Chapter 12
Chapter 12: Finally
Hyacinth
I couldn't get him out of my head.
That human.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Tegan sa akin. Hindi ko inakalang tao ang isang 'yon. Ang sabi ni Tegan ay nalaman niya agad na tao ito nang lapitan at mahalimuyak ang amoy nito.
"There are only two things that can happen if you bump into a human. It's either your death or his death," I remembered those words from Tegan.
Why? I don't get it.
I've never been fascinated by humans but... they seem pretty interesting living things. They can survive without drinking blood. Their depth is something only some low class animals possess. Still, they have the same appearance as us.
Fascinating.
I heard a knock on the door so I immediately closed my eyes and pretended to be asleep. Narinig ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto. Not like you can wake up what's not asleep.
Someone let out a heavy sigh and I recognized him instantly.
He was about to shut the door when I jumped out of bed. Nanlaki ang mga mata ni Tegan at hindi na natuloy ang pagsara ng pinto. He looked bewildered while I was smiling.
"A-are you good now?" he asked.
I sat on the bed, still grinning.
Tegan looked muddled even more. Tuluyan na itong pumasok sa loob ng kwarto ko at sinarado ang pinto. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"How's your feeling?" he questioned.
"Better now. Thank you."
He nodded. "Nakita ko nga pala ang Papa mo, Aya. Nasa gazebo. Bakit doon siya natutulog?"
My heart leapt on my chest by hearing the word Papa. Sobrang saya ko na andito na siya ngayon. Pinangako niya sa akin na dito na muna siya para bantayan ako. That's all I needed.
Until... that human entered the scene.
Humarap ako kay Tegan na halatang nagugulat sa kinikilos ko.
"About the human—"
"Ssshhh!" Mabilis na tinapalan ni Tegan ng kamay ang bibig ko. Saka siya mas dumikit pa sa akin. He was almost whispering when he said, "Forget about him. Don't mention about it."
Inalis ko ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko.
"What do you mean?" Tila nalipat sa akin ang pagkalito niya.
"Just listen to me, Aya." Tegan has never been this serious about a certain topic. "Kalimutan mo na ang Nakita mo. Mas makakabuti sa inyong dalawa 'yon."
I pouted my lips. "I-I can't stop thinking about him..."
"W-what?"
"Ano ang ibig sabihin ng sinabi mo kanina?" tanong ko. "What do you mean it's either my death or his? I don't get it. Last na 'to, Tegan. Please?"
He just stared at me for a moment. "Promise me, Aya. Kapag sinagot ko ang tanong na ito ay titigilan mo na ang pag-iisip sa lalaking 'yon o sa lahat ng nakita mo sa labas."
Tumango ako bilang sagot.
Huminga muna ito ng malalim bago nag-umpisa.
"As you know, we are not allowed to interact with humans, right?" he paused as he waited for my nod which I immediately gave him. "There are only two thing that can happen if you bump into a human."
"Ano 'yon?"
Tila labag sa loob niya pero nagpatuloy ito.
"Sa dalawang 'yon, ang tao ang mismo malalagay sa alanganin. Kapag nalaman nitong tao ka, gagawin ng mga nakakataas ang lahat para hindi ito kumalat. If that means by silencing him for life, yes. Malalagay ka rin sa alanganin. You will be punished for being reckless. Worse... your death. Funny because it's not like living forever is a gift, right?"
My lips slightly parted. I didn't know about that.
That means... I need to be more careful.
"Oo nga pala. Where's Corbie?" pag-iiba ko sa usapan.
Mula sa seryoso ay napalitan ng iritado ang mukha ni Tegan. Humiga ito sa kama habang ang mga binti ay nakababa. Pinatong niya ang mga kamay sa dibdib habang nakatingala.
"Nagso-solo sa Three House..."
"Why? May nangyari ba?" tanong ko.
Lumiko sa akin ang tingin ni Tegan bago muling tumuwid sa itaas. Saka ito nagkibit-balikat.
"Hindi ko rin alam e. I tried to talk to him but he pushed me away..."
Uhmm. What's happening to him?
"Hindi man nga niya ako tiningnan e," dagdag pa ni Tegan. Bakas ang pagtatampo sa kanyang boses. "I want to be friends with him but whenever I am trying to, he's pushing me away..."
I laid beside him.
"You are right," I mumbled while staring at the ceiling. "The outside world is a scary place. Hindi pa ako nakalalayo ay ramdam ko na ang panganib."
"Ano ba ang inisip mo at bakit lumabas ka?"
"Gusto kong puntahan si Papa..." sabi ko.
"Hays." Gumilip sa akin si Tegan at ginawang unan ang braso. "The world is really scary, Aya. Especially if you are alone. That's why..." he paused.
Mula sa itaas ay tumingin ako sa kanya. He was looking straight into my eyes.
"Don't go away without me," he said. "Whether you are allowed or not, just don't push it without me. Sasamahan naman kita kung talagang gusto mo."
"Talaga?" Napangiti ako.
Tumango ito. "Talaga."
"Promise?" I showed him my pinky finger.
He smiled as he clasped his pinky finger into mine. "I promise that I will always stand with you, baby. Anywhere."
Napatitig ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na tila may maliliit na tala sa mga mata ni Tegan. Kumikinang ang mga 'yon. Nakahahalina.
Before I even realized, his face was almost an inch away from me and still is moving closer. I stopped breathing when the point of our noses touched.
My heart was pounding against my chest.
Mabilis na bumangon si Tegan nang may nagbukas ng pinto.
"Fuck!" he murmured.
Pumasok si Papa na nakakunot ang noo. He looked wasted. Nakasandal ito sa pintuan na tila roon lang kumukha ng balanse ng katawan.
"What are you doing here?" Papa asked Tegan.
Kumamot sa batok si Tegan. "Binabantayan lang si Aya."
"I am here now..." Pumasok si Papa at sinarado ang pinto. Tumagos sa akin ang tingin nito at ngumiti bago muling bumaling kay Tegan. "Ako na ang magbabantay sa kanya."
Tegan stood still.
Bumangon ako sa kama.
"Papa. Lasing ka ba?" tanong ko.
Kumunot ang noo ni Brix. "Lasing? Sinabi ba ng lalaking ito na lasing ako?" Tinuro niya si Tegan.
Umiling ako at natawa. "Obvious naman kasi, Papa."
Lalapitan sana ako ni Papa nang harangin siya ni Tegan.
"W-what are you doing?" kunot-noong tanong ni Papa.
Nangangatog man ang tuhod ngunit nanatiling nakaharang sa daan si Tegan. Malawak ang mga braso nito sa pagitan para hindi talaga makadaan si Papa.
"You are drunk, Milord," Tegan said.
"What about it?"
Tegan shook his head. "Baka makatulog ka sa tabi ni Aya at madaganan mo siya. Mas maganda kung hayaan mo na munang magpahinga ang anak mo."
"What the—"
"Get out now," Tegan cut him off.
Tumagilid ang ulo ni Papa.
"Madadaganan ko si Aya?" tanong ni Papa.
Tumango si Tegan. "Yes."
Tila napaisip naman si Papa.
"Where's your Mom?" Papa asked me.
"She's not here," Tegan said. "I will look for her after you get out of here. Mas mabuting siya muna ang magbantay kay Aya hanggat hindi ka pa maayos, Sir Brixton."
Papa let out a heavy sigh before nodding. Umakbay ito kay Tegan kaya muntik nang masubsub sa sahig si Tegan. Umangal ito at pinilit alisin ang pagkakaakbay sa kanya ni Papa.
"I can't walk anymore. Guide me, Mr. Esparago."
"I am Tegan. M-mabigat kayo—"
"Let's go." Hinila na ni Papa palabas si Tegan. Bago niya sinarado ang pinto ay bumaling uli ito sa akin at ngumiti. "Rest well, my princess. Good night."
I smiled. "Good night, Papa. I love you..."
"I-I love you, too." Tila nahiya si Papa matapos niyang sabihin 'yon. "Good night."
Pagkasarado ng pinto ay muling bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama. What a day. Ang daming nangyari pero ito ang pinaka paborito ko sa lahat.
I always wonder why Papa is cold when it comes with Tegan but seeing them together makes my heart happy.
Corbie popped in my head. What's wrong with him?
I yawned.
I slept with a smile on my face.
I woke up in the best morning ever. Nasa tabi ko si Mama pagmulat ng mga mata ko, hinahawi niya buhok ko. Siya rin ang nag-ayos sa akin.
"It's cold outside..." Mom wrapped the scarf around my neck.
"I don't even feel cold," I complained.
"Kahit na..." Tumawa siya bago ako hinarap. "You are so beautiful, Hyacinth."
No. I should be the one saying that. My mom looked gorgeous as always. Kung ang mga kawal ay pinag-uusapan ang lakas ni Papa, naririnig ko naman na ang kagandahan ni Mama ang bukambibig nila.
I find that quite unfair. Mom is strong too. I know.
Sabay kaming lumabas ni Mama. Naabutan ko si Papa na pinapakain ng dayami ang kulay puting kabayo. I know her name. It's Servena according to Mom.
Napatingin sa amin si Papa at agad na napangiti.
"What a view..." he said.
Patakbo akong lumapit sa kanya. Kumuha ako ng dayami at pinakain din si Servena.
"Are you sure?" dinig kong tanong ni Mama kay Papa.
"Come on, Astra. Hindi na ako makakatanggi sa anak mo. Nangako ako sa kanyang tuturuan siyang sumakay ng kabayo..."
I pretended to be busy feeding Servena. My Mom is still against the idea of me learning how to ride a horse. She's always against everything.
"Brix..."
"I will explain to her. Don't worry."
Humarap ako sa kanila. Naabutan kong hinalikan ni Papa sa labi si Mama. Mas lumawak ang ngiti ko nang mabilis na itinulak ni Mama si Papa.
"Damn..." Papa mumbled.
Nilapitan ako ni Mama. "Promise me, Aya. Kapag natuto kang sumakay ng kabayo ay hindi mo ito gagamitin sa kung ano. Naiintindihan mo ba ako?"
"Opo, Mama..."
She kissed my forehead. "Be careful, baby..."
"I will, Mama."
"Baby Aya!" Napalingon kami kay Tegan na nakasabay sa kabayo niyang si George. Lumapit ito sa amin. "Narinig kong tuturuan kang mangabayo."
"Wala ka na namang damit, Tegan," puna ni Mama. "Tingnan mo si Aya, balot na balot."
Kumamot sa batok si Tegan. "Salamat sa pag-aalala, Lady Astra—"
"She's not worried," putol ni Papa habang kinakalag ang pagkakagapos ni Servena. "Why are you flaunting your body like that? In front of my daughter?"
Tegan was confused now.
"It's fine." Mahinang tinapik ni Mama ang balikat ni Brix. "They are kids..."
Tumuwid ng pagkakatayo si Papa at bumaling kay Tegan. "Does he look like a kid to you?"
"Brix..." nagbabantang tawag ni Mama sa pangalan ni Papa.
"All right." Bumuntonghininga si Papa. "Mukhang may pupuntahan ka, Tegan. Mauna ka na. Para na rin mas makapag-focus si Aya sa training niya."
May sasabihin pa sana si Tegan pero inuhanan ko na siya.
"See you around, Tegan," I said.
"Huh?" Sumimangot ito. "Gusto ko sanang manuod— Okay. See you around, baby."
"Baby?" tanong ni Papa.
"Sige na, Tegan," banayad na pagkakasabi ni Mama.
"Okay." Pinihit na ni Tegan sa ibang direksyon ang kabayo at saka na pumaroon. Bumaling pa ito sa akin nang nakasimangot bago tuluyang lumayo.
I turned to my father. "Tara na, Papa?"
"Mag-iingat kayo..." Muling paalala ni Mama.
Inalalayan ako ni Papa na makasakay kay Servena saka siya sumakay sa likod ko. Pareho naming hinawakan ang lubid ng kabayo gaya ng bilin niya.
"Papa?" tawag ko kay Papa nang nakatulala lang ito kay Mama na naglalakad palayo.
"Uhm. Sorry." He chuckled. "I just find your Mom amusing."
"She's beautiful..."
"Damn right. Just like you..."
"Uhm. She's more beautiful..."
"What?"
"Siya lagi pinag-uusapan ng mga kawal."
"Kawal?" Napansin kong dumiin ang pagkakahawak ni Papa sa lubid. "Pinag-uusapan siya ng mga kawal dito?"
Tumango ako.
Naramdaman kong bumigat ang paghinga ni Papa.
"Okay. I will deal with it later. Ready, baby?"
I smiled widely. "Let's go!"
Papa taught me not just the basic knowledge of how to ride a horse but also how to handle it at worst. That horses are also like us, sometimes they behave unpredictably. But no matter what happens, I need to be relax. Harassing the horse won't do anything good for both of us. I need to treat it like as if it's also a part of my body.
"You are doing good, baby," Papa commended me after succefully pulling the horse to stop. "Now, make her move slowly. We've been running for hours now. She gets tired too. May malapit na sapa sa diretso. Doon tayo magpapahinga..."
Nakasandal ako sa dibdib ni Papa habang hawak ang lubid. Hindi ko maiwasang mapangiti. Alam kong hindi ko pa kayang sumakay sa kabayo nang mag-isa pero magandang simula ito.
"I want to have my own horse too, Papa," I said.
"Of course, baby."
We were silent for a moment.
"Malapit ka nang makalaya rito, Aya," tila proud na sabi ni Papa. "Are you excited?"
Hindi ako sumagot.
"It's fine to be scared, Aya. But don't let it hinder your will to do things. If you are scared, do it slowly. You don't need to rush it. Some things take time to achieve."
Suminghap ako.
"Why do you preparing me, Papa?" I couldn't help but to ask. "I know you are doing it to make me strong but sometimes, I feel like you are just training me for a battle."
Mom kept telling me that I needed to be strong before going outside the walls. That my life would just start right after they freed me from this clan.
"You will know soon, baby..."
I nodded.
Maybe I am right after all.
They are preparing me for something.
"Have you seen a human before, Papa?"
Natigilan si Papa sa pagsagot. Madali niyang nasasagot lahat ng binabato kong tanong pero sa pagkakataong ito ay tila panandalian siyang nablangko.
"Why did you ask?" he asked instead.
I shrugged my shoulders.
"Malapit na ang sapa. Diretso lang, Aya."
Hindi ako kumibo pero sinunod ko ang sinabi niya.
"Yes," he answered.
"How was it?" I asked again.
"I don't know. Humans are different from us."
I know that. I waited for something else but Papa didn't give me that. Gaya ni Tegan ay tila maingat din ito sa tuwing pinag-uusapan ang mga tao.
Am I too dumb to understand that thing?
Why do they keep things secret from me?
Sometimes, I asked myself, who am I?
I know my name, my ability, my parents but I don't know my history. I know a bit but still... not all.
Why am I locked in this clan? Dahil lang ba sa kakaiba ang kakayahan ko? Dahil lang ba sa bata pa ako at wala pang alam? Pero ba't ganon? Pakiramdam ko ay may mas malalim pang dahilan.
Huminto kami sa sapa para makainom ng tubig si Servena. Naghilamos din si Papa habang ako ay nakaupo lang sa bato at nakatingin sa umaagos na tubig.
"Are you good, baby?" Papa asked.
Napaisip ako. "Kapag ba malaya na ako, dadalhin mo ako sa palasyo mo, Papa?"
"Oo naman." Tumayo ito at binuhusan ng tubig si Servena. "I will show you everything I have that's also yours. Not like I wouldn't give the world to you."
"I want to see Tito Oscar and Tita Nathalia!" I said, thrilled.
"You will meet them someday..."
Nawala lahat ng iniisip ko dahil sa sinabi niya.
Papa asked me how I feel with thought of being freed from this clan, I don't know. I am excited and scared at the same time. But.. I am eagerly looking forward to that day.
"Reveal yourself!" nagulat ako sa sinabi ni Papa. Nakatingin ito sa likod ng isang puno. "Huwag mong hayaan na ulitin ko pa ang sinabi ko."
Slowly, a man showed up in front of us. Nakayuko ito at tila nahihiya sa amin.
"Corbie!" masaya kong sabi. Nilapitan ko ito. "I have been looking for you around!"
"B-bakit nakakatakot ang kawal mo, Aya?" tanong ni Corbie.
Natawa ako. "He's not a kawal. He's my father, Corbie."
Umangat ang ulo ni Corbie at dumiretso ang tingin kay Papa.
Sa una ay namamangha ang tingin nito bago sumilay ang isang matamis na ngiti na binigay niya rin sa akin nung una kaming nagkita.
"It's nice to meet you, Sir. Finally... " Corbie greeted my father and bowed his head. "You must be the greatest Cardinal. Brixton Wenz Cardinal. The first ever man to be crowned as the King of Vampire World."
Papa just stared at him.
I was shocked.
I never mentioned to Corbie about my father's full name.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro