Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 39

Kabanata 39

Confusion

Tana wasn't beside me when I woke up.

So, it's just a dream that she was here.

Well, she was here yesterday... pero iniwan ako kagabi nang walang pasabi at...

Ere lang pala ang niyayakap ko sa panaginip.

Kinapa ko ang malamig na espasyong nasa tabi ko. 

Ni hindi ko man lang na-experience na makasama ulit sa pagtulog si Tana.

Pero hindi ko magawang magalit sa kan'ya na tipong inisahan niya 'ko. Gusto ko lang malaman kung nasa'n siya at bakit umalis nang walang pasabi.

I remembered I made a promise to return today. Mabuti nalang at may number ako ni Ishid para mahingi ang number ni Kuya Thunder. Cloud would find it sketchy if I asked him his brother's number.

Ishid:
not going 2 ask abt tamara?

Hinilot ko ang sentido.

The weather is nice today, but it would be nicer if I was hugging Tana right now.

Ako:
She has reasons

Sobrang sama ng loob ko pagka-reply. I kept believing she would tell me her reasons, pero pa'no kung wala? Pa'no kung tapos na talaga kaming dalawa?

I worked so hard for my muse but then...

I'm sure we formed a connection. Naging straight to the point naman ako sa kan'ya—sa gawa at salita, pero kulang pa yata 'yon. Hindi sumasakto sa ritmo na naririnig naming dalawa. May kulang pang piyesa sa gitna ng usapan namin.

Fuck. Ano 'yon? Sa'n ako nagkulang do'n?

Ishid:
same ba kayo ng henna

How the...

Kaya ba gano'n ang reaksyon ni Kuya? She left the island? She left me here?

Ako:
Did she go with you?

Ishid:
Yep

Naihagis ko ang cellphone sa kama at napatakip sa mata. Kapag ako pinagti-tripan ni Ishid!

My phone vibrated again. Akala ko si Tana pero ang nakabubwisit na si Ishid lang pala 'yon.

Ishid:
itext mo na si thunder haha :P

Napabangon ako at tinext si Kuya Thunder. "Okay. Lunch." ang reply niya.

Nag-inat ako at pumamewang pagkatayo. Iniikot ang tingin sa paligid, inaalala ang bawat sulok na ginalawan ni Tana.

Who knows when I'll see her again, but I have to trust that I will see her again.

I should.

Hindi pwedeng hindi. Di ko siya pakawawalan.

* * *

Abala si North sa pagwawalis sa labas ng bahay nila nang mapansin niya 'ko.

"Hi po, kuya. Kayo si?"

There was no recognition in her eyes.

Naguguluhan ko siyang tiningnan. Hinintay ko munang makalapit si Sand bago ko ibalik ang tingin sa kapatid ko.

Sand touched her shoulders and whispered. Napaiwas ako ng tingin dahil naaalala ko si Mama dahil sa mata niya.

"Yuan? Huh?" dinig kong bulong niya na lalong ikinataka ko.

Tumango-tango si North bago bumaling sa 'kin.

"Sorry, kuya, di kita namukhaan. Madilim kasi kagabi." Ngumiti siya at binitbit ang walis tingting at pandakot. "Um, walis po muna ulit ako do'n."

May pumisil sa puso ko nang makitang nag-aalangan siya sa sinasabi. Alam na ba niyang magkapatid kami?

Bahagya akong hinila ni Sand papalayo kay North. Halos magkasingtangkad pala kami, ngayon ko lang napansin. Mas matangkad lang ako nang kaonti, pero parehong abot ni North ang balikat naming dalawa.

"Gano'n ba ko kabilis kalimutan?" naguguluhan at bahagyang iritable kong tanong. Hindi ako nabubwisit kay North. Nabubwisit lang ako sa sarili ko dahil baka gano'n din ang tingin sa 'kin ni Tana.

Ano ba ang reaksyon niya nang magkita ulit kami? Did she even remember who I was and what we were during that interview?

"May inabot ba sa 'yong folder si Tamara o wala?"

Tamara this and Tamara that again.

Give me a break. Tsaka ko muna siya hahanapin kapag na-settle ko na ang issue rito.

Is that why she left me?

"Wala."

Mukha siyang nahihirapan mag-explain.

"Si Kuya Thunder? Wala rin?"

I shrugged. "May dapat ba silang ibigay?"

"Yeah, files about your sister. Binigyan ni Kuya si Tamara, eh."

Pareho naming tinatawag na "kuya" si Thunder pero wala siyang "ate" kay Tamara? Anong klase 'to? Gano'n ba sila ka-close?

"Anong laman no'n?"

Naaasiwa siyang tumingin. "Tungkol sa kapatid mo."

Umirap ako. "I know. Ano ang tungkol sa kapatid ko?"

May binulong siya na hidi ko naintindihan.

"Ano?"

Sumulyap siya kay North pabalik sa 'kin. "May sakit si North."

Natigilan ako. Naramdaman ko na naman ang pagiging iresponsable na kuya. Maaagapan ko ba 'yon kung matagal ko na siyang nahanap?

Sobrang komplikado.

"She can't create new memories."

Napataas ang kilay ko. "Nababaliw ka na ba?"

Mukhang di rin siya makapaniwala sa sinabi. "Sana nga."

Napasulyap ako kay North, nabubwisit, bago ibalik ang tingin sa buhanging nasa harapan ko.

Napakapangit ng pangalan.

"I don't understand," nagtitimpi kong sabi. "Anong hindi makagawa ng bagong memorya? May nangyari bang masama sa kapatid ko?"

Tumalim ang tingin niya bago umiling. "Hindi pa namin alam ang rason, but rest assured that our family doctors—"

"Family doctors?"

"—are still working and researching on that matter."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko," naiinis kong sabi. Family doctors? Sino ba siya? "Why are you conducting a research on my sister? Lab rat ba siya? May consent ka ba niya? Alam mo bang labag 'to sa—"

"Pumayag siya. Your sister undergoes several tests monthly."

Napupuno na ako ng galit at irita. "What fucking tests—"

"She wants to know what happened to her."

Napahilamos ako ng mukha at bwisit na nagpakawala ng hininga. Tests and research? Ano 'to? Ano bang nangyayari?

Umigting ang panga niya. "She was a baby when she was brought here. Kinupkop at pinalaki siya ng dati naming katiwala kaya matagal na kaming magkakilala. Nang mamatay na ang kumupkop sa kan'ya, sa amin na siya nagtatrabaho."

Nagdidilig na ng halaman si North nang sulyapan ko ulit. Sana hindi niya kami naririnig dahil unti-unting lumalakas ang boses ni Sand.

"Hindi ako papayag na maging housekeeper lang ang kapatid ko rito. I want the best for her that's why—"

"Dadalhin mo siya sa Manila?" hamon niya.

"Yes," mabilis kong sagot. Ako pa talaga hinahamon niya? Kailangan niyang makilala si Lola. "Wala siyang mapapala rito kung puro pag-aalaga ng halaman at paglilinis ng bahay ang gagawin niya."

He looked disgusted with what I said. 

"You can't."

Napairap na naman ako.

"I can't?" nagtitimpi kong sabi. "Who are you to stop me? Sa ating dalawa, ako ang mas may karapatan sa kapatid ko."

Nagtaas siya ng kamay, simbolo na kumalma ako. "Gets kita, but you just can't pull her away from her comfort."

"And it's here?" sarkastikong tanong.

"Oo, dito." Tumango siya na siyang ikinairita ko. Kung maka-akto akala mo mas magaling kaysa sa 'kin!

"Dito?" hindi ko makapaniwalang pag-uulit. "Is this place even better than Manila? Gusto ko lang naman ituloy ang buhay ng kapatid ko at maging mabuting kuya sa kan'ya. Anong masama kung isasama ko siya paalis dito?"

He sighed. "Yuan, I understand where you're coming from. Kapatid ka ni North at matagal nang hindi kayo nagkikita. But with her condition and her unstable personality, I don't think she should leave this place. She knows everyone here, and the sudden change of environment would be too much for her."

I clenched my jaw. "You're not a professional to give this diagnosis."

"That's what her doctors advised," pangongontra niya sa desisyon ko.

Bwisit akong pumamewang. 

Wala 'to sa plano ko. Kukuhanin ko dapat si North para iuwi sa 'min at patirahin kina Lola dahil alam kong maaalagaan siya ro'n. Pero ito namang si Sand, nagsasabi na hindi ko siya pwedeng ialis dito dahil may problema sa memorya ni North.

Napasulyap ako sa kapatid ko na nag-aasikaso ng halaman.

"Hindi siya nag-aaral?"

"Her case made it hard for her to study."

"So, her life stops at one certain day?"

Tumango siya. "Ayon ang kabuoan no'n."

Mahina ang ihip ng hangin, pero tinulak nito pahiga ang lahat ng lakas ko.

Hindi ako makapagdesisyon nang maayos. I'm conflicted on who to blame about what happened to her. May parteng kasalanan ko dahil hindi ako naging mabuting kuya sa kan'ya. Masyado akong naging iresponsable kaya napilitan si Mama na ibenta siya.

I searched for her with that thought and believed it would end once I found her.

That's not the case today. Kasi mas naging komplikado pa kaysa sa inaasahan ko.

"Kelan nagsimula?" Nagbuntonghininga ako sa dulo.

Para akong mambabasa na bumili ng libro, hindi alam ang patutunguhan ng istorya. Libro na open-ended ang ending—wala nang magagawa kun'di tanggapin ang nangyari. Ni lakas para tanungin ang manunulat kung bakit gano'n ay hindi dumating sa 'kin.

Piyesa at instrumento lang ako para padaluyin ang salita sa papel.

Ang tingin niya sa 'kin, naninimbang at nanghahamon, sigurado ka bang gusto mong marinig?

"Two years ago..." he started. "Noong nagkasakit at namatay ang kumupkop sa kan'ya. Sabi, may pinagdaraanan na raw si North dati pa. Na-buildup lang ng stress at na-trigger noon namatay ang katiwala namin."

Parang karayom na nasa bulsa, bigla-bigla nalang tumutusok sa balat, nagpahihiwatig na bitbit ko pala siya.

"She was sold." Hirap akong lumunok nang umakyat ang pait sa leeg ko. "Kay Mama na nanggaling."

"Ah." Nahigit niya ang hininga at napatango. "Iniwan lang daw kasi siya sa palengke... nakita ng katiwala namin noong namimili siya. Naaalala ko pa ang kwento ni Ate—kung hindi pa umiyak dahil sa pusa, hindi pa malalaman na may sanggol sa bayong na malapit sa basurahan."

Dumating ang lahat ng galit, inis, awa, prustrasyon, at kawalan ng pag-asa na parang ambon. Magkakaiba ng tiyempo, pero malalaki at maiingay ang patak.

Kanino ba siya ibinenta ni Mama para mapadpad siya dito? Para sa pera gan'to ang nangyari sa kapatid ko. Ni wala man lang akong lakas para mapigilan 'yon.

"She is a rare case... ayaw pa sana ni North na tanggapin ang tulong namin, but I could sense how frustrated she is. Mabuti nga at nakaabot pa kami bago matigil ang memorya niya sa lahat."

Kumirot ang puso ko. "Yeah, at least she could have someone to trust..." 

At hindi ako 'yon. 

Because I'll just be a stranger that will keep on being forgotten. She won't even know that she has a brother, let alone a family that wants to be with her.

Tiningala ko ang langit. Binabalot ng iba't ibang emosyon ang sarili ko. Di ko alam kung kanino pa ibubunton ang sisi para gumaan ang loob ko.

"I hope you understand why we have to run some tests."

Tuluyan nang nawala sa paningin ko ang kapatid ko. Mukhang pumasok na siya sa loob ng bahay.

"Two years ago, tama..." bulong ko.

What was I doing then? Abala ako sa career ko no'n pero hindi ako nawawalan ng oras para ipahanap ang kapatid ko. Kaso kahit anong gawin ko, wala pa rin akong makuhang lead.

Sinong mag-aakala na si Tana pa ang makatutulong sa 'kin? Si Kuya Thunder.

Dapat bang nagtanong na ako kay Kuya dati?

No, how could I have known?

I smiled pitifully. "I was still searching for her two years ago. Talagang... nahaharang lang agad."

Humalakhak siya. "Our bad, pero para 'yon sa kaligtasan ng mga nakatira rito."

Our bad?

Pagak akong natawa nang makita ang mayabang niyang ngisi. 

Trickster.

An Orozco.

I scoffed when I came to an understanding. "This island is nice."

"Yeah, para madaling itago ang ginagawa namin dito." Di nakalagpas sa 'kin kung pa'no siya manghamon sa tingin.

Tinago ko ang pagtaas ng kilay sa pagtango.

"And'yan si Kuya Thunder?" pag-iiba ko ng usapan.

Kaswal niyang iginiya ang daan papunta sa bahay. "For now, yes. Pero babalik din 'yon kay Adara."

Adara? Sounds like my distant cousin's name. 

"And the Orozcos are fine with that?"

He smirked. "Okay din naman ako sa inyo ni Tamara, 'di ba? Pati si Kuya Ishid. At least mas madaming buhay na tao ang dinala niya kaysa sa patay."

Parang... patalon ako sa kabilang gilid na may bangin sa pagitan. Siya iyong nanghihila sa gitna ng bangin. Gusto akong idamay sa bagay na ayoko.

"Puntahan ko na si Kuya," pagbabalewala ko sa sinabi niya at naglakad paalis. 

Pero hindi siya nakuntento.

"Isang bangkay ang dala niya, though I don't know what he did with it," pahabol niya na dinig ko pa rin.

Binalewala ko ulit at pumasok na sa loob.

Asan ba ang Kuya ni Cloud? The man out there looks innocent but he is sly. Hindi ko sigurado kung mapagkakatiwalaan siya sa pag-aalaga kay North.

Not that my sister needs hands-on, whole day, whole week type of caring. Ang problema ko lang: baka mahawa ang kapatid ko sa lalakeng 'yon.

Nanatili ako sa pwesto pagpasok sa back door. Sa kusina at dining ang diretso ko, lugar kung saan kami naghapunan kahapon. Masyadong malaki ang bahay kaya hindi ko susubukin na umikot-ikot para hanapin si Kuya. Wala ring katao-tao kaya wala akong mapagtanungan.

Should've asked Sand earlier, pero masyado akong atat na huwag mahila sa kung anong pinaplano niya. Dahil kung tumagal pa 'ko ro'n nang ilang minuto, baka kung saan-saan na niya 'ko idawit.

I heard a few voices, which I followed. Naabutan kong nag-uusap si Kuya Thunder at si North.

"Adara?" Boses ni North.

"Yeah, uh, slip of mouth."

Close silang dalawa. Ibig sabihin, matagal na ring pabalik-balik si Kuya dito.

I clenched my jaw.

Parang librong ayaw magpabasa ang lugar na 'to.

"Pwede ko ba siya makita bukas, Kuya?"

Napasulyap sa 'kin si Kuya bago ibinalik ang tingin kay North. "You sure?"

"Oo, kuya. Alam mo naman na kahit gan'to ako. Gusto ko rin naman ng bagong memories... kahit hindi ko maaalala."

Sumenyas ako kay kuya na mag-uusap kami. Tango lang niya ang hinintay ko bago lumayo sa kanila.

I couldn't bear hearing and feeling the weight of my sister's words. Masyado pang sariwa ang nararamdaman ko kaya kakaiba ang dating no'n sa 'kin.

Doble... triple... sobra-sobra kaysa sa kinakaya ko. Isama pa na may misteryo sa kung pa'no nangyari ang lahat ng 'to.

"Three days and two nights lang ang accommodation niyo, 'di ba? Babalik ka na ba agad? I think you could stay here," bungad niya.

Mariin kong napikit ang mata. "Nagpa-extend ako ng isang araw sa hotel."

"Just one day? Pumayag manager mo?"

Napamura ulit ako dahil nawala na naman 'yon sa isipan ko. Masyadong kalat ang isip ko ngayon kaya hindi ko na masundan ang nangyayari.

"I don't know. Di pa 'ko nagpapaalam."

Pagak siyang humalakhak. "She'll understand that. Baka nga na-arrange na ni Tana 'yon."

Nagbuntonghininga ako.

Tana again.

"Remind me how deeply involved she was?"

"I told you I dragged her into this, tama?" Hindi ko gusto ang tono niya. "Found her looking at the section for missing people-related cases. Been waiting for this breakthrough for so long, and I saw the chance, Yuan. Si Tana lang pala ang tatapos ng mga 'to."

Naiinis na naman ako. "Why do you even have a file about my sister?"

"Just because," he dryly said. "Think that I did the two of you a favor. You're dying to know where Tana is kaya kukumpirmahin ko na wala na siya rito. She left the night you and North met."

Naikuyom ko ang kamao. Ang sakit pala marinig na iniwan niya 'ko rito, but I am conflicted on who I should focus on.

"I'll still see her." That, I'm sure.

"Dunno." He shrugged.

I scoffed out of frustration. "Hindi ka ba naguguluhan dito, kuya?"

"That's what I liked about this place. But you have until tomorrow to leave." Tumalim ang tingin niya.

Leave?

"No," giit ko. "Hindi ko pa nakasasama nang matagal ang kapatid ko."

He mockingly laughed. "It's senseless, she does not even know she has a brother. Makalilimutan ka rin niya. You'd be a stranger to her for the rest of her life, tanggapin mo na 'yon ang kahihinatnan ng buhay mo sa kan'ya."

Umigting ang panga ko. "Hindi pwede. I need a few more days."

Sarkastiko siyang tumawa. "You have a life, but not in this island, Yuan."

Yeah, right. As if he has a life here.

Umirap ako. "'Wag kang umasta na wala kang babalikan sa Manila, kuya. Your brother—"

"—is fine with his life. He does not deserve to be entangled in whatever mess his older brother put himself in." Seryoso ang tingin niya. "Kaya dito ko dinala ang lahat ng problema do'n."

Problema?

Anong—

"Seriously?" ang tangi kong nasabi nang maintindihan. "Seriously?"

And here I am thinking that Sand is crazier.

Naningkit ang mata ko. "Is my sister even safe here?"

"This is the safest place for people like her, like us." Nabubwisit na siya sa pangungwestiyon ko.

I scoffed. "Maiintindihan mo kung bakit ako gan'to pagdating sa kapatid ko."

"Aligned with what I'm doing—sacrificing for my brother," he proudly said. "At ikaw naman, Yuan, magsakripisyo ka ulit sa inyong dalawa. This is the best and the safest place for her. You'll destroy her if you force her out of here, and I doubt that the Orozcos would let anyone who lives here leave for good."

Humakbang ako, naiinis sa sinasabi niya. "You talk like you don't care about your brother. Balewala lang ba sa 'yo ang kapatid mong si Cloud?"

"You have no right, actually." Dinuro-duro niya ako. "No right to talk about me like that. You have no idea what I did to achieve whatever these are. Don't focus your attention on me, focus on your sister because that's yours to think about, not ours."

Igting ang panga ay umatras ako, pinakakalma ang sarili.  

Hindi ko alam kung saan pa huhugot ng salita para ipagdiinan ang gusto kong mangyari. Heck, I don't even know what's the right thing to do for my sister.

Kung tatanungin ako kung ano ang gagawin ko pagkakita sa kapatid ko, ang isasagot ko ay wala. I was stuck in the idea of searching and searching and searching that I do not know what to do once found.

I fear I am no novelist, for I only know the emotions, not the story. 

Kung isa nga lang akong manunulat, baka maituring pa ako na sumasabay sa agos ng mga karakter sa libro. Walang patutunguhan, magugulat nalang sa dulo. Walang ka-ide-ideya pagkatapos isulat ang emosyon papuntang salita.

Naglabas siya ng lighter at isang stick ng sigarilyo sa bulsa. Inaalok pa sa 'kin ang hawak niya pero inilingan ko.

Pagak siyang tumawa bago paglaruan ang takip ng lighter. "I'll tell Isihid to contact you. Ihahatid ka niya pabalik bukas, so you better wrap up your agenda here."

"Hindi ka na talaga babalik?"

Sumeryoso at nagdilim ang paningin niya. "You're not for this place, Yuan."

"And you are?" I mockingly said.

He tipped his head to the side. "Hangga't maaga pa—hangga't hindi ka pa hinihila ng islang 'to—umalis ka na rito."

Sinsero at buo.

I clenched my jaw.

Binalewala niya ang sinabi ko.

"Hindi ka na talaga babalik?"

Seryoso ang tingin niya pagka-iling.

"Kahit kailan?" pagtutulak ko.

He pointed to the soil. "I am for this place; I will die on this land."

Pinalidad.

Nakapamulsa akong nagtanggal ng tingin. "Sucks to be your brother, then."

Dulo ng istorya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro