Kabanata 40
Kabanata 40
Bisita
Today is my last day on this island.
"Sino po ang hinahanap niyo?"
Hindi pa rin talaga ako masanay-sanay na marinig ang boses ng kapatid ko.
I painfully smiled and shook my head. "Si Sand."
"Sunod po kayo sa 'kin."
Dinala niya ako sa likod ng bahay.
Mamayang hapon ay ihahatid na 'ko ni Ishid pabalik ng Puerto Princesa para mag-eroplano pabalik ng Manila. Hangga't nagpapalipas ako ng oras, nanatili muna ako sa bahay ng mga Orozco.
"Akala ko uuwi ka na?" Naggagamas ng dahon si Sand.
"Later." Nagpasalamat ako kay North bago umupo sa garden chair. "Pa'no ka nasanay sa kalagayan ng kapatid ko?"
"Kilala na niya 'ko bago mangyari sa kan'ya 'yan."
Ok.
Muntik na 'kong mapairap.
Tinusok ko ang dila sa pisngi para doon ibunton ang sakit.
Nakapuyod na ang buhok ng kapatid ko ngayon. Katamtaman lang ang taba niya sa katawan at mukha namang hindi pinahihirapan dito sa isla. Mukha rin naman siyang masaya sa mga nakaraang araw nang bumisita ako.
"Nahihirapan ka ba?"
"I can't get used to it," I honestly answered.
"Ta's gusto mo pa siyang ibalik sa Manila." Nang-iinsulto ang tono niya.
Ibinaling ko ang tingin sa maliit na nursery sa gilid. May ilang tanim silang gulay, natatanaw ko pa ang ilang talong, sili, at calamansi.
"Can I talk to North?"
"May you talk to North?" pagtatama niya habang tumatayo.
Umirap ako. "May I talk to North?"
"Bakit ka sa 'kin nagtatanong? Kapatid mo naman 'yon."
I frustratedly sighed as I stood. "You know more than me. Alam mo kung ano ang pwede makasama sa kan'ya. I just want to avoid any triggers that will worsen her condition."
"Wala pa namang triggers. Sa ngayon."
"Then, I will talk to her before I leave."
He shrugged with the garden shears in his hand. "You do you."
Ang pangit talaga niya kausap minsan.
"Sa'n ko siya madalas makikita?"
"You can see her around."
Mali.
Pangit siya kausap palagi.
Hindi ako nagpasalamat nang umalis. Hinanap ko nalang ang kapatid ko sa loob ng bahay.
May kalakihan ang bahay pero hindi naman aabot sa pagka-mansyon. Maluwag lang talaga ang lugar at malalaki ang putol. Medyo makaluma ang estilo, mukhang ancestral house nila. Baka isa 'to sa bahay nila sa isla.
Sinundan ko ang tunog na nanggagaling sa harapan. Parang may inaalog na bato sa matigas na lalagyan.
Naabutan ko si North na nakaupo sa entrada. May papel at lapis siya sa hita habang may Word Factory sa lapag. Malalim ang titig niya sa hourglass na katabi no'n.
"North?"
She jolted a little.
"Hello po." Kumurap-kurap siya at binaliktad ang hourglass. "Madalas po kayo rito?"
"Nope." Sumandal ako sa hamba ng pintuan. "Word Factory?"
Umipod siya sa gilid dahil sa gitna siya nakaupo. "Sali po kayo? Upo po kayo."
Umupo ako sa kabilang gilid para hindi kami masyadong magkalapit. Hindi ko sigurado kung paano umaakto ang kapatid ko kapag may lumapit na hindi kakilala.
"Do you usually..." How do I even talk to my sister? "Hobby mo ba 'to? Word Factory?"
"A-Ah, hindi naman po. Gusto ko lang tingnan 'yung buhangin sa hourglass. Tapos maganda rin daw 'yung Word Factory para maka-retain ako ng mga salita."
Natapos agad ang usapan namin, pero gusto ko pang makausap ang kapatid ko.
"You like sand?"
"Si Sand?"
Bahagya akong ngumiti. "No, 'yung buhangin sa hourglass, sandglass, whatever you call it. Pero pwede rin namang si Sand."
Bahagya siyang namula kaya nag-iwas ng tingin. Pinaglaruan niya 'yung cubes ng Word Factory.
"Um... pareho..." Mahina ang boses niya bago nag-angat ng tingin. "C-Close po kayo ni Sand?"
I was stricken when I saw my mother's eyes.
Ako naman ang nag-iwas.
"Not that much. Dito lang kami nagkakilala sa isla."
"Bisita?"
I shrugged. "Yeah, pwede."
I want to know more about my sister, but I have to be beware of any triggers. Tsaka, walang sinabi si Sand kung ano ba ang dapat gawin kung sakaling may madali ako sa memorya ni North.
"Bakasyon ka ngayon? Walang school?"
"Uh... tumigil na po ako sa pag-aaral."
Kumunot ang noo ko. "Why?"
She fiddled with her hands. Halata ko sa mukha niya ang pag-aalangan dahil pasulyap-sulyap sa 'kin.
Nagpakawala siya ng hininga. "Since mukhang close po kayo ni Sand, at hinayaan niya kayong makipag-usap sa 'kin, um..."
Possessive ba ang lalakeng 'yon? Gan'to ba talaga siya umakto? O ginagawa lang niya 'to kasi alam niyang nandito ako?
"May sakit po kasi ako sa memorya. Nagsimula two years ago, at um... lately lumalala siya so tumigil na ako sa pag-aaral. Kailangan kasi 'yung memorization sa Tourism dahil ayon 'yung program ko, kaya third-year college lang ang natapos ko."
"Dito ka nag-aral?"
"Opo, may university naman po dito sa isla. Meron mula elementary hanggang college."
"Kumpleto na pala rito, 'no?" I commented.
"Opo, kuya. May na-establish na sila rito na parang city center, katulad daw ng sa Manila? Naririnig ko lang 'yon tuwing umuuwi ang ilang kapatid ni Sand."
"Hindi ka pa napupuntang Manila?"
"Wala pang opportunity."
"But do you like it here?" Nagtatanong ang tingin niya. "This island. Do you like staying here?"
Binaliktad niya ang hourglass. "Curious din naman po ako sa Manila, pero... mas gusto ko rito. Si Sand..."
Maliit akong ngumiti at nag-alis ng tingin sa kapatid.
Fear as I could, her soul has decided to stay here. At kahit ayaw ko, wala akong magagawa kung magaan ang loob niya kay Sand.
"Mabait ba si Sand sa 'yo?"
"Sobra!" Tumaas ang boses niya sa tuwa kaya napalingon ako. "Siya po 'yung pinaka-close ko sa mga magkakapatid."
I hid a chuckle when I saw how happy she was.
"Okay ka naman sa mga kapatid ni Sand?"
"Opo, mababait sila. Si Kuya Samael 'yung pinakamatanda, then si Kuya Sun, Kuya Seraphim, tapos si Sand naman 'yung bunso. Mapaglaro si Kuya Samael tapos okay naman si Kuya Sun. Si Kuya Seraphim 'yung sunod kong ka-close."
"Di ka naman inaalipusta?"
Natawa siya. "Never. Tinatrato nila ako na parang... kapatid."
Sabay kaming nawalan ng ngiti. Bigla akong nangapa sa dilim.
Nagtataka ka ba kung sa'n ka nanggaling? Gusto mo bang malaman kung may kapatid ka?
Ilan 'yon sa mga gusto kong itanong kay North.
But risking her health and memory because of my selfishness?
No, I won't do that.
I hope Sand and his brothers will take care of her and treat her well...
* * *
Labag sa loob ko ang bumalik ng Manila, pero wala na kong magagawa dahil baka hindi na 'ko makabalik do'n.
I was also happy to report to Sand that I was successful in talking to my sister without triggering anything.
Congrats lang ang sagot niya.
"Iniwan mo ang kapatid mo ro'n?" tanong ni Tita Greta nang magkita kami at maikwento ko ang lahat. Sumundo siya sa 'kin pagkabalik namin ni Ishid sa Manila.
"Yes; it's better for her." Hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "Tita, baka mapalala pa po kapag sapilitan siyang pinag-adjust dito. At least I know, in that island, she will be taken care of."
Hindi madali para sa 'kin 'yon.
Araceli is a beautiful and peaceful place, but I fear spiraling into the island. Parang ang dali lang abandonahin ng lahat para dito, pero wala naman sa islang 'yon ang kailangan ko sa buhay.
"And you trust the people that will take care of her?"
"Yes."
Sure, my sister is there, pero tama naman si Kuya Thunder na balewala lang ang pananatili ko rito kung hindi niya 'ko maaalala.
It was a bitter truth to swallow, but it was the truth.
At least, she trusted me with her condition.
Pero parang nasa dulo na rin ako ng istorya—nahanap ko na ang kapatid ko, alam ko na rin ang nangyari sa kan'ya. Mas mabuti nga lang na manatili siya sa Araceli dahil bukod sa magiging komplikado ang lahat, halata naman kay Sand na hindi niya pakawawalan ang kapatid ko.
I hanged my head and relaxed my back over the couch. Di ko napansin na sobrang tensed ko noong nasa isla. Mabuti nalang din at magaling ang disguise ko kaya hindi napansin na nando'n ako at kung saan-saan nagpupupunta.
"Nakausap mo na si Tamara?"
Yin Yang na henna ang huling sumalubong sa paningin ko pagkatakip ng mata.
"No, bigla po siyang nawala pagkatapos ng araw na 'yon."
Will I see her before this henna fades? Two weeks yata ang itinatagal nito.
"Hm, I see... she's keeping the end of her bargain."
Napabalikwas ako. "What bargain?"
Kunot-noo siyang nakatingin sa 'kin. "'Wag ka masyadong mag-alala, hijo. She said she'll be gone for just a month. Babalik din daw siya pagkatapos."
A month? Wala na 'tong henna pagkakita sa kan'ya.
"Pa'no kung hindi?"
"Yuan, hijo, you're worrying too much. Don't you have any trust in her?"
Nagbaba ako ng tingin at napasandal sa upuan. "Wala lang akong tiwala sa... napagsamahan namin."
Itinukod niya ang braso sa office table. "Bakit? May mali ka bang nasabi sa kan'ya? Nag-away ba kayo bago maghiwalay?"
I clenched my jaw. "I fear that it's deep for me, and it's shallow for her. Baka hindi na siya bumalik pagkatapos ng isang buwan."
"She has work, of course she has to return. Isa pa, ang sabi ni Sally e nagbigay daw ng ultimatum si Tamara. Kapag hindi pa siya bumalik sa loob ng isang buwan, awtomatikong magpatatanggal si Tamara."
"I won't allow that."
"I know you won't." She gently smiled. "Just give her time, hijo. Give her time to heal and recover. Masyadong na-stress ang batang 'yon sa project niya at sa pag-aasikaso n'yan."
Nagbuntonghininga ako at hinilot ang sentido. "Actually, Tita, I'm worried about what will air..."
"You said you trust her, pero parang hindi yata totoo ang sinasabi mo."
Epekto yata 'to ng pakikipag-usap kay Sand at Kuya Thunder.
"I... Sorry. I trust Thomasina. Sobrang gulo lang talaga ng utak ko ngayon. I don't think I could..." I sighed heavily. "I just want to see her and hug her. Sobrang gagaan ang loob ko 'pag nangyari 'yon."
Her eyes acknowledged my emotions. "You have to be patient. Give this to her."
Napahawak ako sa batok at nilambitin ang ulo sa pagitan ng hita.
I was used to her presence that the lack of it made me insane.
But the capacity of the human heart is just enough to make people yearn without having the power to get rid of such heavy yet wonderful emotions.
"Alam ba ni Tamara ang feelings mo sa kan'ya?"
My heart dropped. "I'm not sure."
"Kung ganoon... compose yourself first, hijo. Alam mo na ba ang sasabihin sa kan'ya 'pag nagkita ulit kayo?"
"No," bulong ko.
"Isipin mo muna ang bagay na 'yon para handa ka 'pag nagkita kayong dalawa."
We talked for a few more before I asked another vacant day to visit my grandmother. Kaso puno ang schedule sa mga susunod na araw kaya baka next week pa 'ko makauwi ng Nueva Ecija.
"She set-up everything for you and asked me to free up your sched para magkita kayo ng kapatid mo."
Maghintay, Yuan. Maghintay, maghintay, maghintay. It will be worth it.
Pauwi na 'ko nang maabutan ni Zake sa labas ng office.
"Bro!"
"Zake," bati ko, tinatapik din ang balikat niya. Nagkaabot pa kami sa loob ng building.
"Musta? How you feeling? Everything alright?"
"Just confused. I can't find Thomasina anywhere."
Humahalakhak niya akong inakbayan. "Okay lang 'yan. Magpapakita rin 'yan sa 'yo. Basta, magkwento ka lang sa 'min 'pag kaya mo na, alright?"
Tipid akong tumango. Hindi pa rin naman oras ngayon na ikwento sa kanila. Bukod sa pagiging sariwa pa ng nangyari, abala pa rin sila sa kan'ya-kan'yang problema.
Pero si Zake lang yata ang may pinakamagaan na "problema" sa lahat—just a dating rumor that he has with that female singer. Aminado naman siya ro'n kaya sinusubukan niyang tumulong kahit papaano.
"Ba't ka nandito?" pag-iiba ko ng usapan.
"May kasalanan ako kaya pinatatawag na naman, but it's cool. Maya na 'yon, 'kaw muna. You want someone to talk to?"
Umismid ako at tinanggal ang akbay niya. "You're not the right person for that."
"Love problems." May gana pa siyang humalakhak. "Well, I do know about your other problem but that's on another time kasi mukhang hindi 'yon ang dahilan ba't ka problemadong-problemado."
Naglagay ako ng pera sa vending machine at nagpindot ng buton. Binigay ko ang isang bote bago kuhanin ang sa 'kin.
"Talent fee ko ba 'to?"
I glared. He chuckled.
Naiiling niyang binuksan ang Coke in can. "Bro, isipin mo nalang kasi kung nag-o-open up ba siya sa 'yo o hindi. Dun mo nalang i-gauge kung ano ka ba sa kan'ya. Pa'no ka ba niya tinatrato? Napipilitan ba siyang sumama sa 'yo? Think about those things."
Nag-usap pa kami habang papuntang rooftop. Kinukwestiyon pa 'ko kung paano gumalaw si Tana kapag magkasama kami. Even the smallest detail of whatever craziness he has in mind, he put me through it.
Kung magulo na ang utak ko, sinira naman ni Zake 'yon. Para akong mawawalan ng bait.
"Alam ko namang pinana ka ni Kupido, obvious naman 'yon sa galaw mo. Kahit noong nag-suggest ka tungkol sa PNP na 'yan, sabi ko, 'Teka, ano 'tong plano ni Yuan?'. Dude, dun pa lang, alam ko na."
I was just... desperate to be with her. Ayun na e, malapit na ulit sa 'kin si Tana. Bakit pakawawalan ko pa ulit?
She had always meant a lot to me, and it would be nice if I meant a lot to her, too... along the realms of love and commitment.
"Matagal ko na siyang gusto, I just don't know how to express it."
Dramatiko siyang suminghap. "Huh. Dude, that's you right? Sa internet?"
"Ano?" Nahawa na naman 'to kay Cloud.
"Yearner. Nabasa ko sa net. Kasalanan ni Morg, nilagay niya sa algo ko."
Irap ang isinagot ko.
I do not shy away from the term, for I have always known myself to be one. But I want the one who is yearned for to know about it first.
The words I kept and the emotions I related to her. The book I dedicated to express my feelings for her. Still a work in progress and will never be completed since that is the truth the world created.
"Hayaan mo muna s'ya, pre. Give her space."
I chuckled. "Pareho kayo ng sinabi ni Tita Greta."
"See?" Presko siyang sumandal sa railing. "Time is the best healer, maniwala ka sa 'kin. Alam ko naman na hindi ikaw ang pinaka-vocal na tao na nakilala ko, at alam ko namang kay Tamara ka lang madaldal. Dun pa lang, aba, halatang-halata na talaga."
Bahagya akong natawa. "Our relationship won't progress if one of us won't do anything."
"Obvious naman na ikaw ang nag-first move."
"Shut up." Umirap ako. "Pero tama naman ginagawa ko, 'di ba?"
"Paranoid." He snorted and punched my shoulders. "'Wag ka masyadong mag-alala, mahal ka rin nun."
Irap at ikot ng mata ang sagot ko sa kan'ya.
Tumingin ako sa himpapawid, nagpadadala ng emosyon sa ihip ng hangin.
God.
I miss her.
May this strong wind be enough to bring my feelings to you, Thomasina Razikeen.
* * *
I painfully waited and yearned for the next days.
Vocal lessons, ilang photoshoot, at brand endorsements ang umokupa sa schedule ng banda. Kahit na gaano ka-busy, sumasagi pa rin sa isipan ko si North, si Tana, at ang pagbisita kay Lola.
Sa ilang araw na 'yon, naikwento ko na rin sa kanila ang nangyari. Pero hindi ko binanggit kung sino ang koneksyon ni Tana. I doubt that either of the brothers wants the other to know their involvement in this.
"E paano kayo magkakausap ng kapatid mo n'yan?" nag-aalalang tanong ni Sebastian na nakatukod ang kamay sa kitchen counter.
"Medyo komplikado, but Sand said he'll update me regarding my sister," sagot ko habang kumukuha ng tubig.
"Ginagawa naman niya?"
Tumango ako. I hope he'll continue replying after a few weeks or so.
Sa una, hindi ako kumpiyansa sa suggestion na 'yon ni Sand. I doubt that man, but I had to trust him. There was no other way to contact my sister other than that.
Napasigaw si Cloud dahil sa pinanonood. Umiling-iling akong uminom ng tubig.
"Ngayong gabi 'yung airing, 'di ba?"
Bloke sa lalamunan ko ang malamig na tubig. Napunta sa tiyan bago balutin ang katawan ko ng lamig.
"Yeah..."
"Approx fifteen minutes." Sumulyap siya sa relo. "Yep. Cloud! Fifteen minutes na lang!"
"Noted, boss! Naka-alarm naman ako," sigaw ni Cloud pabalik.
I honestly wanted to watch the documentary alone, pero wala eh. They caught me in the band house. Di ko pa naman alam kung ano magiging reaksyon ko 'pag napanood ko 'yon.
Ano magiging setup ng documentary na 'to? Will she host it? Pero wala namang clue na siya ang host no'n base sa posts. Wala ring teaser sa unang case ng documentary show na 'to.
Gano'n ba talaga 'yon?
Sampung minuto nalang at i-a-air na 'yon.
Gan'to ba si Tana bago kami magkita ni North? Kinakabahan? Nanlalamig ang paa? Di mapakali?
Hinihintay niya rin ba 'to ngayon? Ano kaya ang iniisip at nararamdaman niya? Nasa'n siya ngayon? May kasama ba siya?
"Yuan, just sit down. Matutumba ka na d'yan," si Sebastian.
Nilipat na rin ni Cloud sa channel kung saan mag-aair ang project ni Tana. Pabiro pa 'kong minasahe na kung sa normal na pagkakataon ay iirapan ko.
Now is not the "normal". Si North at Tana ang nasa isip ko.
"Bukas ka ng umaga luluwas, di ba? Pa'no ka magda-drive pag di ka nakatulog n'yan?"
"Hire mo nalang ako na driver. Cheap lang naman ako, hourly rate one k." May gana pa talagang magbiro si Cloud.
Ah, shit. Di ako mapakali sa upuan ko kaya tumayo nalang ako.
Ilang minuto pa at mag-iintro na.
What the hell should I do once it airs? Dapat may plano na 'ko kasi baka makita 'to nina Lola. Paniguradong magtatanong 'yon.
Teka, alam ba nilang may bagong documentary show? Was this show even advertised properly?
"MTRCB na."
I heavily sighed and hung my head between my arms on the sofa. Mariin kong ipinikit ang mata habang hinihintay na matapos ang intro na sinabayan pa ni Cloud.
"Tema, Lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror, o Droga na hindi angkop sa mga bata. O, pwede na 'ko mag-sideline na voice actor."
"Walang mag-ha-hire sa 'yo."
"Inggit ka lang kasi kabisado ko."
"Ewan ko sa 'yo."
Lumakas ang kabog nang tumugtog na ang intro ng mismong documentary show. Ilang segundo ang itinagal no'n, kabadong-kabado habang hinihintay marinig ang pamilyar na boses ni Tana.
It's the closest I could ever get to hearing her voice again.
But I didn't.
Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa TV. Ibang babae ang nag-ho-host ng show.
"Nagparetoke si Tamara?" si Cloud.
"Baliw ka talaga! Wala ka bang common sense?"
"E iba 'yung nasa TV eh! Ano 'yon, may disguise siya parang 'yung sa IT?"
"Wala namang disguise sa IT?"
"Ay, ewan di ko pa napanonood 'yun e."
"Sinabi ba ni Tamara na siya 'yung host?" baling sa 'kin ni Seb.
I was out of words. Alam ko lang na documentary project niya 'to, but I immediately assumed that she'll host this. Mukhang hindi pala gano'n ang kaso rito?
What's her role in this?
"Hanapin nalang natin sa credits pangalan niya."
"Mamaya pa 'yun eh."
"Panonoorin din naman natin 'to, di ba? Yuan?" Ramdam ko ang tingin ni Cloud, pero wala sa kanila ang atensyon ko.
Hindi ko na naman maintindihan ang sumunod.
Hindi si North ang nasa palabas kun'di ibang tao.
Hindi nawawala, pero hindi alam kung sino siya nang mamatay. No records, no personal documents—parang hindi nag-eexist sa mundo.
Like North.
Baka sa Araceli? Papayag ba ang mga Orozco na i-broadcast 'to?
Hanggang matapos ay wala pa rin akong naintindihan.
"Baka next week mag-air? Oy, Cloud, 'yung credits tulungan mo 'ko."
"Teka, ang bilis— contributor?"
"Contributor?" pag-uulit ko.
Tumango-tango si Cloud. "Tamara Ortegon, di ba? Contributor si Tamara? Di pala siya host?"
"Pero hindi 'yan 'yung kapatid mo, di ba? Babae kapatid mo, eh."
"Yeah, hindi..." naguguluhan kong sagot.
"Baka namali lang ng tingin 'to. Check mo nga Twitter, p're."
Napatulala ako.
What the hell is going on...
"O, tama tingin ko. Contributor nga si Tam dito. Baka naman next week 'yon i-air?"
"Intayin mo ba until next week?"
"Sus, 'yan si Yuan kayang mag-intay hanggang next week? Ipupusta ko si Elg."
"Dude, nananahimik 'yung tao."
"I don't think I could wait that long," I answered once out of trance.
Lalo na't lumalabo na rin ang henna sa balat ko.
Ayon nalang ang natitirang simbolo na magkasama kami ni Tana noong araw na 'yon. Once it fades, I fear that I would lose connection with her.
Kailangan ko nang umuwing probinsiya.
"Luluwas ka na? Makakapag-drive ka ba?" Hinarangan ako ni Sebastian nang tumayo ako. "'Wag, p're. Baka maaksidente ka pa sa daan. Matulog ka muna ta's bukas ng alas kwatro ka nalang lumuwas."
"Di ako makatutulog."
"At di ka rin makakapag-drive nang matino. Just chill, dude. Pipirmi ka rito kasi di ka namin papayagang lumuwas dis-oras ng gabi. Matulog ka muna kahit konti."
Cloud shrugged, but I knew he'd follow Sebastian.
* * *
Dreadful hours passed by and all I ever got was two hours of sleep. Gising pa sila nang magising ako, sinisigurong hindi ako makatatakas.
"Okay, mukha ka namang matino. Congrats, pwede mong ipag-drive ang sarili mo ngayong araw," pagak ang tono ni Cloud nang magsalita. May gana pa talagang tapikin ako sa likod, kunyari ay nagko-congrats.
Hindi na 'ko umuwi sa bahay para kumuha ng gamit dahil meron naman ako do'n kina Lola. All I wanted is to get there fast. I'm not sure if I'd stay there for long, either. Hahanapin ko pa si Tana.
Naalala ko ang huling uwi ko rito kasama siya. Naaalala ko pa kung paano niya inokupa hindi lang ang upuan, kun'di pati ang isipan ko.
Umuwi ako noon na para bang ipakikilala ko siya bilang girlfriend ko kina Lola. That was very far from the case, but I was happy to take her to a place dear to me.
It means that she's dear to me, too.
I could remember looking at her, asleep. Paano ako nagkatiyempo... I don't exactly remember, but what I felt was vivid.
Bago 'yon sa 'kin eh, didn't know I could feel too much for her. Nagpalamon ako and it's fine with me. I deserve it.
There are such lengths that a human heart could bear yearning, yet I'd allow my heart to burst.
Until she wholly understood and felt what I felt, I'd continue yearning for her.
And even if she gets to that point, I'd still yearn for her.
Because she deserves to be yearned for.
I know I wouldn't grasp her entity that much to know how beautiful and wonderful she is. Not now. Not in this lifetime, but I'd continuously learn and be vocal for her.
Sana naramdaman niya 'yon. Sana naintindihan niya ang ipinarating ko noon.
Hindi ako makapag-park sa usual na pwesto sa compound dahil may ibang sasakyan do'n. Siguro ay bisita sa kabilang bahay. Kaya sa katabi nalang ako nagpaalam na maki-park.
Naabutan ko pa nga si Kurt na may crush kay Tana.
"Papasok ka na ulit?" bati ko.
"Oy, Kuya!" Nakipag-apir siya sa 'kin. "Nagkita na kayo ng gerlpren mo? Bati na kayo kaya ka nandito? Uy, bawal uy! Nililigawan ko pa si Ate Tamara!"
Ginulo ko ang buhok niya na siyang ikinasimangot niya. "Di ko pa ulit siya madadala, sorry."
"Asus! Sinungaling. Nag-away talaga kayo!"
"Kurt, halika na male-late ka na naman— o, Yuan? Walang schedule, hijo?"
Nakangiti akong nagmano. "Bibisita lang po ulit, Tita Rita. Bisita po sa kabilang bahay?"
Nag-aalangan siyang tumango at hinila na si Kurt. "A-Ah, oo yata... Naku, kayo nalang muna mag-usap ng Lola mo at ihahatid ko pa 'tong batang 'to."
Apo ni Tita Rita si Kurt. Kapatid siya ni Lola at nakatira sa iisang compound kasama si Tito Aaron, ang isa pang kapatid ni lola.
"La?" bati ko nang makarating sa pintuan. Gulat siya nang makitang nandito ako.
"Apo?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Lumapit ako para magmano at yumakap.
Weird. Madalas naman akong bigla-biglang bumibisita rito.
Dumating na rin si lolo na nanggaling sa likod. Nagtataka rin siya.
"Di niyo ko na-miss?" pagbibiro ko.
"Ay, ang apo kong 'to," natatawang sabi ni Lolo bago ako yakapin. "Pano't napunta ka rito? May ginawa ka bang kasalanan?"
"Wala ho. Paalis po kayo, 'lo? May ikukwento pa naman ako."
"Oo, eh. Sa lola mo muna ikwento 'yan at baka hapon pa ang balik ko. Baka di makatulog 'yang lola mo 'pag di mo naikwento agad sa kan'ya," pagbibiro niya.
I sighed. Hindi ko kayang maghintay hanggang hapon bago ikwento si North. Ikukwento ko nalang ulit kay lolo pag-uwi niya.
Hindi ko alam kung paano i-o-open kay lola 'to.
"Napauwi ka, apo? Hindi ka na ba abala sa trabaho mo?"
Bahagyang naningkit ang mata ko sa tono niya. "Ayaw niyo po ba akong umuwi, 'la?"
"H-Hindi naman... wala lang akong katuray at lutong chicken honey. Sana'y nadamihan ko pala ang umagahan."
Pasimple niyang ipalipat-lipat ang tingin sa 'kin at lagpas sa 'kin.
"Hindi na po kayo nasanay. Palagi naman akong umuuwi bigla-bigla."
"Ah, hindi naman gano'n, apo. Talagang..."
"May bisita po ba kayo? May bisita yata si Tito Aaron kaya naki-park ako sa tapat."
"Ah, oo, okay lang naman 'yon... Pirmahan mo lang ang album ng anak niya at okay na 'yun."
Sinundan ko siya sa kusina at nakitang nagluluto siya ng umagahan. Medyo marami para sa dalawa, mukhang dito yata kakain si Tita Rita.
I sucked a deep breath. "'La, may kukwento ako. Tanda mo pa 'yung binigay mo sa 'kin noong bata ako? 'Yung bracelet?"
"Ano, naiwala mo na naman?"
I chuckled a little.
"'La naman. Suot ko pa rin. It's my favorite. Actually..." Humugot ako ng hininga. "Nahanap ko na po."
Natigilan siya sa paghahango.
It's not about the bracelet.
Nagtubig ang mata niya. "N-Nahanap mo na? A-Ang kapatid mo?"
May piyesang kumawala sa dibdib ko. Tumulo na rin ang luha ko.
"Nagkita na rin po kami, 'la..."
Napatakip siya sa bibig at pumalahaw. "Ang apo ko..."
Sinalo ko si lola nang manghina siya dala ng biglang pag-iyak. Mahigpit kong niyakap, ibinibigay sa kan'ya ang lakas ko bago iginiya upang makaupo.
"Anong... s-saan... paano... M-May litrato ba kayo?"
Kahit nanlalabo ang paningin ay ipinakita ko ang picture namin sa Araceli. Kasama sa litrato si Sand at Kuya Thunder. Ikinuwento ko na sila ang nag-aalaga kay North dala ng sakit niya.
"Ang apo kong si North... ang kapatid mo... Yuan, hijo..."
Hinagod ko ang likod ni lola habang umiiyak siya. Nililipat-lipat niya ang pictures sa gallery ko na may kuha ng Araceli pati ng kaming dalawa lang ng kapatid ko. May video rin do'n na sinend ni Sand kahapon.
Tumitig si lola sa close-up picture ni North na sinend ulit ni Sand. Ipinagkukumpara niya ang mukha ni North ngayon sa baby picture na hawak niya.
Patuloy ang pagtulo ng luha ni lola.
Tanda ko pa ang nangyari nang malaman nila ang ginawa ni Mama kay North. Kung gaanong pilit ni Papa na pigilan si lola sa pang-aaway kay Mama. Halos magkasakitan at magkasabunutan na kung hindi lang naawat.
Since then, my grandmother had always hated my mother. Pero hindi nila ako pinabayaang lumaki mag-isa. Tuwing may pagkakataon at hangga't kaya pa ay sinusundo ako ni lola sa bahay para makapagbakasyon dito.
This was my peace in the chaos.
Dahil bukod kay Tana, paborito ko rin ang lugar na 'to.
When a lone thought of bringing her here crossed my mind, I didn't shy away from it.
I knew I wanted her here. I considered her as my peace and comfort. And I'll bring her here again and again because she makes everything better.
Hinila ako ni lola upang yakapin nang mahigpit. "Yuan, apo, proud na proud ako sa 'yo."
Umiyak ulit ako. Gumaan ang loob ko dahil sa loob ng ilang taon kong pamumuhay, ngayon lang ako nagiginhawaan.
"M-May tumulong ba sa 'yo rito? Gusto ko siyang makilala at lubos na pasalamatan..."
Napangiti ako. "Just... someone dear... I'll introduce you to her soon."
Pag nagkita na kami... Pag nagkausap na ulit.
Hintay lang, lola... naghihintay rin ako kung kailan ko makikita ulit si Tana...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro