Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

Kabanata 7

Pagtatago

"Wala pa rin Mommy mo?" bungad sa 'kin ni Tita Janet, ang nanay ni Kamila, nang mag-sleepover ako sa kanila. It was a Christmas break that's why I was able to sleep here. Mabuti nalang at pumayag din si Papa.

"Busy pa po sa documentary nila," was my usual excuse. I paired it up with a convincing small smile.

Tita Janet's eyes were on me as if she was searching for the lie in the truth that I fabricated. But what I said was the truth. Well, a part of it. Abala naman talaga si Mama sa documentary niya.

I was a regular in their house, so when she gave me a smile, my heart swelled. It brought comfort in my disturbed mind, and, after months of lacking, I felt the motherly love.

If she saw how pain crossed my eyes was none of my concern. What mattered the most is I was able to feel it, even for a fraction of time.

"Sige, kapag may kailangan kayo sabihin niyo lang, ha?" hindi nawala ang ngiti niya nang sinabi 'yon.

I nodded and gave another smile as if to convince her that I was okay and that everything was in control. It was—or maybe it was a lie that I led myself to believe. But it was helpful, it put me into place.

"Uy, and'yan na pala 'yung stuffed toy na hinihiram mo last time. Binigyan kita ng bago!" Kamila exclaimed as we went upstairs.

Kinunotan ko siya ng noo nang makarating sa loob ng kwarto niya. Dalawa na ang dilaw na duck sa kama niya.

Inabot niya sa 'kin ang isa. "'Di pa 'yan nalalabhan, kabibili lang kasi."

"Bakit mo 'ko binilhan?" naguguluhan kong tanong, tinatagpo ang tingin niya.

I saw how concern was in her eyes, on how there was something she wanted to ask me but refrained herself to do so. She wrestled whether she'd be an able or a blind in a situation she was unsure of her role. But it was in my position to act blind and defiant, a way to make myself sane.

"Para hindi lang ako 'yung may malambot na stuffed toy, 'no!" was her answer. Niyakap niya nang mahigpit ang stuffed toy bago humiga sa kama.

I squeezed the orange lips of the duck instead.

I took it as her defense, a way to hide her concern to me because she knew that I'd be blind about it. I don't need it, I'd lead themselves to believe. It was a way to divert them from knowing me, and not knowing me at the same time.

Such a hypocrite, filling them with lies.

Pero unti-unti na akong nasanay ro'n.

Because a year into my mother's disappearance, I became used to lying. Kung ano-ano na ang palusot na sinasabi ko para lang itago ang dapat itago. Mas mabuti nang gano'n kaysa masaktan sa katotohanan.

There was no truth to this... not yet.

The investigation had little to no progress. Their guess: someone was interfering with it. Ang istasyon na pinagtatrabahuhan naman ni Mama ang nagpresenta na isagawa ang kaso. Ngunit kahit sila na ang humahawak, hirap pa ring umusad.

Kaya sa mga nagdaang araw, wala kaming ibang nagawa kun'di magkaroon ng pag-asa—maliit man o malaki—habang hinahanap ang dulo nito. Nakababaliw, pero mas mabuti nang kumapit hangga't meron pa.

At kung wala na?

Then, I'd try to accept that hope, no matter how infinite and powerful it seemed, would end.

Because everything would always have an end, whether they'd be permanent or temporary, a passing fancy or a glimpse of an eye—its existence would always be voided. The fragments that they'd have was the memories of the souls that retained it.

Minsan meron, kadalasan, wala. Mababaon sa limot hanggang sa mahalungkat at maalala muli. Pero kalimitan, hindi na nakikita pa.

That's why I was trying my best to relive it—to act that it doesn't only exist in my memory, that it was there. Breathing. Living. Present, not inanimate.

"Musta nga pala training niyo?"

Humiga ako sa kama, katabi niya. Itinuon ko ang mata sa kisame, isang bagay na nakasanayan ko na.

I didn't intend to sleep. It was a way to rearrange my thoughts to make my lies to sound like the truth. I use it often as it had become my defense mechanism. I believed that it could help me, but I knew that it would take a toll on me. But until I had nothing new to use, I'd stick with it.

"It's fine."

"It's fine lang?" Nilingon niya 'ko.

I glanced at her and sighed. Ipinatong ko ang dilaw na stuffed toy sa tiyan ko. Pinaglaruan ko ang pakpak. Tuwang-tuwa ako kung gaano kaliit at kalambot 'yon.

"Binibigyan nila ako ng matcha food pa-minsan-minsan."

Natawa siya. "Adik ka talaga sa matcha, 'no? May matcha drink sa ref. Suhol ko sa 'yo 'yun, remember?"

Napangiti ako, pagkatapos ay nagpakawala ng maliit na tawa.

That laugh wasn't forced—it was truth, and sometimes, it felt good to come close with it.

That night, after we've finished eating, we went back to her room to watch some movies. Hindi ako makapaniwala na bumili siya ng maliliit na pack ng Almond Breeze Matcha. Binigyan pa niya ako ng isang lata ng Deka Matcha, kaparehas ng ibinibigay sa 'kin ni Yuan noon.

A small tug emitted at some part of my heart. Dahan-dahan kong sinalat ang dibdib upang kapain kung saan 'yon nanggaling ngunit nawala agad.

I let out a small sigh.

"Lalim naman!" natatawa niyang sabi bago kumain ng popcorn. Naalala ko na 'disappointed' daw siya at walang matcha-flavored. Hindi ko sigurado kung sarkastiko ba 'yon o totoo.

"May naalala lang ako."

"Ano?" Nang-aasar niya akong tiningnan. "O sino?"

"Sino naman ang iisipin ko?"

Pasimple siyang nagkibitbalikat. "Dunno. Baka si Yuan? 'Di na kayo nag-uusap no'n. 'Di na kayo besties?"

I rolled my eyes at her. "Hindi kami besties no'n." My tone sounded bitter, or maybe I was. Wala naman akong pake.

"E 'di lovers?"

Kinunotan ko siya ng noo. "Sa'n nanggaling 'yon?"

She shrugged again. "Lagi kayong magkasama no'ng Grade Seven, eh! Akala nga namin kayo. Tanda ko pa 'yung time na ang daming natatanggap na chocolates ni Yuan tapos sa 'yo niya ibinibigay lahat."

"He hates sweets," was my comment.

"Dinig ko ngang inaasar ka niya na damo 'yung matcha, pero kita mo kung sino ang may binibiling matcha KitKat sa Ministop?"

"Ha?" Naningkit ang mata ko.

Nanlaki ang mata niya. "Hala!" She covered her mouth before she scooted closer. Para namang may makikinig. "Naaabutan ko siya minsan na bumibili ro'n."

"Medyo late kang pumapasok. Maagang pumapasok si Yuan." ...kasi tahimik sa classroom 'pag maaga, I would like to add, but I refrained myself.

"Hey, maaga akong pumapasok, ha! Tumatambay lang talaga ako sa Ministop 'pag umaga. Bumibili ako ng kariman. Minsan nga, nagpapalibre ako kay Yuan, eh," nakangisi niyang sabi.

"Nililibre ka naman?"

Nagningning ang mata niya. "Sinasampal ako ng singkwenta."

"Bente 'yung kariman. Anong ginagawa mo sa trenta?"

"Nililibre ko siya," pagmamayabang niya.

"Gamit ang pera niya?"

She proudly looked at me. "E sa binigay niya na sa 'kin 'yung pera niya. Automatically, akin na 'yun!"

"Pineperahan mo naman," natatawa kong sabi.

"Uy, 'di naman lagi."

Itinagilid ko ang ulo. "Tuwing kailan?"

"Every other day!"

Sumakit yata ulo ko sa sagot niya.

"Every other day?" medyo histerikal kong tanong.

Tumango siya bago napaisip. "Ay, kaso, hindi naman siya laging nabili sa Ministop, like not every day. Pero ang dalas niya ro'n noong Grade Seven pa, ha. Kasagsagan ng may nagbibigay sa kan'ya ng chocolates. Kaya every other day ako nagpapalibre sa kan'ya noon."

Did Yuan buy the matcha-flavored things that he gave me? Imposible naman. Baka nagkataon lang—isang beses—kung saan naabutan ni Kamila na bumibili siya. Hindi rin naman niya nabanggit na palaging bumibili no'n si Yuan.

"What if crush ka ni Yuan?"

Nasamid ako dala ng sinabi niya. Dali-dali niya akong binigyan ng tissue habang abala ako sa pagpunas ng bibig. "Imposible."

"Why? E 'di mahal?"

Mas lalo yata akong nasamid.

"Uy! Tana, okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong habang marahang hinahampas ang likod ko.

Umubo ako nang ilang beses, tsaka lang lumuwag ang daanan ng lalamunan ko. Naghintay ako ng ilang segundo para mahimasmasan bago magsalita.

"We're not even friends. Paano mangyayari 'yang sinabi mo?"

"Hala, defensive nito! May pinanghuhugutan ka ba?" Her doe-shaped eyes stared at me.

"Yuan hates me."

"Pa'no mo naman nasabi 'yon e mula Grade Seven hindi kayo mapaghiwalay? Noong Grade Nine lang kayo nagkaaway kaya naging close tayo."

"Because he hates me."

"Kaya kayo war hanggang ngayon?" Kamila looked interested to know about our problem, but I do not care about it anymore. Alam ko namang napilitan lang makipag-usap sa 'kin si Yuan noong prom dahil pagkatapos no'n, kahit nang matapos ang laban, hindi na niya 'ko pinansin pa.

"Basta," I said in a dismissive tone.

Ngumuso siya. "Ang showbiz niyong dalawa. Bagay kayo—suplado't suplada."

"Iba ako ro'n," depensa ko.

Ngumuwi siya. "Paano ka iba ro'n e halos same na kayo? Mahilig mang-irap, mahilig magpa-ikot ng mata, tahimik. Ayon nga, suplado't suplada. Ano pa ba?"

"Hindi ako maldita."

Napaawang ang bibig niya. "Maldita ba 'yung si Yuan? Okay naman siya tuwing pinapaayos namin 'yung correction tape sa kan'ya, ah?"

"Basta, maldita 'yon."

Ngumisi siya nang nakaloloko. Hindi ko nalang siya pinansin pagkatapos no'n.

Midway through the movie, Kamila received a chat from Yuan. Nalaman ko kasi ipinagmayabang niya sa 'kin, gumagawa ng issue kahit wala naman dapat.

"Alam mo, sobrang nag-suplado 'to lately. Dinaig pa ang babaeng may regla," kunot-noo niyang sabi habang ni-re-replyan si Yuan. "May tinatanong lang ako eh, pinipilosopo ako. Siya naman may kailangan..."

Ang mata ko ay nakatuon sa movie. Umaakto akong hindi narinig ang sinasabi niya.

"Anyway," pinalakas niya ang boses, sinasapawan ang sounds mula sa movie, "tinatanong niya kung saan ako tayo mag-si-Senior High. Tanong ko kung bakit, alam mo sagot niya?"

"Ano?"

"Para 'di raw siya pumasok do'n!"

"Sabi ko sa 'yo, maldita 'yon," was my comment.

"Aha! At eto pa, ha," saad niya, ang mata ay nakatuon sa cellphone. "Aba. Lintik na 'to. Sabi ko, magkasama tayo, tapos kung hindi pa rin papasok si Yuan kahit nandito ka na. Tapos, alam mo 'yung sagot? 'Oo'!"

Pabiro niyang binagsak ang cellphone sa hita at umiiling-iling habang nakatingin sa screen. Ang talim-talim pa ng tingin na parang si Yuan ang kaharap niya.

"Napaka talaga nitong si Yuan. Napaka- grrr! Nako, nako, nako. Tumataas blood pressure ko rito ha, bata pa ako." Humarap siya sa 'kin. "Magbati na kaya kayo para hindi siya umaktong parang menopausal lady?"

I let out a scoff. "It won't resolve anything, Kamila."

Ngumiwi siya. "Luh, sinasabi mo lang 'yan kasi ayaw mo makipagbati, e."

I met her eyes, and, with a truthful heart, I said, "Trust me."

Because we have our own problems to solve, and maybe, the best thing to lessen the burden was to be uninvolved.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro