Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14: Cake

Hyacinth

I've had the best day ever!

Sobrang saya ko na kasama si Papa. Alam kong panandalian lang ito dahil kailangan na naman niyang umalis para bumalik sa kaharian pero para sa akin ay sapat na.

Sapat na kasama ko siya ngayon pero gusto ko pa. Gusto kong mas magtagal siya rito kasama ko.

I marched out of my parent's room with a wide smile plastered on my face. Sabi ni Mama ay maligo muna ako bago ipakita ang cake na ginawa niya para sa akin.

I love cakes!

"Prinsesa Aya!"

Natigilan ako sa pagtalon-talon habang naglalakad nang may tumawag sa pangalan ko. Isa lang naman ang tumatawag sa akin na prinsesa maliban kay Papa.

"Koko!" masaya ko rin siyang sinalubong.

"Ang astig ng Papa mo!" aniya.

I smiled proudly. I know that.

"Kaso... masungit," dagdag niya.

Natawa ako. Nang magpakilala kasi siya kay Papa ay hindi man lang siya binalingan ng atensyon. Unlike Tegan, he let him follow us wherever we go. Papa just didn't care enough, in fact, he made it look like Corbie wasn't even with us.

"Teka. Bakit kilala mo si Papa?" tanong ko.

I'm still confused about how much he knew my father. He even looked so mesmerized while staring at him.

"Hala. Sino bang hindi nakakilala sa kanya?" Pumamaywang pa ito habang nakangiti. "Lahat naman ng mga bampira ay kilala si Brixton Wenz Cardinal."

"Bakit?"

"S..."

"S?" tanong ko.

Kumamot siya sa batok. "Putik naman. Mukhang mas may alam pa pala ako sa kanya kesa sa sariling anak," narinig kong binulong nito.

I pouted my lips. That's true though.

"Kung gano'n..." There was anticipation in my voice. "Sasabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo! Pero... mamaya na. Maliligo muna ako."

"Oh, sige!"

"Hintayin mo na lang ako sa labas ng kwarto ko. Ang hirap mo kasing hanapin eh."

Corbie laughed. "Sige!"

I took a quick bath because I couldn't keep the excitement in me longer. The best day hasn't ended yet so there's more today. While brushing my hair, I suddenly remembered Corbie was nowhere to be found last night. I haven't asked him about that.

Narinig kong may nag-uusap sa labas ng kwarto ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Naabutan ko sina Mama at Corbie. They seemed in the middle of a conversation.

Koko looked so confused and so was my mother.

What's happening?

"Mama? Bakit?" tanong ko.

"S-sabi kasi ni Aya ay hintayin ko siya rito, Tita..." Halos naging pabulong ang pagsagot ni Koko. Dahan-dahan na bumaling ito sa akin. "S-Sige, Aya. Hihintayin na lang kita sa labas."

"Mama. Galit ka ba kay Koko?" I couldn't helo but to ask because Koko seemed somehow terrified of my Mom.

Before Mom could even answer my question, Corbie had already left. A strange scene, he didn't even look back and wave his hand to us like what he used to do. He just... left.

I was left speechless and confused.

What did I miss?

Napatingin ako sa hawak ni Mama. "Iyan na ba ang cake ko, Mama?"

I salivated at the cake with strawberry toppings. It looked so good and delightful. I knew Tegan would love it, too! Maybe I could also give him some.

Tila bumalik naman sa huwisyo si Mama. Mukhang apektado rin ito sa biglaang pag-alis ni Koko pero pinilit niyang ngumiti para sa akin.

"Let's get inside first, baby."

Nauna ako sa loob at agad na umupo sa kama. Nakita kong sumulyap pa si Mama sa pinanggalingan ni Koko, bumuntonhininga bago sinarado ang pinto.

"I baked this for you..." She put the cake in my bed. Saka niya kinuha ang hairbrush ko at pinagpatuloy ang naudlot kong paghawi sa sariling buhok. "How's the training?"

Naglagay ako ng icing sa daliri at sinubo. "Ang sarap, Mama!"

Mom chuckled. "I'm glad you liked it."

I couldn't wait to share it with Tegan and Koko!

"Ano po ang nangyari kay Koko?" pagbalik ko sa usapin.

Natagalan bago nakasagot si Mama.

"It's my fault..." mapait na sagot nito.

"How?" Humarap ako sa kanya. Napanguso ako nang makitang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. "Why are you crying, Mama?"

She immediately wiped the looming tears around her eyes before they even fell on her cheeks. Tumayo siya para ipatong ang hairbrush sa tukador ko. She stood there for a second and when she turned to me, she's already smiling.

I sat on my sit in awe. How could some vampires switch emotion just like that? I couldn't even hold my tears. If I feel like they are about to fall on my cheeks, there's no way I can stop them.

I wish I could also be like that.

"P-pupuntahan ko muna ang Papa mo," sambit ni Mama. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. "Ubusin mo na ang cake. Sa 'yo lahat 'yan."

Hindi pa ako nakakasagot pero iniwan na ako ni Mama. She really looked so bothered. Ano ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa ni Koko?

Bumagsak ang tingin ko sa cake. It tasted delicious but I lost my appetite. I tried to eat some but I couldn't even swallow it. That's when I decided to look for Tegan and Corbie.

I went out to look for my friends. I was all smile just by the thought they would love it too but then I couldn't find them. Nagtanong-tanong na rin ako pero walang makapag sabi kung nasaan sila.

Papunta ako sa likod nang makasalubong si Wilma. Isa rin siya sa mga babaeng tagapagsilbi rito. Napansin kong may luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Wilma noticed me and instead of just passing by me, she intentionally bumped into me or should I say, she pushed me. Napaatras ako at hindi ko nagawang ingatan ang cake. Nahulog ko ito sa lupa.

"H-hala..." My heart sunk at the scene.

My cake...

Muddled, I looked up at Wilma. There was a glint of scornful on her slightly smirked lips. Sinadya niyang banggain ako para mabitiwan ko ang cake.

"B-bakit, Wilma?" tanong ko.

I was too upset that I just observed she was also holding a slice of cake. It looked so similar to mine. Just by the look of it, I could say that's the missing part of my cake.

"Nakaharang ka kasi, Aya."

Feeling wasted, my eye sights dropped again at my cake. Hindi na ito makakain dahil nalaglag na sa lupa. Si Mama ang nagluto nito. Nasayang ang pinaghirapan ni Mama.

My fists balled up. My cake.

"Anyway..." Umangat uli ang tingin ko kay Wilma. "Your Mom gave me a slice of the cake she baked herself... alone. Balak ko sanang ibalik kasi walang lasa."

Walang lasa? It tasted so good!

She's lying!

"Gusto mo?" she offered me the cake.

I had no plan of accepting it but she also had no plan of giving it to me. Just like what happened to my cake, she dropped hers on the ground purposely.

"Nasty..." she whispered.

She was about to pass by me but I grabbed her arm with my one hand. Eyes still on the ground, I squeezed her arm slightly but it made her scream so loud.

I was shaking. I was so infuriated.

"A-Aya..." The pain was evident on her voice as she was tying to restrain from my grip. But I had no plan of letting her go just like that.

"Mom baked that cake," I said.

"Y-you are hurting me..."

That's when I looked at her. A smirk molded on my lips as I clasped her arm even more with my nails pricking on her skin. Napaluhod ito sa harapan ko, umiiyak at nagsusumamong pakawalan ko siya.

She looked nastier than the cake.

I could feel something peeking on my lips. My eyes felt burning. I wasn't craving for anything but the cake my mom baked for me until the smell of her blood dripping from her bleeding arm came into my senses.

"You wasted the cake my mom baked..."

Wilma tried to fight back but I was fast enough to pin her on the ground and knotted her arms. Nilapit ko sa kanyang tainga ang aking bibig at bumulong.

"I was planning of sucking your blood but I realized it smelled nastier than the cake my mom baked." Mas binaluktot ko ang kanyang mga braso.

She shrieked for help.

"Aya! Stop!" Naramdaman kong may humawak sa akin at nilayo ako kay Wilma.

Bumaling ako kay Tegan. He looked shocked.

"W-what are you doing?" he asked.

"Tinapon—"

"She pushed me!" sigaw ni Wilma. Iyak pa rin ito nang iyak. Pinunasan niya ang dumi sa mukha at mas lalong ngumawa. "When you didn't accept my cake offering, I tried to give it to her but she pushed me!"

Natigilan ako. "N-no—"

"Bad ka, Aya!" sigaw sa 'kin ni Wilma. "My arm..."

Napatingin ako sa braso niyang dumudugo.

"A-Aya..." Tegan seemed so disappointed.

Gusto kong ipagtanggol ang sarili pero nilapitan na ni Tegan si Wilma. Naghubad ng damit si Tegan at tinapalan ng tela ang sugat ni Wilma sa braso na gawa ng kuko. Nakita kong humilom na ito pero nagkunwari pa rin siya na tila nasasaktan.

Bumuhos ang luha sa mga mata ko.

"Your Mom is better than you!" Wilma screamed at me.

"Enough, Wilma," ani Tegan.

Umirap si Wilma. "No wonder why she is the darling of Esparago Clan."

"Wilma!"

"What? Sinaktan niya ako kahit wala naman akong ginagawa, Tegan!" Muling bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. "You never accepted any of my offerings. Hindi na rin ako magtataka kung papanigan mo si Aya. You don't like me. You are unfair. You are so unfair, Tegan!"

Bumitiw si Wilma sa pagkakahawak ni Tegan saka na ito naglakad palayo. Naiwang nakatayo si Tegan. Bumaling ito sa akin. Napailing pa siya.

Napatingin ako sa cake. Nasayang ang pinaghirapan ni Mama.

"I will just check on her," ani Tegan.

Hindi ko alam na mas masasaktan pala ako nung talikuran ako ni Tegan para habulin si Wilma. Sobrang sikip ng dibdib ko kaya imbes na sundan sila ay nag-iba ako ng daan.

Pumasok ako sa kakahuyan. Iyak ako nang iyak.

Akala ko ba kaibigan ako ni Tegan? Bakit hindi niya ako pinaniwalaan? Oo nga pala. Hindi ko man lang nagawang ipaliwanag ang sarili ko.

I can't fight. I can't even defend myself.

Maybe Wima is right after all.

I will never be as good as my Mom.

I am such a disappointment.

Tumigil ako sa pagtakbo at napatukod sa lupa. Umupo ako, niyakap ang mga tuhod at humagulgol. Tuwing inaalala ko ang nasayang na cake, ang pagtatanggol ni Tegan at paghabol nito kay Wilma... tila pinipiga ang dibdib ko.

I was crying my eyes out when a crow perched on the ground. Sa tuka nito ay may kulay dilaw bulaklak. Nilapag nito sa lupa ang bulaklak bago lumipad palayo.

Bagamat lumuluha, nakangiti kong kinuha ang kulay dilaw bulaklak. Alam ko ang bulaklak na ito dahil minsan na rin akong binigyan ni Papa nito.

"Hyacinth..."

Umangat ang tingin ko. Sumalubong sa akin ang payapang mukha ni Corbie. Nakangiti siya sa akin gaya ng madalas. Ni hindi ko pa nga yata siya nakitang nagalit sa akin kahit na minsan.

"Hyacinth ang pangalan ng bulaklak na 'yan," aniya pa.

Natulala na lang ako sa kanya.

"Nakita ko ang nangyari, Aya..."

Akala ko ay tapos na akong umiyak pero dahil sa sinabi ni Koko ay naiyak na naman ako. Tumayo ako at pabagsak na yumakap sa kanya.

Corbie chuckled.

"Tahan na. Ayokong nakikitang umiiyak ang prinsesa ko..." aniya habang hinahagod ang likod ko.

Mas lalo siyang natawa nang lumalakas lang lalo ang hagulgol ko.

"Bakit kasi niya gagawin 'yon?

"Nagseselos sa 'yo si Wilma," biglang sabi ni Koko.

Kumawala ako sa pagkakayakap. Hinawi ko ang mga luha.

"Ano ang sinasabi mo? Bakit naman magseselos sa akin si Wilma?"

He let out a heavy sigh.

"Una niyang inalok ng cake si Tegan. Pero tinanggihan ito ni Tegan. Dati pa siya nagseselos sa inyo, Aya. Nagseselos siya sa tuwing ikaw lang ang kinakausap ni Tegan. Nagseselos siya sa tuwing nakikita niyang magkasama kayo. Kaya nung nakita ka niya kanina ay hindi na niya napigilan ang sarili..."

Napasimangot ako. "Pero siya ang pinili ni Tegan."

"Sigurado ka ba?"

Umiling ako. Wala na akong pakialam doon. Basta niniwala sa akin si Koko, ayos na.

"Salamat, Koko." Doon na ako napangiti. Pinagmasdan ko uli ang bulaklak na bigay niya. "Salamat sa bulaklak. Salamat kasi... naniniwala ka sa akin."

"Salamat din, Aya."

Nagtagal pa kami ni Koko sa loob ng kakahuyan. Kinwento niya sa akin ang tungkol sa paglabas niya ng Esparago Clan para lang kunin ang bulaklak na ito.

"Buti ka pa nakakalabas kahit na kailan mo gusto," sambit ko habang ang tingin pa rin ay nasa bulaklak. Hindi ko maalis ang mga mata rito.

"Buti ka pa may nag-aalala sa tuwing lumalabas..."

I pouted my lips. "You are free to do whatever you want..."

"No one cares."

Umangat ang tingin ko sa kanya. Nakasandal ako sa puno at siya naman ay sa kabilang puno. Nakangiti ito sa akin. Pero ba't gano'n? Iba ang ngiti niya. Kinakabahan ako. Natatakot.

"Bakit, Koko?" tanong ko.

Hindi natinag ang ngiti sa kanyang labi.

Kumabog ang dibdib. Bakit?

"Ang ganda talaga ng Esparago Clan. Ang bait ng mga naninirahan dito. Ang ganda at ang bait ni Tita Astra. Ang astig kasama ni Tegan..."

"Koko..."

"A-ang astig din ng Papa mo, Aya."

"Ano ba ang sinasabi mo, Koko?"

"At higit sa lahat... nakilala ko ang prinsesa ko."

"Corbie..." Tila may bumara sa lalamunan ko. "Don't even."

Bumuntonhininga na ito.

I hate how he praised everyone. It sounds like he's up to something...

"Stop!" I yelled at him.

"Ano?" tumawa siya.

Mabilis akong tumakbo at yumakap sa kanya.

"Don't leave me, Corbie..."

"I won't..."

"Promise me."

"I am always watching you, Aya..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro