Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 36

Kabanata 36

Yate

Two months had passed, and a lot of things happened.

Pagkatapos makakuha ng award ang STATION bilang Rookie Band of the Year ay nagkaroon ng victory party. Sa parehong victory party ay nagkagulo dahil sa issue nina Freesia at Madison. Cloud even sustained an injury on his arm.

The issue escalated to Kuya Thunder's yacht, as per Ishid's words, but was taken care of by Freesia's political family.

Dahil sa nangyari ay nag-lie low muna ang banda, lalo na si Cloud dahil inaayos pa raw niya ang pagitan nila ni Freesia. Gano'n din sina Sebastian na may ibang pinagkakaabalahan.

It left me with Yuan who took advantage of it by going out with me. Pumayag naman ako dahil gusto ko rin namang kasama siya.

I'm still not over my fear of being known. I was still hesitant and new to this. Yuan is, too, that's why we're taking things slow. We're just seeing how this goes, but we need to settle one thing first.

Si North muna.

"Expected na 'yun ni Thunder," ang sabi ni Ishid nang magkita kami para pag-usapan ang mangyayari sa Araceli. Ibinigay ko rin ang ticket niya dahil mag-eeroplano kami papunta sa Puerto Princesa.

I asked if it was possible to travel directly by yacht, he said no. Bukod sa mas matatagalan ang biyahe, tight na rin daw ang schedule kaya hindi na maililipat pa ang isang yate.

Sa unang tingin ay hindi ko aakalaing magkaibigan sila ni kuya dahil ibang-iba ang dating nilang dalawa.

Ishid has curly, dark brown hair, and kind eyes. He had a friendly and outgoing aura which is very far from Kuya Thunder's intimidating one.

"At tsaka..."

Nilingon ko siya. Ipit-ipit sa bibig niya ang sigarilyo, hawak ng isang kamay ang lighter, at ang kabila naman ay nakatakip sa apoy. Bahagya kasing malakas ang hangin sa rooftop ng hotel.

Pasimple akong tumikhim nang sindihan niya iyon. Hindi ko naman alam na naninigarilyo siya.

Napabaling siya bago tumaas ang dalawang kilay. "Sorry, lipat nalang ako ng pwesto."

Nagpunta siya sa kanan ko bago humigop at magpakawala ng usok. There was still a smell, but it's better than nothing.

"Si Thunder, ewan ko ba ro'n." Sinuklay niya ang buhok gamit ang kamay na may sigarilyo. "He always puts himself in dangerous situations. Wala namang sinusunod 'yon, maski si Daniel di niya sinusunod."

May itim na hoop piercing pala siya sa kaliwang tenga.

"Baka nga sa Araceli na 'yon tumira magmula ngayon." Humalakhak siya. "Ready na ba kayo para bukas? Di tayo male-late sa flight, ah. Walang iwanan."

Natawa rin ako bago tumango. "Kaonti lang naman ang dadalhin ko."

I told him a few of my concerns, aside from the vehicle that we're going to use. Tumawag na raw sa kan'ya si Kuya Thunder para bigyan ng go-signal na gamitin ang mas maliit na yate dahil dala raw niya ang malaki.

"Mukhang di na babalik," ang komento niya.

There was a nudge in my heart to ask more.

"Madalas ka ba sa Araceli?"

"Wha' you think?" Nanghahamon ang tingin niya sa 'kin. "Ang dali sa 'kin na magpabalik-balik do'n, kita mo nga't ihahatid-sundo ko pa kayo. Pero ang kaibahan namin ni Thunder, umaalis-alis ako. E siya?" He shrugged.

Suddenly, he doesn't appear friendly anymore. Maybe he's keeping a mask just like his friends.

Nag-iwas ako ng tingin. "Akala ko simpleng isla lang."

"Yeah, sa mga hindi nakaaalam. Tourist spot nga 'yon, di ba? Great front. But you know—politics. Hindi naman mawawala 'yon. Nagkataon lang talaga na si Thunder..."

Hindi na niya tinuloy, pero may hula ako sa gusto niyang iparating.

"Questions?"

Napalunok ako, nag-dadalawang isip kung magtatanong pa.

But curiosity got the best of me.

"Kuya Thunder said he needs an alibi to go to Araceli. Is that the same with you?"

His growing smirk throughout my sentence bothered me. Parang hindi nakabunton sa 'kin ang iniisip niya dahil may kakaibang dating ang galaw niya.

"Isipin mo na lang na para makapunta sa ibang bansa, kailangan mo ng Visa. Pa'no ba nakukuha 'yung Visa? Documents. Sinong may kailangan ng documents? 'Yung tao." Nagbuga siya ng sigarilyo. "That should give you the best hint."

Napabuntonghininga ako sa nararamdaman.

This issue with Araceli is frustrating and overwhelming. May parte sa 'kin na gustong magtanong pa, pero mas malaki ang parte na nagsasabing hindi ko na kailangang sumali pa.

Ishid and I talked a few more before we parted ways. Sakto naman ang pagdating ng hinihintay niya na si Daniel daw, ang bubuo sa trio nila ni Kuya Thunder.

I couldn't see much of his features because he was wearing a cap, but he had the same intimidating aura. Si Ishid lang talaga ang magaan ang aura sa kanilang tatlo.

* * *

When I told Rayleigh about what will happen in the next days, she threw me a question of, "Alam ba na 'to nina Ate Kamila at Kuya Malik?"

I answered her that Kamila knew what I was planning, but not the entirety of it. I just told her that I have a job to finish and might be gone for a month with no contact. She understood and told me to take care and contact her once comfortable.

"E pa'no si Kuya Malik?"

"We're not friends anymore." Pinuno ko ang bibig ng salad para hindi na magsalita pa.

As usual, lunch is the only time we're able to catch up and hang out with each other. Nakwento ko rin naman kay Papa na may pupuntahan ako para sa trabaho, sinabihan lang niya 'kong mag-ingat.

"And? What are you going to do after that, ate?"

Nagbuntonghininga ako. "Binigyan ako ng one-month leave. I'm surprised they granted it."

"Baka bonus sa 'yo kasi malaking bagay na 'yung ginawa mo," pangangatwiran niya.

Katulad ng nakasanayan ay maikli lang ulit ang naging usapan namin ni Rayleigh. We do chat over the phone, but I was too busy lately to immediately reply.

Umuwi agad ako pagkatapos naming magkita.

Dumiretso ako sa lamesa kung saan nakalagay ang files tungkol kay North. I looked at her picture again and sighed when my eyes started to swell.

I am happy but a bit envious because he found her alive. Kung gano'n din kaya ang kay Mama, gan'to ba ang kalalabasan namin ngayon?

I pitied myself because aside from being cruel, I had become selfish.

Mabilis kong pinalis ang nagsituluang luha. Maingat kong ibinalik ang mga papeles sa loob ng envelope na may pangalang NORTH.

Once they meet, I will burn these documents. Sang-ayon si Kuya Thunder sa desisyon kong 'yon at siya na raw ang bahala mag-explain kay Yuan. Panigurado naman daw na magkikita sila sa isla.

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame, naghahanap ng sagot sa lahat ng nararamdaman ko.

I have planned everything out.

Go to Araceli. Make Yuan and North meet.

Then disappear from them for one month, or until I come into terms with myself. Posible ko bang magawa 'yon sa loob ng isang buwan? Isama pa na bahagya kong kinokonsidera ang ideya ni Kuya Thunder tungkol sa closure ng pamilya namin.

I sighed heavily and tried to remove it from my mind. Inabala ko ang sarili sa pag-aayos ng gamit dahil bukas na ang flight namin.

Kinabukasan ay tumagpo ako sa parking lot ng building nina Yuan dahil sabay kaming pupunta sa airport. Kasama namin si Ma'am Greta at ang driver nila.

Napag-usapan na rin namin ni Ma'am Greta ang setup noong isang araw.

Wala nang poproblemahin pa bukod sa pagtatagpuin si Yuan at North. Pinili rin niyang huwag alamin ang buong detalye tungkol sa kaso ni North at nagtanong lang kung saan at kailan tatagpuin.

I was nervous the whole ride to the airport. Si Yuan naman, tahimik, walang malay sa mangyayari kinabukasan.

Nauna akong lumabas ng sasakyan, sunod ay si Ma'am Greta pagkatapos sabihan si Yuan na huwag munang bababa. Narinig ko pa ang reklamo niya bago tuluyang sinarado ang pinto.

Marahan akong hinila ni Ma'am Greta papalayo sa van. Nang makuntento ay tsaka lang nagsalita.

"Alam na ba ni Sally ang gagawin mo?"

Humugot ako ng malalim na hininga. "Yes po, I have arranged and settled everything for airing. Naibigay ko na rin po 'yung files, good for three episodes, from what she had asked from me."

There were last minute adjustments for the project, but I'm glad that everything went through. Nahirapan pa nga akong maghanap ng iba pang tao para sa documentary ngunit nagawan ko naman ng paraan.

It was worthwhile because it took my mind away from the case of North.

Tumikhim siya. "Pero itong gagawin mo, alam ba niya?"

I was mum.

Ibinaba ko ang suot na sumbrero ni Yuan. Mabuti nalang at medyo madilim pa kaya hindi halata ang pagiging kabado ko.

"One-month lang naman po akong mawawala..."

Nag-aalala ang mata niya. "I am actually concerned about this whole public flying, pero we can't help it, tama ba, hija?"

Tumango ako.

May nabuo na kaming plano ni Ma'am Greta nang malaman na kailangang mag-eroplano muna papuntang Puerto Princesa. Pero naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya maiwasang mag-alala.

We tried to utilize the airline of Cloud's family, but they're still applying for the Puerto Princesa route which is why it's impossible. Hindi rin sang-ayon si Yuan na manghiram ng private jet dahil hindi 'yon rasonable.

"We'll try our best to be discreet po."

"Okay, sige. Aantabayanan namin ang media." Malungkot siyang ngumiti bago tapikin ako sa balikat. "Thank you for letting me know, hija. Hihintayin ka namin pagkatapos ng isang buwan. Pero kung gusto mo namang mag-resign sa trabaho mo sa STATION... baka pwede nating pag-usapan 'yan."

Ngumiti ako at niyakap siya. Nagpaalam na rin dahil nakatanggap ako ng text mula kay Ishid dahil nasa loob na raw siya.

Sasama pa sana si Ma'am Greta pero pinigilan siya ni Yuan. Baka raw mamukhaan ng iba at dumugin sa loob ng airport.

"At para namang hindi ka makikilala sa suot mo?"

He wore a white printed shirt, dark jeans, and an Adidas Gazelle.

"Di yan," saad niya bago magsuot ng cap at mask. Napunta ang tingin ko sa charm bracelet niya.

I was nervous when we got inside the airport. Baka mamaya ay may lumabas na issue tungkol sa babaeng kasama ni Yuan. Baka rin mamukhaan nila dahil pamilyar sa anyo ng katawan at sa pabangong ginagamit.

Ishid was chewing a bubblegum when we saw him. Pare-pareho kaming may gym bag bilang hand carry. May dala rin akong shoulder bag bilang lalagyan ng gamit.

After I introduced them to each other, we made our way towards the check-in lane. Kabado ako sa durasyon na 'yon hanggang sa makarating sa immigration kung saan mas marami ang tao.

"Di ka nila nakilala?" tanong ko nang makalagpas ng immigration. Napansin ko kasing ibinaba niya ang mask niya.

Umakbay siya sa 'kin at nagkibit-balikat. "Nanghingi ng picture do'n pa lang sa pagbabayad ng tax, pero autograph lang binigay ko. Di naman ako nakilala nung immigration officer."

We waited for a few hours at the gate. Sa may pinakadulong upuan kami pumwesto habang naghihintay para hindi agaw atensyon. Bahagya na nga rin akong nag-aalala dahil baka may makakilala, pero parang wala lang kay Yuan.

I think he's enjoying this public travel the most. May gana pang humilig sa balikat ko, hawakan ang kamay ko, at nagpanggap na natutulog. Pasimple pang hinahawakan ang bewang ko para mas maayos ang pwesto.

Si Ishid naman, hindi ko alam kung nasaan. Dadating pero biglang mawawala. Mabuti nalang at nakabalik kaagad bago mag-board ang eroplano.

I do enjoy traveling, but going with a famous individual?

Hindi ko na pangangarapin pa ulit.

* * *

We spent a lot of hours travelling. Pagkatapos naming dumating sa Puerto Princesa airport ay nag-taxi pa kami papunta sa Roxas Port. Doon daw kasi nakaparada ang yate ni Kuya Thunder.

Sumunod kami kay Ishid papunta sa padulong parte ng port. Marami-rami na rin ang tao ngunit abala ang lahat. May mga sasakyang nakapila papasok sa isang barko. Mayroon ding mga tindero na nagsisigaw ng ibinebenta.

"Sa'n mo siya nakilala?" mahinang tanong ni Yuan habang may kinakausap na staff si Ishid. Pumipirma yata siya ng papel.

"D'yan-d'yan lang."

"That does not comfort me." Sumimangot siya.

Tinagpo ko ang tingin niya. "Just trust me."

He sighed and put his arm over my shoulder before he fixed his cap. Humampas na naman sa ilong ko ang vanilla niyang pabango. Dumidikit na nga rin sa 'kin ang amoy na 'yon.

"Tara na." Ishid gestured his head towards the direction of the yacht. Bahagya ko nang natatanaw ang yate dahil mag-isa lang siya sa pwesto.

"Akin na 'yung bag ko." Kinuha kasi kaagad niya ang gym bag ko pagkababa.

"Di mabigat. Hayaan mo na."

I sighed as a sign of defeat.

Nauna kaming pinasakay ni Ishid sa puting yate.

Covered ang control booth sa baba na may upuan na may kutson sa magkabilang gilid. May maiksing metal ladder naman sa taas para makapunta sa parang terrace. Dahil open area iyon ay may kulay asul na panabing para pwedeng tumambay kung uulan. May upuan din iyon ngunit walang kutson.

"Di siya masyadong kumportable, ah. Tiis-tiis nalang kasi ilang oras biyahe. Dala kasi ni Thunder iyong malaki."

"Thunder?" Kunot ang noo ni Yuan.

"Tanderz. Tanda. Lolo ko," agap niya. Nakahinga ako nang maluwag.

"Ah, this is not yours?"

"Oo, hindi. Hiniram ko lang kasi naghahanap siya ng ma-re-rentahan." Nginuso niya ako.

"Sa'n kayo nagkakilala?" naging suplado ang tono ni Yuan.

"Sa FB Group. Yacht for Rent? Di ba?" pagsisinungaling niya bago tumingin sa 'kin.

Mabilis akong tumango. Sinimulan na niyang paandarin ang yate.

"Pwede bang umakyat?" tanong ko.

"Go, anak. Do whatever you want."

Napailing nalang ako bago magpunta sa ladder. Naramdaman ko ang pag-alalay ni Yuan sa bewang ko. Nang tuluyan akong umakyat ay sumunod din siya.

Napakunot ang noo ko. "Bakit?"

Napakunot din ang noo niya. "Anong bakit?"

"Ba't ka umakyat?"

"Ikaw lang may karapatan?" natatawa niyang sabi bago hilahin ako paupo sa tabi niya. Nakaakbay siya sa 'kin kaya amoy na amoy ko ang pabango niya. "Ilang araw nga ulit tayo, Tana?"

"Three days and two nights. Settled na rin ang accomodation."

He nodded with a pout. "Araceli... nagpunta na rin daw sina Elg do'n dati. Are you going to swim?"

"Swim?" Nang tinagpo ko ang tingin niya ay lumakas ang tibok ng puso ko. "Wala akong dalang pang-swimming."

Humalakhak siya. "Then, what are you going to do? Tititig?"

Napaiwas ako ng tingin. "I'm not sure..."

Wala sa isip ko ang magsaya dahil si Yuan at North lang ang nasa isip ko.

He nodded and he leaned his head towards me. "Hanap nalang tayo ng ibang gagawin mamaya?"

"We'd be too tired to even move," pangangatwiran ko.

"Let's rest today and go out tomorrow."

Ipinikit ko ang mata bago nagbuntonghininga.

I hope I can still rest tomorrow.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro