Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1: Next Generation

Astralla

Corbie reminded me so much of Brixton. The thought of being free in a world where everyone was your enemy, that was something I feared Aya would get back when everything was still chaotic.

Kung titingnan ay halos magkasing-edad lang sina Aya at Koko pero mulat na mulat na ang mga mata ni Koko sa mga nangyayari sa mundong ito. Naramdaman na niya ang hagupit nito.

I was looking for Aya but I found Koko sitting under the willow tree and eating a piece of green apple. He was leaning against the trunk while looking up at the branches.

He looked peaceful as ever.

"Kumusta naman ang tulog mo, Koko?" tanong ko nang makalapit.

Bumaba ang tingin niya sa akin. "Mahimbing, Tita Astra. Ang lambot ng kama tapos may kandado ang pinto. Naligo ako uli bago matulog kasi sabi ni Aya ay gano'n daw dapat."

Napangiti ako dahil hatala ang galak sa kanyang boses. Masaya rin akong nakikisama si Aya sa kanya at naintindihan ng anak ko na ang kailangan ng lalaking ito ay kaibigan na makakausap.

"Mabuti naman kung gano'n, Koko."

"Ay si Aya ba? Kasama niya si Tegan." Biglang tumayo si Koko. Tumingala ito. "Pero pabalik na rin sila. May dala na naman silang strawberry galing sa farm."

"Paano mo nalaman?"

Ngumisi ito. "Doon kasi sila pupunta sabi nila e."

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?"

He chewed the portion of apple he bit. "Oo nga pala, Tita Astra. Pwede ba akong magtagal dito?"

"Oo naman, Koko. Bakit?"

"Ano ang kapalit—"

"Huwag mong isipin 'yon—"

"Pwede akong maging kawal!" aniya pa. Lumiwanag ang mukha nito. "Pwede ring manananim. Magaan ang mga kamay ko kaya mabilis na tumutubo ang mga halaman na tinatanim ko."

Napatitig na lang ako sa kanya. I wanted to hug him and tell him it's fine, he doesn't need to do anything while staying here, but I just shrugged my shoulders.

"Sige na!" pangungulit nito.

"Masyado kang bata para maging kawal, Koko."

"Eh?" Tumagilid ang ulo nito. "Mas magaling pa ako sa mga kawal dito."

Umupo uli ito sa ilalim ng puno. Tinapon niya sa gilid ang tirang mansanas at humikab. Maganda ang pangangatawan nito na halatang nahasa sa mahihirap na gawain sa labas.

"Nakakabagot..." bulong nito.

Umupo rin ako sa tabi niya. May isang gumugulo pa sa isipan ko tungkol kay Koko.

"Kung hindi mo mamasamain..." Huminga ako nang malalim. "Pwede ko bang malaman kung nasaan ang mga magulang mo at bakit mag-isa ka lang?"

Ilang sandali bago ito nakasagot. Maybe my question somehow triggered a sensitive part of his experience and just like that, I suddenly regret asking about it.

"Hindi ko rin alam e. Nagkahiwalay kami nung minsang may nakasagupa kaming rebelde..." Humina ang boses nito. "Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Mama."

"I'm sorry to hear that..." I swallowed as I tried to think of how to divert the topic. "But I'm sure she's proud of you, Koko. You survived it. Nakakahanga para sa iyong murang edad."

He didn't respond.

"Gusto mo ba ng gagawin?" tanong ko.

Nanlaki ang mga mata nito at sunod-sunod na tumango.

"Pwede mo bang bantayan si Aya?" tanong ko.

Natigilan ito. "B-bantayan? Si Aya?"

"Pwede ba?"

Ngumiwi ang kanyang labi. "Tita naman e. Mas mahirap pa 'yan kesa sa maging kawal!"

Natawa ako dahil halatang natatakot ito kay Aya.

"You can do it!"

"Hays. Sige na!" Bumalik ang ngiti nito. "Babantayan ko si Prinsesa Aya. Pati na rin si Tegan kasi lagi niyang nakakalimutang itali ang kabayo niya. Pati na rin ang kabayo niya. Pati na rin ikaw."

I burst out into laughter. What a jolly boy. I hope he will never change.

Dumating na rin sina Aya at Tegan sakay ng kabayo. Lumapit agad sa akin ang anak ko para ipakita ang basket na puno ng strawberry. Tumayo si Koko at hinila ang lubid ng kabayo ni Tegan.

"T-teka. Bakit mo kukunin si George?" tanong ni Tegan kay Koko.

"Hays. Ako na magbabalik. Trabaho ko 'to."

Naguguluhan man ay pinaubaya ni Tegan kay Koko ang kabayo. Patalon na sumakay roon si Koko nang pabaliktad. Ngumiti ito sa amin bago pinatakbo ang kabayo habang kumakaway sa amin.

"He's insane," Aya muttered, lips slightly parted.

Right. Corbie is really interesting.

"Meh. Not cool for me," ani Tegan. Bumaling ito sa akin gamit ang mga naguguluhang mata. "Sino ba talaga ang lalaking 'yon, Lady Astra?"

"A friend..." I told him.

"But he's an insurgent. Can we be friend with an insurgent?"

"Why not, Tegan? Mabait naman si Koko," pagtatanggol ni Aya.

Umawang ang mga labi ni Tegan, hindi inaasahang ipagtatanggol ito ni Aya. "I know. But... he's annoying."

I think I need to explain Koko's side.

"He craves for attention, Tegan," sambit ko. "As you know, he's an insurgent. Sa labas ng mga nagtataasang pader na ito ay kalaban niya ang lahat. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon na makakita ng mga kasama na hindi kalaban ang turing sa kanya, gagawin niya ang lahat ng makakaya para samantalahin ito."

"Samantalahin?" tanong ni Aya.

"He doesn't see you as a long time companions. Sinusulit niya ang bawat sandali na kaibigan pa ang turing niyo sa kanya. Maybe... he's not used to this kind of arrangement."

"That's sad," Aya whispered. Bumaling ito sa direksyon na tinahan ni Koko. "Really sad..."

"Aw. Why do I feel sad for him now?" Tegan scratched the back of his neck while pouting his lips. "Maybe I need to share him my strawberries now, right?"

"Do it." I smiled. "Do everything to make him feel he belongs here."

Matapos no'n ay iniwan ko na muna sila. As much as possible, I didn't want to hover around Aya. Gusto kong magkaroon din siya ng kalayaan kahit na nasa loob lang ng pangkat na ito.

Nakasalubong ko si Abel na may dalang kumpol ng mga tuyong dayami.

"Nice style," puri ko sa damit niyang may malaking butas sa gilid.

Binitiwan niya muna ang dayami. Tinaas niya ang kanyang damit at tinanggal 'yon. Pinunasan niya sa mamuma-mulang dibdib ang hinubad na damit.

"May kailangan ka?" tanong nito.

"Wala naman. Magpapakain ka ba ng mga hayop?" Sinulyapan ko ang kumpol ng mga dayamin na bitbit niya. "Sama na lang ako. Wala rin akong magawa e."

"Umalis na ba asawa mo?"

"Stop..." Pumula ang pisngi ko.

I still feel embarrassed whenever someone mentions the term 'asawa'. Hindi ko pa rin maatim na parang gano'n na nga ang estado namin ni Brix. It still feels surreal.

"Arte mo, Astra. Tara na nga!"

Tinulungan kong magpakain ng mga hayop si Abel. Napag-usapan din namin ang tungkol kay Koko. Wala namang kaso kay Pinunong Bermudo ang paninirahan niya rito maliban na lang kung tangkain siyang kunin ng mga kapwa nito.

"He has no family now," I told Abel.

Naghugas ako ng mga kamay sa umaagos na tubig sa gripo. Si Abel na lang ang nagpakain sa mga natirang hayop. Karamihan lang naman ay kabayo, kambing at mga usa.

"Hindi naman natin siya pwedeng ibigay sa hindi niya kilala." Nagpunas ako ng towel bago humarap kay Abel. Nakasandal ito sa puno at nakahalukipkip. "We can't just trust him to anyone just because he's an insurgent like them."

He stared at me for a moment. "He reminds you of Brix..."

"It's just..." Lumunok ako. "He's too young."

"All right." Siya naman ang lumapit sa gripo. Naghugas ito ng mga braso pataas sa kanyang dibdib. "As long as he doesn't cause any trouble, he's good here."

Pinanuod kong magpunas ito ng towel sa dibdib.

"Ay!" Napatampal ako sa noo nang may maalala. "Ngayon nga pala darating ang bagong manggagamot na tutulong kay Aya. Nakalimutan ko pa."

"How is she?"

I shrugged my shoulders. "She's doing good... for now."

"Does fog still bother her?"

"Hindi na gaano pero hindi ibig sabihin no'n ay wala na. We still need to prepare her."

"Oh." Sinampay nito ang basang damit at towel bago lumapit sa akin. "Tara na. Samahan na kita."

Tinangka niya akong akbayan kaya umiwas ako. Tumawa ito.

"Wala kang damit. Nakakahiya sa bisita, Abel," puna ko. Maging ang kanyang pantalon ay basa rin.

"Hindi 'yan!"

"Magdamit ka—"

"Naiilang ka ba?" pang-aasar nito.

"Hindi ka ba nahihiya?" Tinulak ko siya palayo. "Sumunod ka na lang. O 'di kaya'y sumama ka na lang mamaya. Plano kong gumawa ng maliit na salo-salo kasama ang mangagamot."

Bumuntonghininga ito bago mahinang tumango. "Sige na nga. See you later, Mrs. Cardinal."

Napailing na lang ako.

Nakasalubong ko si Aya na nakasimangot. Nakayuko ito habang naglalakad. Hindi sana ako nito mapapansin kung hindi ko tinawag ang pangalan niya.

"May problema ba, Aya?"

Umangat ang tingin nito sa akin.

"Ma!" Lumapit ito sa akin. "Ano ba ang sinabi mo kay Koko?"

"Bakit?"

Mas lalong humaba ang nguso niya. "Bakit lagi siyang nakabuntot sa akin ngayon?"

Tumuwid ang tingin ko sa isang lalaki sa hindi kalayuan. Mabilis na nagtago ito sa likod ng puno.

"Kanina pa siya ganyan," nagdadabog na sabi ni Aya. "Kahit saan ako pumunta ay naroon siya. I told him that it's annoying, so he started to follow me secretly. As if I couldn't see him!"

Imbes na maawa ay natawa ako na mas lalong nagpayamot kay Aya. Corbie was literally following whatever I told him to but in an exaggerated way. Maging ako siguro ay maiirita rin kapag laging may nakabuntot sa akin.

"Don't you feel safe like that?" pang-aasar ko pa.

"No. I feel annoyed." Aya shook her head.

I nodded. "Koko. Halika..."

Lumabas sa likod ng puno si Koko. Napailing ako dahil nakabalot pa ng itim na tela ang kanyang ulo. May hawak din itong maliit na patpat na winawasiwas niya nang parang ispada.

Tumakbo ito papunta sa amin, ang mga kamay ay nasa likod.

"Bakit, Tita?" Tumingala ito sa akin.

Aya rolled her eyes. "Stop following me!"


"Wait. Kilala mo ako?"

"Seriously, Koko? Itim na tela lang naman ang nagtatago sa mukha mo." Bumaling sa akin si Aya. "Ma! Bawiin mo na ang sinabi mo sa kanya. I can handle myself."

"Ayoko." Humalukipkip si Koko. "Ako ang kawal mo, Prinsesa Aya." Muli niyang winasiwas ang patpat na hawak. "Ang misyon ko ay bantayan ka kahit saan."

"Talaga ba?" Humarap na si Aya sa kanya. "Ang bagal mo kayang tumakbo. Nahabol nga kita nung naninilip ka e. Paano kung may bad guy?"

"Oy hindi." Umayos ng tayo si Koko. Inalis nito ang tela sa ulo. "Gutom lang ako no'n kaya medyo nanghihina. Try me now. Hindi mo na ako mahahawakan."

Corbie smirked at her.

Tinangkang hawakan ni Aya ang braso ni Koko pero mabilis niya itong iniwas. Naghabulan ang dalawa sa harapan ko... ni hindi man lang magawang makalapit ni Aya.

"What? Paano ka naging ganito kabilis?" yamot na tanong ni Aya.

Humalukipkip si Koko. "Gutom lang talaga ako no'n."

Aya stopped trying to catch him.

It seemed like Corbie could read her moves. Alam nito kung saan aatake si Aya... alam na alam niya. Sa loob nang maikling panahon ay nakuha ni Koko ang buo kong atensyon.

A flashback about The Fifth Cloak popped in my head. They have somehow the same ability. Nahirapan kaming kalabanin siya dahil nababasa niya ang kilos namin.

This boy is really something.

"Ayoko na nga!" pagtatampo ni Aya.

Kumamot sa batok si Koko. "Oh. Hulihin mo na ako!"

Hindi kumilos si Koko kaya nahuli siya ni Aya. Gano'n pa man ay hindi kumbinsido ang anak ko dahil alam niyang hindi ito gumalaw para mahuli siya.

"Aya, Koko!" Dumating si Tegan. Gaya ng madalas ay wala na naman itong damit pang-itaas. May mga dala itong materyales. "Gagawa ako ng bahay sa itaas ng puno! Gusto niyong tumulong?"

"Talaga? Oo naman!" pagpayag agad ni Aya.

"Ikaw, Koko?"

"P-pati ako?" Tinuro ni Koko ang sarili.

Nilapitan siya ni Tegan at inakbayan. "Tulong mo ang mas kailangan ko. Mapapasaya natin si Aya dahil dati niya pa gustong gawin ito, Koko. Dali na," bulong nito.

Lumunok si Koko. "Sige!"

Pinanuod kong umalis ang tatlo. Nakaakbay pa rin si Tegan kay Koko habang si Aya naman ay patalon-talon habang nakasabay sa kanila.

Ngayon ay mas napagtanto ko kung gaano kahalaga ang pinaglaban namin.

This is... the next generation.

Napangiwi ako nang makalimutan na naman ang tungkol sa manggagamot. Nakasalubong ko si Lady Aida na hinahanap na rin pala ako. Kanina pa raw naghihintay ang manggagamot.

"Pasensya na, Lady Aida. Marami kasi akong ginawa," pagdadahilan ko na lang.

"Halika na."

Hinatid niya ako sa gazebo kung saan naghihintay ang manggagamot.

Natigilan ako nang makita ang isang babae na nakatitig sa kandila.

Umangat ang tingin niya sa akin.

Tumayo ito ay yumuko.


"Nagkita tayo uli, Binibining Astra..."

"L-Lola..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro