahanap nang may maramdaman sa itaas. Lumilipad ang isang uwak sa himpapawid, paikot-ikot habang nakatingin sa amin.
"Koko..." bulong ko.
Bumaling ako kina Mama at Papa. Napakurap ako dahil wala na sila sa kaninang pwesto. Akala ko ay umalis na sila pero nasa ilalim pala ng tubig. Naghintay akong umahon sila pero ang tagal!
Paano nilang nakakaya sa ilalim ng tubig nang ganito katagal?
I giggled as I marched into the woods, leaving my busy parents. Hindi ako nahirapang hanapin si Koko. Nakaupo ito sa sanga ng puno at kumakain ng mansanas habang nakatingin sa akin.
"Koko!" I called him.
Natigilan ito sa pagnguya at umiwas ng tingin.
"A-Aya..."
"What are you doing here?" I asked.
I should ask him how he found us but then he knows everything. He knows every side of this clan and every conversation around. He hears everything with the help of his crow.
I wonder if he can summon more than one crow?
"Bakit wala kang damit?" tanong niya.
Napatingin naman ako sa katawan ko. I was wearing my favorite purple two-piece swimsuit. What does he mean I am not wearing anything?
I looked up at him.
I caught him staring at me but he immediately looked away.
"Gusto mo bang sumama sa amin sa pagligo?" anyaya ko.
He looked down at me. Lumunok pa siya.
"P-pwede?"
I nodded.
"Pero kasama mo si Sir Brixton—"
"Oo nga pero busy naman sila ni Mama e," sabi ko sa mababang boses. "Kanina pa sila nagtatawanan. Hindi pa nga sila umahon sa tubig magmula nung dumating kami tapos ngayon naman ay nasa ilalim sila ng tubig."
Napaisip ako. Hanggang ngayon ba ay nakalubog pa rin sila sa tubig?
"Bakit andito ka, Aya? Baka hinahanap ka na nila..."
"I was looking for a scrubbing stone. Dad told me he was hard, too."
"Hoy!" Nanlaki ang kanyang mga mata. "A-ano ba ang sinasabi mo, Aya?"
"Baka matigas ang balat ni Papa."
Napasimangot ako nang humalakhak si Koko. Muntik pa nga siyang mahulog sa puno dahil sa sobrang pagtawa. Sa huli ay bumaba ito ng puno at pumunta sa harapan ko.
"Sali ako, please?" he begged.
"Sure!"
Bumalik ako nang kasama si Koko. Pero wala na roon sina Mama at Papa. Baka nauna na silang umuwi. Hindi man lang talaga nila ako nagawang hintayin!
Koko took off his shirt, leaving his dark blue shorts on, before diving into the water. Pinanuod ko itong sumisid sa ilalim. Namangha pa ako dahil sobrang tagal din niya sa ilalim ng tubig.
Umahon ito nang nakangiti. Pinilig niya ang ulo kaya tumalsik ang ilang butil ng tubig. Saka niya hinawi ang buhok paitaas at bahagyang lumapit sa akin.
"Akala ko maliligo tayo?" tanong niya.
I stood still.
"Bakit iniwan ni Papa si Mama rito habang buntis siya?"
"Ssshhh!" Umahon sa tubig si Corbie. Piniga niya ang shorts bago tumayo sa harapan ko. "Hinaan mo ang boses mo. Nasa paligid lang ang mga magulang mo."
Kumunot ang noo ko. Inikot ko ang tingin sa paligid.
"Where?" I questioned.
"Parte pa rin ng kwentong ito ang Severus Kingdom, Aya. Habang binubuo ng Papa mo ang kaharian na 'yo ay marami siyang naisaalang-alang. Maging ang pagsasamahan nila ng Mama mo."
I get it. While Papa was busy building Severus Kingdom to help the insurgents, Mama stayed here while carrying me in her tummy. Maybe Papa just thought of my mother's safety.
"Binuo ni Papa ang Severus Kingdom para mailigtas ang mga bampirang pinatalsik sa pangkat, hindi ba, Koko? Ibig bang sabihin ay pwede kang pumasok doon para magkaroon ka ng pangkat?"
Natigilan si Koko. "H-hindi ko alam..."
"Please enter the Severus Kingdom, Corbie. Or I will ask Papa to turn you one of us, a Paragonian. In that case... you don't need to go away anymore. Dito ka na lang kasama namin!"
Corbie just stared at me.
"Please?" I begged.
"H-hanggang doon lang ba ang alam mo, Aya?"
Naglaho ang ngiti sa labi ko. "What do you mean, Corbie?"
"Na..." Lumunok siya. "Iyon lang ang dahilan kung bakit nabuo ang Severus Kingdom?"
Tumango ako. "Why? May iba pa bang dahilan?"
Mabilis na umiling si Corbie. "Hindi ko rin alam e. Hanggang doon lang ang narinig ko sa mga kasamahan ko. Hindi bale. Matutuklasan din natin ito balang araw..."
Napangiti ako. "That's exciting!"
"Siguro..."
I watched him dive into the water again.
Corbie really knows a lot of things from the past. He already explained it to me. Nalaman niya ang mga ito mula sa mga nakasama niyang bampira sa labas.
Severus Kingdom. Ano pa ba ang kinukubli ng lugar na 'yon?
Winaglit ko ang lahat ng bumabagabag sa isipan ko nung sumisid ako sa ilalim ng tubig. Ilang buwan na lang ay tuluyan na akong makalalaya sa lugar na ito. Sa wakas ay makakapunta na ako sa kung saan ko man gusto.
Ako... ako mismo ang tutuklas sa mga palaisipan na gumugulo sa akin.
Pagkaahon ko sa tubig ay wala na si Corbie. Maging ang kanyang damit na kanina ay nakapatong sa bato ay naglaho na. Saka naman ang pagbalik nina Mama at Papa.
There was a shy smile plastered on my Mama's face.
"Saan kayo pumunta, Mama?" tanong ko.
"Nagpahangin lang," tipid na sagot ni Mama.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Papa.
"Ay... hindi pa pala ako nakahanap ng bato na panghilod, Papa."
"Forget it, baby. I'm no longer hard."
"Brix. Stop."
"Catch you!"
Napatili ako nang buhatin ako ni Papa at nilagay sa kanyang balikat. Saka kami sumisid sa tubig. Matapos no'n ay nagpasya na kaming bumalik.
Nagbanlaw ako uli sa kwarto at nang makapag-ayos ay muling lumabas ng kwarto. Palubog na ang araw nung makalabas ako. Pagod man pero may ngiti sa labi.
I love this day— scratch that.
I love every day that I spent with Mama and Papa!
While walking around, I didn't expect to cross paths with them. I was about to turn around, just like what I've been doing, but too late, they already saw me.
Tegan was with Wilma. Napansin ni Wilma na nakatingin ako sa kanila kaya kinawit niya ang kamay sa braso ni Tegan saka niya sinandal ang ulo sa balikat nito.
Nung iniwasan ko si Tegan ay lagi na silang magkasama ni Wilma.
Tegan was planning to ignore me but Wilma pulled him in my direction. They stopped in front of me. Mabilis na yumuko si Tegan habang taas noong nakatingin sa akin si Wilma.
I don't like it.
"Boyfriend mo na ba si Koko?" biglang tanong ni Wilma.
My eyes widened. I was too stunned to immediately ignore it.
Napatingin din sa akin si Tegan. He looked confused and intrigued at the same time.
Please, don't believe her.
Wilma smirked at me. "I've heard that you guys are dating. Hindi ko inakalang ang anak ng hari ay gano'n kababa ang panlasa sa mga lalaki. Really, Aya? Insurgent pa?"
I was upset with her makeup issue but even more furious with the way she looked down at Corbie. Just because she belongs to a clan doesn't make her better than him. She acts trash.
I would rather spend time with an insurgent like Corbie than with someone like Wilma.
I was prepared to defend myself but Tegan said something.
"That's none of your business, Wilma."
Natigilan ako.
What? He really believed her? Again?
Lumubog ako sa kinatatayuan.
"Anyway..." Tumikhim si Wilma. "Have you heard the other news?"
Hindi ko pa rin nabubuka ang bibig ko. Nakatingin lang ako kay Tegan, hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. What happened to my best friend? What happened to that guy?
"In case you haven't... kami na ni Tegan," Wilma announced.
Dapat ay gulat ako pero walang reaksyon sa mukha ko. I'm so done with these two. Kung mas gusto nila ang isa't isa, hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko.
Magsama sila!
"Wilma..." may pagbabanta sa boses ni Tegan.
"It's still a secret though. Huwag mo munang ipagsabi ah?" Hinaplos ni Wilma ang pisngi ko. "Ayaw pa kasi ni Tegan na malaman ng iba. He wants it to keep as secret as possible. But... he's mine."
I smiled. "Congratulations..."
Lumunok si Tegan. He didn't expect me to say that.
Wilma chuckled. "Thanks. Congratulations din sa inyo ni Corbie!"
"Okay," tipid kong sagot.
"Let's go..." Saka na hinila ni Tegan si Wilma.
Naiwan akong nakatayo, nakakuyom ang mga kamao. Suminghap ako at kinalma ang sarili.
I guess that's it.
My friendship with Tegan ends here.
Lumipas pa ang ilang araw na gano'n ang eksena. Magkasama kami lagi ni Corbie habang sina Tegan naman at Wilma ang magkasama. Tinatawanan ako ni Corbie.
"Para kayong tanga!" tawang-tawang sabi ni Corbie.
Binaba ko ang binabasang libro. "Hindi na kami magkaibigan, Koko. Seryoso ako."
"Sus..." Gumulong sa kama ko si Koko.
Inimbitahan ko siya ngayong gabi sa kwarto ko. Hindi kasi ako makatulog kaya pinuntahan ko siya kanina. Tulog na ito pero pinilit ko pa ring isama sa kwarto ko.
"Vampires don't sleep..." I read.
"Just because we don't sleep doesn't mean we can't."
Binaba ko uli ang binabasa. "Bakit mo ba kasi pinapabasa sa akin ang librong ito, Koko? Ang weird. Bakit bawal masinagan ng araw ang mga bampira dito? Bakit ang bad nila?"
"That's from the perspective of a human."
Natigilan ako. "H-human?"
He nodded.
"Akala nila ay hindi totoo ang mga bampira... tayo," ani Koko na nailing pa.
Napakurap ako. "Oo nga 'no? Pero... tayo. Alam nating totoo sila."
Umupo si Koko, nakaharap sa akin. Pinaglaruan niya ang kulay purple na pajama na pinahiram ko sa kanya. Hawak niya lang 'yon. Ayaw niyang isuot.
"Kasi... bawal tayong makisalamuha sa mga tao."
"Bakit bawal?" tanong ko.
"Kasi bawal."
I pouted my lips. "So... bawal 'yon?"
"'Yung ano?"
That's when I realized I haven't told him yet.
I totally ignored the book I was reading. Gumapang ako palapit kay Koko at tiningnan siya sa mga mata. Nakakunot ang noo nito habang sinasabayan ang tingin ko.
"May kwento ako..." bulong ko.
He gulped. "H-huwag tungkol sa multo."
I chuckled. "Nope."
He smiled. "Kwento na!"
Pinatay ko ang ilaw at binuksan ang lamp shade na lagi kong ginagamit bago matulog. Gumuhit ang mga maliliit na bituin sa itaas ng kisame.
"W-whoa..." manghang sambit ni Koko.
I just stared at him. He really looked amazed.
"I-I saw a human..."
Mula sa itaas ay bumagsak sa akin ang tingin niya. Nanlalaki pa ang kanyang mga mata. Bahagya ding nakaawang ang pagitan ng kanyang mga labi.
"H-huh?"
"Remember when I tried to escape? May nakasalubong akong tao," mababa ang boses ko. "Sa una ay hindi ko alam na tao ito pero... sabi ni Tegan ay tao raw 'yon."
Mula sa gulat ay lumungkot ang mukha ni Koko.
"Sorry..." bulong niya.
"Huh? Bakit?"
Pinagsalikop niya ang mga kamay. "K-kasi wala ako nung mga panahon na kailangan mo ako. Hindi ba nangako akong laging nasa tabi mo?"
"Wala 'yon!" Pabiro ko pa siyang tinulak. "Ang importante ay nandito ka pa rin."
Dahil kay Koko ay hindi ko gaanong dinadama ang kalungkutan buhat ng pagkawala namin ng kaibigan ni Tegan. Kung wala siya ay malamang na iyak ako nang iyak.
"He looked like one of us..." I said.
"He? Lalaki?"
I nodded. "I really saw a human, Koko."
"Hmmm..." Humalukipkip siya at tila napaisip pa. "Alam ba ito ni Sir Brixton? Ni Tita Astra?"
I shook my head. "Tegan told me not to tell them."
"Dapat lang. Ipapahamak mo pa ang lalaki. Hays." Kumamot siya sa ulo. "Ang tigas kasi ng ulo mo. Bakit ka lumabas? Hindi mo man lang ako sinama..."
"Nasaan ka ba no'ng nawawala ako?"
That shut his lips.
"Kadiliman..." mababang boses na sagot nito.
"Kadiliman?"
"Wala akong pag-asa no'n, Aya. Kahit na gusto kitang hanapin ay hindi ko kaya."
"Bakit naman?"
"Hindi kita makikita..."
"Your crow?"
Corbie just shook his head.
We were just silent for a moment. Humiga uli sa kama si Koko. Ginawa niyang unan ang mga braso habang nakatingin sa kisame ko. Nakangiti pa siya.
"Koko?"
"Hmm?"
"Sabi mo aalis ka rin."
"Not now."
Humiga ako sa tabi niya.
"Tell me when..."
Tumagilid ang ulo niya sa direksyon ko.
"Bakit, Aya?"
Pinanatili ko ang tingin sa kisame.
"Just tell me, Corbie."
Nakarinig kami ng mga ingay sa labas kaya nagmadali kaming tumayo ni Corbie. Sumilip kami sa labas ng bintana. Nakita namin ang mga kawal na nagmamadali.
"What's happening?" I asked, worried.
"Dito ka lang—"
"Sasama ako!" giit ko.
"Okay. Pero huwag kang lalayo sa akin ah?"
Humawak ako sa kanyang damit. Sabay kaming lumabas. Nagulat ako dahil may bantay sa harapan na dati naman ay wala. Kaya hinila ako ni Koko sa daan sa likod.
I was holding on to the hem of his shirt. Anxious about what's happening. What's the commotion about?
"Hey!" Tegan approached us.
"What's happening, Tegan?" I asked.
"N-nothing..." Saka siya makahulugang tumingin kay Koko. "Please, assist Aya back to her room, Corbie."
"No. What's going on?" pagpupumilit ko pa rin.
Kung hindi nila ako mabibigyan ng kasagutan, hindi rin nila ako mapapabalik sa kwarto ko. My curiosity wouldn't leave me alone. I need to know what's happening.
Tegan bit his lower lip. "Please, Aya?"
Bumitiw ako kay Corbie para lapitan si Tegan.
"Tell me..." I said.
It is the first time in days that I stood this close to him.
Tegan just stared into my eyes. He looked concerned, too. That ignited my curiosity even more.
"Ah. Alam ko na..." ani Corbie.
Mapait na napangiti ako.
"So... you will leave me hanging again?"
I am starting to get mad. Why do they keep on pushing me away from everything? Whether it's a good thing or bad, why do they keep on leaving me unaware?
"Aya—"
"They caught a human," Corbie said.
"Corbie!"
Nalito naman si Corbie sa biglaang pagtaas ng boses ni Tegan.
"D-don't tell me..." I gasped.
Napaatras ako, nangangatog ang mga tuhod.
Madiin na pumikit si Tegan. Huminga siya nang malalim bago tumango.
"They caught him, Aya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro