Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10: Behind The Walls

Hyacinth

I miss him so bad.

Hiding behind a tree, I roved my eyes around trying find an escape room. There were watchers in every corner of the walls wrapping the entirety of Esparago Clan. The way those men stood there reminded me of the trees that could withstand any sturdy storm.

Was this my first time here? No. I've been here many times now.

Was this the first time I thought of crossing the border? I thought of it every single day of my life.

But this is the first time backing out isn't in my plans.

I came here with the willpower to succeed this time.

Sumagi sa isipan ko sina Corbie at Tegan. Malamang na hanggang ngayon ay nangangaso pa rin sila. Gusto ko mang magpasama sa kanila ay alam kong hindi sila papayag. Maybe Corbie? But Tegan? I don't think so.

For the sake of my plan, I'd rather be alone.

I pouted my lips. Halos isang oras na rin akong nagtatago rito pero tila hindi man lang kumukurap ang mga bantay. They weren't even flinching! Hindi naman pwedeng tumakbo na lang ako basta dahil mahahabol nila ako.

Saka gusto ko rin na maging sikreto ang pagtakas ko.

I'm here on the far side of the wall. Hindi naman pwedeng sa harapan ako dahil mas maraming bantay roon.

Tumuwid ako ng tayo saka umupo. What should I do?

Nabaling ang tingin ko sa isang bahagi ng puno. May nakapatong doon na posporo. Malamang na ito ang ginagamit ng mga bantay sa tuwing gusto nilang magsindi.

Bumuntonghininga ako. There's an idea in my mind but I don't think it will work. Lit a fire and scream for help so I can take that chance to distract them and escape? Nah.

Then, what? How can I escape from here?

Napalunok ako. Nanunuyo ang lalamunan ko. Dapat pala sinunod ko muna 'yung bilin ng babae at uminom muna ako ng dugo para may lakas ako mamaya. Pero ayoko nang bumalik.

I yawned.

Pinikit ko ang mga mata ko at hindi nagtagal ay nakatulog. Nagising ako nang may marinig na usapan. Mabilis na naging alerto ako. Hindi pa naman lumulubog ang araw kaya maliwanag pa.

I've overheard their conversations and that put a smirk on my lips.

Magpapalit na ang mga bantay pero mukhang hindi na makapaghintay ang mga lalaki kaya nauna na silang umalis. Ilang minuto lang ay may papalit na sa kanila kaya kinuha ko na ang pagkakataon na 'yon.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at tinanaw ang malaking pader. Napalunok ako nang mapagtanto na hindi hamak na mas mataas ito kung ikukumpara sa inaakala ko.

But that's not just it. The thought that I was about to cross the boundary, that all my life I was told not to, ignited the determination in me. I just need to climb and make it to the top.

I can. This is easy.

Sa huling pagkakataon ay bumaling ako sa pinanggalingan ko.

"I'm sorry, Mama..." I mumbled.

Sinimulan ko nang akyatin ang pader. Nang makatungtong sa pinakataas ay sandali akong natulala sa tanawin. Sobrang taas ko at mula rito ay kitang-kita ang walang hanggang kagubatan na kailangan kong tawirin.

Sandali akong napapikit ako nang humaplos sa mukha ko ang malamig at malakas na hangin. Mula rin dito ay kitang-kita ko ang unti-unting paglubog ng araw. Sobrang ganda!

It was so ethereal... and scary at the same time.

I am about to do it.

I felt hesitant but I don't want to go back anymore.

"This is it..." I whispered.

I bent my knees and with a smile on my face, I jumped down confidently. Umikot-ikot ako sa himpapawid bago tinaas ang mga kamay at sa unang pagkakataon magmula nang isilang ako... nakatungtong ang mga paa ko sa labas ng mga nagtataasang pader... mag-isa.

I did it!

I had chills knowing... I am no longer in the territory of Esparago Clan.

I roamed my eyes around. Where should I go from here?

Tanging mga nagtataasang puno lang ang nakikita ko. Pero imposibleng ganito lang ang lahat. Kailangan ko lang ay malagpasan ito para tuluyang makita ang labas.

Tiningala ko uli ang higanteng pader. Bumilog ang mga mata ko. Did I really do it?

Yes. I did it.

I let out a heavy sigh and I started to walk inside the forest. Wala namang kakaiba maliban na lang sa katotohanan na wala na ako sa lugar na nakasanayan ko.

I'm in the place where I am not allowed to.

I'm a little bit scared but... I will do it.

Nasaan ba rito si Papa?

Malayo ba 'yon? Malawak ba ang lugar na ito?

Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa dami ng katanungan ko. Hindi ko naisip na sobrang lawak pala rito. Baka mawala ako.

Lumingon ako sa pinanggalingan ko. Nanlumo ako. I don't even know how to come back. I lost the track.

Then... I have no choice but to continue.

Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad. Nandito rin ba sina Tegan at Koko?

Nagsimula na akong kabahan dahil parang walang pagbabago sa paligid. Tanging puno pa rin ang nakikita ko. Sinubukan kong umakyat sa pinakamatayog na puno para suriin ang lugar.

Nalula ako nang mapagtanto na hindi ko pa rin makita ang labasan.

My lips trembled. No. I won't cry.

Nagsisimula na ring dumilim. Wala man ako gaanong alam sa lugar na ito pero alam kong mas delikado sa tuwing gabi. Kung gano'n ay kailangan kong magmadali.

Pababa na ako ng puno nang maapakan ko ang isang marupok na sanga. Dumausdos ako pababa at dahil na rin sa panghihina ay hindi ko nagawang makatayo nang maayos.

Napaupo ako sa damuhan at napangiwi.

"Aw..." Ngumiwi ako.

Suminghap ako nang mangilid ang mga luha. Mabilis ko 'yong hinawi.

Hindi ako iiyak!

Makikita ko si Papa. Hindi ako babalik nang hindi siya nakikita!

Tumayo ako uli at pinagpagan ang sarili. Naglakad-lakad ako uli hanggang sa makaramdam ng gutom. Maliban sa nauuhaw na ako ay nagugutom na rin. Saan makakakita ng pagkain dito?

Gutom man at uhaw ay hindi ako tumigil sa paglalakad.

Sa sobrang tahimik ay maging ang pagkalam ng sikmura ko ay narinig ko. Doon ko napagpasyahang tumigil muna. Umupo ako sa ilalim ng puno at sumandal. Napahawak ako sa tiyan nang kumalam na naman ito.

"M-Mama..." bulong ko.

Nagugutom na talaga ako.

Kinabahan ako nang may marinig na kaluskos. Napatayo ako at naging alerto.

Insurgent?

Nangatog ang mga tuhod ko. Palapit nang palapit ang kaluskos. Alam kong papunta ito sa direksyon ko.

"Sino ka?" tanong ko habang paikot-ikot ang tingin. "Hindi ako natatakot sa 'yo pero kaibigan naman ako. Hindi kita aawayin! Promise!"

Walang sumagot.

"P-pupuntahan ko lang naman si Papa..." sabi ko pa.

Pumirmi ang tingin ko sa isang banda. Sa likod ng mga nagtataasang damo ay may gumagalaw. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Napasigaw ako at napaupo nang lumabas doon ang isang hayop na usa.

Napahikbi ako sa sobrang takot.

"T-tinakot mo ako..." bulong ko at napahagulgol.

Napansin kong paika-ika itong maglakad. May bahid ng dugo sa kanyang isang binti.

Natigilan ako nang maamoy ito. Pumintig nang malakas ang puso ko at naramdaman kong tila nasusunog ang aking mga mata. Kumuyom ang mga kamao ko at natakam sa dugo.

Gawa ng labis na pagkauhaw sa dugo ay hindi ko napigilang sugurin ito. Pero natigilan ako nang tumingin lang ito sa akin. Sinubukan niyang tumakbo pero bumagsak ang isa niyang binti.

That stopped me from attacking the poor animal.

Nilapitan ko ang nakakaawang usa at hinawakan ang kanyang isang binti na dumudugo. Mukhang nakuha niya ito habang tumatakbo o 'di kaya'y nakasagupa siya ng isa pang mabangis na hayop.

"Masakit ba?" tanong ko. "Sandali lang ah?"

Inalis ko ang tali ko sa buhok at ginamit ko 'yon para itali ang dumudugo niyang binti. Wala akong alam pagdating sa mga halamang gamot kaya ang tanging magagawa ko lang ay pahintuin ang pagdurugo nito.

Natawa ako nang sumipa ito. Malamang na nasaktan siya.

"You are good now..." I tapped her head after. "You just need a good rest."

Sinubukan niyang tumayo pero hindi nito kinaya. Binuhat ko ito at tinabi sa akin sa gilid ng puno. Gusto ko mang umalis na pero hindi ko magawang iwanan ang usa dahil baka may magtangka na naman sa kanya.

I let out a heavy sigh. Babantayan ko muna siya. Baka mayamaya lang ay magawa na niyang makalakad uli.

Madilim na rin nang nagtangka na namang tumayo ang usa. Ngunit sa pagkakataong 'yon ay nagtagumpay ito. Naluha ako sa sobrang saya habang pinapanuod itong maglakad palayo.

Nanlaki ang mga mata ko nang atakihin ang usa ng isa pang mabangis na hayop. Natulala ako nang makitang umagos ang dugo nito sa lupa habang kinakain siya.

She cried for help but I froze.

Walang pasabi na bumagsak ang mga luha sa mata ko.

I am so mad that I can't even speak.

What kind of animal is this? Malaki siya na hawig sa aso. I've never seen one before but I knew at that moment I was in danger. I should have ran to save my life. I should have left this place by now. But I couldn't do anything but to stare at it.

After eating the poor deer alive, the wild animal growl at the full moon in the sky. It was so loud, echoing.

I gasped.

I think I forgot to breathe when the animal turned to me. Napaatras ako nang makita ang mga matutulis niyang ngipin. He was set to attack but I managed to finally move my feet.

"Mama!" I screamed so loud.

Naiyak na ako sa sobrang takot.

Lumingon ako sa likod. Nakasunod pa rin sa akin ang mabangis na hayop.

"Help!" I screamed again.

A loud sound reverberated in the sky so I looked back. Mabilis na lumihis ng takbo ang mabangis na hayop. Alam kong palayo na ito sa akin kaya tumigil na ako sa pagtakbo.

Hindi kinaya ng mga binti ko ang takot kaya napaupo ako sa lupa.

Humagulgol ako habang yakap-yakap ang mga binti.

Did I amost die?

I'm scared. I want to go home now.

I felt someone's presence walking towards. I have no idea if it was a friend or an enemy but I was too tired to run or to even lift myself up. I looked up. It was a young boy and he was carrying something on his back. He looked down at me.

"Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito?" tanong niya sa akin.

"P-Papa..." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

Kumunot ang kanyang noo. "Hindi mo ako Papa."

Humikbi ako. "G-gusto kong makita si Papa."

"Nasaan ba siya?" Umupo ito sa harapan ko.

Umiling-iling ako.

I don't know either.

Muling kumalam ang sikmura ko at alam kong narinig niya 'yon.

"Hays." Kinuha niya ang kanyang bag at naglabas ng tinapay roon. "Sa 'yo na lang oh. Pauwi na rin naman ako."

Hindi ako nag-atubiling tanggapin ang tinapay na bigay niya. Mabilis ko 'yong naubos.

"Do you need blood?" he asked.

I nodded.

He stared at me for a moment.

"Please?" I begged.

"Promise me first..."

"Promise what?" I asked.

"You won't attack me."

Kumunot ang noo ko. What does he mean?

"Listen, kiddo—"

"You are a kid, too," agap ko.

"Hays. You are so dumb. Alam mo ba kung ano ang humahabol sa 'yo kanina?"

Tumango ako. "Animal..."

"What kind of animal?"

Napaisip ako. "A wild one?"

He raised one of his eye brows.

"Sorry. Ano'ng hayop 'yon?" tanong ko.

"A wolf..."

I shivered. "Really?"

"Yeah. Pero hindi ka kakainin ng asong lobo na 'yon, huwag kang mag-alala. You know why? Kasi lason ang dugo mo sa kanila. Unless you are not a vampire which is... a disappointment knowing you are."

Nakahinga ako nang maluwag.

"Buti naman gano'n—"

"Pero lalasug-lasugin niya lang ang katawan mo—"

"Stop!" sigaw ko. "You are scaring me."

He chuckled. Luminga-linga ito sa paligid.

"Sino ba ang kasama mo?" tanong niya.

"I am alone."

"Oh to be a brave girl."

"Can you help me? Gusto kong puntahan si Papa."

"Sorry. I can't hover around." Tipid na ngumiti ako. "It's not safe for me. I mean it's not like talking to you is safe."

"Okay..." I said. "Salamat na lang sa pagkain."

"Yeah."

Tumayo na ako at nagpagpag. "I need to go now..."

"Saan?"

"Kahit saan..." Bumuntonghininga ako.

Maglalakad na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. Nilingon ko siya. Masama ang tingin niya sa akin.

"Umuwi ka na," aniya.

Hinablot ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"No," pagmamatigas ko.

"Okay."

Kumunot ang noo ko. Is that it?

"Hindi ka ba naaawa sa akin?" tanong ko.

"Bakit?"

"Hindi mo ako sasamahan?" tanong ko pa.

Tumitig ito sa akin bago malakas na natawa.

"Ano ang nakakatawa?" asar kong tanong.

"Wala. Wala." Umiling-iling pa ito habang natatawa pa rin. "Ano ba naman 'yan. Hindi ka pa nga nagpasalamat sa akin dahil tinaboy ko 'yong asong lobo na humabol—"

"Salamat."

Kumamot siya sa kanyang batok.

"Tulungan mo naman ako, please..." Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya.

"Ano namang makukuha ko sa pagtulong sa 'yo?" Humalukipkip siya habang nakangisi. "Hindi naman pwedeng mag-aksaya ako ng oras para lang sa wala, hindi ba?"

I get it.

"Magkano?" tanong ko.

Wala akong pera pero pwede naman akong manghingi kay Tegan. Alam kong marami siya no'n, lalo na si Pinunong Bermudo.

"No. Can we be friends after?" he asked.

Natigilan ako. Gano'n lang? That's suspicious.

"Wait. A-are you an insurgent?" I asked, anxious.

He shook his head.

"Good. Sure!" nakangiti kong sabi.

"Hindi mo ba tatanungin kung—"

"As long as you are not an insurgent, we are good," I cut him off.

Ilang segundo bago ito nakasagot. "Okay. Tara?"

Napangiti ako. Finally.

"Sandali. Sabi mo kanina hindi mo alam kung nasaan ang Papa mo?"

"Alam ko!" pagsisinungaling ko. "Samahan mo lang ako."

Alam kong sa oras na sabihin kong hindi ko alam kung nasaan si Papa ay hindi na niya ako sasamahan. Ang kailangan ko lang ay kasama habang gabi. Sasabihin ko rin sa kanya ang totoo 'pag sikat ng araw bukas.

Natigilan ako sa paglalakad nang umikot ang paningin ko.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Ngumiti ako pero hindi na nagawang makapagsalita.

"You need blood..."

"No. I'm good."

Ilang minuto rin kaming tahimik. Nauuna siya sa paglalakad habang nakasunod lang ako.

"Bakit mo pupuntahan ang Papa mo? Nagkahiwalay ba kayo?" pagbasag nito sa katahimikan.

"Hindi," mapait akong napangiti. "I just miss him."

"You don't look good."

"I miss him so much..."

Hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako.

"Same..." I heard him whisper. "I miss him, too."

"Pupuntahan mo rin ba siya?"

He chuckled. "I wish I could..."

Napansin kong kumuyom ang kanyang mga kamao.

"Sasamahan kita pagkatapos..." sabi ko.

"He's dead."

Natigilan ako. Natikom ang bibig ko at nawalan ng sasabihin.

"I am all alone now..."

Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko.

He laughed. "Hindi mo alam kung saan tayo pupunta, hindi ba?"

Nahihiyang napangiti na lang ako. Napansin na rin niya pala.

Nagulat ako nang may biglang sumugod sa kanya. Nagpagulong-gulong sila sa lupa.

"Leave her alone!" Tegan throttled him. I've seen his fangs before but this was the first they terrified me. "I am going to count..."

Binitiwan niya ang lalaki at tumayo. Bumangon din naman ito agad. Tumingin pa siya sa akin bago umiling-iling at umalis. May binulong pa ito na hindi ko naintindihan.

Napalunok ako sa kaba nang bumaling sa akin si Tegan. Mabilis na kumalma ang mga mata niyang namumula kanina. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Tinangka niya akong isama pero nagpumiglas ako.

"Ayoko pang umuwi..." pagmamatigas ko.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso. He's never been harsh to me but I get it. I'm being a reckless hard-headed girl. Gano'n pa man ay buo na ang pasya kong puntahan si Papa.

I've come this far to stop now.

"Saan mo pa gustong pumunta?" tanong niya sa malumanay na tono.

Natigilan ako.

Humarap siya sa akin. Binitiwan niya ang braso ko para hawakan ang mga balikat ko. Hinarap niya ako sa kanya at hinaplos ang aking mukha. Sumilay ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.

"Pinag-alala mo ako..." bulong niya.

"S-sorry..." Napayuko ako.

"Sa susunod magpaalam ka ah?"

Tumuwid ang tingin ko sa kanya at napaismid. "As if naman papayagan mo ako..."

"Sasamahan na lang kita kesa sa mag-isa ka."

Nanlaki ang mga mata ko. Did I hear it right?

Tegan smiled at me. That was the assurance I need.

"Tara na, Aya. Naghihintay na ang Papa mo..."

"A-andoon na si Papa?" gulantang ko.

Tumango siya.

"Tara!" excited kong sambit.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bumigay ang aking mga tuhod. Nilagay ako ni Tegan sa kanyang likod. Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang likod at pinahinga ang sarili.

I can't believe I made it this far. Ilang oras pa lang akong wala sa Esparago Clan ay marami na agad ang nangyari. Ngayon ko mas napagtanto kung gaano kabangis ang mundo sa likod ng mga nagtataasang pader.

Ano pa ba ang naghihintay sa akin sa lugar na ito?

"Mali ang ginawa mo, Aya."

Hindi na ako nakasagot. Alam ko naman 'yon.

"Buti na lang at hindi ka pa gaanong nakakalayo. Mas mapanganib sa labas ng gubat na ito..."

Pinikit ko ang mga mata nang makaramdam ng antok.

"Anyway... I'm glad you are safe."

"Thank you, Tegan."

"Don't thank me, Aya. Pagod ka lang kaya hindi kita mapagalitan. Pero kapag maayos ka na, lagot ka sa akin..."

Natawa na lang ako. I know. But I'm still thankful.

"Galit ba si Papa?" tanong ko.

"Tingnan mo na lang..." Natawa siya.

"Si Mama?"

"She's worried of course."

"Okay..."

"Uhmm..."

"Bakit, Tegan?" tanong ko dahil halatang may gusto itong sabihin. "Ah! Si Corbie ba? Don't worry. Mag-isa lang akong umalis. Hindi ba kasama niyo siya?"

Oo nga. Buti wala si Corbie? Hindi ko na rin nakita 'yong uwak niyang alaga.

"Hindi 'yon, Aya..."

"Eh ano?"

"Why are you with that human?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro