Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 29

Kabanata 29

Probinsiya

Nagising ako sa tawag mula sa cellphone.

Nairita ako dahil una, ilang linggo akong puyat at ngayon lang ako nakahabol ng tulog. Idagdag pa na kapipikit ko lang ng mata at may tumatawag na agad sa 'kin!

What pissed me off more is that it's Yuan, and he told me to let him in!

Let him in where? Sa unit ko raw kasi nando'n siya sa labas!

Now it made me rethink about my decisions regarding him. Sana pala hindi nalang ako "nakipagbati" kung gagantuhin lang niya ako.

Napabangon ako mula sa kama at nakasimangot siyang pinagbuksan ng pinto. Balot ako ng kumot dahil suot ko ang pantulog.

"What is—"

"Tana, want to go away with me?"

Napakurap-kurap ako. "Ha?"

"You're my PNP..." Tumigil siya. "Samahan mo 'kong umalis dito sa Pampanga."

"Ano?!"

Bahagya siyang ngumuso. "Samahan mo 'ko sa Nueva Ecija. May pupuntahan ako."

Marahas akong umiling. "No!"

"Dali na..." He pouted. "You can easily protect me from any news when I'm with you there."

Inirapan ko siya at nilakihan ang bukas ng pinto. Pumasok kaagad siya at nagdire-diretso sa sofa.

"Bibisitahin ko lang si lola."

Muntik nang mahulog ang puso ko nang makita ang malinis kong lamesa. Mabuti nalang at itinago ko ang mga papel sa kwarto.

Naningkit ang mata ko nang makitang may dala siyang backpack.

Inayos ko ang kumot sa katawan. I was wearing a thick floral sleepwear, but I was not wearing any bra so...

"At kailan mo lang naisipan?"

He pretended to think. "Just an hour ago."

"And you didn't even tell me your plans?"

"You're always in my plans." Umirap ako. "I'll give you an hour to prepare your things. Gusto mo bang tulungan pa kita?"

Nananantiya ko siyang tiningnan. Bakit ang dating ng tono niya ay parang ako pa ang may atraso? Na, pasensiya na, hindi agad kita nasabihan na aalis tayo pero bibigyan kita ng isang oras para mag-ayos ng gamit.

Napairap muli ako bago siya inismiran. Tiningnan ko mula ulo hanggang paa, inirapan, bago dumiretso sa kwarto.

Working closely with him for a few months now, I know how to forfeit, but not accept defeat, because those words are always different for him. I forfeited because I had no choice—because I couldn't raise an opportunity to raise my opinion. He always wins.

Just like now.

"Ilang araw?" I shouted from my room.

"Matagal na 'yung three days, one night."

"At paano ka napayagan ni Ma'am Greta?"

"I'm her favorite." Napalingon ako nang lumapit ang boses niya.

Sininghalan ko siya nang makitang nakasandal sa barandilya ng pinto. Nakahalukipkip pa, manghang-mangha habang pinanonood akong maglagay ng gamit sa bag.

"Kaamoy mo kwarto mo." My heart dropped when he started to walk around.

"You are creepy and disgusting," I said, pleading for his attention.

My eyes immediately drew towards my table.

Do not go near the table, Yuan, I almost hissed. He shouldn't interest himself in it.

Maayos naman ang mga papel ko sa lamesa. Nga lang, baka buksan niya ang folder at bumungad ang pangalan do'n. Bahagya pa namang hindi natatakpan ang nakasulat sa likod ng brown envelope—ang letrang 'N' ay nakadungaw.

"Ang dami mong papel."

I acted as if I was still fixing my things when he looked at me. Lumalapit na siya sa lamesa.

"Y-Yuan," I called when I saw how the table interested him. "Magdadala ba ako ng stuffed toy?"

Tumaas ang dalawa niyang kilay, ang masungit na mata ay lumiwanag. "Stuffed toy?" Natatawa siyang umiling. "Ikaw bahala. Baka kailangan mo ng dantayan, ako nalang dantayan mo."

I rolled my eyes and wrapped up my bag. Pinalayas ko na rin siya sa kwarto dahil gagayak ako.

Nagpakawala ako ng hininga, ang kamay ay nasa doorknob at nasa likod ng pinto.

That charm on his bracelet always gets me. Nababagabag ako.

I wore a white shirt, maong shorts, and paired it with my sneakers. Aabutin ko na sana ang susi ng sasakyan pero pinigilan niya ko.

"My car. Akin gas tsaka tollgate."

I let out a sigh. "I won't drive?"

Ang titig niya ay nagtagal, may kinikilatis yata sa mukha ko.

His index finger caressed my under eye. Bahagya akong nakiliti dahil dumampi iyon sa pilikmata ko. "Oo, nangingitim na, o."

Umirap ako habang pinapatag niya ang kunot sa pagitan ng kilay ko. Ang kamay niyang 'yon ay pumulupot sa balikat ko, hinihila ako papalapit sa kan'ya. Naamoy ko ulit ang vanilla niyang pabango.

"YPP," he said.

Sinulyapan ko siya. Nakangiti naman niyang ibinalik ang tingin.

"Yuan's Passenger Princess."

Nang umirap ako ay tinakpan niya ang mata ko. Humaplos ang hininga niya sa mukha ko, senyales na mas lalo siyang napalapit.

"Stop rolling your eyes, Thomasina. Mahulog 'yang mata mo."

I removed his hands from my eyes and saw that, he is, in front of me. Kung kanina ay nasa gilid ay halos magkadikit na kaming dalawa.

I pushed him a little when my heartbeat rose. He backed away, yet he didn't remove his arm around my shoulders.

"Mas madalas kang umirap kaysa sa 'kin," I told him.

"Yet you didn't cover my eyes," he replied.

"Because I don't see the need to?" balik ko. "Ikaw lang naman 'yung kung ano-ano ang ginagawa sa 'kin."

"Like what?" he asked, a ghost of a smile on his lips.

I was about to roll my eyes again when he gave me a knowing look. Inalis ko nalang ang braso niya sa balikat at pinagpapatay ang mga ilaw sa unit. Siya naman, iniikot na naman ang tingin sa paligid at pahuli-huli pa nang lumabas ako.

"Wear your cap properly," paninita ko nang ibinaba ang sumbrerong suot niya gamit ang dulo. Nagpakawala siya ng maliit na reklamo bago sumunod sa 'kin.

Hindi na 'ko nagreklamo nang kinuha niya ang gym bag ko na naglalaman ng damit dahil sukbit ko ang laptop bag. Mabuti nalang at wala kaming nakasalubong pababa dahil madaling araw din naman.

When we got to the basement parking, nang-aasar niyang ginaya ang paglalakad ko. Ang bagal-bagal ko raw.

"You're taller and you have longer strides, okay?" pagkaklaro ko, nakasimangot.

"Okay," parang bata niyang sagot pero ginagaya pa rin ako.

Hindi ko alam kung pagbawi ba sa pang-aasar niya ang pagbukas sa 'kin ng pinto ng Mustang niya.

Amoy leather.

Nang maayos niya ang gamit sa likod ay pumwesto siya sa driver's seat. Tumingin siya sa 'kin habang wina-warm up ang sasakyan.

"Nasa passenger seat ka," hindi niya makapaniwalang-sabi.

"Sa hood ba dapat ako pumwesto?" sarkastiko kong sagot habang maingat na nagsusuot ng seatbelt.

He touched his chest. "Dito sa... well, you're always here so..."

Hindi na niya itinuloy ang sinabi at nagsuot na ng seatbelt. Pamaya-maya pa ay pinaandar na ng sasakyan.

Bago ako matulog ay sinigurado kong walang makagagasgas sa leather seat ng sasakyan. I practice the same care, attention, and carefulness with my car and treated his car as mine.

Besides, it should be the standard—ingatan ang sasakyan ng iba dahil nakisasakay ka lang. Palaging nag-iingat sa pagbubukas at sara ng pinto, tinitingnan kung may madadali ba paglabas o wala.

I fell asleep with my hands to myself. Baka kasi mamaya, paggising ay nagasgas na pala ng relo ko ang upuan. Hindi ko alam kung gaano kaarte sa sasakyan si Yuan, pero nakasisiguro akong itatapon niya ako sa highway kung mangyayari 'yon.

Bahagya akong napamulat-mulat at nakitang nasa NLEX na kami, sunod ay pag-exit, at sunod ay sa daan kung saan may mga tricycle na. Ang pinal na gising ko ay nang tinapik niya ang pisngi ko, sinasabing nandito na kami sa bahay ng lola niya.

I blinked and felt a weight on my arm. Tinakpan niya pala ako ng jacket niya kaya amoy na amoy ang pabango.

"Ikaw ba naglagay nito?"

"Di ah."

I'm not sure if he's telling the truth, but I couldn't remember that I asked for his jacket.

Umayos ako ng upo. "Ako nalang sana pinagbukas mo ng gate."

"Pwede namang ikaw ang magsara," pilosopo niyang sabi bago lumabas ng sasakyan.

Ayan na naman siya.

I fixed myself and went out to greet his grandmother. Malamig ang hangin para sa alas syete ng umaga. Medyo maulap pero sumisilip ang araw sa likod ng mga iyon.

Sinundan ko si Yuan na nagmamano sa lola niya. Lumabas sa isang bahay ang isang bata na naka-school uniform. Nang makita niya akong naglalakad ay tinuro niya 'ko.

"Uy, may artista!" tuwang-tuwang sabi ng bata at naglakad papalapit sa 'kin. Katamtaman ang taba ng bata. Medyo bilugan ang mukha at mata, at tirik-tirik ang buhok.

"Hindi ka pa nagsusuklay! And'yan ba ang Kuya Yuan mo? Dalian at male-late ka na!" Ang boses ay nanggagaling sa loob ng bahay.

"Eight pa klase ko!"

I blessed and smiled at Yuan's grandmother, who was shorter than me. She smiled back, and it was warm and welcoming. Pinababata siya ng ngiti niya na mukhang madali niyang naibibigay kahit sa bagong kakilala.

"Ay, o? Girlfriend 'yan ng Kuya Yuan mo?" tanong ng matandang babaeng malakas ang boses kanina. May bitbit siyang payong. Ihahatid niya yata ang batang nakangiti pa rin sa 'kin.

"Hindi po, crush ko 'to!" sagot ng bata.

Nagtawanan sila. Nang mapalingon ako kay Yuan ay nagliwanag ang mukha niya.

"Hello, hija."

"Hello po," bati ko pabalik, nahihiya.

"Crush ko 'to! Kita ko 'yan sa TV minsan," proud na sabi ng bata at nagtaas ng kamay. "Apir tayo, crush! Di ko tanda pangalan mo, e."

Napangiti ako bago nakipag-apir. "Ta—"

"Tamara." Si Yuan.

"'Yun!" Nag-pogi sign siya. "Ayos. Ay, crush, alam mo ba may exam ako mamaya? Ma-pe-perfect ko 'yun kung iki-kiss mo ko sa pisngi."

"Nako, Grade 4 ka pa lang, Kurt, pero maporma ka na!" natatawang sabi ng matandang babae. "Halika na at 'wag mo nang pormahan 'yang girlfriend ng Kuya Yuan mo!"

"Hug nalang," nag-aalangan kong sabi.

"Sige, pwede na."

Niyakap ko si Kurt bago nagpaalam sa kan'ya. Tuwang-tuwa naman siya habang naglalakad paalis kasama ang matandang babae.

"'La, si Tamara po," pakilala sa 'kin ni Yuan sa lola niya.

"Girlfriend mo?"

Mabilis akong umiling. "Ah, hindi po."

Napansin niya yata ang pagtingin ko kay Yuan kaya bahagyang natawa. "O, siya. Tara't mag-umagahan muna kayo."

Sinundan ko sila papasok ng bahay. Malawak iyon at isang palapag lang. Ngunit may nasulyapan akong hagdan na may iilang baitang at may maliit na hallway. Mukhang patungo sa mga kwarto, kaya parang may second floor.

Pagdating sa likod ay nando'n ang lolo ni Yuan. Katulad ng lola ay bumabata rin ang itsura ng lolo niya kapag ngumingiti. Malakas rin ang katawan dahil malayang nakagagalaw. Siya ang kumukuha ng kung ano-ano sa likod.

Maaliwalas at malawak ang kusina. Sa kaliwa ay kitchen counter, sa kanan ay ang dining table, at papunta sa gitna ang dirty kitchen. May isa pang pinto, mukhang para sa banyo.

Pabilog ang makintab na lamesang kahoy. Maraming pagkain ang nakalagay sa babasagin na lazy susan. May mga plato ring nakalagay sa lamesa.

Pinauupo na nila kami para kumain, pero nahihiya pa ako. Ipinaghila pa ako ni Yuan ng upuan. Napansin iyon ng lolo niya kaya lalo akong nahiya.

"Girlfriend mo ba 'yan, Yuan?"

"Nako, tinanong ko na 'yan kanina—girlfriend mo ba 'yan, eka? Siya na nagsabi na hindi."

"Nililigawan?"

Umiling ako. "Kaibigan lang po."

"Ah, ka-ibigan?"

Bahagya akong natawa at umiling. "Friends po, friends."

"E ba't nakasimangot yata 'yung apo namin sa sagot mo."

Sinilip ko si Yuan na nagsasandok ng pagkain. Bahagya ngang nakakunot ang noo niya. May kaonting umbok sa ibabaw ng labi, ibig sabihin, nakanguso.

"Kain na po kayo, 'lo," ang sabi nalang niya. Narinig ko pa ang pagbuntonghininga nang lagyan ako ng kanin sa plato.

* * *

Nang matapos mag-umagahan, habang nagkukwentuhan si Yuan at ang lolo niya, ay tuwang-tuwa namang nagpakita ng album ng baby picture ang lola niya. Dumaan sa isipan ko ang nakita kong litrato sa wallet ni Yuan.

"Napakagwapong bata," natutuwa niyang sabi habang naglilipat ng pahina. "Kamukha ang tatay, 'yung isa ay kamukha ng nanay."

"Po?"

Bahagya siyang gulat nang tagpuin ang tingin ko. "Ah... wala, hija."

'Yung isa.

The guilt is making its way to my throat. Gusto kong masuka sa pinaggagagawa ko.

"Singkit po ang mata niya mula pagkabata, ano?" saad ko habang tinitingnan ang mga litrato, iniiba ang usapan.

I don't know why I couldn't stop.

"Oo. Tingnan mo 'to, kahit mataba na ang pisngi at bilugan ang mukha e singkit pa rin."

Nang magtanghalian ay tumulong ako sa pagluluto. Nangunguha ng ilang panggatong si Yuan para daw sa chicken honey habang tumutulong ako sa paghihimay ng katuray.

"Kumakain ka ba nito, hija?" tanong niya habang naggagayat ng pulang itlog. Nakapila naman ang kamatis tsaka sibuyas.

"Nilalaro lang po namin noong bata. Ngayon ko lang po nalaman na pwedeng kainin," sagot ko.

"Masarap 'to sa pritong ulam, tapos may suka ito, naku! 'Pag umuuwi nga si Yuan e lagi kong inihahanda 'to kasi walang gan'to sa Manila. Tapos 'yung chicken honey e ipapartner mo sa chicharon d'yan sa kanto. Ayun lagi pauwi ko sa batang 'yan, e."

Wala akong maisagot kun'di tango, pero interesado ako sa mga naririnig. Bumibisita naman kami sa mga lolo't lola ko noong bata ako, pero hindi gan'tong "kakaiba" katulad ng kay Yuan—iyong may kakaibang pagkain at kung ano-ano pa.

O baka kakaiba naman talaga ang amin, talagang nasanay lang ako sa kulturang nando'n kaya hindi na bago sa paningin.

"Mahilig ka ba sa pagkain, hija?"

"Ah, opo," nakangiti kong sagot.

"Magugustuhan mo 'tong chicken honey, sa kahoy namin niluluto para malambot at 'di aksaya sa gas. Good cull 'yung gamit na manok na dito lang din nabibili. Tapos lalagyan mo ng pineapple juice, mga pangpalasa, toyo, asukal. Tapos 'yung guya ng manok isasama mo. Paborito rin 'yun ni Yuan."

"'La, okay na po. Pwede ka na magluto," pagsingit ni Yuan na naka-sando't cotton shorts na.

"O, suot mo pa rin pala 'yang bracelet na bigay ko," sabi ng lola niya. "Di mo pa rin ba nakikita?"

Naramdaman ko ang tingin sa 'kin ni Yuan. Umakto akong abala sa paghihimay ng katuray.

I didn't hear his reply. Baka tumango o umiling nalang siya. Hindi na rin naman nangulit pa ang lola niya dahil umalis na't nagpunta sa likod.

"Lola mo pala nagbigay n'yan kaya favorite mo?" tanong ko nang lumapit siya sa 'kin.

Kakaiba ang tingin niya sa 'kin—nagmamaang-maangan ba si Tamara o wala talaga siyang alam?

"Oo," tipid niyang sagot at naggayat ng kamatis.

Hindi ko maiwasang tingnan ang charm ng bracelet niya.

Red arrow...

My heartbeat started to pace up. My breathing almost hitched—a reminder that what I would say would be too invasive.

And if I did say, then he'd know that I was taking a hint.

Ayaw mong ipaalam 'yon kay Yuan, 'di ba, Tana?

But the word left faster than I could imagine.

"North."

Nanigas si Yuan. Naramdaman ko na ang titig niya kaya tinagpo ko.

Malamig.

Na para bang na-offend ko siya.

Nilabanan ko ang tingin niya na biglang naging kakaiba ngayong araw. Para bang pinahihiya ako at ipinaaalam na masyadong nakapamiminsala ang tanong ko.

Ibang Yuan ang nasa harapan ko ngayon, at nagigimbala ang mga emosyon ko.

"G-Gusto mo ba 'yun? North?"

"North?" nang-uuyam niyang bigkas. "Do I like 'North' that much? Alam mo ba 'yang sinasabi mo?"

Right¸ I offended him this much. I could the anger seething from his tone.

Nagbaba siya ng tingin. "Yes, I like North Luzon."

Tama na, Tamara.

But I don't know why I want to press further.

"Naisip mo na bang ipa-tattoo 'yon?"

"'Pag nahanap ko na."

Our stares weighed on each other.

I want to ask. I want to ask. Nasa dulo na ng dila ko. Binabalot na rin ako ng kaba. Lakas ng loob nalang ang kailangan.

"Nahanap ang alin?" Babae?

Tamara.

Really?

What is with me today? Is it the new environment? Is it the warmth of his grandparents? Is it about seeing another side of Yuan?

What happened to my dislike of invasive questions and the general thought of it? Nagbago na ba ang pananaw ko ngayon?

His jaw tightened. Natagalan ang pananahimik niya. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pa at mag-wo-walk out na sa inis.

But he spoke.

"Sabi... kapag nakaturo ang compass sa north, iyon daw ang tamang daan. Pero, paano kung wala kang compass? Paano mo hahanapin ang norte?"

Are we thinking of the same thing? Are we searching for the same thing? Maybe what he's saying is a metaphor? Maybe North isn't the end, and the North is the end?

"Singkit ka noong bata, hindi bilugan ang mata," makahulugan kong sabi, hinuhuli siya.

Nananantiya niya akong tiningnan, dumidilim ang mata. "Pinakita sa 'yo ni lola?"

He trusts me, but he does not trust me with this. And he's correct with the decision.

"At... kamukha ng nanay mo 'yung..."

He saw how my eyes drifted to his wallet on the table. Iniwan niya 'yon do'n nang kumuha ng pera kanina.

"Kamukha ko ang tatay ko, Tana," nagtitimpi niyang sabi bago kuhanin ang wallet at isinuksok sa bulsa.

Just when I thought that I was done with my job, he proved me wrong.

Mukhang mali yata ang tinatrabaho ko.

* * *

The rest of the day, that thought weighed on my mind.

About North. About the bracelet.

Yuan, in general.

Ako:
Kuya, are you sure he's searching for North and not the north?

The lack of response from Kuya Thunder made me more anxious.

Naiintindihan ko naman na alas onse na ng gabi at baka tulog na siya. Gusto ko lang talaga maialis sa isipan ang bagay na 'yon, pati na rin ang paghahanap kung may kapareho ba ako ng iniisip.

What if Kuya Thunder got it wrong?

Kung mali iyon...

"Tana..."

Malamig ang simoy ng hangin, pero may mas ilalamig pa ba sa boses ni Yuan ngayon? Ang tono niya ay parang may nagawa akong masama.

I hate it. I don't want to face him because he's a few inches from knowing the truth. Iyong nasa kwarto ko, itong pagdidiin ko sa issue sa bracelet niya, ang panghihimasok ko.

I know that it will take a few more days before I'll see the betrayal on his face. And once I see it, I am prepared for what I hear.

You are a fraud.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakaupo ako sa terrace nila, nagpapahangin sa labas.

"Yuan," I murmured, my heartbeat a bit fast. "Bakit gising ka pa?"

"I can't sleep."

"Same," sagot ko at ibinalik ang tingin sa langit. Because I couldn't bear the guilt.

"Kantahan nalang kita."

Humalukipkip ako nang humampas ang malamig na hangin, bahagyang giniginaw.

Pero hindi ko na yata kakailanganin pa ang init ng kamay ko.

Tumabi na siya sa 'kin.

"Why me?" I met his stare.

"Just listen."

No. It might make me feel more.

Pero, sige, para kay Yuan.

"So, I wrote this song 'cause I'm not good with words..."

Bawat patak ng boses niya sa arko ng salita ay ang pagkalagot ng hinininga ko. May hinuhugot ang boses niya mula sa dibdib ko. Ipinararamdam na ang emosyon niya ay emosyon ko rin.

Ang hinahangad niya ay hinahangad ko rin.

"But I know we could make this work..." Humarap siya sa 'kin. "You have my heart, you have my heart..."

At ang pagbanggit niya sa mga salita ay mas lalong nakamiminsala. Hinihimay-himay ang mga letra para gumawa ng emosyon, na kung sino man ang makaririnig ay dadalhin iyon hanggang sa pagkamatay.

"I promise I won't let you feel alone..."

Yuan, you're yearning for something, aren't you?

"Though all the world can be so cold..."

Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa hita ko.

"I'll keep you warm, I'll keep you warm... Just let me in..."

I bit my lower lip. "It's..." Nahigit ko ang hininga.

Bakit gusto kong umiyak?

"Do you know the song, Tana?" His voice was very careful and warm. I could even feel his stare at me, but I couldn't look at him anymore.

Mabigat pa rin ang dibdib ko dahil sa kinanta niya. "No..."

"It's 'Love' by Nathan Wagner," he said.

With my peripheral, I saw him smile.

I gathered the courage to look at him in the eyes. "You have a nice voice, Yuan."

"It's not cold?" Parang bata na naman siya habang nakatingin sa 'kin.

I remembered his story about his voice, which is why I didn't know what to say.

I sighed. "Yuan, you've talked about this—"

"Alam ko."

Nang hindi niya ako tinantanan sa paninitig ay tanggap ko na.

He wanted to hear something from me, but he couldn't bear being vocal about it.

"I don't know if I told you before, but your voice is unnerving," I started. "Unnerving in a way that I could intensely feel the emotions when you sing. Parang ang bigat-bigat sa dibdib tuwing naririnig kong kumanta ka, and it means that you're a very, very good singer."

Even if it was a bit dark, I could see his smile. "Pwede ka bang kuning judge sa singing contest?"

Bahagya akong natawa. "I'm not qualified for it."

Nang hindi na siya magsalita pa ay tumingala ako sa langit.

Dumaan sa isipan ko ang oras na isinara ko ang gate dahil papaalis si Mama para sa documentary project niya. Binalot ako ng sakit dala ng memoryang 'yon.

The gate... the red trail light... my mother's smile as she waved goodbye to me...

Then her coffin.

Your mother is dead.

"Musta na nga pala research mo?"

Humugot ako ng hininga. "Patapos na."

"Did the vacations help in brainstorming?"

Why did he sound a bit vulnerable?

Si Yuan muna ang alalahanin mo, Tamara. Mamaya na ang sarili mo.

"I really couldn't take a break. 'Yung isip ko nasa project ko, katulad ngayon..." nasa harap ko 'yung iniimbestigahan ko.

It's not even investigating—I'm helping, which sounded hypocrite because it does not look that way. Ni hindi ko nga alam ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang ginagawa ko.

Betrayal, guilt, pain... binigyan ba kita ng permiso na imbestigahan ako? That is too personal, Tamara. Bakit ka ba nangingialam?

"Ano naging qualification mo para malaman sino isasama sa documentary project?" he sounded hopeful which is why it hurt me when I looked at him.

Do you see that vulnerability on his face, Tamara? Naiimagine mo na ba ang mangyayari kapag nalaman niya ang totoo?

"Kung walang mga kaso o mga taong naghahanap do'n... unsolved case pa rin ba 'yon?" Ang tono niya ay naninimbang. "Or if there is someone searching for them, pero pinanghahawakan lang niya na nawawala—di sigurado kung buhay o patay na... would that be an interesting case to your project, Tana?"

"Should missing persons be sensationalized?" malakas ang tibok ng puso ko nang lumabas iyon sa bibig ko. "I-I mean..."

"Oo at hindi," mabilis niyang sagot.

Hindi ko makuha ang kabuoang emosyon na nasa mukha niya. Nangungulila ba siya? May hinahangad na iba?

Nagbaba siya ng tingin. "There are... a lot of depths to documentaries, especially if they are missing people. But if it benefits the families involved, who are we to say something about it? Sensationalize it all you want, but as long as I win, 'di ba?"

I smiled bitterly. "Wouldn't it be too invasive? Kunyari nawawala pa siya. Habang nangungulila ka sa taong 'yon, pinagkakakitaan ng iba 'yung emosyon mong 'yon. Though they are given permission by the family to air it, 'di ba masasaktan ka ulit 'pag narinig mo 'yun? Will that be fine with you, Yuan?"

Maybe I am good at putting up a mask. Acting like I'm asking for their opinion for the sole purpose of it without any hidden agendas.

But the truth? It was for myself.

Kung sa 'kin mangyayari 'yon, na pinayagan kong i-air ang kabuoan ng nangyari kay Mama, ano ba ang dapat kong maramdaman? Na ang istorya ko ay para sa pagkakakitaan ng iba? 

You thought you have moved on, then when the documentary is aired, you realized that you haven't. Gano'n ba ang mararamdaman ni Yuan kung sakaling gano'n ang gagawin ko sa kan'ya?

Delivering news is for everyone's welfare, but documentaries focusing on missing people—with a chance of governing to death—are on the other side.

"If it's the only way to remember, then why not?" was his answer after a few moments of silence.

I see...

I get it, Yuan, I get it.

"Aside from suffering," he started, "is there another way so they could live in our minds?"

"I don't know," was the only thing I could say because my heart was hurting a lot.

He's suffering. I'm trying not to care, but I know I care, and it's the reason why I chose to research things related to him.

Hindi ko 'man aminin pero ramdam na ramdam ko sa dibdib.

"If we act innocent, makatutulong ba 'yon?" tanong ko, malakas ang tibok ng dibdib.

"Act like you don't know, but you know? Know nothing at all? Or know the false truth? Alin ba ang mas okay sa tatlong 'yon, Tana?"

Nagbaba ako ng tingin nang maramdaman ang paghapdi ng mata. "A false truth would be nice..."

A make-believe truth, just like what our family did before.

But it will scar, and it will run deep.

"Aaktong buhay siya kahit baka patay na siya? Parang gano'n ba, Tana?"

"May kapatid ka ba?" Lumabas nalang sa bibig ko.

"Ano?" pabalang niyang sabi.

Nasaktan ako nang tumalim ang tingin niya sa 'kin. "O-Or anyone who was lost because of unfortunate instances."

Matalim pa rin ang tingin niya sa 'kin, bahagya ring dumilim. "My father who died of his sickness."

Nahirapan akong lumunok. "I-If your father was missing, or your sister—"

"Sister?"

"—mas gusto mo bang isipin na nawawala sila kaysa isiping patay na sila? Because if they're missing, there will be a bit of hope, pero kung patay na sila..."

"Ipahahanap ko sa media, gano'n ba?" Naningkit ang mata niya. "Are you investigating me, Tana?"

"No." The lie came out fast. "I'm not investigating you. Bakit ko gagawin 'yon?"

I lost my chance.

The moonlight might be at its peak because I was able to see how different emotions passed his face. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung alin do'n ang pinapayagan niyang ipakita sa 'kin.

"Because that would be too cruel, Tamara. Withholding information that is crucial for me." His voice was full of spite, anger, and remorse.

And it killed me.

"And it would be too selfish for me to ask... na sana... ako nalang 'yung project mo."

Hindi ako makaimik. Kaya ngumiti nalang ako.

Malaki na ang kasalanan ko kay Yuan.

You are a filthy person, Thomasina Razikeen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro