Kabanata 6
Kabanata 6
Swing
Ilan buwan nang nawawala si Mama. Nasabi na rin namin sa istasyong pinagtatrabahuhan niya't sinabihan kami na iniimbestigahan na raw nila. Sa ngayon, wala raw munang ilalabas sa publiko; takot na lumala ang sitwasyon.
Nang tinanong ni Papa ang katrabaho ni Mama na si Shiela, sinabi niyang may kaonti siyang alam. Ang kwento raw sa kan'ya ni Mama, may sikretong kompetisyon daw ang isang broadcasting station na kung sino ang may pinaka-"riskiest news" ang siyang makapapasok. Inaaya raw siyang sumali rin ngunit tumanggi siya.
Sa huli, si Mama lang ang sumali.
"May nag-invite sa kan'ya, e. Nakilala raw niya sa isang journalist forum. Nabanggit sa asawa mo 'yung tungkol do'n tapos, ayun," sagot ni Shiela nang magtanong si Papa sa kan'ya.
"Tanda mo ba ang pangalan?"
"Um... Mel yata? 'Di ko sure kasi minsan lang niyang banggitin, e. Pero picture! Madalas niyang pinapakita sa 'kin 'yung picture. Wait, sinend niya sa 'kin 'yon." Panandalian daw niyang kinalikot ang cellphone at itinapat kay Papa ang screen nang makita ang litrato. "Eto si Isabelle kasama 'yung friend niya. 'Yan 'yung time na nasa journalist forum daw sila."
"Melani," banggit daw ni Papa.
"Ay, tama! Melani nga. 'Mel' tawag do'n ni Isabelle..."
Ipinakita sa 'min ni Papa ang litratong ipinakita sa kan'ya ni Shiela. Si Mama kasama ang isang babae habang nasa journalist forum sila. Sinend din ni Mama ang litratong 'yon sa family group chat namin.
"Siya rin 'yung huling kasama ni Mama..." nanliit na ang boses ni Rayleigh sad ulo.
Kung may itatahimik pa ang paligid ay baka nangyari na. Hindi ko nga lang alam kung mas pipiliin kong maging bingi o makarinig, huwag lang lubos na masaktan ng katahimikan. Gusto kong masanay ngunit napakahirap.
"Baka po nadawit lang din 'yung Melani?" Rayleigh's tone was too hopeful that I was pained because of it. She wanted to be optimistic, but with the time and silence that had passed, it was a bit late for that.
Baka... wala na.
For the next days, I could feel the weight of the burden on me. Aside from the constant emotional breakdowns that I had because I was undergoing TV broadcasting training, I still had something to do at home.
Unti-unti nang bumibigay si Papa, kinakain na ang oras sa paghahanap kay Mama. Sa kondisyon na 'yon, imposible sa kan'ya ang makapaghanap ng trabaho. Mabuti nalang at nakakukuha pa rin kami ng sweldo ni Mama. Nang tinanong namin kung bakit, sinabi lang ng istasyon na mahusay na reporter si Mama.
I don't know how long their good deed would last, but I hoped that it would. Because if my mother would be back, the salary wouldn't act as compensation anymore, right? Like collateral damage or a pension of some sort... hindi ko alam ang pinagsasabi ko.
Pero hindi naman dapat umabot sa ganito, hindi ba?
"...Tana."
"Tana."
"Uy, Tana!"
I snapped and realized that I was unable to read my lines on the prompter. Napatitig lang ako sa camerang nakatapat sa 'kin, ang kaliwang kamay ay nakahawak sa mikropono. Maayos naman ang postura ko pati na rin ang emosyon sa mukha ngunit ang utak ko ay napunta sa kung saan-saan.
I blinked to dissipate the ache in my head. Maybe because I was thinking too much, or maybe my eyes were strained because of the bright lights. Kung ano man 'yon, sigurado akong palpak ulit ang performance ko ngayon.
"Ano ba 'yan? Cut!" galit na sigaw ni Sir Karl.
Mabilis kong ibinaba ang tingin mula sa camera at umalis mula sa pwesto.
Napabuntonghininga ako, hirap na hirap na sa nangyayari. Napansin ko ang pag-alis nina Kate at Andrei mula sa pwesto dahil paniguradong pagagalitan na naman kami.
O ako lang.
"Tana, ano ba talaga?" Palagi kong naririnig ang malakas na boses ni Sir Karl tuwing training—iyon talaga ang diksyon at tono niya, ngunit hindi ako masanay-sanay. Palagi pa ring pinakakabog ang dibdib ko, may nagagawa man akong mali o tama.
Maybe it's because I was used to the calm-spoken people that I was usually with. My family, Yuan... Kamila was a little loud, but her voice wasn't as big as this.
Sa pagtagal ko sa TV broadcasting lang ako nakaranas ng ganito. Hindi rin naman gaanong buo at malaki ang boses ng anchor namin noong nag-re-radio broadcasting ako.
"Sorry po," was my only answer.
I couldn't give any reason even though they had been pressing me for it. Sinubukan naman nilang tanungin sa 'kin kung ano ba ang problema at kung paano sila makatutulong. Ako lang talaga ang problema dahil hirap na hirap akong mag-open up.
Wala silang magawa kun'di intindihin ako... kahit hindi nila maintindihan.
It's not that I don't trust them, but it's also that. I trust them a few parts of me for their satisfaction. Nahihirapan lang talaga akong ipaliwanag ang nararamdaman ko sa ibang tao. Mas sanay akong itago ang mga 'yon at pananatilihin kong gano'n.
Natapos ang training na naayos ko ang performance ko. I wasn't praised because of it, and I understood why. They saw me at my best, and, of course, my recent performance wasn't the best. It was mediocre, and I could only blame myself for that.
But I was used to it. Hinihila ko nalang ang sarili ko pataas dahil ako lang ang makatutulong sa sarili ko.
Tuwing umuuwing pagod mula sa training, imbes na maglinis ng katawan at mamahinga agad, gumagawa ako ng gawaing bahay. Kadalasan ay paghuhugas ng pinggan. Kung kinakaya pa ay nagwawalis o 'di kaya'y naghahanda ng kung ano-ano para kainin kinabukasan.
I knew I couldn't put this family unmanned. Malala na ang epekto kay Papa, hindi ko hahayaang pati ang kapatid ko ay madamay. Hindi pa niya kayang mag-isa ngunit unti-unti nang nasasanay pero kalimitan, hirap na hirap siyang mag-adjust.
I understood why; it was amidst the pain that I was immersed in, that's why I could.
I understood why they felt destructive—on why they couldn't function and wanted nothing but to lay in pain. It was too sudden. The comfort and security were robbed; it made us feel as if it was a borrowed luxury, that our time was finished, and that we weren't important to be informed why it was gone like that.
It was too heartbreaking to put those things into words, and the grief that I had for this slowly sinking hope was killing me. Iyon na nga lang ang kinakapitan ko ngunit hirap na hirap pa rin ako.
These sudden changes took a toll on my family. In fact, it was already on me, but I was forced to set it aside so I could make way for their welfare.
Panganay ako, I convinced myself. Kailangan kong gawin 'to.
Oftentimes, I would lay on my bed, my body clean yet dirty with tiredness. The soft mattress relaxed my sore muscles, but it didn't lull me to sleep. Even the warm bed in rainy evenings didn't help, either.
It was the ceiling that helped me. I would stare at it for no reason at all, then I'd drift into sleep. Hindi ko nga lang alam kung ilang minuto ang daraan bago ako makatutulog. Kaya kahit sinasabi nilang kapag pagod ka, mas madali kang makatutulog, hindi ako naniniwala ro'n.
I was more than tired.
I was... at the edge of destruction, but I kept on holding to my sanity.
Responsibilidad ko 'to bilang panganay. Kailangan kong tumayo at magpakatatag kahit napakahirap na.
"Pa, tumawag na sa 'yo si Mama?" tanong ko kay Papa, ang mata ko ay blankong nakatingin sa inarkilang gown.
"Wala pa, anak, e," sagot niya habang nagluluto ng tanghalian.
Panandalian akong natahimik bago napabuntonghininga. "Ayoko pong umattend ng prom."
I got a break because today's the night of the prom. It should be relaxing for me, but I felt burdened.
Ayokong umattend dahil una, hindi ako interesado. Mas gusto ko pang mamahinga sa kama, mabawi lang ang ilang buwan—o baka taon—na kapaguran. Ikalawa, ayokong gastusin ang pera ni Mama dahil sigurado akong iyon ang gagamitin pang-arkila ng gown.
Pero kahit anong pangungulit ko kay Papa na hindi na ako sasali, iginigiit pa rin niya.
"Magugustuhan ng Mama mo kung aattend ka," ang palagi niyang sagot... na siyang sagot din niya sa sinabi ko kanina.
"Pupunta ang tita mo para ayusan ka, ha? Sinabihan na niya 'ko no'ng isang araw."
Humiga na ako sa sala at napatitig ulit sa kisame.
Hours passed by and I was at the gym, the prom venue for this year. Old rose ang kulay ng damit at Hollywood ang tema.
Pagdating ko ay hinagilap ako ni Kamila papunta sa red carpet. Sa dulo ay may background kung saan pwedeng mag-picture. Saglit kaming tumigil do'n bago tuluyang makapasok sa loob.
I arrived inside to see the gym decorated nicely. There were touches of red, black, and gold everywhere. Nakaputing tela naman ang mga lamesa at upuan na may pink na ribbon sa likod.
"OMG, yey!" Kamila exclaimed after she put her silver, sparkly purse on the table. Makintab iyon dahil sa sa bahagyang madilim na paligid. "Ang ganda-ganda ng venue, ha."
She continued to look around while I slumped on my seat.
Wala akong ganang umattend. Paniguradong aantukin ako mamaya.
The rest of the Grade Nine and Grade Ten students arrived. When everything seemed to be complete, the program started. May performance ang lahat ng section ngunit hindi ako kasali sa 'min dahil palagi akong absent dala ng training.
I watched how Kamila, with her brown, wavy curls, went to the center with her partner. Nang pinaningkitan ko ng mata, nakita kong si Yuan ang kasama niya. Mula sa pwesto ko ay pansin na pansin ko ang simangot niya na siyang natural sa mukha.
They danced waltz, with Kamila enjoying every second of the dance while Yuan stood stiffly, his face grimacing. Nang matapos, parang nakahinga nang maluwag si Yuan at dali-daling umalis sa pwesto.
Hindi ko sigurado kung nagtama ang tingin namin. Baka ilusyon lang na dala ng mapusyaw na ilaw sa paligid.
"Uy, 'yung crush ko!" she exclaimed before she leaned at me. Nagkwento siya kung paano niya nakabunggo ang crush niya habang hinihintay ako sa labas. Itinuro pa niya sa 'kin kung sino sa mga nagsasayaw na Grade Ten.
The prom went by with me not minding every second of it. I was uninterested, and I just want to get home. Natuwa lang ako sa pagkain dahil masarap ang cordon bleu na may tartar sauce. Bukod pa ro'n, hindi na. Wala akong magawa sa pwesto kun'di maburyo sa kinauupuan.
"Uy, sa'n ka papunta?" she asked when she noticed that I stood up, minutes after I finished eating.
Nag-iba na ang mood ng paligid. Nagsusulputan na ang mga taong nag-aaya ng slow dance at hindi ako interesado sa bagay na 'yon. Tinatamad ako tumayo. Tinatamad ako makipag-usap. Hindi ako natutuwa sa ngalay na nakukuha ko mula sa takong na suot.
Gusto ko nang umuwi.
"CR," palusot ko.
"'Di ka ba mahihirapan sa suot mo?"
I looked down at my prom dress that I insisted to be simple. Ayoko ng magarbong suot—iyong mermaid gown o kaya ang ball gown—mas gusto kong maging kumportable. Ano ngayon kung simple lang ang suot ko? Hindi naman sila ang nagsusuot nito.
"Hindi ako naka-ball gown tulad mo," I answered.
She scrunched her nose and sighed. "Ay, may point. Sige, balik ka kaagad, ha?"
I just shrugged, which she was used to. Hindi ko rin naman maipangako dahil hindi ako sa banyo pupunta kun'di sa labas.
Paalis ng gym.
Do'n ako sa may bench dahil wala naman sigurong tao ro'n?
I stopped midway when I saw a couple sitting there. Medyo malayo ako sa pwesto nila ngunit sa liwanag ng buwan na direkta sa kanila, napansin ko ang pigura nila. Pumihit nalang ako sa kabilang direksyon at nagpunta sa swing.
Bahagyang madilim do'n. Hindi ako sigurado kung may tao kaya dahan-dahan akong naglakad, takot ding matapilok. Pinaniningkit ko ang mata para masilip ngunit hindi ko maaninag. Kaonting lakad pa ay natigilan ako.
There was a faint creak coming from the swing. Hangin ang hula ko ngunit nang may makitang pigura, pumihit ako paalis.
"Iniiwasan mo ba 'ko?"
Natigilan ako nang marinig ang boses ni Yuan.
The creaking stopped. Baka inuugoy niya 'yon kanina.
Nagdadalawang-isip ako kung sasagot o hindi. I could pretend that I didn't hear him, but he could see that I stopped.
Humampas ang lamig ng hangin. Bahagyang nanuot sa katawan ko dahil sleeveless ang gown na suot ko.
The silence drew on. Ang kaonting ingay mula sa gym ay dinig sa pwesto ngunit hindi sapat upang sapawan ang katahimikan.
"Hindi," I answered after a few moments of contemplation. Was hesitance in my tone?
"E bakit ka aalis?" suplado niyang tanong. Na-i-imagine kong nakataas ang kilay niya, ang mata ay nangunguwestiyon habang ang ulo ay bahagyang nakatagilid.
"Baka supladohan mo 'ko at sabihing iyo 'yang swing."
Mula sa dilim ay ramdam ko ang talim ng tingin niya.
Nagkibitbalikat siya. "Bahala ka. Ikaw rin."
Then he went on with swinging. Umuungot-ungot 'yon tuwing may natatamaang partikular na piyesa.
Ilang minuto pa akong nakatayo sa pwesto, nagdadalawang-isip kung mananatili o aalis. Ayokong kausapin si Yuan ngunit mas ayokong bumalik sa loob ng gym. Mas gusto kong manahimik nalang sa gilid. Hindi rin naman siguro ako masisita dahil bahagyang madilim ang lugar na 'to.
"Hindi ba malamok?"
"Mananatili ba 'ko rito kung hindi?"
"Pa'no ka kakagatin kung balot ka mula ulo hanggang paa?"
"Hindi ako balot. Tao ako."
Napairap ako.
Kaya ayokong kausapin ang pilosopong 'to.
I let out a defeated sigh and sat at the third swing, with one unoccupied swing in between us. Pinulupot ko ang kamay sa malamig na bakal at tumingin sa pinanggalingang direksyon.
Wala akong makitang tao rito sa labas. Baka abala silang magsayaw sa loob.
"May problema ka ba?" tanong niya pagkatapos ng ilang minuto ng katahimikan.
Hinigpitan ko ang kapit sa malamig na kadena.
I fought with myself whether I'd answer his question or not.
But I had always respected his decision not to connect with him. So, no, I won't tell him. Hindi naman porke't nagtanong ay gusto na niyang malaman. Baka napipilitan lang siyang makipag-usap sa 'kin kasi tumabi ako sa kan'ya.
Kung alam lang niya, hindi ako naghahanap ng kausap.
"Wala."
"Ang tagal mo sumagot."
"Wala nga," pag-uulit ko, ang boses ay buo na.
"E 'di wala," pagsusuplado niya.
Tanging ungot mula sa kadena ng swing ang pumailanlang sa ere.
Nanahimik ulit kami.
"Hindi ka ba giniginaw?"
"Hindi." Biglang humampas ang malamig na hangin, dahilan kung bakit ako nanginig.
I heard him tsk-ed. Nakarinig ako ng pagkaluskos mula sa pwesto niya hanggang sa may maramdaman akong ibinato sa 'kin.
Hindi ko alam kung paano niya natantiya gayong kaonting liwanag lang naman ang nagmumula sa buwan. Nang kinapa ko ay nahawakan ko ang mainit na tela.
Coat.
"Hindi ko hinihingi," saad ko, nakabaling sa direksyon niya
Nakatingin pala siya sa 'kin.
He tsk-ed again. "E 'di akin n—"
Mabilis kong inayos ang buhok at ipinatong sa balikat. Inalis ko muna ang heels sa paa dahil nangangalay na.
Ano ba ang problema nito? Are we friends again? Baka wala lang 'to. Baka naiirita siya 'pag nakikita akong giniginaw.
He let out a sarcastic snort. Hinayaan ko nalang dahil do'n naman siya magaling.
"Tana," he called, I didn't budge.
Tana.
"Naniniwala ka ba na..."
"Na?"
"Tsk. 'Di pa nga ako tapos magsalita sumapaw ka kaagad," pagrereklamo niya, tinataliman ako ng tingin.
Tumaas ang isang kilay ko. "Ang bagal mo magsalita."
Marahas niya akong inirapan bago inugoy ang swing. Ilang beses siyang nagpa-uli-uli bago tumigil sa naunang pwesto.
"Na may bagay na magtutulak sa 'yo na gumawa ng kung ano-ano."
Nahigit ko ang hininga nang maalala ang nangyari kay Mama.
Ang sakit.
"Oo." Hirap akong napalunok nang humapdi ang lalamunan.
No one should know.
"Ano?"
Napatitig ako sa paa ko. "Pagmamahal..."
"Sus."
Nangunot ang noo ko. Sa tono niya—bitter ba 'to? Parang ang sama-sama ng loob niya.
"Pagmamahal sa ginagawa," pagkaklaro ko. "Passion, Yuan."
"O, ano naman ngayon?"
"Anong 'ano naman ngayon?'" Medyo iritable kong tanong. "Nagtatanong ka, 'di ba? Ba't mo ko sinusupladohan?"
Nag-iwas siya ng tingin na mukhang pag-irap na rin ang dating. "Ano example?"
"Tulad ng... kay Mama."
Napatigil ako sa marahang pag-ugoy ng swing. Ang ungot na kanina pang nagmumula sa inuupuan ko ay mabilis na nabitin sa ere. Napalitan na ng tunog mula sa gym.
Unti-unting humahapdi ang mata ko. Sumisikip ang lalamunan ko kasabay ng pagbigat ng dibdib.
I didn't want to talk about it, but there was a part of me that urged me to tell him.
No. Why would I do that?
"Reporter ang Mama mo, 'di ba?"
Tumango ako.
"Uy, imik."
Napangiwi ako. "Tumango ako."
"'Di ko kita. Madilim."
Tingnan mo 'tong isang 'to.
"Oo, reporter Mama ko."
"'Di ko tinanong."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw nagsabi, ah!"
"Singer ang tatay ko," saad naman niya.
"Hindi ko tinatanong."
"Wala 'kong pake."
Napaawang ang bibig ko. Napakapilosopo talaga!
"Ano ginagawa ng nanay mo 'pag nag-re-report?"
"Nagsasalita," pamimilosopo ko sa kan'ya.
"Pilosopo ka."
"Parang ikaw hindi, ah?"
Inirapan niya 'ko. "Whatever."
Napabuntonghininga nalang ako.
Walang kwenta talagang kausap 'to.
"Pero hindi pa rin tayo bati," habol niya.
Hindi naman ako nakipag-ba-bati, ah?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro