Chapter 15
Chapter 15: Silhouette
Astralla
Matapos kong ibigay kay Aya ang cake ay sinubukan ko pang manatili para makausap ito. Pero hindi kinaya ng dibdib at mga mata ko at ayoko namang bumigay sa harapan pa mismo ng anak ko.
Dala ang mabigat ng kalooban ay minabuti ko na munang umalis. Nakayuko lang akong naglalakad nang may mabunggo ako. Mabilis kong pinahid ang luha sa pisngi.
"What's wrong?" Brix asked.
I shook my head. Suminghap ako bago siya tiningala.
He stared at me with his stern look.
I tried to be tough enough to meet his gaze but I broke down, too. While staring at him, my tears fell down my cheeks. Before I even knew, he was already hugging me.
My lips trembled. Kapag naalala ko ang mga mata ni Koko ay tila pinipiga ang dibdib ko. Simula pa lang no'ng una ay alam kong pagpapanggap lang ang lahat ng pinapakita niya sa amin.
He always looked cheerful and naughty but I knew that it was all just a façade to hide the truth of him. The truth that he also needs guidance, acceptance and to be loved.
Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay hindi ko namalayan na nasa kwarto na kami ni Brix. Nakaupo ako sa kama habang siya naman ay nakatayo sa harapan ko. Basa pa ang buhok nito, halatang kalalabas lang ng shower room.
"Tell me why..." he said after a long silence.
I swallowed. What will I tell him?
Mukhang wala itong balak ulitin ang paghihikayat sa 'kin na magsabi. I guess this is the perfect time to say it. To finally open up about the strange dream I've been experiencing.
"I had a dream..." I started. Ilang salita pa lang 'yon ay nagluha na agad ang mga mata ko. "I've been having this odd dream that someone is trying to steal Aya from me... from us."
"Kailan pa 'to?"
Pinunasan ko ang luha sa pisngi. "Matagal na rin, Brix. Hindi ko na maalala pero paulit-ulit kong napapanaginipan. I know there's nothing to be afraid of. Hindi nila makukuha sa atin si Aya. Hindi ko hahayaan. Lalo na ikaw..."
"Then, why are you scared?"
I bit my bottom lip. Bakit nga ba?
"It felt..." Bumuntonghininga ako. "It felt real."
"It could be real."
Natulala ako sa sinabi ni Brix. It could be real? Maaari bang tuluyang makuha sa akin ang anak ko? Na nagawa nitong higitin mula sa aming pagkakayakap si Aya?
"H-how could it be real?" I asked.
"I am her father, remember?" pumait ang tono ni Brix.
"What does that mean?"
"I may be the king now but..." He paused for a moment and looked away. "I have been through a lot before I reached this milestone." Muling bumalik sa akin ang tingin nito. "I have a lot of encounters, Astra..."
Tumayo ako at humarap sa kanya. Bumaba ang tingin nito pero mabilis ko 'yong diniretso sa akin.
"Hyacinth is proud of you, Brix."
"Not until she found out who I was back then—"
"Hush." I clasped my arms around his waist. "It's not your fault that you've been through all those shits. Isa pa... kung hindi nangyari ang mga 'yon ay malamang na hindi nagtagpo ang landas natin."
Brix just stared at me. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong nabahala rin ito. Maybe I just don't see it often but just like me, he always seems troubled, too.
"The truth it... I'm scared too, Astra."
"Don't be..."
"Paano kung malaman niya ang mga nagawa ko dati. Paano kung mag-iba ang tingin niya sa akin? Paano kung dahil din doon ay... katakutan niya ako."
"Stop..." Doon ko na siya niyakap. "Just stop, please."
"You know that I tend to ignore what others might say to me, Astra. I never cared about someone else's opinion about me. But for our daughter..."
"She will understand..."
"Sana nga..."
"She will."
Bahagya akong tinulak ni Brix para matingnan sa mga mata. May banayad ng ngiti sa kanyang labi. Yumuko siya at hinagkan ang aking tikom na labi.
"Thank you for changing me..." he whispered.
"You are never the bad guy, Brix."
"I had a lot of plans before you, Astra. I was hoping of becoming the greatest one. Something this world hasn't seen yet. But then you came. I became... the luckiest one."
No words, I was just smiling while staring at him.
Hindi man kami gano'n katagal na magkakilala na pero marami pa rin akong nasaksihan. Nasaksihan ko kung paanong ang payapa niyang mga mata ay nabahiran ng dugo. Kung paano ang tikom niyang bibig ay naglabas ng patalim. Kung paanong kahit na duguan siya ay... nakangiti pa rin habang nakatingin sa akin.
Maybe I am the luckiest one after all.
I got to witness how Brixton Wenz Cardinal fought to rule.
This moment will be written in books.
Ngayon ay nakahiga kami ni Brix sa kama. Hinahaplos niya ang buhok ko habang nakapatong ito sa kanyang dibdib. Pareho kaming walang saplot sa katawan.
"Who is that kid? Corbie?" Brix suddenly asked.
Just when I thought I have already forgotten our encounters earlier, just one mention of his name, my heart sunk again. It was embarrassing on my part.
"Bakit sobrang close nila ni Aya?" tanong pa ni Brix.
"They are friends..." I told him.
"Since when? Hindi ko siya nakikita rito dati."
Lumunok muna ako. "Kararating niya lang dito, Brix. He was... from outside."
"Insurgent. I know."
Kumunot ang noo ko. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako habang nakaharap kay Brix. Ginawa niyang unan ang mga braso habang diretso rin ang tingin sa akin.
"How did you know?" I asked.
"The way he talks? Nakalimutan mo na bang minsan ko nang nakasama ang mga kauri niya? Alam ko ang mga galawan nila. Unang kita ko pa lang sa batang 'yon ay naramdaman ko agad."
Napaisip naman ako. "So... do you think he's good to Aya?"
"Hindi tayo ang magdedesisyon niyan, Astra."
I rolled my eyes. "Wala ka bang instinct?"
"I don't see him as a threat."
Napakahinga ako nang maluwag. I knew it.
Lumungkot na naman ako. Nagulat ako kaninang maabutan na nakatayo siya sa harapan ng kwarto ni Aya. I just had a weird dream. Pakiramdam ko ay napagdudahan ko siya. Or maybe I did and he felt it somehow.
"Buti ka pa..." bulong ko. "Abel has been doubtful of him. Even Lola..."
"They are not used to seeing an insurgent hovering around them. I do. And I trust that kid. He won't cause trouble. Mas kinakabahan pa nga ako sa anak mo, Astra."
"Huh?"
"Minsan, sobrang palagay ko kay Aya. Pero sa tuwing naaalala kong ikaw ang ina niya—"
Sinuntok ko siya sa dibdib. "Shut up!"
"What? Tama naman ako a?" Tumawata niyang sambit. "You were my slave but it felt like I was the one slave to you. You were bossy, unbothered and troublemaker."
I pouted my lips. "Talaga ba?"
"But then I realized I was never the master between us. I have always been slave to your words, Milady. Damn. Kapag pinapagalitan kita, ako pa ang kinakabahan dahil baka hindi mo ako kausapin."
I bit my bottom lip. He just knew how to make me smile.
"Wait..." Biglang may sumagi sa isipan ko. "How did you free me from being a slave?"
Natigilan si Brix. That caught him off guard.
"Why does it matter? You are freed now."
"What if I was not?"
"Freeing a slave is for temporary only, Astra. You will just serve me for a specific time but at the right time, they will take you away from me. That's how it works."
Napanganga ako. What did I just hear?
"Damn." Kumamot sa batok si Brix. Umupo siya at tinulak ang sarili pansadal sa ulunan ng kama. "It seems like I have some explaining to do or else..."
"Were you just planning of giving me away?!"
"No. Hindi sa gano'n, Astra..."
"Gano'n 'yon, Brix! Parang sinangla lang ako sa 'yo na tutubusin sa takdang panahon! What's the point of being free then?"
"Do you think I will let them take you?"
"I don't understand, Brix. Why would you do that? I never complained about being a slave."
"Right." He nodded. Hinila niya ako at sinandal sa kanya. "But I wasn't planning of having you as my slave forever either. I don't want anyone to look down at you. Jesus. If someone shamed you for being a slave, I don't know what I could do. I had to do it. I just had to. Rules don't work to me after all."
"But... am I yours forever now?"
"You are freed and tied to me forever, Milady."
Forever. This thing exists. It's us who put end to it.
Gusto munang magpahinga ni Brix kaya iniwan ko muna siyang mag-isa sa silid. Balak ko sanang hanapin si Abel pero iba ang sumalubong sa akin.
"Oh, Wilma?" tanong ko. "Bakit ka umiiyak?"
"Kasi—"
"My fault!" Sumulpot bigla si Tegan at hinawakan ang braso ni Wilma. "Napaiyak ko siya, Lady Astra. Sorry. Pero ako na rin ang bahala sa kanya."
"Hindi. Si A—"
"Doon na tayo mag-usap, Wilma," putol uli ni Tegan.
Sa huli ay nagpatianod din si Wilma sa pagkakahawak ni Tegan. Napailing na lang ako. Mukhang nabigo si Wilma sa pagbibigay ng cake kay Tegan kaya nasaktan ang damdamin nito.
"Pagod ka yata?"
Napatingin ako sa likod. Si Abel na nakangisi.
"Pagod?" tanong ko.
"Nakalimutan mo pa yatang magsuklay, Astra."
Napahawak naman ako sa buhok ko. Gulong-gulo ako habang tumatawa si Abel. Nagsuklay naman ako kanina kaya imposibleng magulo ito.
"Hindi yata kinaya ni Brix? Pagod din?"
Nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan ang sinabi niya. Hinampas ko siya sa braso na mas ikinatawa nito. Akala ko pa naman totoo ang sinasabi niya pero iba pala!
"Rounds?" he asked.
"Shut up!" I rolled my eyes. "Anway... hahanapin sana talaga kita."
"Hays. Basta ba hindi malalaman ng asawa mo."
"Na ano?"
"Quickie lang ah?"
"Stop!"
He laughed, hysterically.
Kahit kailan talaga ay ang hirap magseryoso ng lalaking ito. Buti hindi nagmana sa kanya ang anak. 'Yon nga lang ay tila pihikan si Tegan at mahirap kunin ang loob. Good for him though. Iwas na rin sa sakit.
"So..." Tumigil na siya sa pagtawa.
"About Corbie."
Doon na tuluyang nalusaw ang pagkapilyo niya. The topic will be sensitive so we decided to talk in a more peaceful place. We arrived here for a minute now but I haven't opened about the topic yet.
"Have you decided yet, Astra?
Mula sa ilog ay bumaba ang tingin ko sa damuhan. Pinagsalikop ko ang mga kamay. Hindi pa ako nakakabawi kay Koko pero heto na naman ako.
"I trust him, Abel."
"But?"
"Masyado nang dumidipende sa kanya si Aya." Mahina ang boses ko. Suminghap ako bago nagpatuloy. "I want to be a hundred percent sure this time. Some friendships are forever. If what they have is one, then I want to be sure."
"You are a mother after all..."
Mabilis na pumatak ang luha sa isa kong mata. Mabigat man sa dibdib ay kailangan ko ring isipin ang anak ko. Kailangan kong gawin ito para kapakanan niya.
I looked up at Abel. "Please... be careful."
"I will..."
"Don't let him know... whatever it takes. Just don't."
"I know." He let out a heavy sigh, too. "Malapit na rin sa kanya si Tegan. Kapag nasaktan si Koko ay madadamay rin ang anak ko. Ayokong magtampo ito sa akin."
Napangiti ako. Pinunasan ko ang luha sa mga mata bago tumulala sa ilog. Payapa ang agos. Malakas ang hangin. Masarap sa pakiramdam ngunit hindi nito kayang ibsan ang kabang nararamdaman.
"Say it, Astra..."
I swallowed.
"I want to know who really is Corbie."
"You will..." Abel smiled at me.
Mag-uumpisa nang magsaliksik ng impormasyon si Abel tungkol kay Corbie. Sooner or later... malalaman ko na rin kung sino talaga si Corbie. Hindi naman sa pinagdududahan ko ang mga sinabi niya sa akin. Gusto ko lang mapalagay.
I thought by giving my full permission to Abel, I would somehow feel at ease. Pero mas lalo lang akong nahirapan. Knowing that I was about to invade his history— It's haunting me.
Nakasalubong ko sina Aya at Corbie na palabas ng kakahuyan. Tumakbo agad sa akin si Aya at humalik sa pisngi ko. Si Corbie naman ay nanatili lang sa likod.
"Where have you been?" I asked, pero ang tingin ay nakay Corbie.
"Naglaro lang sa kakahuyan, Mama!" masayang sagot ng anak ko.
Pero hindi siya ang gusto kong marinig na sumagot.
I was staring at Corbie the whole time.
"Is that true, Corbie?" I asked.
"Opo, Lady Astra..."
Kumirot ang dibdib ko.
That's not how he used to call me. It should be Tita Astra!
Naramdaman ko na naman na maiiyak ko. Oh damn. I am always crying!
"Good. Huwag kayong lalayo ah?" paalala ko saka na tumalikod.
Maglalakad pa lang sana ako palayo nang may sinabi si Corbie.
"Galit po ba kayo sa akin?"
Napapikit ako.
No! Bakit naman ako magagalit sa 'yo? Mas galit ako sa sarili ko!
"Hindi ko alam kung may nagawa ba akong hindi niyo nagustuhan, Tita Astra. Sobrang kulit ko ba? Babawasan ko po. Naiinis po ba kayo sa akin? Hindi po ba maayos ang pagkakabantay ko kay Aya? Babawi ako! Promise! Pero please... huwag niyo po akong paalisin dito."
"Koko! Hindi ka pinapaalis ni Mama!" Narinig kong umiyak si Aya.
Nanatili pa rin akong nakatalikod sa kanila. Nakakuyom ang mga kamao.
"Bakit ka nakaluhod, Koko?" tanong ni Aya.
"Babawi ako. Promise. Tita— Lady Astra."
That's when I turned to him. Lumuhod ako at saka siya hinila payakap sa akin. Sinandal ko sa dibdib ang kanyang ulo habang tinatapik ang likod.
"I am not mad, Corbie," I whispered while crying. "You have been good to me, especially to Aya. I just wish... you could stay longer. No. I wish you could stay here for good."
Hindi ko alam kung ano ang malalaman ko tungkol kay Koko pero kahit ano pa man 'yon... ayokong lumayo siya. Ayokong lumayo siya hindi dahil masasaktan si Aya. Ayokong lumayo siya dahil... ayoko lang.
If only I could always hug him...
If only he could stay here...
Siguro ay dahil sa bihirang may magmakaawang manatili kay Corbie, mabilis ko itong napapayag na manatili na rito. Hindi ako nahirapan sa kanya. Sa katunayan ay sobrang saya pa nito... tila nakalimutan ang nangyari kanina.
Nagbalik ito sa dating sigla. He's calling me Tita again. Sobrang babaw ko ba dahil natutuwa ako sa simpleng pagtawag niya ng gano'n sa akin?
Just like what Brix promised, too, he has been training Aya. Not just to ride a horse but also to fight. Nahiligan din ng anak namin ang pana at palaso kaya may naituro din ako kahit paaano.
Aya is getting better each day. Hindi na nga rin yata niya iniisip ang pagkawala ng kanyang hamog.
Napansin ko rin na mas naging malapit sila ni Corbie. Minsan nga ay nahuhuli kong nag-uusap ang dalawa nang masinsinan. Nung tinanong ko naman kung ano 'yon ay tanging iling lang at tawa ang naisagot nila.
"You are right..." Tumabi sa akin si Abel.
Nauna na niyang sinabi sa akin kanina na may nalaman na siya tungkol kay Corbie. Pero minabuti kong ngayong gabi na lang namin ito pag-usapan. Narito kami sa lugar kung saan una kaming nagkasundo na talakayin ang nakaraan ni Corbie.
I smiled. "There's nothing to be afraid of, right?"
"Gaya ng sinabi niya sa atin ay isa talaga siyang palaboy sa labas. Ayon din sa nakalap ko ay mga masasamang bampira ang nakasama niya. He was part of this notorious group of vampires. They were stealing goods, crops and lands. Kapag hindi binibigay ang nais nila ay sapilitan nila itong kinukuha."
Suminghap ako. "He's too young to experience all that..."
"But his ability is not. Ayon din sa nakuha kong impormasyon ay kaya siya sinama ng mga ito ay dahil may kakayahan si Koko na makita ang lahat ng bagay sa itaas. Nagagamit nila ito sa pansariling kapakanan."
"They were abusing his ability."
"They are still looking for him, Astra. Sooner or later... malalaman din nilang dito naninirahan si Koko."
Huminga ako nang malalim. "Hindi ko hahayaan na makuha nila ang batang 'yon."
"Hindi sila titigil, Astra."
"Hindi rin ako titigil na protektahan ito."
"Alam kong naging totoo siya sa mga sinabi niya sa atin pero may bahagyang panganib pa rin siyang dala. As long as he's with Aya, he could cause her trouble."
I shook my head.
"Aya is learning..."
Hindi na nakasagot si Abel.
Corbie will stay here for good.
"That's all..." Abel said.
I nodded. "Thank you, Abel."
"All for you, Astra."
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa damuhan. Nagpagpag at nag-inat ng katawan. Ngayon na alam ko na ang nakaraan ni Koko kahit papaano, pakiramdam ko ay mas lalo lang siyang napalapit sa akin.
On my way back, I felt someone's presence around.
Madilim sa bahaging iyon pero kitang-kita ko.
I saw a silhouette of someone.
Tila namalikmata lang ako pero alam kong totoo 'yon.
Napako ako sa kinatatayuan. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
I saw someone wearing a cloak.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro