Kabanata 37
Happy New Year! :D
-
Kabanata 37
North
"Iisang kwarto lang?" gulat kong tanong. Pinagtitripan ba ako ni Ishid? Siya ang nag-book nito!
"Yes po, Ma'am. Queen size bed naman po iyon."
"It's fine."
I glared at him.
"We slept on the same bed already. Sa bahay ko," bulong niya habang nakahawak sa bewang ko. Tungong-tungo siya para matakpan ng sumbrero ang mukha.
Nagpakawala ako ng hininga habang tinatapik ang daliri sa marble na counter. "Sorry, I'll be right back. Nagpa-book lang kasi ako."
Lumayo ako sa babaeng receptionist at inis na tinawagan si Ishid. Sumunod si Yuan, humahalakhak. Hindi iyon nakatutulong kasi naiirita ako ngayon!
Baka mamukhaan ako ng receptionist at ma-issue pa na may kasamang lalake, o di kaya ay mamukhaan si Yuan at siya naman ang magka-issue!
"Stop laughing," paninita ko habang nag-ri-ring ang phone. What's taking him too long to answer? Gabi na kaming nakarating kabibyahe pero wala pa namang alas otso!
"I'm not." May himig ng tawa ang tono niya.
"Oy, Tamara? Napatawag ka?" pagsagot ni Ishid.
Humugot ako ng malalim na hininga para hindi maging iritable ang tono. "Isang room lang daw ang na-book mo?"
He went silent I thought the line was cut.
"Ishid? Hello?" Lumalabas na ang inis sa tono ko.
"Oh shit." I heard clicking from the background. "Namali ng pindot, sorry."
He does not sound apologetic. Natatawa pa siya!
Napapikit ako at nagbuntonghininga ulit. "Isang room lang talaga..."
He chuckled. "Two nights lang naman, Tammy."
I pursed my lips. Sa tono niya ay pinal na desisyon na 'yon. "Hindi ka ba pupunta rito para ma-confirm ang booking?"
"Di na, settled na 'yan. Baba ko na 'to, a? Magkikita pa naman tayo nina Thunder pagkatapos mo d'yan."
Lumakas ang tibok ng puso ko. Dumaan sa isip ko si Mama.
"I have not yet agreed," ang sagot ko nang maramdaman ang kirot sa dibdib.
"Papayag ka rin," saad niya bago ibinaba ang tawag.
Napatitig ako sa screen.
"One room lang talaga?" Napunta ang tingin ko kay Yuan na nakaangat ang isang gilid ng labi.
Right, we came here for Yuan. Tsaka nalang ang akin.
"Namali raw ng book si Ishid."
Umangat na rin ang isa pang gilid ng labi niya kaya napairap nalang ako.
"Okay lang 'yan. Tara na?"
Naaasar akong tumingin sa kan'ya. Wala na akong nagawa kun'di bumalik sa receptionist at tanggapin ang nangyari.
I was nervous as I waited in front of her. Baka hindi naman niya ako mamukhaan dahil medyo mahaba na ang buhok ko. Hindi na rin naman ako madalas makita sa news.
'Wag lang sana niyang mamukhaan si Yuan kahit na nakasumbrero at mask na siya.
"Okay na po, ma'am. Enjoy your honeymoon!"
"Ha?" Natameme ako.
"Thanks," kaswal na sabi ni Yuan at kinuha ang keycard. "Darling, tara na."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa elevator. Nang tuluyang magsara ang pinto ay sinita ko siya.
"Anong darling?" histerikal kong tanong, sinusubukang tanggalin ang magkahawak na kamay. Hinigpitan niya ang kapit do'n habang inaayos ang gym bag sa kabilang balikat.
"Ayaw mo ng call sign na darling? Iba nalang?" pa-inosente niyang tanong na siyang ikinairap ko.
"That's not—" Natigil ako sa pagsasalita nang magbukas ang pinto ng elevator, dahilan para matigil ang paninita ko.
Marahan niya akong hinatak palabas patungo sa hallway. Inis akong nakatingin sa kan'ya habang hinihintay na mahanap ang kwarto. Nang makarating ay nagtitimpi ko siyang tiningnan dahil hindi pa niya tinatapat ang keycard.
Nang-aasar siyang tumingin.
"Ano ba?" iritable kong tanong.
Nagkibit-balikat siya bago buksan ang pinto. Nang tuluyang makapasok at maisara ang pinto ay nanita muli ako.
"Anong darling ang sinasabi mo kanina sa receptionist?"
Humalakhak siya na lalong ikinakunot ng noo ko. Bakit tinatawanan niya ako tuwing naiirita ako? Nakabubwisit!
"Para ka namang bago. Tingnan mo—"
"Yuan—"
"—naka-swan 'yung towel."
Gumilid siya para makita ko ang kama na nahaharangan niya kanina. Lalong kumunot ang noo ko nang makita ang ilang petals sa kama.
Ano ba 'tong pinaggagagawa ni Ishid?! Kung ano-ano na yata ang sinabi niya sa receptionist!
"Baka magreklamo ka rin dahil sa petals? Do you like it blue, Tana? Ayaw mo ng red?"
Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Sa itsura pa lang ay tuwang-tuwa na siya sa nangyayari. He's not trying to understand what I'm trying to say!
"Ayaw mo ng darling tapos ayaw mo rin ng red petals. Gusto mo ng sweetheart o kaya honey?" tanong niya, nakaupo na sa kama habang may hawak na petals. Nasa lapag na ang gym bag namin na bitbit niya kanina.
I hate how there's no room to separate us but the bathroom. Ni hindi man lang ako makalalayo sa kan'ya kasi walang balcony kun'di bintana lang.
"I cannot stand you today."
"Tabi nalang tayo," ang sabi niya habang tinatapik ang tabi niya. Hindi na niya suot ang sumbrero at mask.
Naninibago pa rin talaga ako.
Umirap ako at inokupa ang upuang malapit sa lamesa. Napanguso siya dahil do'n.
"Gusto mo bang itapon kita sa dagat?" iritable kong tanong kasi sobra siyang magpa-cute ngayon! Sobrang haba ng nguso at nagpapaawa ang porma ng kilay at mata!
"Ah, magsu-swimming tayo?" Nagliwanag ang mata niya.
"Alam mo—"
"Hindi pa."
Nagtitimpi akong tumingin sa kan'ya. "Magka-ugali na kayo ni Cloud."
Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo at magpunta sa pwesto ko. Nag-crouch siya sa harapan ko, ang lebel ng mata ay mas mababa sa 'kin, bago hawakan ang kamay ko.
"So, ayaw mo ng red petals, my darling Thomasina?"
Napaawang ang bibig ko. Parang nalagutan ako ng hininga. "A-Anong..."
Ngumisi siya na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko. "My darling Thomasina?"
Naramdaman ko ang pamumula ng mukha. My darling Thomasina?!
"Pulang-pula mukha mo."
"Hindi kaya!"
Pagkamangha na ang ekspresyong nasa mukha niya.
Suminghap ako at mabilis na tumayo. Nilayuan ko siya at kinuha ang gym bag ko, ang kamay ay bahagyang nanginginig. Humahalakhak pa rin siya, inaasar ako.
"Nagugutom ako, magpa-room service nalang tayo."
"Ayaw mo makipag-date sa 'kin sa labas, darling?"
"Yuan!"
"Bakit, darling?"
Napasalampak ako ng upo sa kama dala ng pang-aasar niya. Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang gym bag.
Nang-aasar niya akong sinulyapan habang naghahalungkat sa bag. "Sabihin mo lang kung gusto mo 'kong ma-solo."
"Stop it, Yuan. Bakit ba gan'yan ka umakto?" naiirita kong tanong kasi namumula na ang mukha ko! I don't even know why I am this affected. Pati puso ko hindi nakisasama.
"Honeymoon daw natin. Might as well act like it, darling? Ay, di ba mag-asawa nga pala tayo?"
"Lumayas ka na nga sa paningin ko," inis kong sabi na siyang ikinahalakhak niya.
Nawalan na 'ko ng gana na maghalungkat sa bag at tumawag nalang para magpa-deliver ng pagkain. Mabuti nalang at pumasok na siya sa banyo kaya panandaliang pumayapa ang paligid.
Habang tumatawag ay sinalat ko ang pisngi. Nang matapos tumawag ay tumapat ako sa vanity mirror at nakitang bahagyang namumula pa rin ang mukha ko.
"What?" asik ko nang nakangisi siyang lumabas ng banyo.
Pinupunasan niya ang basang buhok gamit ang tuwalya. Naka-puting t-shirt siya at itim na shorts.
"Anong 'what'? Wala akong ginagawa sa 'yo, Tana," natatawang sabi niya. "Wala pa."
"I'm done." I stood up and raised my hands. Umiling-iling ako habang kinukuha ang gamit.
"I'm just kidding." Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang at kamay ko.
I couldn't look at him because of what he did. Lalo akong hindi mapakali dahil sa lapit ng katawan ay nanunuot sa ilong ko ang amoy ng body wash niya.
Napasinghap ako nang siningit niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko. "Naka-order ka na?"
"Yes..." Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Gusto mo na bang mag-shower? Ako na maghihintay sa pagkain."
Hindi ko gusto ang nararamdaman ko.
Unti-unti kong tinanggal ang pagkahahawak niya sa 'kin. "Baka makilala ka ng server."
"Okay lang."
"Hindi siya okay," I hissed and briefly looked at him.
Mabilis kong kinuha ang mga gamit sa bag at madaliang pumasok sa banyo. Bibilisan ko nalang maligo dahil baka biglang dumating ang in-order na pagkain.
Midway through the shower, I realized I forgot to bring my body wash. Naiwan ko yata sa banyo ko dahil ni-re-refill ko 'yon tuwing umaalis. Wala akong nagawa kun'di manghiram kay Yuan dahil tinapon niya iyong nilagay ng hotel.
But the scent is... fine. It's clean and musky, but it bothers me because I smell like him.
Malakas din ang amoy dahil hanggang sa makakain at mahiga sa kama ay amoy na amoy ko pa rin sa balat ko.
O baka si Yuan ang naaamoy ko?
I lay on the bed, unmoving, when he lay beside me.
May distansiya pa rin naman sa pagitan naming dalawa pero parang nanliliit ako. Hindi ko alam kung ano ang posisyon niya dahil nakapatay na ang ilaw. Hindi rin naman sapat ang liwanag mula sa buwan dahil lamesa lang ang nasisinagan no'n.
I shouldn't think about it. I should think about tomorrow's event—Yuan and North.
Bukas na sila magkikita, bandang hapon, pagkatapos makipag-usap ni Ishid sa mga Orozco. Wala pa akong napaplanong gagawin mula umaga hanggang hapon bukod sa pagtawag.
I have to update Ma'am Greta about it, then call Ishid that we're ready to go, and then...
"Ginamit mo ba talaga body wash ko?"
From the ceiling, I turned my head towards Yuan. "Oo. Tinapon mo kasi 'yung galing sa hotel."
He grinned. "Hindi ko maamoy. Dapat maamoy 'yan."
Nangunot ang noo ko. Sunod ay ang paglapit niya na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na humahaplos sa braso ko.
Napasinghap ako nang dumampi na ang ilong niya sa balat ko. Narinig ko ang pagsinghot niya, inaamoy ang balikat ko. Naramdaman ko ang pag-anggulo ng mukha niya malapit sa leeg ko. Humahaplos na ro'n ang mainit na hininga niya.
He hummed; I shivered when it vibrated towards my skin.
Yuan, what are you doing? Lumalapit na sa leeg ko ang ilong niya.
"Ginamit mo nga. Kaamoy mo na 'ko," he said and moved away. "Good night, Thomasina."
Mabilis akong tumagilid patalikod sa kan'ya at sinalat ang dibdib. Malakas na naman ang tibok ng puso ko. Namumula na naman ang mukha ko!
"Good night... Yuan..." I whispered, my voice a bit shaky.
Nag-iiba ang epekto sa 'kin ni Yuan.
* * *
Kunot ang noo ko nang magising.
I had a dream that Yuan hugged me when I was asleep, and I hugged him back. Sumiksik pa raw ako sa kan'ya at hinalikan pa raw niya ang ulo ko.
Nang sinilip ko siya ay wala siya sa tabi ko kun'di nag-pu-push up sa gilid. Napansin niya yatang may nakatitig kaya napatingin sa 'kin.
"Morning, darling," he greeted as he pushed up with one hand, his arm muscles flexing. "Late na tayo for breakfast buffet, sa'n mo gustong kumain?"
I was still oblivious to my dream because it felt vivid.
Walang imik akong bumangon at tiningnan ang oras sa cellphone. It's eight-thirty.
"Kahit saan."
"Una ka nang maligo, nag-wo-work out pa 'ko."
Pupungas-pungas akong naghalungkat ng damit sa gym bag na iniabot niya sa 'kin. Gulong-gulo rin ako habang naliligo at nag-aayos.
"Yuan, did I..."
He curiously eyed me.
Hug you when we were asleep?
Umiling ako. "Nothing."
Nagme-make up ako sa harap ng vanity mirror nang tumabi siya sa 'kin para mag-ayos ng buhok.
"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" He was wearing a casual, white, button-down short sleeve and shorts terno.
He stopped combing his hair and scanned me. "Maggan'yan din ba ako?"
Simpleng puting sun dress na may spaghetti strap at square neckline ang suot ko. May kaonting print din na pastel blue na bulakak at pastel green na tangkay.
"I'm talking about the material of your clothes. Hindi ba siya mainit?" Napatigil ako nang walang malay kong kinapa ang tela ng suot niya. Iyong bandang dibdib pa niya kaya napatigil din siya.
Bahagyang nag-init ang mukha ko.
"Ah, hindi nga..." Parang napapaso ay binawi ko ang kamay at nagligpit na ng make up. Kita ko sa repleksyon niya sa salamin na napakurap-kurap siya.
Nang tumayo ako mula sa kinauupuan ay nagpabango na siya. Nag-aayos pa ako ng gamit sa bag nang tumabi siya sa 'kin, hawak-hawak ang bote ng pabango. Iba ang amoy mula sa madalas niyang deep vanilla na ginagamit.
I stared at him as he looked at me from head to toe. Napakunot ang noo ko dahil sa paraan ng pagtingin niya ay may iniisip siyang kakaiba.
"Sa likod..." I heard him murmur. "Nagpabango ka na?"
"Magpapabango pa lang, why?" Ipinakita ko sa kan'ya ang travel size na pabango na kinuha ko mula sa bag ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang pinabitiw sa 'kin ang pabango sa loob ng bag. Pagkatapos ay tinitigan muli ako, hindi alam ang gagawin.
"You don't want to suffocate them with your perfume," he said. Tsaka ko lang naalala na medyo suffocating ang amoy no'n kapag mainit sa labas. Ginagamit ko nga pala 'yon kapag naka-aircon.
Parang nagpapakiramdaman kami dahil tahimik lang na nakatitig sa isa't isa.
Napakurap ako nang bigla siyang mag-spray sa likod ko. It smelled woody, fresh, and salty.
"Gamitin mo nalang akin," saad niya bago nag-spray pa ulit sa ibang parte ng katawan ko. Nakapagtataka lang dahil parang daplis lang ang pag-spray niya sa 'kin.
"Di ka ba marunong magpabango ng iba?" tanong ko, nasasayangan sa pabango niya. He kept on spraying it everywhere but the target areas.
"Marunong, but yours should be subtle. Isipin nilang magkayakap tayo kahit gising."
What did he mean by his last words? Magkayakap kahit gising?
Magkayakap nga kami kagabi?
Napangiti na naman siya nang makita akong naguguluhan.
Inakbayan niya 'ko. "Let's go, darling. Kaamoy na ulit kita."
Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan.
Ano na naman ba pinaplano niya ngayon?
* * *
I was nervous the whole time we were outside.
Kumain kami ng brunch sa labas. Sa medyo tagong parte ng restaurant pa pumwesto para hindi agad mapansin ng mga turista.
It would take long for them to know who I am, but the avid fans of the band would take a second to know who I'm with.
"I don't care if they see us together, Thomasina. Tayo nalang gawan nila ng issue. Matutuwa pa 'ko," saad niya pagkatapos umorder. Napansin niya yata ang pagkabalisa ko.
"Ako naman pahihirapan mo," reklamo ko bago umirap.
His brow rose. "Wouldn't it be ironic if you're the one in the news with me? You'll be cleaning up your dating issue."
May sasabihin pa sana ako ngunit nag-vibrate ang phone ko. Kaya inirapan ko siya.
Tumatawag pala si Ma'am Greta. Nagpaalam ako kay Yuan at lumayo mula sa pwesto namin.
"Hindi na po ako nakatawag kagabi, medyo late na po kasing nakarating," bungad ko pagkasagot ng tawag.
"It's okay, hija. No need to worry. So, today's the day?"
Humugot ako ng malalim na hininga bago tumango. "Yes po, mamayang hapon. Settled na po ang lahat, magkikita nalang silang dalawa."
Lalong lumakas ang kabang nararamdaman ko.
"I have arranged his ride home din po," ang sagot ko nang magtanong siya kung paano uuwi si Yuan. Pagkatapos no'n ay pinutol na niya ang tawag dahil nangungumusta lang naman.
Sumunod na tumawag ay si Ishid, kinukumpirma ang oras at lugar kung saan magkikita. Mga importanteng salita lang ang tumatak sa isip ko dahil sa kaba.
"Last try, Tana. Ayaw mo ba talaga pumayag na makita 'yung batang huling nakakita sa nanay mo?"
Mabilis ang tibok ng puso ay napahigpit ang kapit ko sa cellphone. Hindi ko alam ang isasagot. Wala rin naman akong makuhang sagot mula sa dalampasigan.
I sucked a deep breath. "If... I call you after this..."
"Sige. My lines are always open, Tam," was his reply before ending the call.
I didn't want to return to my seat that's why I acted that I'm still on a call. Malakas pa ang tibok ng puso ko, bahagya ring nanginginig ang daliri. Tsaka lang ako bumalik nang humupa na ang nararamdaman.
"Akala ko aamagin na 'ko rito," komento niya pagkabalik ko. Na-serve na pala ang pagkain, gano'n yata ako katagal.
"Napahaba lang 'yung usapan," I said apologetically.
Yuan and I ate in silence.
I tried my best to chew and digest what I am eating, but my anxiousness is getting to me. Gusto kong patayin ang cellphone ko para hindi mabalisa sa oras. Babase nalang sa sikat ng araw at sa simoy ng hangin para malaman kung hapon na.
But time is slow when you're waiting for it.
Alas diyes kami nag-brunch. Alas onse pa lang ng tanghali. Sobrang bagal ng oras.
"May hinihintay ka ba?" tanong niya, ang ulo ang nakapaling sa direksyon ko. Hindi ko pansin ang emosyong nasa mata niya dahil naka-shades, pero alam kong nagsusuplado na naman.
"Nothing..."
Inugoy niya ang kinauupuang swing dahil sa sagot ko.
It was a cloudy afternoon. Bahagyang hinihipan ng hangin ang maikli kong buhok, isinasabay sa ugoy ko sa swing. Gulong na may kahoy ang upuan habang metal naman ang pangsuporta. Hindi rin mainit dahil nasa lilim ng malaking puno.
Tanging boses ng mga tao, ihip ng hangin, at hampas ng alon ang pumailanlang sa 'ming dalawa. Muntik na kong mabingi sa lakas ng tibok ng puso ko kung hindi lang siya nagsalita.
"You're waiting, Tana."
"You don't have to know..." mahina kong bulong at itinukod ang paa para tumigil sa pag-swing.
Hinipan ulit ng hangin ang buhok ko kaya nag-ipit ako ng ilang hibla sa tenga. Nag-swing ulit ako, pinakikiramdaman kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.
"You could tell the truth to me... 'wag kang matakot."
The truth...
Mapait akong napangiti. "Thank you, Yuan."
I looked at him while he looked at the sea.
I wonder what his expression will be once he sees his sister. How deep would the emotions show in his sharp and snobbish eyes? How will he look at me once he realizes what's happening?
"What would you feel if I hid something from you?"
Napunta sa 'kin ang tingin niya. "Do you have feelings for me now?"
Mabuti nalang at naka-shades siya kaya malaya akong nakatingin sa mata niya.
"I'm not sure," I said the truth.
Hindi ko rin naman kasi sigurado kung ano na ba talaga ang nararamdaman ko. All I know is that he's making me feel different.
"You didn't say no," he pointed out. "Baka meron, 'no?"
Tumayo ako at inilahad ang kamay sa kan'ya. Naguguluhan niya 'yong tiningnan.
"Let's walk, Yuan." I smiled.
He stood up and intertwined our hands. Hindi ako nagreklamo at pinakiramdaman nalang ang tibok ng puso.
We walked around the beach and talked about a few things.
There were a few people whose stare lasted for a while. Baka kinikilala si Yuan. Pero wala pa naman akong nakikita na naglalabas ng phone para mag-picture at magpa-picture.
The beach was not crowded, it was enough to enjoy the area. Hindi pa rin kasi masyadong developed ang tourism dito. Bukod sa nagsisimula pa lang magpakilala ay medyo malayo-layo rin 'to mula sa sentro.
It favored us, but I couldn't be too complacent. Mabuti na ang nag-iingat.
We ate around past two in the afternoon before we returned to the unit. Wala naman kasi masyadong gagalaan bukod sa dagat. Hihintayin nalang namin ang bazaar na mag-open ng alas sinko ng hapon. Pagkatapos no'n ay magkikita na sila ni North.
Three hours... I don't know what to do for three hours. Hindi ko rin naman mapilit ang sarili ko na matulog dahil alam kong hindi ko kaya.
"Tana, may problema ba?"
Nilipat ko ang tingin sa kan'ya mula sa dingding. "What?"
He sighed and sat beside me on the bed. Nakasandal ang likod ko sa unan sa headboard.
"You're dozing off. Ano ba 'yang iniisip mo?"
Napunta ang tingin ko sa charm bracelet niya nang hawakan niya ang dulo ng buhok ko. Mula ro'n ay napunta ang kamay niya sa pisngi ko.
"I'm nervous," I confessed as I stared at his eyes. Ramdam ko na ang init ng katawan niya.
"About what?"
"Mamaya..." mahina kong sabi at nagbaba ng tingin. Napabalik nga lang nang humalakhak siya.
"Excited ka na bang makipag-date sa 'kin?"
Mabagal ko siyang inirapan. "Whatever makes you happy."
"You."
Natigilan ako.
"You make me happy."
Nagbuntonghininga ako. "Yuan—"
"Put a meaning to this."
Natawa ako. "I don't put a lot of meaning to everything, Yuan."
"We talked about this, right? You have to. Sa 'kin. Bigyan mo ng meaning lahat." Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. "Do you want to kiss, Thomasina? Para di ka na kabahan."
Napaawang ang bibig ko, hindi alam ang sasabihin. Nalagutan din ng hininga dahil sa narinig.
"Give me permission to kiss?" Gamit ang daliri ay marahan niyang hinaplos ang labi ko. Halos manindig ang balahibo ko dahil sa lambot at gaan ng haplos niya.
My heart beated wildly I didn't know what to do but nod. Mas lalong lumakas nang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha at idinampi ang labi sa 'kin.
Yuan's soft and warm lips stilled on mine. Then, he proceeded to move it slow and gentle. Napapikit nalang din ako at nakisabay sa galaw niya.
It was different from the first time we kissed, but quite similar to our second kiss. Puno ng pagtitimpi ang paghalik niya sa 'kin noong una. Banayad at maingat naman ang paghalik niya sa 'kin ngayon.
Dahan-dahan niyang ipinaling ang mukha para maayos na masakop ang labi ko. Napunta na ang isang kamay niya sa batok ko. Naipatong ko naman ang kamay ko sa balikat niya.
I could feel our bodies getting closer, his warmth on mine. I felt weird because we shared the same scent, probably due to the perfume and the body wash. May kakaiba tuloy akong nararamdaman.
Yuan groaned and pulled me closer, ang dibdib ko ay halos dumikit na sa dibdib niya. Naglandas na rin ang kamay niya mula sa balikat patungo sa hita ko, hinihila papalapit sa kan'ya.
Naramdaman kong hinila niya ako, ang katawan ay tuluyan nang magkalapat.
His kisses turned deep but remained gentle. Umakyat ang kamay niyang nasa hita ko patungo sa bewang ko, bahagyang pinipisil 'yon.
Napaawang ang bibig ko. Kinagat naman niya ang ibabang labi ko.
Nagpahabol siya ng isa pang halik bago tumigil. "Baka kung sa'n pa mapunta," he whispered, his lips brushing mine.
My eyes were still drowsy as I tried to understand what happened. The loud beating of my heart confirmed that everything was true.
He had a sultry and playful look in his eyes when I regained my wit. Patuloy pa rin siya sa pagmasahe sa bewang ko.
Nanlaki ang mata ko nang mapansin ang posisyon—I was straddling him! Humiwalay ako ngunit gano'n naman kabilis ang pagbalik niya sa 'kin sa posisyon.
"It's fine. I put you here, darling." Sinasadya niya yatang idampi ang labi niya sa labi ko. Hindi pa nakuntento at hinalikan ang balikat ko.
Napakurap-kurap ako nang mapansing nakadiin ang katawan ko sa kan'ya. Nadidiin ko na rin ang likod niya sa headboard pero mukhang hindi niya pinoproblema 'yon!
"Di ka na ba kinakabahan, Thomasina? O kinakabahan pa? You want one more?"
Mabilis akong umiling habang sinisingit niya ang buhok sa likod ng tenga ko.
I moved to get away from his lap, but he stilled me there. Kabado ako dahil baka maramdaman niya ang lakas ng tibok ng puso ko!
He laughed when he saw how red I was. Ako, hindi makatagpo ng tingin dahil hindi mapakali.
Mabilisan kong ibinaba ang tela sa bandang hita ko dahil naka-expose 'yon.
Bigla kong naalala ang nangyari kaya lalong namula ang mukha ko. Nakaaasar kasi alam kong ikinangisi niya 'yon!
"Napaka—" Napunta ang tingin ko sa labi niyang makintab at namumula.
"Ikaw may gawa n'yan."
Pwersahan na akong umalis sa kan'ya at lumayo sa kama. Tatawa-tawa niya akong pinanood. I even had to fix my dress because it was tucked in several places.
Sinapo ko ang magkabilang pisngi habang nakatingin sa kan'ya. Sobrang init na ng pisngi ko, alam kong pulang-pula ako kung haharap sa salamin.
"Banyo lang ako," natatawa niyang sabi habang naglalakad patungo sa banyo.
Mariin kong naipikit ang mata dahil sa nangyari.
* * *
"You're still nervous, Tana. Gusto mong kiss ulit?" pang-aasar niya, sinusubukang hulihin ang tingin ko. Patuloy akong nag-iiwas ng tingin dahil naaalala ko ang nangyari.
"Stop it," paninita ko bago maglagay ng lipstick na hindi ko mailagay nang maayos.
My hand was shaking because of what's about to happen. Iyon nalang ang pinaulit-ulit ko sa utak para hindi na maalala ang nangyari kanina.
Tinawanan niya muli ako bago i-spray-an ng pabango niya kanina. Hindi na 'ko nagreklamo dahil alam kong hindi ko siya mapipigilan.
It was already five-fifteen, and we were going to meet North by six o'clock. Kailangan kong bilisan dahil baka mag-aya pa siya sa kung saan-saan sa bazaar.
He was touchy when we got out of the hotel. Kahit ilang beses kong sitahin ay hindi siya nagpatinag kaya hinayaan ko nalang. Hinatak pa ako sa kung saan-saan dahil bumili siya ng kung ano-ano.
Five-thirty and I'm dreading about what's to happen. Thirty minutes more and he will know how I investigated behind his back.
Nginitian ko siya nang mapansin niyang nakatitig ako sa cellphone. Napansin niya ang pagkabalisa ko kaya sumimangot na naman.
"What is it?" suplado niyang tanong habang hinihintay ang order niyang mango graham shake. Ililibre raw niya ako pero tumanggi ako dahil wala akong gana.
"May fireworks show ba ng alas sais?"
Napakunot ang noo niya. "Sa'n mo nalaman 'yan?"
I shrugged. "Just a guess."
Five-forty-five and he offered to buy something for me. Gold hair clamp ang ibinigay niya sa 'kin.
"Hindi n'yan kaya ang buhok ko."
"Kapag humaba nalang buhok mo."
"Hindi ko 'to pahahabain. I'll cut this when we get back."
He rolled his eyes and clamped a few parts of my hair instead.
Makapal naman ang buhok ko kaya kahit papaano ay may nahawakan ang clamp. Nagtanong pa kung kumportable at hindi raw ba masakit sa anit. Sinabi ko naman na hindi.
Pagkatapos bumili ay hinatak ko siya sa direksyon kung saan sila magkikita ni North. May nadaanan kaming henna stall kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Magpapa-henna ka?"
Hindi ako umimik at patuloy na nag-browse sa naka-display na collection.
"Let's get henna?" Nilingon ko siya. Nagulat nga lang dahil halos nakapatong na ang ulo niya sa balikat ko.
"Hindi ko alam ang ilalagay." Napanguso na siya.
"You don't have to think too hard. Temporary lang naman."
"Minimalist yin yang?" Bumaling siya sa tindera. "Can we have it a matching pair?"
Nang um-oo ang tindera ay nagbayad na siya kaya hindi na ako naka-imik. Nauna siyang asikasuhin ng tattoo artist kaya tiningnan ko ulit ang oras.
Five-fifty...
Tinext ko si Ishid at sinabing baka ma-late kami dahil sa henna tattoo. Dagdag minuto pa ang mangyayari para mapatuyo 'yon.
I was nervous when it was my turn. Nakakunot ang noo ni Yuan habang pinapanood akong malagyan ng henna sa kanang pulsuhan ko. Nakatapat siya sa 'kin dahil pinapatuyo niya ang henna sa kaliwang pulsuhan.
Pagkatapos matuyo ay naglakad kami papunta sa direksyon kanina. Parehong walang imik, may isa nga lang na sobrang kabado.
It was already five minutes past six o' clock, but I don't want to walk too fast. Gusto kong maalala ang araw na 'to kasama si Yuan.
Unti-unti... dahan-dahan...
"Bakit hindi compass pina-henna mo?" I could feel his stare at me, but I kept my eyes on the sand that we were walking on. "You seemed to like it because of your charm."
Iba na ang tingin niya sa 'kin—parang iniintindi ang gusto kong iparating, inaalam kung saan patungo ang tanong ko.
But he'll never know it unless I give him the cue.
"Itong bracelet?" Sinalat niya ang charm na nando'n.
A red arrow pointing to the north.
Humugot ako ng malalim na hininga nang may matanaw na bulto sa likod ng papalubog na araw. Dalawang tao—isang nakatayo, isang nakaupo. Nakaharap sila sa dalampasigan.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bumagal ang paglalakad ko.
"Does your compass work, Yuan? D-Does it lead you in the right direction?"
Kunot-noo pa rin siya habang nakatingin sa 'kin. Maliit na ngiti lang ang naigawad ko dahil ramdam ko ang pag-akyat ng pait sa lalamunan. Sumisikip na rin ang dibdib ko at bahagya na ring humahapdi ang mata.
Lalong lumalim ang kunot ng noo niya. "What are you talking about?"
"You use it when you're l-lost, right? The compass?"
Pumunta siya sa harapan ko at sinapo ang pisngi ko. Hindi ko na kasi kayang iangat ang mukha at tumingin sa kan'ya.
"Tana..."
"A-And north is usually the right direction."
Suminghap ako nang humapdi ang lalamunan. Unti-unti nang umaakyat ang iyak patungo sa bibig ko.
Kaonting hakbang nalang at makikita na niya ang kapatid niya.
"Is that always the case, Y-Yuan?" Tinagpo ko ang nag-aalalang mata niya nang magsimulang manubig ang mata ko.
"Why are you crying?" Sinapo niya ang mukha ko. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya.
Wala akong nagawa kun'di magpakawala ng luha.
"That if you're lost, you head north?"
Suminghot ako at hinawakan ang kamay niya.
"D-Do you remember North, Yuan? Your sister—Remember North Montillano?"
Realization dawned on his face—his eyes dilated and his mouth agape. His breathing slowly became shallow and his hands now turned limp...
Nagtuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ko.
"You're facing the South..." Suminghap ako. "A-and your twelve o'clock is the North..."
"Tana..." Nagsituluan na rin ang luha niya kasabay ng dahan-dahang pagtaas-baba ng balikat.
Yuan is breaking and crying in front of me.
I couldn't bear seeing this because it felt too invasive. Too personal. I knew I had to leave.
I bit my lip and smiled at him as tears rolled down my cheeks.
Iginiya ko ang kamay sa likod niya. "I-It's North..."
Lumagpas ang tingin ko kay Yuan at tinanguan ang lalakeng kasama ni North. Gano'n naman ang dahan-dahang paglingon ni Yuan sa likod niya.
"G-Go, Yuan," I softly said. "Go and meet your sister..."
Nasira ako nang luhang-luha siyang tumingin sa 'kin. "Tana..."
I nodded and tapped his back. I gestured him towards the direction of his sister.
Tinakpan niya ang bibig gamit ang kamao. Tumalikod siya at dahan-dahang naglakad patungo sa kapatid niya.
Tahimik akong nakatayo, yakap-yakap ang sarili, habang pinanonood ang mabagal na paglalakad ni Yuan.
As I stared at Yuan, I regretted how I opened to him late. Sa loob ng dalawang buwan, hinayaan ko ang sarili na magpakilala at magpakatotoo sa kan'ya. Nga lang, masyadong maikli.
Nagsisimula pa lang ako, iyon ang naging sagot niya nang magtanong ako tungkol sa kinikilos niya. He had been affectionate lately, and to my surprise, I let him.
I wanted it too...
"Ishid..." I called over the phone.
I think I have developed feelings for Yuan, but I have yet to admit it. Immediately after the thought crossed my mind, I realized I liked him. I did all these things because I just wanted him to be happy.
It would be nice to know him when I'm ready... in a different circumstance... when we're both healed from our past.
Pero ngayon, magtatago muna siguro ako. Mula sa mundo, mula sa pamilya ko, mula sa mga kakilala ko.
Mula sa kan'ya.
"I'll meet the kid."
And when I show up, I hope I have given the truth to myself before I give it to him.
Yuan, I like you, but today's not the right day for you to know it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro