Chapter 11
Chapter 11: Full Moon
Astralla
Aya has been missing for hours now. Lord Bermudo has already sent his army to look for my run away daughter but I couldn't just sit here and wait for some good news. So I looked for her myself...
Grabe ang panlulumong naramdaman ko habang nakatingin sa bakanteng tree house. Kahit na alam kong maaaring lumabas ang anak ko ay umasa pa rin ako kahit papaano na makikita ko siya rito sa tambayan nila.
Did she really cross the boundary?
"Hindi pa rin ba siya bumabalik?" tanong ni Lola.
Hinawi ko ang mga luha sa pisngi bago siya hinarap. Malungkot akong umiling. I rubbed my hands against my arms when it suddenly felt cold. She's nowhere to be found.
Lola let out a heavy sigh as if she, too, was disappointed. "Mukhang namana niya sa Ama mo ang ganitong ugali."
The thought that Lola was comparing my daughter to my Dad was a good thing, I just couldn't take it. Not this way.
"Lola..." Suminghap ako. "Baka may kapangyarihan kang malaman kung nasaan siya o kahit na malaman ko lang na ayos siya. Gusto ko lang mapanatag ang loob ko..."
Tila sasabog na ang dibdib ko sa sobrang pag-alala. I just want to know she's safe and unscathed.
She smiled. "Pauwi na rin 'yon..." bakas ang kasiguraduhan sa pagkakasabi niya.
Sumigla ang loob ko. "T-talaga po?"
That's all I need.
"Hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka niyang lumabas, Astra. Pero ito ang unang pagkakataon na nagkalakas siya ng loob na isakatuparan ito. Malamang na dala ito ng sobrang pagkalumbay."
That hurts me again.
Damn. I'm sorry, My Little Flower.
"At alam mong hindi rin ito ang huling pagkakataon na gagawin niya ito..." dagdag pa ni Lola. "Hindi mo siya mababantayan sa lahat ng oras, Astra. Ang kaya mong gawin ay ihanda siya..."
I shook my head. "No. I will make sure she won't escape next time."
Bumuntonghininga si Lola.
"Lady Astra!" Napalingon kami kay Lady Aida. "Natagpuan na si Aya."
Nagkatinginan kami ni Lola at dali-daling sumunod pabalik. Dumiretso ako sa silid ni Aya kung saan natagpuan ko siyang nakahiga sa kama. Nasa tabi niya si Brix at hinahaplos ang buhok nito.
"She's just exhausted," Brix said without even throwing a glance at me.
Tears streamed down my face while staring at my sleeping princess. Umupo ako sa kabilang bahagi ng kama at hinaplos ang pisngi ng anak ko. Marahan ko siyang hinagkan.
"I-I'm sorry, baby..." bulong ko. Hinawi ko ang luha kong tumulo sa kanyang pinsgi. "I'm sorry that you need to do this."
It sucks because this shouldn't be forbidden. We all deserve to have the greatness of freedom. Freedom to go anywhere, to do anything we want and to be what we want to be.
"Tegan found her in the woods outside the boundary," Brix mentioned.
Boundary? There shouldn't be boundary!
Naalimpungatan si Aya at nagmulat ng mga mata kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Kumurap-kurap siya habang papalit-palit ng tingin sa aming dalawa ni Brix. Pumirmi ang tingin niya sa ama.
"P-Papa..." Bakas pa rin ang pagod sa kanyang mahinang tinig. "Is that really you, Papa?"
The way she can hardly believe that it really is her father says a lot.
"Hey..." Brix leaned towards her. There was a soothing smile on his face that's not even there earlier. Banayad at mahinang tinanong nito, "Ano ang gusto ng prinsesa ko?"
Mabilis na umiling si Aya. "Wala, Papa."
"Come on. Do you want something? Anything."
Aya swallowed. "C-can you stay here longer?"
Umiwas ako ng tingin dahil namuo na naman ang mga luha sa mata ko.
"What? I am always here, my princess..." Brix answered.
"I-I mean..." Aya's voice crack squeezed my chest excruciatingly. "Here. Beside me."
Tumayo ako at dali-daling lumabas ng kwarto para makapag-usap muna ang mag-ama. Saka hindi ko kayang naririnig ang anak kong nagsusumamo sa simpleng bagay.
All she wanted was to be with her father. It's not too much but why does it seem so complicated?
Lumabas muna ako para magpahangin. Nakasalubong ko si Pinunong Bermudo. Nilapitan niya ako at agad na humingi ng paumanhin dahil sa nangyari.
"This won't happen again, Lady Astra..."
"Thank you, Milord. I appreciate your help."
"No." Tumuwid ang tingin niya sa akin. "I owe you my positon. You are the reason why I am still the leader of this clan. I'm sorry for failing your daughter, Milady."
Hindi na ako nakasagot.
"Astra..." Lumapit din sa amin si Abel.
"Sige po, Pinunong Bermudo. Magpapahangin lang ako," pagpapaalam ko bago nauna na.
Lumayo ako roon at alam kong nakasunod sa akin si Abel. Nang makalayo ay hinarap niya ako gaya ng inaasahan. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa akin, punong-puno ng pagsisisi.
"I'm sorry..." he whispered.
"Alam mong mag-isa lang si Aya rito, Abel." Hindi ko napigilan ang sarili at naglabas na rin ako ng hinanakit. "Sinama mo ang mga kalaro niya sa pangangaso gayong alam mong sila lang ang tanging libangan ng anak ko. Hindi mo ba inisip na maiiwang mag-isa rito si Aya?"
Naramdaman ko na namang nag-init ang gilid ng mga mata ko. I have exerted not just an immense amount of energy just for today but also an ocean of tears.
"I know..." He winced. "Sandali lang naman kami e. Hindi ko rin naman alam na umalis ka at walang kasama si Aya. Kung nalaman ko nang mas maaga ay hindi ko na sana sila inaya sa pangangaso."
"But then again, salamat sa anak mo dahil nahanap niya ang anak ko..."
"Shit. Sorry talaga, Astra." I could see the regrets in his eyes. "I'm really sorry..."
"N-nagkulang ba ako sa paalala?" My voice broke and so were my tears. "I told her it's not safe. I told her that the world is too cruel for the innocent ones like her. Why would she do that?"
Hinila ako ni Abel paupo sa bench saka hinarap.
"Listen, Astra. You daughter is growing so fast. Hindi mo kontrolado ang pag-iisip niya o ang kanyang mga desisyon. It's not your fault. She's a young girl who is willing to venture into something she hasn't experienced yet."
Tinaas ko ang mga tuhod ko sa upuan saka niyakap. Niyakap ako ng malamig na hangin habang tinanaw ang mga maliliit na bituin na nakapaligid sa bilog na buwan.
"Don't tell me you didn't see this one coming?" he asked.
Did I? Maybe. But I didn't expect it to happen this soon. She still has so many things to learn first. She's not prepared yet. It's too risky. Who knows what could happen?
"Andito naman na ang Papa niya. Brix will do anything to not let this happen again..." Abel reassured. "Maybe that was also the reason why Aya tried to get away."
Bumagsak ang tingin ko sa mga damo. I remembered their conversation. The way Aya's voice broke while pleading just for her father to stay beside her... that was too much for me.
"She missed him so bad," I muttered.
"He's here now..."
I stood up and prepared to leave.
"I need to go back," I said.
"Can you forgive me first?"
"Wait. Where's Tegan? Hindi ko pa siya napasalamatan."
Abel chuckled. "He doesn't need that."
"What?"
He cleared his throat. "Sasabihin ko na lang sa kanya..."
"No. I want to thank him personally." I roamed my eyes around. "Maybe next time. Kailangan ko na talagang bumalik. Sige, Abel. Mauna na ako. Good night..."
"Good night, Lady Astra. I'm really sorry..."
I bobbed my head and took the way back.
Nakasalubong ko si Brix habang pabalik sa kwarto ni Aya. Palabas na ito at malamang na ako ang sadya. Lalagpasan ko sana siya nang hawakan niya ang braso ko.
"Can we talk?" he asked.
"I need to talk to Aya—"
"She's sleeping. Let her rest for now."
I gulped. "Okay..."
Naglakad-lakad lang kami, tahimik, hanggang sa may matagpuan na gazebo. Napagpasyahan naming pumirmi muna roon. Wala pa ring nagsasalita sa amin nang biglang tumayo si Brix.
"W-we will get us drinks," he stuttered.
He still didn't get a response from me.
"Wait me here, Milady..."
He was about to go when I said something, "Heavy please..."
He just nodded.
Sumandal ako sa upuan at pinikit ang mga mata. Ang daming nangyari ngayong araw. Bigla kong naramdaman ang pagkahapo. Gusto kong makatulog nang mahimbing ngayong gabi.
Bumalik si Brix nang may dalang mga alak. Inayos niya ang mga 'yon sa kawayan na lamesa. Nagsalin siya sa dalawang baso at inabot sa akin ang isa.
Pinaglaruan ko ang yelo sa alak at pinagmasdan itong matunaw. Natunaw na lahat-lahat ang yelo ngunit wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa ni Brix.
Suminghap ako. "How is she?"
"I will stay here from now on..." he replied.
"D-did she cry?"
"I will fulfill my promise now. Ako na ang magtuturo kay Aya..."
"Ano pa ang sinabi niya?"
"Sisiguraduhin kong lagi na niya akong nasa tabi."
"Did she tell you why—" Natigilan ako nang yakapin ako bigla ni Brix. Bumagsak ang mga kamay ko kasabay ng aking mga luha. "Natakot ba siya, Brix? Nasaktan ba siya?"
"Hush. Astra..."
Yumakap ako pabalik at binabaon ang mukha sa kanyang dibdib.
"I'm scared, Brix. She's starting to explore..."
"I know." Hinarap ako ni Brix para punasan ang mga luha. Hinalikan niya ang noo ko bago muling niyakap. "Maybe I misunderstood your feelings after all. I'm sorry, My Queen."
"It does't matter anymore..." Kumawala ko sa yakap. "Prepare our daughter, Brix. Hindi na rin magtatagal at tuluyan nang mababali ang batas na pinataw sa kanya ng Esparago Clan. She will be freed soon. So..."
Brix nodded. "I will..."
I smiled.
Ang sabi ko ay gusto kong magpakalasing ngunit si Brix ang umubos ng lahat. Sa sobrang dami niyang nainom ay humiga ito sa hita ko at agad na nakatulog.
Nakatingin ako sa payapa niyang mukha. Hinawi ko ang buhok niya.
Hindi man niya sabihin ay alam kong natakot din ito sa biglaang pagkawala ni Aya. Sobrang kalmado nito kanina habang nawawala ang anak namin. Ngunit alam ng Paragonians na hindi talaga siya kalmado. Ramdam ko ang panginginig ng mga kawal kanina habang kaharap siya.
He's still that man. He may be a king to all now and is known for fighting for the next generation but, they can't still look directly into his eyes without intimidating. Just by mentioning his name could bring some chilling memories.
He's still Brixton Wenz Cardinal. The man who beheaded the Fifth Cloak.
Sandali kong inalis sa hita ko ang ulo ni Brix at dahan-dahan siyang inayos. Gusto ko munang puntahan si Aya dahil baka gising na 'yon. Babalikan ko na lang dito sa Gazebo si Brix.
Hindi inaasahan na nakasalubong ko si Tegan. Tumatakbo pa ito na tila nagmamadali.
"Tegan!" Tawag ko sa kanya. Napalingon ito sa akin at agad na lumapit. "Nabalitaan kong ikaw raw ang nakahanap kay Aya. Salamat, Tegan..." Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang pisngi.
"Wala 'yon, Lady Astra," sagot nito habang palinga-linga.
"May hinahanap ka ba?" tanong ko dahil mukha siyang balisa.
Pumirmi ang tingin niya sa akin. "Si Koko kasi. Hindi ko pa rin siya makita e."
Kumunot ang noo ko. Oo nga pala. Hindi ko pa rin nakikita si Koko magsimula nang makabalik ako kanina.
"Sige, Lady Astra. Hanapin ko muna siya!" pagpapaalam ni Tegan.
Napangiti ako. I like how Tegan is look for him now. That also means... they are already friends. I am happy for Koko. But that's not the case. Where is he?
Sa halip na puntahan si Aya ay napagpasyahan kong hanapin din si Corbie. When Aya went missing, everyone was looking for her. But everyone is silent when it comes with Corbie.
Kumirot ang dibdib ko. He's also missing but no one even noticed.
Muli kong nakasalubong si Tegan. Pabalik na ito mula sa loob ng kakahuyan. Hindi katulad kanina ay mukhang wala na itong gana. Nakasimangot pa nga ito.
"Oh? Did you see him?" I asked.
Tegan pouted his lips.
"Yes. Pinaalis niya ako. Gusto niya raw mapag-isa e. Ang sungit!" Umismid ito.
"Why?"
He shrugged his shoulders. "Bahala siya! Tinulak pa nga niya ako..."
"Where is he?"
"Three House."
Tumango ako. "Ako na ang pupunta sa kanya..."
"Huwag na, Lady Astra! Masungit siya ngayon e."
I chuckled. "Ako na ang bahala. Oo nga pala, Tegan. Puntahan mo muna si Aya dahil baka nagising na siya. Susunod din ako agad."
"Sige po!"
Nang makaalis si Tegan ay pumasok na ako sa loob ng kakahuyan para pumunta sa Three House nila. Umakyat ako roon at gaya ng inaasahan ay Nakita ko roon si Koko. Nakatalikod ito at nakatingin sa malayo.
Tumabi ako sa kanya.
"What's wrong?" I asked.
Naramdaman kong nagulat pa ito.
"L-Lady Astra..."
Humarap ako sa kanya. "May problema ba, Koko?"
Muling tumuwid ang tingin nito sa malayo.
"Sorry, Lady Astra. Hindi ko nabantayan si Aya..."
Mabilis kong naintindihan ang biglang pananahimik nito. Malamang na sinsisi rin niya ang sarili sa biglaang pag-alis ni Aya. Siya ang inatasan kong magbantay rito.
"Okay lang, Koko. Medyo nagiging pasaway lang talaga si Aya..." Tumawa ako. "Pero huwag mo na ito hahayaang maulit ah? Dapat ay mas lalo mong higpitan ang pagbabantay sa kanya."
Hindi siya sumagot.
Hinawakan ko ang balikat niya. "Let's go?"
"Wala akong kwenta..."
"Koko. Hindi totoo 'yan."
"Hindi ko man lang siya nahanap."
"Hays." Sapilitan ko siyang hinarap sa akin. Diretso ang tingin nito. "It's fine. Aya is here now. She's safe. Gusto ka nga niyang makita e. Sumama ka sa akin."
He shook his head.
"Come on, Corbie."
"L-Lady Astra..."
"May problema ba, Corbie?"
Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat. Suminghap siya bago umiling. Tumalikod ito at naghanda nang bumaba ngunit dumulas ito at nahulog pababa.
"Corbie!" Kinabahan ako.
Mabilis akong bumaba. Sinubukan ko siya alalayan patayo ngunit hinawi niya rin ang kamay ko.
Pinagmasdan ko itong mangapa habang tumatayo.
"C-Corbie..."
"Umalis ka na, Lady Astra."
"C-can't you see me, Corbie?"
Mapait na ngumiti ito at umiling.
That's it. Kaya hindi niya nagawang hanapin si Aya, kaya siya nag-iisa rito, kaya niya tinulak palayo si Tegan, kaya hindi niya napansin ang bigla kong pagdating... hindi niya makita ang paligid.
"W-why?"
Without saying anything, he just looked up.
Sinundan ko ang tiningala niya.
Full moon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro